You are on page 1of 1

John Paul College ii

Dahon ng Pasasalamat

Lubos na pasasalamat ang nais kong ipaabot sa mga taong naging bahagi ng aking
pananaliksik. Ito ay para sa kanilang walang humpay na suporta at kontribusyon upang
masagawa ng maayos,maging epektibo,at maging matagumpay ang pananaliksik na ito.
Nang dahil sa kanila,mas napalawak pa aking kaalaman at nagkaroon ng magandang resulta
itong pananaliksik. Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang ko sa mga sumusunod:

Kay Ginoong Bryan Evangelista,ang aking instruktor sa paksa na "Pagbasa at


Pagsulat tungo sa Pananaliksik",ako'y nagpapasalamat sa paggabay,pagtulong,at higit sa
lahat sa kaniyang pang-unawa upang matapos ang pananaliksik na ito.

Lagi kong ipapasalamat ang maayos niyang pagtanggap sa aking mga katanungan
upang iwasto ang pangangailangan ng pananaliksik na ito.

Taos puso rin ang aking pasasalamat,sa aking minamahal na mga magulang, kapatid
at mga kaibigan na palaging nariyan upang ako ay suportahan sa pinansyal at moral,gabayan
at ipagdasal habang ginagawa ang pananaliksik na ito;

Ganun na din sa mga respondente,kung wala ang kanilang kooperasyon at


kahandaang sagutin ang aking katanungan ay maaring hindi mabuo ang pananaliksik na ito.

Higit sa lahat sa Panginoon na pumatnubay sa bawat hakbang na aking isinagawa,


mula sa pagkalap ng mga datos hanggang sa ito ay matapos. Sa kaniyang gabay, ako'y lubos
na nagpapasalamat.

At muli,maraming salamat sa inyong lahat.

You might also like