You are on page 1of 22

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG

Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: ESP


Petsa: ABRIL 3,2024 Markahan: IKA-4 na MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 7:00 – 7:30 NG UMAGA
I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagpapasalamat
PANGNILALAMAN sa lahat ng likha at mga biyayang tinatanggap mula sa Diyos.

B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasabuhay ang pagpapasalamat sa lahat ng biyayang


tinatanggap at nakapagpapakita ng pag-asa sa lahat ng
pagkakataon.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nakapagpapakita ng ibat-ibang paraan ngpagpapasalamat sa mga


biyayang tinanggap, tinatanggap at tatanggapin mula sa Diyos

EsP2PD-IVa-d– 5

II. NILALAMAN Pagpapakita ng Pasasalamat sa mga Biyayang Bigay ng Diyos

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian:

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro K-to-12 MELC Guide page 67

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang LM page 14-18


Mag-aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk.

4. Mga Karagdagang Kagamitan ESP 2-Quarter3-Module 8


mula sa Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo mga larawan, cd/dvd player, video clip, tsart, graph, manila paper,
typewriting paper

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin Panuto: Lagyan ng / kung nagpapakita ng pagpapahalaga
at/o pagsisimula ng bagong aralin. sabiyayang bigay ng Diyos at x kung hindi.

____1. Inaalagaan at pinapakain ko ang alaga naming aso.

____2. Dinidiligan ko ang mga tanim ng Nanay ko. ____3.


Nagdarasal ako ng pasasalamat sa Diyos bago matulog.

____4. Nagiging masungit at madamot ako sa aking mga kalaro.

____5. Binibigay ko sa aking mga kalaro ang iba kong laruan nahindi
na nagagamit.

B. Paghahabi sa layuning aralin Makapagpapakita kayo ngayon ng ibat-ibang paraan ng


pagpapasalamat sa mga biyayang tinanggap, tinatanggap at
tatanggapin mula sa Diyos

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Sabihin:


bagong aralin
May iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng

pasasalamat sa biyayang bigay ng Diyos. Isa sa paraan upang


maipakita ang pasasalamat ay pamumuhay ayon sa kagustuhan ng
Diyos. Nais ng Diyos na mamuhay ang tayo nang tama at matuwid.
At sa tuwing gumagawa tayo ng tama, ibig sabihin lámang ay
kinikilala natin ang kapangyarihan ng Diyos at ang lahat ng mga
bagay na nanggaling sa kaniya.

Maging madasalin sapagkat ang pagdarasal ang pangunahing


paraan upang makipag-usap sa Diyos. Sa tuwing nagdarasal tayo,
tuwiran tayong nakapaghahayag ng kaniyang pasasalamat sa Diyos.
Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay ikatutuwa ng Diyos. Nais

niyang gawin din natin ang mga kabutihang ginawa niya para sa
atin. Sa ganitong paraan naipapakita ang

pagpapasalamat sa mga biyayang bigay niya. Ang huli ay maging


masaya sa lahat ng bagay na mayroon ka. Ang isang

batang may kasiyahan sa mga bagay na mayroon siya ay totoong


mapagpasalamat. Maging masaya ka sa

kung ano ang ipinagkaloob ng Diyos sa iyo at namumuhay ka nang


may kagalakan sa bawat araw.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Marunong ba kayong magpasalamat sa mga biyayang bigay ng


paglalahad ng bagong kasanayan #1 Diyos? Sa papaanong paraan niyo naipapakita ang

pagpapasalamat sa mga biyayang bigay ng Diyos? Isulat ito sa

ibaba.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Batay sa kuwentong “Ang Panalangin ni Yeziah.” Isulat ang Tama
paglalahad ng bagong kasanayan #2 kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pasasalamat sa mga
biyayang bigay ng Diyos at Mali naman kung hindi. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

__1. Nanalangin si Yeziah bago matulog.

__2. Nagpapasalamat siya sa mga pagkaing nasa mesa.

__3. Nagagalit siya dahil nagkaroon ng pandemya.

__4. Nagpapasalamat siya sa pagkakaroon ng tatay at nanay.

__5. Nagpapasalamat siya sa mga frontliners at mga guro.

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo Panuto : Isulat ang TAMA kung ang pangungusap aynagpapahayag
sa Formative Test) ng pasasalamat sa Diyos at MALI kung hindi.

