You are on page 1of 15

Republika ng Pilipinas

Departamento ng Edukasyon
John J. Russel Memorial High School
Sibul Springs, San Miguel Bulacan
Taong Pampaaralan 2021-2022

Masusing Banghay Aralin


Sa
Edukasyon sa Pagpapakatao 10

I: Mga Layunin:
Sa loob ng isang oras na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10, ang mga
mag-aaral ay inaasahan na:
(A) Pangkasanayang Nilalaman: Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa
mga konsepto tungkol sa pasasalamat.
(B) Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na
kilos sa isang pangkatang gawain ng pasasalamat.
(C) Pangkasanayang Pagkatuto:Natutukoy ang mga biyayang natatanggap
mula sa kabutihang-loob ng kapwa at mga paraan ng pagpapakita ng
pasasalamat. (EsP8PBIIIa-9.1)

II: Nilalaman:
A: Paksa - Pagkilala sa Kahalagahan ng Pagpapasalamat sa mga Kabutihang
Natatanggap
B: Batayang Konsepto – Sa pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang moral at
birtud, naisusulong ang matatag na pakikipagkapwa.
C: Sanggunian - Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10, Modyul para sa mga
Mag-aaral
https://www.slideshare.net/jomarienel/modyul-8-mga-yugto-ng-makataong-kilos-
at-mga-hakbang-sa-moral-na-pagpapasiya
D: Mga Kagamitan: Laptop, Google Meet, PowerPoint Presentation, Google
Forms, Wordwall, Modyul para sa mga Mag-aaral
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin (Makikiisa ang lahat sa panalangin)
Bago natin simulan ang ating talakayan Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay
sa araw na ito hingin muna natin ang gabay ninyong panibagong pagkakataon upang kami ay
at patnubay ng Panginoon sa pamamagitan matuto. Salamat sa pagkakataong maipatuloy
ng panalangin gamit ang maikling video namin ang aming pag-aaral sa kabila ng mga
presentation. pagbabagong dulot ng kinakaharap naming
pandemya. Gabayan ninyo kaming lahat na mag-
Inaanyayahan ko ang bawat isa na aaral upang malinang ang aming isipan at
tumahimik panandali at damhin ang maunawaan ng lubos ang anumang leksiyon na
presensya ng Panginoon. itinuturo sa amin. Gabayan din naman ninyo ang
aming mga guro na patuloy at walang sawang
nagbibigay inspirasyon at gumagabay sa amin sa
kabila ng kinakaharap naming pagsubok. Sa
kaluwalhatian at aming pagsamba, Panginoon
naming Diyos sa pangalan ng inyong Anak na
aming Tagapagligtas, Amen.”

2. Pagsasaayos ng Klase
Ngayon naman narito ang mga dapat nating
tandaan ngayong nasa online class na tayo.

Naunawaan ba ang mga dapat ninyong gawin


Opo.
habang tayo ay nagkaklase?

Sige nga, itype ang 1 sa chat box kung


talagang naintindihan at nakasunod. (Magtatype ng 1 ang mga mag-aaral sa chat box)

3. Pagtatala ng liban sa klase

Para naman sa inyong pagdalo, mangyari


lamang na pindutin ang link na makikita ninyo
ngayon sa inyong mga chat box. (Magsasagot ang mga mag-aaral para sa
kanilang pagdalo)

https://docs.google.com/forms/d/e/
1FAIpQLSeTAKFXhPno6GQJzVgO7WNJlPw
hUzN-mLMF3E0rma9v5yi-iA/viewform?
usp=sf_link

Magandang hapon din po sir!


4. Kamustahan
Muli, isang magandang hapon sa inyong
lahat!

Bago tayo magsimula sa ating tatalakayin sa


araw na ito. Gusto ko sana muna kayong
kumustahin, kung ano ang mga
nararamdaman ninyo sa mga oras na to.
(Makiisa ang mag-aaral sa gawain at ilalagay ang
lagay ng kanilang mga damdamin o
nararamdaman)
Kayo ba ay masaya, malungkot, excited,
pagod o galit?

Paki-type nga sa ating chatbox kung ano ang


nararamdaman nyo ngayon.

