You are on page 1of 28

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG

Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: ESP


Petsa: MARCH 11,2024 Markahan: IKATLONG MARKHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 7:00 – 7:30 NG UMAGA
I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan

ng kamalayan sa karapatang pantao ng bata, pagkamasunurin


tungo sa kaayusan at kapayapaan ng kapaligiran at ng
bansang kinabibilangan

B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasabuhay ang pagsunod sa iba’t ibang paraan ng


pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa pamayanan at
bansa

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nakatutukoy ng iba’t ibang paraan upang mapanatili ang
kalinisan at kaayusan sa pamayanan hal. - pagsunod sa mga
babalang pantrapiko - wastong pagtatapon ng basura -
pagtatanim ng mga halaman sa paligid EsP2PPP- IIIg-h– 12

II. NILALAMAN Pagpapakita ng Kaayusan at Kapayapaan sa iba’t ibang Paraan

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian:

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro K-to-12 MELC Guide page 67

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag- LM page 14-18


aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk.

4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa ESP 2-Quarter3-Module 6


Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo mga larawan, cd/dvd player, video clip, tsart, graph, manila
paper, typewriting paper

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o
pagsisimula ng bagong aralin.

Ano ang makikita sa larawan?

Ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan?

Bakit kaya nila ginagawa ang mga ito?

B. Paghahabi sa layuning aralin Sa araling ito kayo ay inaasahang:

1. makatutukoy ng iba’t ibang paraan upang mapanatili ang

kalinisan at kaayusan sa pamayanan tulad ng:

a. pagsunod sa mga babalang pantrapiko

b. wastong pagtatapon ng basura


c. pagtatanim ng mga halaman sa paligid

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Suriin ang mgalarawan ng dalawang komunidad:


bagong aralin
A. Larawan ng komunidad na malinis at maayos

“Limang Paraan Kung Paano Mapapanatiling Malinis at


Maayos Ang Ating Kapaligiran”

1. Paglilinis ng tahanan

Ang unang paraan kung paano mapapanatili ang ating


kapaligiran ay pagsisimula ng kalinisan sa ating tahanan.

2. Pagtatapon ng basura sa tamang lagayan

Ang tamang pagtatapon ng basura ay isang tungkulin ng


bawat mamayanan. Ito ay mahalaga dahil maaari nating
maiwasan ang polusyon na makakasira sa atin lalo na sa
kapaligiran.

3. Pangangalaga ng mga ilog at dagat

Ang pagpapanitiling malinis ng mga ilog at dagat ay malaking


tulong sa kapaligiran dahil makatutulong ito na maiwasan ang
pagguho ng mga lupa at hindi magkaroon ng baha tuwing may
bagyo.

4. Pagtatanim ng mga punongkahoy

Ang pagtatanim ng mga punongkahoy ang pinaka-epektibong


paraan kung paano mapipigilan ang pagbaha.

5. Pagkakaisa at pagtutulungan para sa kapaligiran

Ang pagkakaisa at pagtutulungan ay magandang paraan kung


paano mas mapapaganda ang ating kapaligiran o komunidad.

B. Larawan ng komunidad na magulo at traffic.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #1 Iguhit ang puso❤ kung ang larawan ay nagpapakita ng wastong

gawain at iguhit naman ang malungkot ☹ na mukha kung


hindi wasto. Ilagay sa kuwaderno o sagutang papel ang iyong
sagot.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Lagyan ng check ang mga larawan na nagpapakita ng
paglalahad ng bagong kasanayan #2 pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa pamayanan.
F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Nagsisimula sa tahanan ang ugali ng pagiging malinis at
Formative Test) maayos. Isulat sa loob ng graphic organizer ang mga ginagawa
mo sa bahay na nagpapakita ng pagiging malinis at maayos na
maaaring magawa sa pamayanan.

Halimbawa: paghihiwalay ng mga basura

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw Kulayan ang malinis na kapaligiran.


na buhay.
Larawan A

Larawan B Ano ang dapat mong gawin sa larawang nasa


ibaba? Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.

H. Paglalahat ng Aralin Ang mga tao ang bumubuo sa pamayanan, pinapanatili nilang
malinis, ligtas at maayos ito. Sa pamamagitan ng
pakikipagtulungan at pagkakaisa ay nakakamit ang kalinisan
at kapayapaan sa isang pamayanan. Maganda ang naidudulot
nang malinis at maayos na pamayanan sa atin sapagkat tayo
ay malayo sa sakit at makaiiwas sa anumang gulo o aksidente.

