You are on page 1of 2

Ang HIV sa Pinas

Ang isa sa mga di-pangkaraniwan problema ng ating bansa ay ang patuloy na


pagtaas ng bilang ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus o HIV.Kaya naman
nababahala na ang DOH sa pagtaas ng datos nito.Sa isinagawang pag-aaral ng global
AIDS noong 2012, ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa na may mabilis na pagtaas ng
kaso ng HIV. Ano nga ba ang pangunahing sanhi sa mabilis na pagtaas ng bilang ng
kasong ito?

Ayon sa the AsianphParent,ang pangunahing dahilan nito ay ang kakulangan sa


kamalayan ng maraming Pilipino,patungkol sa sakit.Ang resulta nito ay pagdami ng
bilang ng mga Pilipino na nagiging positibo sa HIV. Sa paanong paraan nga ba nakukuha
nakukuha ang HIV?

Batay sa artikulo ng Mediko,ang HIV ang sanhi ng AIDS. Ang virus na ito ay
madalas natatagpuan sa dugo o kaya ay sa iba’t ibang uri ng mga likido sa katawan ng
apektadong tao. Dahil dito, ang virus na ito ay kumakalat sa pamamagitan ng mga
sumusunod:

• Pakikipagtalik nang walang gamit na proteksyon, kagaya ng condom

• Pagsasalin ng dugo ng taong may HIV sa ibang tao

• Paggamit ng karayom pang tattoo na ginamit sa taong may HIV

• Paggamit ng hiringgilya (syringe) na ginamit ng taong may HIV

• Sanggol na ipinanganak sa babaeng may HIV

• Pagsuso ng sanggol sa nanay na may HIV

Bago malamang positibo ang isang indibidwal sa HIV ay makakaranas ito ng iba't
ibang sintomas gaya ng pabalik-balik na lagnat,pulmonya,mabilis na pagbagsak ng
timbang,malabis na pagpapawis at iba pa.Sa kadalasan,walang nakikitang mga
palatandaan ang isang taong may impeksiyon sa HIV.
Ang virus na ito ay sisirain ang kakayahan ng immune system na labanan ang
anomang uri ng impeksyon. Dahil dito, ang taong mayroon nito ay bukas sa iba-ibang uri
ng sakit na maaaring humantong sa kaniyang pagkamatay.

Sa kasalakuyan ay wala pa rin natutuklasan ang mga siyentipiko na bilang


panlunas sa sakit na ito. Mas mabuti na ang bawat isa ay may sapat na kaalaman para
maiwasan na ang pagkalat nito. Magandang iwasto na ang kalusugan ay itinuturing na
kayamanan hindi lang ng isang Pilipino kundi ng buong lipunan. Kung ang isang tao ay
malusog, ito ay may sapat na kompyansa para mabuhay ng masaya, ng may dignidad at
ng may pagtanggap sa lipunang kaniyang ginagalawan.

Gervacio, Jhon Paul A. II-BsCpe “Sanhi at Bunga”

You might also like