Maraming salamat sa pagbabahagi ng inyong


mga nararamdaman. May iba’t-iba tayong
mga pinagdadaaan at kinakaharap sa buhay.
Ang mahalaga ay maging positibo tayo sa
lahat ng bagay. At ipagpasalamat ang mga
bagay na mayroon tayo maliit man yan o
Malaki.

B. Panlinang na gawain

A. Pagganyak
May ipapanuod ako sa inyong isang
maikling video clip kung saan ay may
kinalaman sa ating tatalakayin sa araw na
ito. Panuoring mabuti at unawain ang
nilalaman nito dahil may inihanda akong
mga katanungan matapos ninyo ito Opo
mapanuod.

Naunawaan ba?
Handa na ba kayo?

At dahil dyan simulan na natin ito.


(Makikiisa ang mga mag-aaral sa gawain)
https://youtu.be/uaWA2GbcnJU

Sa pamamagitan ng mga emoji ipahayag


ang iyong naramdaman sa napanood
icomment ang iyong sagot sa chatbox. Hindi ko po sasayangin yung tulong na ginawa
nya po sakin.

Paano naman kung ikaw ang tao na


ginawan niya ng kabutihan ano ang
Ipagdadasal ko po na sana pagpalain pa sya ng
gagawin mo?
Diyos upang madami pa syang matulungang
ibang tao

Ano pa?

Magiging grateful po ako at magpapasalamat sa


tulong na ginawa nya.
May nais pa bang sumagot?

Mahusay ang inyong mga kasagutan Opo


Nakitaan ba ng pagpapasalamat ang mga
tao na natulungan niya? Sa pamamagitan po ng ngiti sa mga labi ng mga
taong natulungan nya.
Sa papaanong paraan?
Sa pamamagitan din po ng pagpupursigi sa
buhay.

Tama, hindi man sinabi ng literal ang


salitang salamat nakita naman ito sa Tungkol po sa mga kabutihang natatangap
kanilang mga kilos o gawa.
Tungkol po sa pagtulong sa kapwa

Base sa inyong napanuod, tingin nyo Tungkol po sa pagpapasalamat


tungkol saan ang ating tatalakayin sa
araw na ito?

Tama ang inyong mga kasagutan!

Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay


Pagkilala sa Kahalagahan ng
Pagpapasalamat sa mga Kabutihang
Natatanggap.

Para po sakin ito po yung sinasabi po natin kapag


may natatangap po tayong tulong mula sa ibang
tao.
B. Pagtatalakay

Para sa inyo klase ano ang kahulugan


ng pasasalamat?
Sakin naman po ito po yung parang pagappriciate
po natin o parang pagpaparamdam po sa tao na
tumulong satin na pinapahalagahan po natin yung
ginawa o binigay nya.
Mahusay! Ano pa?

Madalas sinasabi din po natin ang


pagpapasalamat kapag nakakatangap po tayo ng
Magaling! May nais pa bang mga biyaya mula sa Panginoon maliit man po o
magdagdag? malaki.

Tama ang inyong mga kasagutan!

Ang pasasalamat sa wikang Ingles ay


gratitude, na nagmula sa salitang Latin na
gratus (nakalulugod), gratia (pagtatangi o Ako po sir.
kabutihan) at gratis (libre o walang bayad).

Sino dito ang nagdarasal para Sir nagpapasalamat po ako na pinagkalooban pa

magpasalamat pagkamulat pa lang ng po ako ng Panginoon ng panibagong araw para

kanilang mga mata sa umaga? po mabuhay.

Sge nga pwede mo bang ibahagi kung


anong pinasasalamatan mo? Sir ako po sa buhay po ng pamilya ko po pati
nadin po sa health po namin na sa awa po ng
Diyos wala pong nagkakasakit saming
magpapamilya.

Magaling, Sino pa?

Sir ako po pinapasalamatan ko po na kahit


mahirap po ang buhay may food padin po kami
na nakakain sa hapag kainan at pinagsasaluhan
sa pangaraw-araw.
Tama yon may nais pa bang magbahagi?
Salamat sa inyong mga kasagutan wag na Opo sir
wag tayong makakalimot na
magpasalamat lalo na sa ating Panginoon
syang lumikha. Para po sakin sir ito po yung pakiramdam na
dapat po kapag may tumulong satin bilang kapalit
Naunawaan ba? po noon ay tutulungan din po natin sila.