I. Pagtataya ng Aralin. Isulat ang Tsek (/) kung tamang gawi at ekis (X) naman kung
hindi.

____1. Sumali sa tree planting na programa ng barangay.

____2. Sundin ang mga babala tungkol sa pagpapaganda at


pagaayos ng inyong paaralan at pamayanan.

____3. Iwasang magkalat sa lahat ng oras at lugar.

____4. Makipagsiksikan sa pagbili sa tindahan.

____5. Tumawid sa tamang tawiran.

J. Karagdagang gawain para sa takdang Gumuhit ng malinis at payapang kapaligiran. Gawin ito sa
aralin at remediation. isang malinis na papel.

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG


Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: MATHEMATICS
Petsa: MARCH 11, 2024 Markahan: IKATLONG MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 7:30 – 8:20 NG UMAGA
I.LAYUNIN:

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Demonstrates understanding of unit fractions

B. Pamantayan sa Pagganap: Demonstrates understanding of

unit fractions

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Constructs squares, rectangles, triangles, circles, half circles,
and quarter circles using cut-outs and square grids

M2GE-IIIg-6
II. NILALAMAN Pagtukoy sa Straight Lines, Curve Lines, Flat at Curved
Surface sa Tatlong Dimensyong Bagay o Hugis

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro K-to-12 MELC Guide page 268

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag- pp. 250-258


aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk. LM page 7-10

4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Mathematics for Everyday Use pp. 93-95
Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo Slide deck, tv monitor, Laptop, activity sheets

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o  Prayer
pagsisimula ng bagong aralin.  Review

Ayusin ang mga similar fractions mula sa pinakamaliit


hanggang sa pinakamalaki o increasing order at mula sa
pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit o decreasing order.

B. Paghahabi sa layuning aralin Sa araling ito ay matututuhan mo ang pagkilala o pagtukoy


sa mga straight lines at curves, plat at curved surfaces sa
isang 3 dimensional na bagay.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Sing the song.


bagong aralin
https://www.youtube.com/watch?v=VK2F56tJMsk

Present the different shapes.

1. This shape has four equal sides.


2. This shape has no corner and sides.

3. This shape has 2 sets of parallel lines.

4. This shape has three corners and three sides.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Kumuha ng papel at gunting. Sundin ang mga hakbang na
paglalahad ng bagong kasanayan #1 isinalarawan.

Pagbuo ng mga hugis parisukat, parihaba at tatsulok gamit


ang square grid.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Panuto: Gamit ang nabuong cut-outs, Idikit ang mga ito sa
paglalahad ng bagong kasanayan #2 loob ng kahon.

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Panuto: Tingnan ang mga larawan. Gayahin ang hugis na
Formative Test) hinihingi gamit ang cut-outs. Idikit ito sa loob ng larawan.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw Gumawa ng robot gamit ang ibat-ibang hugis.
na buhay.
H. Paglalahat ng Aralin Sa pagbuo ng mga hugis na parisukat, tasulok at parihaba
ay maari tayong gumawa ng cut-outs at square grid

I. Pagtataya ng Aralin. Panuto: Isulat kung anong hugis ang ipinapakita sa larawan.

1.

2.

3.

4.

5.

J. Karagdagang gawain para sa takdang Gumawa ng ibat-ibang disenyo gamit ang parisukat, tatsulok
aralin at remediation. at parihaba.

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved
Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG
Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: FILIPINO
Petsa: MARCH 11, 2024 Markahan: IKATLONG MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 8:20 – 9:10 NG UMAGA

LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Madagdagan ang kaalaman sa pagbabaybay.

B. Pamantayan sa Pagganap: Nakapagbabaybay nang wasto ng mga salitang tatlo o


apat na pantig, batayang talasalitaang pampaningin
at natutuhang salita mula sa mga aralin.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nababaybay nang wasto ang mga salita tatlo o apat na
pantig, batayang talasalitaang pampaningin, at
natutunang salita mula sa mga aralin

F2PY-IIg-i-2.1

II. NILALAMAN Pagbabaybay ng mga Salitang Tatlo o Apat na Pantig


at Batayang Talasalitaang Pampaningin

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian: K-to-12 MELC Guide page 148

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral. LM page 8-11


3. Mga Pahina sa Teksbuk.

4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Portal

B. Iba pang Kagamitang Panturo Laptop, tv, slide decks Activity Sheets

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay mga
pagsisimula ng bagong aralin. alintuntunin na iyong naobserbahan sa iyong tahanan
o mamamayan at MALI naman kung hindi.