________1. Nagdarasal ang mag-anak na Lopez tuwing alas 6ng


hapon.

________2. Nagagalit si Jose dahil sa biglang pagbuhos ngulan.

________3. Inaalagaan ni Aling Linda ang kanyang mga halaman.

________4. Nagsisimba ang buong mag -anak ni Mang Badong


tuwing Linggo.

________ 5. Nagpasalamat ang taga Barangay San Pedro samga


frontliners na nagbigay ng kanilang panganagailangan .

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang Umalis ang nanay mo at inutusan ka na alagaan at bantayan ang
araw-araw na buhay. nakababata mong kapatid. Ano ang dapat mong gawin?

H. Paglalahat ng Aralin Sa papaanong paraan ninyo naipapakita ang

pagpapasalamat sa mga biyayang bigay ng Diyos?


Ating tandaan na lahat tayo ay may mga biyayang natatanggap sa
araw-araw. Dapat natin itong pahalagahan at ipagpasalamat sa
ating Panginoon.

I. Pagtataya ng Aralin. Punan ang patlang nang wastong salita na aankop sa pangungusap.
Piliin sa kahon ang iyong sagot.

1. Ang _____ sa kapwang nangangailangan ay

kasiya – siya.

2. Nararapat na_____ bago at pagkatapos kumain bilang


pasasalamat.

3. Nabalitaan mong nagkasakit ang iyong kaklase, siya ay dapat


______.

4. Ang _____ tuwing araw ng Linggo ay isang

gawaing nagpapakita ng pasasalamat sa Diyos.

5. Dapat tayong ______sa Diyos sa lahat ng mga natatanggap na


biyaya sa araw – araw.

J. Karagdagang gawain para sa Katatapos lang maglaba ng nanay mo. Napansin mong makalat ang
takdang aralin at remediation. loob ng bahay ninyo. Ano ang dapat mong gawin?

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG


Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: MATHEMATICS
Petsa: ABRIL 3, 2024 Markahan: IKAAPAT NA MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 7:30 – 8:20 NG UMAGA
I.LAYUNIN:

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Demonstrates understanding of time, Standard measures of

length, mass and capacity and area using square tile units.

B. Pamantayan sa Pagganap: Is able to apply knowledge of time, standard measures

of length, weight, and capacity, and area using square tile

units in mathematical problems and reallife situations

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Visualizes , represents, and solves problems


involving time (minutes including a.m. and p.m.

and elapsed time in days)

II. NILALAMAN Pagsabi at Pagsulat ng Oras sa Minuto (a.m. at p.m.) Gamit


ang Analog at Digital Clocks

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro K-to-12 MELC Guide page 268

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag- pp. 250-258


aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk. LM page 7-10

4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Mathematics for Everyday Use pp. 93-95
Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo Slide deck, tv monitor, Laptop, activity sheets

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o
● Review
pagsisimula ng bagong aralin.

Tell the time.

B. Paghahabi sa layuning aralin Naipapakita at nailalarawan ang pagsasalin sa sukat ng oras


gamit ang araw, linggo, buwan at taon.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Naipapakita at nailalarawan ang pagsasalin sa sukat ng oras


bagong aralin gamit ang araw, linggo, buwan at taon.

Kung ang isang linggo ay may pitong araw (7), ilang araw
naman kaya mayroon sa dalawang linggo? tatlong linggo?
Magaling! Sa dalawang linggo ay mayroong 14 na araw at 21
na araw naman sa loob tatlong linggo. Makukuha natin ito sa
pamamagitan ng pagmultiply sa bilang ng linggo at bilang ng
araw na mayroon sa loob ng isang linggo. Ating ipakita sa
isang talaan.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Makukuha naman ang kung ilang linggo kapag ang bilang ng
paglalahad ng bagong kasanayan #1 araw ang binigay sa pamamagitan ng pagdivide sa bilang ng
araw sa pito (7). Narito ang mga halimbawa:
Mayroon 30 o 31 na araw naman sa loob ng isang buwan
ngunit ang karaniwang bilang ng araw na ginagamit sa isang
buwan ay tatlumpung araw ( 30 ). Ilang araw ang bumubuo
sa loob ng dalawang buwan?Paano kaya natin ito
makukuha?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Maari natin itong ipakita sa isang talaan na kung saan
paglalahad ng bagong kasanayan #2 makukuha ito sa pammagitan ng pag multiply ng bilang ng
buwan sa tatlumpung araw. Narito ang isang talaan:

At makukuha naman ang bilang ng buwan kung ang bilang


ng araw ang binigay. Idivide lamang ang tatlumpu sa binigay
na bilang na araw.

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Nakikita din sa kalendaryo kung ilang buwan ang bumubuo
Formative Test) sa isang taon. Ito ay ang mga buwan ng Enero, Pebrero,
Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre,
Oktubre, Nobyembre at Disyembre. Samakatuwid mayroong
labindalawang (12) buwan ang bumubuo sa isang taon. Kaya
niyo bang ibigay ang bumubuo sa dalawang taon?

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw Panuto: Isulat ang katumbas na araw o linggo ayon sa
na buhay. nakasaad na yunit. Piliin ito sa loob ng kahon at isulat sa
patlang.

1. apat na linggo = _________ araw

2. dalawangpu’t isang araw ( 21 ) = ___________na linggo

3. tatlumpu’t limang araw ( 35 ) = ____________ na linggo

4. dalawang linggo = _______________ araw

5. anim na linggo = ___________araw

H. Paglalahat ng Aralin Sa loob ng isang linggo mayroong pitong araw at


labindalawang buwan naman sa isang taon. Tatlumpung
araw naman ang karaniwang bilang ng araw sa loob ng isang
buwan.

I. Pagtataya ng Aralin. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga


pangungusap.Isulat ang tamang letra sa patlang.

_______1. Ang limampu’t anim na araw ( 56 ) ay katumbas ng


ilang linggo? a) 6 b) 7 c) 8 d)

_______2. Inabot ng 270 na araw sa kanilang probinsiya si


Ana ngayong pandemya bago lumuwas sa Maynila.Ilang
buwan siya nantili sa kanilang probinsya? a) 6 b) 7 c) 8 d) 9

_______3 .Inabot ng limang taon ang kanyang ina sa ibang


bansa para makapagpatayo ng bahay bilang OFW. Ilang
buwan ang katumbas ng limang taon? a) 30 b) 45 c)48 d)60
_______4. Sa loob lamang ng 60 na araw naging maayos ang
kanilang kalsada sa pamumuno ng bago nilang mayor. Ilang
buwan ang kanilang pag-aayos? a) 2 b) 3 c) 4 d) 5 _______5.
Isa’t kalahating taon na nawalan ng trabaho si Linda dulot
ng COVID 19. Ilang buwan siyang nawalan ng trabaho? a) 18
b) 24 c) 36 d)42

J. Karagdagang gawain para sa takdang Panuto: Iguhit ang sa patlang kung magkatumbas ang
aralin at remediation. nakasaad sa bawat bilang at naman kung hindi.

______1.) tatlong (3) taon = 36 na buwan

______2.) apat (4) na linggo = 35 na araw

______3.) tatlumpung (30) buwan = apat (4) na taon ______4.)


siyamnapung ( 90 ) araw = tatlong (3) buwan

______5.) dalawampu’t walong(28) araw = apat (4) na linggo

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following


day
Lack of Time
No class Achieved

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG


Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: FILIPINO
Petsa: ABRIL 3, 2024 Markahan: IKAAPAT NA MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 8:20 – 9:10 NG UMAGA

LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Madagdagan ang kaalaman sa pagpapantig.

B. Pamantayan sa Pagganap: Mapapantig ang mga mas mahahabang salita.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Napapantig ang mga mas mahahabang salita

F2KP-IIc-3

II. NILALAMAN Pagpapantig ng mga Mahabang Salita

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian: K-to-12 MELC Guide page 148


1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral. LM page
3. Mga Pahina sa Teksbuk.
4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Portal

B. Iba pang Kagamitang Panturo Laptop, tv, slide decks Activity Sheets
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Basahin ang mga salita at bilugan ang tamang
pagsisimula ng bagong aralin.
pantig nito.