Kaakibat ng salitang pasasalamat ang


utang na loob, Para sa inyo klase ano ang Sakin naman po ang utang na loob ay pagtanaw

pumapasok sa inyong isipan kapag ng mabuting ginawa kaya po binabalik ko din po

nadinig nyo ang salitang ito? sa pamamagitan ng mabuting pagtulong doon sa


tao po na tumulong sakin.

Mahusay, May iba pang kasagutan?

Magaling!

Ayon kay Fr. Albert E. Alejo, S.J., ang


utang na loob ay lumalalim kapag ang
Sinasabi po dyan sir na kapag po nakakatangap
tumanggap ng biyaya o pabuya mula
tayo ng pagtulong mula sa ibang tao sa mga
sa sinuman ay nakadarama ng matinding
pahon po na hirap tayo tumbasan o ibalik po yung
pananagutang mahirap tumbasan lalo sa
tulong iyon po yung utang na loob na tinatawaag.
panahon ng kagipitan.

Tingin nyo anong ibig ni Fr. Albert Alejo


dito?
Dahil nakikita niya po yung halaga at importansya
ng tulong na nakukuha niya mula sa ibang tao.

Tumpak ang iyong kasagutan.

Alam nyo ba na ang taong


Dahil hindi po sya nagiging makasarili at lagi po
mapagpasalamat ay mapagkumbaba. Sa
niyang sinasaalang-alang yung mga tao na nasa
palagay nyo sa papaanong paraan?
paligid nya kung ano man po yung nararating or
tinatamasa nya nagbibigay pa din po sya ng
pagpapasalamat don.
Magaling! May nais pa ba magdagdag?

Dahil di po sya nakakalimot sa mga tao na


tumulong sa kanya at hindi po sya nagpapakita
ng pagmamataas kahit kanino.

Tama! Sino pa ang may gustong sabihin?

Kahit po may mga nangyayari na hindi po


maganda sa ating buhay dapat padin po tayong
Mahuhusay ang inyong mga kasagutan.
maging positibo.

Ito pa alam nyo din ba na ang taong


Sa kabila po ng mga kinakaharap po natin na
mapagpasalamat ay tumitingin sa
pagsubok wag po tayong susuko at isipin po natin
positibong bahagi ng buhay. Ano ang nais
lagi yung magaganda po na nangyayari padin po
iparating nito?
sa buhay natin at maging mapagpasalamat padin
po sa mga ito.

Magaling! May nais pang magdagdag?

Kahit po may mga dumadating na problema lagi


padin po nating iisipin na nandyan po si God na
patuloy po tayong ginagabayan para po kasi
sakin sa pamamagitan po non nakakgaan po ng
pakiramdam tapos minsan po kahit sobrang dami
Mahusay! Ano pa? po talaga ng problema napapasabi padin po ng
Thanks God! Sa pamamagitan po ng mga
magagandang nangyayari kahit papano po.
Napakahusay naman ng inyong mga
kasagutan.Batid ko na napaka
mapagpasalamat nyong mga mag-aaral.

Sabi nga ni Leonard Cohen, “there’s a


crack in everything, that’s how the light
Sa kabila po ng mga pagsubok na
gets in.” Sa bawat crack o kadiliman sa
pinagdadaanan natin sa ating buhay lagi pong
ating buhay, naglalaan ito ng espasyo
mayroong liwanag na magtatanglaw sa atin para
para hanapin o mas mapahalagahan natin
po maging positibo padin na patuloy mabuhay.
ang liwanag o kabutihan.

May mga pagkakataon po na pakiramdam po


Ano kaya klase ang nais iparating ni
natin na nilalamon napo ng kadiliman yung buhay
Leonard Cohen sa kanyang mga kataga
natin at tingin po natin na wala napong pag-asa
na ito?
balikan lang po natin yung mga pagkakataon na
natanaw natin yung mga masasayang pangyayari
at nangyayari sa ating buhay para po lumakas ulit

Mahusay! Iba pang kasagutan yung ating loob at maniwala na possible padin po
ang lahat habang tayo ay may buhay may pag-
asa po, at yun po yung mga dapat po nating
ipagpasalamat.