____1. Wastong patatapon ng basura.

____2. Paggamit ng wasto ng publikong palikuran.

____3. Sumunod sa batas trapiko.

____4. Tumawid sa tamang tawiran

____5. Pakikiisa sa mga programa ng komunidad.

B. Paghahabi sa layuning aralin Ngayon ay matututunan ninyo ang pagbabaybay nang


wasto ng mga salitang tatlo o apat na pantig.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Ang pagbaybay ay pagsusulat ng salita o mga salita sa
aralin pamamagitan ng lahat ng kinakailangan na letra sa
tama nitong pagkakasunod-sunod.

Mga Tuntunin sa Pagbabaybay

2. Pasulat na Pagbabaybay. Ito ang pagpapanatili ng


isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra sa pagsulat
na pagbaybaybay ng mga salita sa wikang Filipino. A.
Kung ano ang bigkas ay siyang sulat. Kung ano ang
sulat ay siyang basa. Halimbawa: dyip=jeep
putbol=football dyaket=jacket

B. Mayroong dagdag na walong (8) letra sa alpabetong


Filipino. Ito ay ang C, F, J, Ň, Q, V, X, Z. Ito ay
ginagamit sa tao at lugar.

Halimbawa: Tao: Francis, Ňino, Zara, Venus Lugar:


Quezon, Zamboanga City, Valenzuela
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Ibigay ang wastong baybay ng mga batayang
ng bagong kasanayan #1 talasalitaang pampaningin. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel. Ang batayang talasalitaang
pampaningin ay mga salitang madalas lumilitaw sa
ating pagbabasa at pagsusulat. Mga halimbawa: ate,
doon, ng, at, sino, atin, mga, din, ako, alin, may, dito
at sa

1. Ang tawag sa kaniya ay ina ng tahanan.

( nanay, naynay)

2. Siya ang nakatatandang kapatid na lalaki. (kuya,


koya)

3. Masarap magpalipad ng ___________ kapag


malakas ang hangin. (saranggola, sarangola) 4. Ang
_________ mag-aaral ay nalungkot nang hindi sila
makapasok sa paralan. (mga, manga) 5. Ang aming
__________ ay malinis. (bahay, banay)

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Isulat ang wastong baybay ng mga sumusunod na
ng bagong kasanayan #2 salita.

1. kapated

2. kulapati

3. tenddahon

4. magolangg

5. paggsosolit

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Tukuyin ang mga salitang mali ang baybay at isaayos
Test) ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Ilang araw ring nagpapagaling si Angelika sa


osptial.

2. Mula noon ay hindi na siya sumusuway sa yopa ng


kaniyang nanay na huwag lumabas ng bahay.

3. Naging masunurin si Angelika sa kaniyang nanay


dahil ayaw na niyang agmkasaikt.

4. Inaapoy ng lagnta si Angelika at siya rin ay


giniginaw.

5. Labis na nag-alala ang kaniyang ytata.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw na Ibigay ang wastong baybay ng mga batayang
buhay. talasalitaang pampaningin. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Bumili ng bagong _________ si Tatay. (nama, kama)

2. Ang isa pang kahulugan ng upuan ay ______. (cilla,


silya)
3. Ang paboritong kulay ni Emily ay _______. (berdi,
berde)

4. Ika - _______ ako sa magkakapatid. (sampo, sampu)

5. Sinusunod ni Nida ang utos ng kanyang mga


(magulang, magalang).

H. Paglalahat ng Aralin Sa pagbabaybay ng mga salita,laging isaisip ang mga


tunog ng mga letra at pantig na bumubuo nito.

I. Pagtataya ng Aralin. Panuto: Piliin ang letra ng salitang wasto ang baybay.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang salitang ito ay may kahulugang kaluluwa o


diwa. A. ispiritu B. espiritu C. esperitu D. espireto

2. Ang katumbas na kahulugan nito ay katibayan.


A.ebidensiya B. ebedensiya C. ebedinsia D. Ibidens

3. Ang salitang ito ay katumbas ng salitang paaralan.


A.iskwelahan B. eskuwelahan C. eskwelahan D.
iskwelahan

4. Ang isa pang kahulugan nito ay patalastas.


A.anunsio B. anonsiyo C. anunsiyo D. anunseyo

5. Ang ibig sabihin ng salitang ito ay patnubay o


pamamahala. A. direksiyon B. direksyon C. dereksyon
D. direkcion

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at Pantigin ang sumusunod na salita.


remediation.
1. pagmamahal

2. nagsisipiliyo

3. matangkad

4. mabilis

5. mahinahon

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the


following day
Lack of Time
No class Achieved
School: SITIO STO ROSARIO ES Grade Level: 2
Teacher: NESTLEE C. ARNAIZ Learning Area: ENGLISH
Date: MARCH 11, 2024 Quarter: 3rd QUARTER
Grade and Section: 2-JACINTO Time: 9:30 – 10:20 AM

I. OBJECTIVES:

A. Content Standards: The learner listens critically to one-two paragraphs and uses
appropriate expressions in varied situations.

