You are on page 1of 3

Philippine College of Health Sciences (PCHS), Inc.

1813 C.M. Recto ave., Manila, Philippine 1015


Tel. No. (+632) 734-0339 t0 40 Telefrax) 736-2433
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

John Mark P. Aron

STEM – 11

Bb. Catherine Belen

“ PERSEPSYON NG MGA TAO SA LIBRENG PAGTUKOY NG SAKIT NA HIV/AIDS ”

RASYUNAL

Bilang estudyante ng isang paaralan ng medisina ay mahalaga na malaman ko ang

persepyon ng ibang tao tungkol sa libreng pagtukoy sa sakit na HIV/AIDS. Ang HIV ay

nagsimula sa Pilipinas noong 1984. Ayon sa DOH ang HIV ay na nangangahulugang Human

Immunodeficiency Virus. Pinabababa ng HIV ang ating immune system, at nagiging mahirap para

sa ating katawan ang manatiling malusog. Kapag ito ay nagpatuloy, maaari itong luminang

bilang Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS). Ang AIDS ay ang malubhang indikasyon

dala ng paghina ng Natural Defense ng tao. Dahil ditto mahihirapang lumaban ang immune

system ng isang tao sa Oppotunistic Infections gaya ng Tuberculosis, Meningitis, Pnuemonia at

Hepatities. Kung kaya’t naisipan kong isagawa ang pananaliksik tungkol sa HIV/AIDS. Dito

aalamin ko ang persepsiyon ng mga tao sa libreng pagtukoy sa HIV/AIDS.


Ayon sa Department of Health – Epidemology Bureau, panibagong 1,006 na kasong HIV

ang naitala noong Hunyo 2019. Nakukuha ang HIV sa pakikipagtalik o unprotected sex. At ang

madalas na nagkakaroon nito ay ang pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki. Maaaring ding

makuha ang HIV kung ang isang bata na galing sa ina habang ito ay dinadala ng positibo sa HIV.

LAYUNIN

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay impormasyon hinggil sa sakit na HIV/AIDS at ang

persepsyon ng mga tao ukol sa libreng pagtukoy nito. Nais makamit ng pag-aaral na ito ang mga

sumusunod na layunin;

 Malaman at maunawaan ang sakit na HIV/AIDS?

 Malaman ang mga maitutulong ng pananaliksik na ito sa ating bansa?

 Malaman ang kaalaman ng mga tao upang maiwasan at maprotektahan ang kanilang

sarili?

 Malaman ang damdamin, saloobin at persepsyon ng mga tao tungkol sa libreng pagtukoy

sa sakit na HIV/AIDs?

METODOLOHIYA

Ang disenyo at pamamaraan ng pananaliksik na aking ginamit ay pamamaraang

deskriptibo. Hindi lamang simpleng deskripsyon ang nakapaloob dito kundi ay ang tama at ang
mga nararapat na datos. Ito ang angkop na disenyo para sa aking pag-aaral sapagkat ang layunin

ko ay malaman ang mga persepsyon at saloobin ng mga tao tungkol sa libreng pagtukoy ng sakit

na HIV/AIDS. Maisasagawa ko ang pagkuha ng datos sa dalawang tiyak na paraan. Una ay

pakikipagpanayam at pangalawa ay ang paggawa ng survey o talatanungan na ibibigay sa mga

tumutugon ng pananaliksik. Sa aking paningin ito ang pinaka epektibo at maginhawang paraan

para makakuha ng impormasyon na pupuno sa pag-aaral. Ito rin ang magpapabilis sa aking

pagkuha ng mga impormasyon upang matapos ang isasagawang pananaliksik.

INAASAHANG BUNGA

Sa katapusan ng aking pananaliksik ay inaasahan kong makuha ang positibo o negatibong

persepsyon at saloobin ng mga tao tungkol sa libreng pagtukoy ng sakit na HIV/AIDS. iIto ang

magsisilbing basehan ng mga tao upang makapag-isip sila ng epektibong paraan para maiwasan

ang sakit na HIV/AIDS.

You might also like