1. masaya – mas-ya, ma-sa-ya, ma-sy-a

2. bintana – bin-ta-na, bi-nta-na, bin-tan-a

3. abokado – abo-ka-do, a-bok-a-do, a-bo-ka-do

4. halaman – hal-am-an, ha-la-man, ha-la-ma-n

5. sapatos - sa-pa-tos, sap-at-os, sa-pa-to-s

B. Paghahabi sa layuning aralin Magbabasa tayo ng isang maikling kuwento.


Susubukan nating baybayin nang wasto ang mga
salitang may tatlo o apat na pantig mula sa kuwento.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong


aralin

Magtanong tungkol sa kuwento.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Ano ang mga salitang may salungguhit?
ng bagong kasanayan #1
Pantigin ang mga ito at isulat ang bilang ng pantig.

1. natataranda

2. pinaguusapan

3. telebisyon

4. nakakahawa
5. kapaligiran

6. mahalaga

7. medisina

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang
ng bagong kasanayan #2
pagkakapantig ng mga salita at Mali kung hindi.

______ 1. kabataan = ka-ba-ta-an

______ 2. pagdiriwang = pag-di-ri-wang

______3. nagpasalamat = nag-pa-sa-lam-at

______ 4. pagkakasakit = pag-ka-ka-sa-kit

______ 5. pangunahin =pa-ngu-na-hin

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang
Test) pantig ng mga larawan.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw na Piliin ang pantig na makabubuo sa pangalan ng


buhay. larawan.

H. Paglalahat ng Aralin Ang pagpapantig ay paghahati ng salita sa pantig o


mga pantig. Ito ay galaw ng bibig, saltik ng dila na
may kasabay na tunog ng lalamunan o walang
antalang bugso ng tinig sa pagbibigkas ng salita.

I. Pagtataya ng Aralin. Pantigin ang mga salitang mahahaba na

nakasalungguhit sa bawat pangungusap. Isulat sa

sagutang papel ang iyong sagot.

1. Ang pagsunod sa utos ng magulang ay simbolo ng


respeto.

2. Huwag mangangako sa isang tao kung hindi


kayang gawin.

3. Maging totoo kahit walang nakakakita sa ating mga


ginagawa.

4. Manatiling mapagpakumbaba ano man ang


makamit.

5. Ang pagsunod sa batas ay simbolo ng pagiging

mabuting mamamayan

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at Piliin sa loob ng kahon ang tamang pagpapantig ng
remediation. mga salita. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the


following day
Lack of Time
No class Achieved

School: SITIO STO ROSARIO ES Grade Level: 2


Teacher: NESTLEE C. ARNAIZ Learning Area: ENGLISH
Date: APRIL 3, 2024 Quarter: 4TH QUARTER
Grade and Section: 2-JACINTO Time: 9:30 – 10:20 AM

I. OBJECTIVES:
A. Content Standards: The learner listens critically to one-two paragraphs and uses
appropriate expressions in varied situations.

B. Performance Standards: ` The learner reads texts for pleasure and information critically in
meaningful thought units; responds properly to environmental
prints like signs, posters, commands, and requests; and writes
legibly simple sentences and messages in cursive form.

C. Learning Competencies / Read words with short e, a, i, o, and u sound in CVC pattern.
Objectives:

II. CONTENT Read Words with Short I Sound in CVC Pattern

III. LEARNING RESOURCES


A. References K-to-12 MELC Guide page 180
DBOW in English page 6
1. Teacher’s Guide pages
2. Learner’s Materials pages
3. Textbook pages
4. Additional Materials from Learning
B. Other Learning Resources slide deck, tv, pictures, tarpapel
Resources/Portal
IV. PROCEDURES
A. Reviewing previous lesson or Directions: Find and write the words.
presenting the new lesson
B. Establishing a purpose for the An unfamiliar word can disrupt you while reading or listening to a
lesson story. Therefore, it is important to know the sounds of both vowel
and consonant letters.