B. Performance Standards: ` The learner reads texts for pleasure and information critically in
meaningful thought units; responds properly to environmental
prints likes signs, posters, commands and requests; and writes
legibly simple sentences and messages in cursive form.

C. Learning Competencies / Talk about texts identifying major points and key themes
Objectives:

II. CONTENT Identifying Major Points and Key Themes

III. LEARNING RESOURCES


A. References K-to-12 MELC Guide page 180
DBOW in English page 6
1. Teacher’s Guide pages
2. Learner’s Materials pages
3. Textbook pages
4. Additional Materials from Learning
B. Other Learning Resources slide deck, tv, pictures, tarpapel
Resources/Portal
IV. PROCEDURES
A. Reviewing previous lesson or Read the short story. Then answer each question.
presenting the new lesson

B. Establishing a purpose for the Read and understand the story.


lesson

C. Presenting examples/instances of Answer the following questions.


the new lesson
1. Who is the main character in the story?

2. Why is the story entitled “The Studious Pupil”? What did you
learn about the story?

D. Discussing new concepts and The selection above tells that Ana is a studious pupil as she
practicing new skills #1 studies well in school and at home. This is the Major Point.

It also tells that studying well can help one get good grades and
be successful in life. This is the theme.
E. Discussing new concepts and Identify the Major Point or key Theme in the following. Choose the
practicing new skills #2 letter of your answer.
1. Farmers play important role in the production of the foods on
our table. They work very hard in the farm from sunrise to
sunset. The story is about _____?
A. Farmers
B. Sunset
C. Farm
2. Freya and Troyce attend online class every morning. After their
class, they rest and help their parents do the household chores.
Freya washes the dishes, while Troyce sweeps the floor. The
paragraph is about the ______________.
A. Honest children
B. Polite Children
C. Helpful children
3. Beetles, flies, cockroaches, ants, bees and others are examples
of insects. Insects are organisms with three pairs of legs and three
body regions: head, thorax, and abdomen. The paragraph is about
_____.
A. birds
B. animals
C. insects
F. Developing Mastery (Leads to Directions: Underline the major point in the following.
Formative Assessment 3)
1. Bats are nocturnal animal. They sleep during daytime and
hunt their foods at night. They can see better during night time,
as well.

2. Plants absorb carbon dioxide and releases oxygen which we


need in order to live. They make our surroundings beautiful.
Plants are important to us.

3. Fruits and vegetables have many benefits. They keep you


healthy and strong. They are rich in vitamins and minerals which
help fight diseases. They can also make your skin beautiful and
glowing.

G. Finding practical applications of Directions: Identify key theme in each passage. Choose the letter
concepts and skills in daily living of the correct answer from the box. Write the letter of your
answer.

_____1. Marla greets her parents at home. In school, she never


fails to greet and smile to everyone she sees. She always uses “po”
and “opo” when talking.

_____2. The Grade two pupils practice the 3Rs: Reduce, Reuse,
Recycle to save “Mother Earth”.

_____3. Chona always helps those who are in need. She always
shares to others her blessings.

_____4. Matthew always asks guidance from God.

_____5. Diamel never gets anything that does not belong to her.
When she found something that is not hers, she always looks for
its owner.

H. Making generalization and Remember:


abstractions about the lesson Major Point- the main idea or central thought of a paragraph or
story; it tells the reader what the text is all about

Theme- is a moral or lesson that the author wants you to learn


from the story. In getting the theme of a story, you can ask
yourself the questions about what the characters learn, how did
the characters change or grow, or why the characters act this
way.
- This may be expressed in one word such as: Honesty, Faith,
Love, Courage, etc.

