You are on page 1of 1

Dahon ng Pasasalamat:

Kami po ay lubusang nagpapasalamat sa mga naging bahagi ng aming pag-aaral na ito.


Nang dahil sa kanila, mas napalawak ang aming kaalaman at naging posible na magkaroon ng
magandang resulta sa pag-aaral na ito.

Kay G. Recosana, ang aming mahal na guro sa asignaturang Filipino, kami po ay


lubusang nagpapasalamat dahil sa kanyang walang sawang pagsuporta at pag-unawa sa amin sa
paggawa ng aming pamanahong papel sa pamamagitan ng pagtama at paggabay habang kami ay
gumagawa ng aming pananaliksik.

Kay G. Gayares, ang aming tagapayo sa Araling Panlipunan, na gumabay at pumupuna sa


amin sa paggawa ng aming pananaliksik. Maraming salamat po.

Sa St. Stephen’s High School na hinayaan kaming matuto sa paggawa ng pamanahong


papel sa Filipino.

Sa mga respondent na masigasig na nakilahok sa pagsagot ng tapat sa aming


pakikipanayam, maraming salamat po sa inyo.

Sa aming magulang na tumulong at umintindi sa amin dahil sa pagiging abala naming sa


paggawa nito at sa kanilang tulong pinansyal, kami din po ay nagpapasalamat sa inyo.

At higit sa lahat, kami po ay nagpapasalamat sa Diyos dahil kahit gaano kahirap ang
aming dinanas ay nandiyan pa rin Siya upang palakasin ang aming loob na matapos ng maayos
ang pananaliksik na ito.

3|Page

You might also like