C. Presenting examples/instances of To get started with learning how to read, you must know the
the new lesson sound of each letter in the alphabet. By knowing the sound of
each letter, all you have to do next is to put the sounds together
that make up the word.

It is important to note that letters are grouped into two: vowels


and consonants. Vowel letters have corresponding short and long
sounds.
D. Discussing new concepts and The letter i is a vowel whose short sound is sounded as “ih”. The
practicing new skills #1 short I sound is used in some words with the consonant- vowel-
consonant pattern (CVC) such as wig, dig, lit, sit, did, lid, bib,
and rib.
E. Discussing new concepts and Here are more examples of words with short I in CVC pattern.
practicing new skills #2

F. Developing Mastery (Leads to Directions: Read the following story with words having short I
Formative Assessment 3) sound. Identify the words in the story with short i sound.

G. Finding practical applications of Directions: Choose the word inside the box that is the same with
concepts and skills in daily living the word on the left. Circle your answer with a red crayon.
H. Making generalization and Remember:
abstractions about the lesson The letter i is a vowel whose short sound is sounded as “ih”. The
short I sound is used in some words with the consonant- vowel-
consonant pattern (CVC) such as wig, dig, lit, sit, did, lid, bib,
and rib.
I. Evaluating Learning Directions: Pick the letter that will complete the word. Choose
from the choices inside the box. Write your answer on the blank.

J. Additional activities for Directions: Encircle the word having a short i sound.
application or remediation

V. REMARKS Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG


Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: MOTHER TONGUE
Petsa: APRIL 3, 2024 Markahan: IKAAPAT NA MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 10:20 – 11:10 NG UMAGA

I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG Demonstrates understanding and knowledge of language grammar
PANGNILALAMAN and usage when speaking and/or writing.

B. Pamantayan sa Pagganap: Speaks and writes correctly and effectively for different purposes
using the basic grammar of the language.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Use the conventions of writing in composing journal entries and
letters (friendly

letter, thank you letter, letter of invitation, birthday

greetings)

II. NILALAMAN Pagsulat ng Talaarawan at Liham

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian: K-to-12 MELC Guide page 372

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang LM page 7-14


Mag-aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk.

4. Mga Karagdagang Kagamitan MTB 2-Quarter4


mula sa Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin Balik-aral
at/o pagsisimula ng bagong aralin.
Ano ang talaarawan?

Isulat ang T kung tama ang ipinapahayag ng bawat pangungusap at


M kung mali.

1. Ang talaarawan ay talaan ng mahahalagang pangyayari sa buhay


ng isang tao sa araw-araw.

2. Sa pagsulat ng talaarawan, dapat sundin ang wastong paggamit


ng letra, espasyo ng mga salita, at wastong bantas.

3. Sa pagsulat ng talaarawan, isinusulat muna sa bandang ibaba, sa


gawing kanan ang petsa bago 12 itala ang mga pangyayaring
nagaganap sa araw- araw.

4. May wastong pamamaraan ang pagsulat ng journal o talaarawan.

5. Isinusulat sa gawing kanang itaas ang pangalan o lagda ng


sumulat sa talaarawan.

B. Paghahabi sa layuning aralin Ang aralin na ito ay inihanda para mahasa ang iyong kakayahan
pagsulat at paglikha ng mga sulatin gaya ng liham.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Basahin at unawain ang liham. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
sa bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto Tanong:


at paglalahad ng bagong kasanayan
#1 • Anong uri ng liham ang iyong nabasa?

● Sino ang sumulat ng liham?


• Para kanino ang liham na isinulat?
• Bakit nagpapasalamat ang sumulat ng liham?
• Bakit mabuti ang mamigay ng mga bagay sa kapwa?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto Ang liham ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng


at paglalahad ng bagong kasanayan pagsulat mula sa isang tao patungo sa isa pang tao o grupo,
#2 kadalasan sa ibang lugar. Ito ay may limang bahagi ang pamuhatan,
bating panimula, katawan ng liham, bating pangwakas at lagda.

Isaayos at isulat muli ang liham ayon sa tamang pagkakaayos nito.