Wag po tayong susuko at sikapin po natin lagi na


magsumikap sa mga ginagawa at gagawin po
natin dahil sa pamamagitan po nito mas
mauunawaan po natin ang tunay na halaga po ng
buhay at pagnakita napo natin ito mauunawaan
Napakagaling! May nais pa ba
po natin lalo na dapat po nating pahalagahan at
magdagdag?
pasalamatan ang bawat araw na nabubuhay at
minumulat natin ang ating mga mata sa bawat
umaga.
Ang huhusay naman batid ko talagang
pinanday kayo ng pagmamahal ng inyong
mga magulang upang magkaroon ng puso
na handang magmahal at makaunawa ng
Sir sa buhay po natin may mga pagkakataon po
walang hanggan.
na susubukin po tayo at yung tibay po natin pero
sa kabila po nito dapat padin po natin itong

St. Therese of the Child Jesus, “All is ipagpasalamat. Kasi po minsan sinusubok lang

Grace.” po tayo ng Panginoon at pagkatapos din po non


may mas malaki po tayong biyaya na pwede po
na matangap.
Ano naman kaya ang ibig sabihin dito ni
St. Therese?

Lahat po ng mga biyaya na natatangap po natin


maliit man po ito o malaki ay dapat po nating
ipagpasalamat sa Panginoon.

Magaling may iba pang sagot?

Lahat po ay biyaya mula sa Panginoon maging


negatibo man po o positibo yan na dapat po
nating pasalamatan.

Mahusay! May nais pa bang magdagdag?

Tama ang inyong mga kasagutan batid ko


na nakuha ninyo ng lubusan ang aral ng
pasasalamat na nais ko ninyong
maunawaan at maintindihan.

Iiwan ko sanyo ang Epeso 1:6, “Magbigay


ng pasasalamat sa Panginoon, Siya ay
mabuti, ang pag-ibig Niya ay walang
hanggan.”
Opo sir

Naway baunin nyo ang bawat kaalaman at


Wala na po
aral na ating tinalakay sa araw na ito sa
inyong pangaaraw-araw.

Naunawaan ba ?

May Mga katanungan pa ba kayo o nais


linawin sa ating tinalakay sa araw na to?

C. Paglalahat

Ating subukin kung talagang tumanim


sa iyong isipan ang araling tinalakay Simbolo po ng pagtangap po natin ng tulong mula

natin ngayon ukol sa malalim na sa iba dahil ito po ang ating nagiging tugon sa

kahulugan ng pasasalamat. magandang nagawa nila o natulong sa atin.

Panuto: Dugtungan ang parirala batay


sa iyong natutunan sa aralin na ito.
Madalas po natin sinasabi sa mga tao po na

1. Ang pagpapasalamat ay handa pong tumulong na wala pong hinihintay na

_______________________________ kapalit. Sa salitang salamat po kontento napo sila

________. kasi po bukal po sa loob nila din yung tulong po


na ginagawa nila.

Mahusay! May nais pang magdagdag?


Madalas din po natin itong sabihin sa Panginoon
sa mga biyaya po na ating natatangap sa
pangaraw-araw.
Tama! May nais pa bang humabol?

Mapagkumababa po dahil sila po yung sa kabila


ng mga tulong na at pagpapala na kanilang
natatangap nananatili padin po silang mababa at
Magaling! Talagang naunawaan nyo hindi nakakalimot sa mga tao na tumulong sa
na ang kahulugan ng pasasalamat ang kanila.
sumunod naman na parirala ay

Tumitingin din po sila ng positibo sa buhay na


2. Ang mga taong mapagpasalamat ay kahit may mga pagsubok na dumadating at
______________________________. sinusubok po sila nagiging matatag padin po sila
at binabalikan lang yung mga masasayang
pangyayari po sa kanilang buhay na
pinanghuhugutan po nila ng lakas para po
lumaban at patuloy lang po na lumaban.

Magaling! May iba pang kasagutan?

Napakahuhusay talaga! Talagang


nakinig at naunawaan ninyo ang ating
tinalakay.

D. Paglalapat

Ngayong natapos na nating talakayin


ang kahalagahan ng pasasalamat nais
ko sana na magbahagi kayo ng mga
pinasasalamatan nyo sa inyong buhay.

