You are on page 1of 2

PASASALAMAT

Matapos ang mahabang panahong pagsasakripisyo at panahong iginugol sa riserts

na ito, ang tagumpay ay nakamit sa tulong ng mga taong gumabay, tumulong at

dumamay upang maisakatuparan ang pag-aaral. Ang risertser ay lubos na nagpapasalamat

sa mga sumusunod para sa kanilang mga tulong, gabay at pagdamay:

Dr. Marilyn S. Luzano, ang kanyang naging Tagapayo, sa walang sawang

pagsuporta, pagsubaybay, matiyaga’t pagtitiis na pagbabasa, pagwawasto sa ginawang

pag-aaral, at pagiging pangalawang ina;

Dr. Marilene S. Matusalem, ang nagsilbing Istatistisyan, sa matiyagang

pagbabasa, pagtsetsek at pagbibigay ng kanyang kaalaman upang maisakatuparan ang

pag-aaral;

Gng. Iluminada A. Aguinaldo, ang kanyang Filipino kritik, sa walang sawang

pagbabasa at pagwawasto sa isinagawang pag-aaral;

Dr. Rosalina A. Salva, Engr. Janet P. Cunanan, Gng. Charibel R. Sarte, Gng.

Jane C. Caliboso at G. Bryan D. Tagaca, mga miyembro ng lupon ng mga tagasuri sa

kanilang pagbibigay ng suhestiyon upang mapaganda ang riserts na ito;


Sa kanyang pinakamamahal na magulang, sina G. Fernando A. Capellan Sr. at

Gng. Rebecca V. Capellan, sa kanyang mga kapatid na sina Fernando Jr, Richard at

Renan sa kanilang pinansyal, ispiritwal at moral na suporta at nagsilbing inspirasyon

upang maisagawa nang maayos ang pag-aaral;

Sa kanyang butihing mga tito, sina G. Rodrigo E. Libatique at G. Jesus E.

Valenzuela, sa kanilang walang sawang pagtulong, kina Fr. Edmundo C. Castaňeda,

Fr. Carlito G. Sarte, Fr. Renato de Guzman, Rev. Timothy Ronan, Gng. Consuelo

C. Sangalang, Bb. Fely C. Coloma at sa Jikke Geertruida Scholarship Foundation sa

kanilang ispiritwal at pinansyal na suporta;

Sa lahat ng kanyang mga kaibigan; Nova, Ella, Rozmae, Marianne at Nelia na

naging karamay sa lahat ng bagay lalo na sa isinagawang pag-aaral, sa kanyang pamilya

sa Youth Ministry at JGSF Scholars sa pagtulong at pagdamay, sa pagpapaalala at

pagpapalakas ng kanyang loob, sa Muňoz National High School, sa kanyang mga

kamag-aral at sa mga respondente sa isinagawang pag-aaral sa pagsuporta at pagtulong

lagi;

Higit sa lahat, sa ating Amang Lumikha para sa Kanyang walang hanggang

paggabay, pagdamay, pagbibigay at pagpapalawig sa kanyang kaalaman, pagbibigay

lakas upang hindi sumuko sa lahat ng bagay na nakasagabal sa pag-aaral na ito, suporta at

pagmamahal upang makamit ang tagumpay ng pag-aaral.

KAT

iv

You might also like