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo Sumulat ng isang liham pangkaibigan. Tingnan ang kahon bilang
sa Formative Test) gabay sa pagsusulat ng liham.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na pahayag. Isulat
araw-araw na buhay. ang T o M lamang ang isulat sa patlang.

H. Paglalahat ng Aralin Ano ang liham? Ano-ano ang bahagi ng liham?

Ang liham ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng


pagsulat mula sa isang tao patungo sa isa pang tao o grupo,
kadalasan sa ibang lugar.

Ang liham ay may iba’t ibang nilalaman. May liham na


pangkaibigan, liham pasasalamat, liham paanyaya at liham
pagbati gaya ng sa kaarawan. Sa bawat liham ay may layunin o nais
ang taong sumulat. Bagama’t iba-iba ang nialalaman ng mga ito,
magkakapareho pa rin ang mga bahagi nito. Ito ay may limang
bahagi: ang pamuhatan, bating panimula, katawan ng liham,
bating pangwakas at lagda.

I. Pagtataya ng Aralin. Tukuyin ang bahagi ng liham na isinasaad sa bawat pangungusap.


Bilugan ang letra ng tamang sagot.

J. Karagdagang gawain para sa Sumulat ng liham pangkaibigan.


takdang aralin at remediation.

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG


Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: ARALING PANLIPUNAN
Petsa: APRIL 3, 2024 Markahan: IKAAPAT NA MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 11:00 – 11:50 NG UMAGA

I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kagalingang pansibiko
bilang pakikibahagi sa mga layunin ng sariling komunidad.

B. Pamantayan sa Pagganap: Nakapahahalagahan ang mga paglilingkod ng komunidad


sa sariling pag- unlad at nakakagawa ng makakayanang
hakbangin bilang pakikibahagi sa mga layunin ng sariling
komunidad.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag na ang bawat kasapi ng komunidad ay may


karapatan.

II. NILALAMAN Bawat Kasapi ng Komunidad ay may Karapatan

III. KAGAMITANG PANTURO:


A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro K-to-12 MELC Guide page 29
DBOW sa Araling Panlipunan 2 pahina 3
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-
aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk.
4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Laptop, larawan, activity sheets
Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga taong nagbibigay ng
pagsisimula ng bagong aralin. paglilingkod o serbisyo sa ating komunidad upang
matugunan ang karapatan ng mga tao. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.

____1. Ako ang nangangalaga sa ngipin ng mga bata at


matatanda.

____2. Ako ang nagbibigay serbisyong legal sa komunidad at


tumutulong sa mga taong akusado at inaakusa upang
makamit nila ang katarungan.

____3. Ako ang tumutulong sa doktor sa pangangalaga ng


mga may sakit. Pinangangalagaan ko rin ang kalusugan ng
bawat mamamayan.

____4. Ako ang namumuno sa kapakanan, kaayusan,


kaunlaran at kapayapaan ng nasasakupang komunidad.

____5. Ako ang tumutulong sa pagsugpo ng apoy sa mga


nasusunog na kabahayan, gusali at iba pa sa komunidad.

B. Paghahabi sa layuning aralin Awit: Bawat Bata


(Apo Hiking Society) https://www.youtube.com/watch?
v=ItNRQviQx0E

Para sa iyo, ano ang kahulugan ng karapatan? Ano-ano ang


karapatang tinatamasa mo sa iyong komunidad?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung nagpapakita ng halimbawa
bagong aralin ng pagtupad ng karapatan ng bawat bata mula sa mga
serbisyo ng komunidad at ekis (X) kung hindi.
_____1. Ang aming komunidad ay mayroong maganda at
malinis na plasa. Maraming mga bata ang ligtas na naglalaro
rito.
_____2. Lumalahok ang mga bata sa paligsahan ng pag- awit
at pagsayaw sa aming komunidad upang malinang ang
kanilang kakayahan.
_____3. Masayang naninirahan ang pamilya ni Kardo sa
kanilang komunidad.
_____4. Dahil mahirap lamang si Pamela tinulungan siya ng
kanilang kapitan ng barangay upang makapag-aral.
_____5. Naninirahan ang pamilya ni Mika sa kariton sa
tabing kalsada dahil sa kahirapan ng buhay.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Basahin ang usapan.
paglalahad ng bagong kasanayan #1
Ang karapatan ay mga bagay o pangangailangang nararapat
ibigay sa bawat tao. Tulad ng mga bata sila ay may
karapatan sa pagtupad ng serbisyong ibinibigay ng
komunidad.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Mga Tanong:


paglalahad ng bagong kasanayan #2 1. Ano-anong karapatan ang nabanggit sa usapan?
2. Ano kaya ang mangyayari kung hindi maibibigay ang
karapatan ng isang bata?
3. Sa iyong palagay, tinatamasa mo ba ang mga karapatang
nabanggit sa usapan sa inyong komunidad? Magbigay ng
halimbawa.
F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa
Formative Test)

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang larawan kung nagpapakita ng
na buhay. pagtupad ng karapatan ng bawat bata mula sa mga serbisyo
ng komunidad at ekis (X) kung hindi pagtupad.
H. Paglalahat ng Aralin Isulat ang mga karapatan ng bawat bata mula sa mga
serbisyo ng komunidad na iyong natutuhan sa aralin. Ang
mga karapatang natutuhan ko mula sa mga serbisyo ng
komunidad ay _____________________________
______________________________________________________.
I. Pagtataya ng Aralin. Panuto: Isulat ang karapatang ipinapakita ng larawan. Piliin
ang letra ng tamang sagot sa loob ng kahon.

J. Karagdagang gawain para sa takdang Panuto: Isa kang anak na marunong magpahalaga sa
aralin at remediation. magulang. Gumawa ng kard ng pasasalamat sa pagmamahal
at pag-aaruga ng iyong mga magulang para sa mga
karapatan ibinibigay sa iyo. Lagyan ng magandang disenyo
ang kard para lalo mo silang mapasaya.

V. MGA TALA Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved
Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG
Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: PHYSICAL EDUCATION
Petsa: APRIL 3, 2024 Markahan: IKAAPAT NA MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 12:30 – 1:10 NG TANGHALI

I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Demonstrates understanding of movement activities relating to
person, objects, music, and environment.

B. Pamantayan sa Pagganap: Performs movement, activities involving person, objects, music


and environment correctly.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Moves: individually, with partner, and with group with ribbon,
hoop, balls, and any available

indigenous/improvised materials, with sound, in indoor and


outdoor settings

II. NILALAMAN Pagkilos Gamit ang Iba’t Ibang Kagamitan sa Saliw ng Tunog
sa Loob o Labas ng Kapaligiran

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian: K-to-12 MELC Guide page 367


DBOW in MAPEH page 262
a. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang
Mag-aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk.
4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa
Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo slide deck, tv, mga larawan, tarpapel
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap
pagsisimula ng bagong aralin. ay wasto at MALI kung hindi wasto. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Ang simpleng pagkilos o paggalaw ay tulad din ng pag


eehersisyo.

2. Sagabal ang mga kagamitang maaaring gamitin sa


pagsasagawa ng mga gawaing pampalakasan o pag-eehersisyo.

3. Ang musika ay nakadadagdag ng enerhiya upang maisagawa


ang pagkilos ng maayos.

4. Kailangang maging aktibo ang isang bata sa pag-eehersisyo.

5. Hindi kailangan ng patnubay ng mga dalubhasa sa


pagsasagawa nang pag-eehersisyo.

B. Paghahabi sa layuning aralin Masdan ang mga larawan sa ibaba.


Ano-ano ang mga kagamitan na nasa larawan?