Ako muna ang mauuna Ako po sir nagpapasalamat din po ako sa mga

nagpapasalamat ako sa mga magulang ko kasi po kahit sobrang kulit ko po

magulang ko sa walang sawa na madalas, di po sila nagsasawa na tangapin pa din


paniniwala at pagtitiwala nila lalo na sa po ako bilang anak nila.
mga panahon na pinagdududahan ko
ang sarili kong kakayahan.

Ako naman po sa mga kaibigan ko


Sino naman ang gustong sumunod nagpapasalamat po ako sa kanila kasi po lagi po
para magbahagi? silang nandyan at dinadamayan po ako pag
sobrang lungkot ko po at sobrang dami ko pong
problema na kinakaharap.

May nais pa ba na magbahagi?

Ako po gusto ko pong ipagpasalamat yung mga


biyaya po na natatangap namin kahit maliit man
po o malaki.

Sino pa ang gusto magdagdag?

Mahusay! maraming salamat sa


inyong mga pagbabahagi talagang
naunawaan nyo ang ating tinalakay sa
araw na ito.

IV. Pagtataya

Upang malaman kung talagang naunawaan Opo sir

ninyo ang ating tinalakay sa araw na ito may


inihanda akong mga katanungan gamit ang
digital learnig resource na wordwall.

Gamit ang inyong mga chat box, itype ang


inyong mga kasagutan.

Handa na ba kayo?

1. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng


taong hindi mapagpasalamat?
a. palaging masaya sa biyayang natatanggap
ng iba
b. may positibong pananaw sa buhay
c. mapagbigay sa kapwa
d. palaging may reklamo
2. Ang hindi pagpapasalamat ay_________.
a. pagtalikod sa biyaya ng Diyos
b. pagiging makasarili
c. pagkainggit sa biyayang natatamasa ng
ibang tao
d. lahat ng nabanggit
3. Ang isang taong mapagpasalamat ay
______________.
a. kuntento sa kaniyang buhay kahit simple
lamang dahil alam niyang pahalagahan ang
mga mabubuting natatanggap niya mula sa
iba at sa Diyos
b. marunong tumingin sa pinanggalingan sa
kabila ng patuloy na biyang natatanggap
c. nagsisikap upang makamit ang nais sa
buhay
d. nagpapasalamat kahit hindi bukal sa
kalooban
4. Paano ba maipapakita ang pasasalamat?
a. paggawa ng kabutihan sa kapwa kahit na
naghihintay ka ng kapalit
b. pagsasabi ng pasasalamat bilang pagkilala
sa kabutihang nagawa
c. pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa
kahit alam mong ginagawa lang niya ang
trabaho nito
d. pagsasabi ng pasasalamat ngunit halatang
labag ito sa iyong kalooban
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita
ng kawalan ng pasasalamat?
a. pag-aaral nang mabuti upang masuklian
ang sakripisyo ng iyong magulang at kapatid
b. pagharap sa mga pagsubok ng buhay ng
may positibong pananaw
c. pagbibigay-serbisyo sa mga pangunahing
pangangailangan ng mga tao
d. pagtatagumpay sa buhay at isipin na ito ay
dahil sa sariling pagsisikap lamang

Sino sa inyo ang nakakuha ng perfect score o


nakatama sa lahat ng katanungan?

Mahusay sa mga nakakuha ng perfect score


at sa mga hindi naman ay bawi kayo sa
susunod nating pagsusulit.

V. Takdang-Aralin
Opo

Panuto: Gumawa ng isang liham para sa mga


Wala na po
taong nais mong pasalamatan dahil sa mga
nagawa nilang kabutihan sa iyo. Isulat ito sa
isang papel.

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong


Markahan - Modyul 9 Pagkilala sa
Kahalagahan ng Pagpapasalamat sa mga
Kabutihang Natatanggap, Pahina 8.

Naunawaan ba?

May mga katanungan pa ba kayo?

Kung wala na ay maraming salamat sa


inyong lahat magkita-kita ulit tayo sa susunod
na lingo para sa panibagong aralin na ating
tatalakayin.

Inihanda ni:
Ronnel D. Leabres
(Gurong Nagsasanay)

Ipinasa kay:
Ma. Cristina P. Calizon
(Gurong Tagapagsanay)

You might also like