Alin sa mga ito ang iyong nagamit sa paggalaw o pag-


eehersisyo?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Ang mga nasa larawan tulad ng buklod (hula hoop), bola, laso at
bagong aralin iba pang improvised na materyales ay maaring gamitin sa
paggalaw o pag-eehersisyo at pagsayaw na kasabay ng tunog o
saliw ng musika. Mas nagiging masaya at nakaaaliw ang gawain
kung may tunog o musika.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #1

Isa sa mga madalas na ginagamit sa isang ritmikong gawain ay


ang buklod. Ang buklod ay isang paikot o pabilog na bagay na
maaaring gawa sa metal, plastik, o kahoy. Mas kilala ito sa
tawag sa Ingles bilang hoop

Sa paggamit nito ay marami tayong mga kilos o paggalaw na


maaaring gawin upang mapanatiling malusog at mapangalagaan
ang ating katawan. Narito ang ilan sa mga gawain na maaaring
sabayan ng mga tugtog sa 4/4 na sukat. Siguraduhin na
mahigpit ang pagkakahawak sa buklod habang isinasagawa ang
mga gawaing ito. Subukan nating maisagawa ang mga gawain.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Unang Gawain


paglalahad ng bagong kasanayan #2
(1 hanggang 8 na bilang at 8 hanggang 1 bilang)

1. Itaas ang buklod sa harap na nasa nibel ng balikat o dibdib.


Siguraduhin na ka-hanay o kalapat ito sa lapag.

2. Ilapit ang buklod sa dibdib sa pareho pa rin nitong posisyon.

3. Ibalik ang buklod sa parehong posisyon sa 1.

4. Ibaba ang buklod sa iyong harapan na nakadikit sa iyong


mga binti.

5. Ulitin ang mga hakbang mula sa 1 hanggang 4.

6. Ulitin ang lahat.


F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Ikalawang Gawain
Formative Test)
(1 hanggang 8 na bilang at 8 hanggang 1 bilang)

1. Itaas ang buklod sa posisyong patayo.

2. Ibaba ang buklod sa nibel ng iyong leeg sa pareho pa ring


posisyon.

3. Itaas ang buklod o ibalik sa 1.

4. Ibaba ang buklod sa iyong harapan na nakadikit sa iyong


mga binti.

5. Ulitin ang mga hakbang mula sa 1 hanggang 4.

6. Ulitin ang lahat.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw- Ikatlong Gawain


araw na buhay.
(1 hanggang 8 na bilang at 8 hanggang 1 bilang).

1. Itaas ang buklod sa iyong kanan gamit ang dalawang kamay.

2. Ibaba ang buklod sa iyong harapan na nakadikit sa iyong


mga binti.

3. Itaas ang buklod sa iyong kaliwa gamit ang dalawang kamay.

4. Ibaba ang buklod sa iyong harapan na nakadikit sa iyong


mga binti.

5. Ulitin ang mga hakbang mula sa 1 hanggang 4

6. Ulitin ang lahat.

H. Paglalahat ng Aralin Tandaan:

Ang buklod ay isang paikot o pabilog na bagay na maaaring


gawa sa metal, plastik, o kahoy. Mas kilala ito sa tawag sa
Ingles bilang hoop.

Ito ay maaring gamitin sa paggalaw o pag-eehersisyo at


pagsayaw na kasabay ng tunog o saliw ng musika. Mas nagiging
masaya at nakaaaliw ang gawain kung may tunog o musika.
I. Pagtataya ng Aralin. Panuto: Sagutin ang bawat tanong.
1. Ano ang ginamit mong kagamitan sa gawain?
2. Naisagawa mo ba ng maayos ang gawain?
3. Nakasunod ka ba sa tempo ng musika na iyong napili habang
isinasagawa ang mga hakbang?
4. Kaya mo ba itong gawin ng mag-isa o kailangan pa ng tulong
ng iba? Bakit
5. Ano ang naramdaman mo habang isinasagawa ang gawain?

J. Karagdagang gawain para sa takdang Panuto: Sa tulong at gabay ng iyong magulang o nakatatandang
aralin at remediation. kasama sa bahay, magsagawa ng mga hakbang sa pagkilos
gamit ang buklod (hoop). Lapatan ito ng musika. Ipakita ito sa
iyong mga kasama sa bahay. Isulat ang iyong puntos sa iyong
sagutang papel.

Pagpupuntos:
5 puntos – nagpakita ng husay at galing sa pagsasagawa.
3 puntos - kailangan pa ng karagdagaang pag-eensayo.
1 puntos - hindi kayang gawin mag-isa.

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved

You might also like