I. Evaluating Learning Directions: Study the text in each set. Write the letter of the
correct answer on your paper.

_____ 1. The chicken adobo is my favorite dish. It has onion,


garlic, pepper, and potato. It is marinated with vinegar and soy
sauce. What is the text all about?

a. Chicken Adobo

b. Cooking Adobo

c. Eating Adobo

_____ 2. My grandmother loves to make women’s clothes. She


made my gown out of scrap fabric. Aunt Lorna also learned
dressmaking from her. What is the text all about?

a. The Granddaughter

b. The Great Aunt Lorna

c. The Grandmother

_____ 3. Lorenzo have a bread. He saw a girl asking for food. He


shared it with the girl. What kind of a boy is Lorenzo?

a. Smart

b. Generous

c. Polite

_____ 4. Hannah waters the plants every day. She also cleans her
room by herself. She does some household chores by her own.
What kind of a girl is Hannah?

a. Kind

b. Brave

c. Responsible

_____ 5. I always watch on our television. I am always updated


about the news. I always know what is our weather condition.
What is the text all about?

a. Television for Information

b. television for Entertainment

c. Television for Business

J. Additional activities for Read the paragraph and answer the question that follow.
application or remediation
There are different ways in cooking eggs. If you don't want too
much oil, you can boil it. Also, you can bake it. If you want it
fluffy, you can scramble it. If you want it hot, you can make a
soup. If you want it as a snack, you can make a sandwich spread.
It is easy to serve both for the kids and adults.

1. What is the paragraph all about? ___________


2. What cooking way you will do, when you want a fluffy egg?
__________
3. What will you do, if you want a hot egg soup? __________
4. What is the main point of the paragraph?
_________________________
5. What is the key theme of the paragraph? __________________

V. REMARKS Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG


Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: MOTHER TONGUE
Petsa: MARCH 11, 2024 Markahan: IKATLONG MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 10:20 – 11:10 NG UMAGA

I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Possesses developing language skills and cultural
awareness necessary to participate successfully in oral
communication in different contexts

B. Pamantayan sa Pagganap: Uses developing oral language to name and describe


people, places, and concrete objects and communicate
personal experiences, ideas, thoughts, actions, and
feelings in different contexts.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Use expressions appropriate to the grade level to


relate/show one’s obligation, hope, and wish MT2OL-
IIIg-h-3.3

II. NILALAMAN Paggamit ng Iba’t-ibang Ekspresyon na Angkop sa


Baitang upang Maipahayag Sariling Kaisipan tungkol
sa Obligasyon, Pag-asa o Naisin.

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian: K-to-12 MELC Guide page 372

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral. LM page 7-14

3. Mga Pahina sa Teksbuk.

4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Portal MTB 2-Quarter3-Module 1

B. Iba pang Kagamitang Panturo


IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na
pagsisimula ng bagong aralin. pandiwa.

B. Paghahabi sa layuning aralin Sa araling ito ay matutuhan mong ipahayag ang


sariling kaisipan tungkol sa pag-asa o naisin.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Paghahawan ng balakid:


aralin
Patpat - Ang patpat ay isang maliit na piraso ng

kahoy o mula sa kawayan.

Kalangitan - Ang ulap ay nasa kalangitan.

Kapantay - Si Pedro at Pablo ay magkapantay.

Magkapareho sila ng taas.

Kalupaan - Ang kalupaan ay nakikita mula sa bintana


ng eroplano

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Magpakita ng larawan ng isang pagong.


ng bagong kasanayan #1

Nakakita na ba kayo ng isang pagong na lumilipad?

Sa araw na ito ay may kwento tayong babasahin


tungkol sa isang pagong na may kakaibang pangarap.

Kayo, ano ang inyong pangarap?

Ano kaya ang pangarap ni pagong?

Tuklasin natin sa pagbasa ng kwento.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Ipabasa sa mga bata ang kuwento nang tuloy-tuloy sa
ng bagong kasanayan #2 LM.

“Ang Pangarap ng Pagong”


Matagal nang pangarap ni Pagong ang maranasan ang
makalipad at makarating sa kalangitan kapantay ng
mga ulap. Isang araw, kinausap niya ang kaniyang mga
kaibigang ibon. “Maari ba ninyo akong tulungan na
makarating sa kalangitan at matanaw ang
magagandang tanawin sa kalupaan? Gusto ko lang
maranasan ang inyong nararanasan,” dagdag pa niya.
“Sige, tutulungan ka naming matupad ang matagal mo
nang pangarap,” ang sagot naman ng mga kaibigan
niyang ibon.

“Paano naman ako makakalipad at makakarating sa


itaas?” tanong ni Pagong. “Madali lang, gagamit tayo ng
isang patpat. Kakagatin naming ang tigkabilang dulo
ng patpat.Kagatin mo naman ang gitnang bahagi nito.
Madadala ka naming sa aming paglipad. At kumuha
nga ng isang patpat ang kaniyang mga kaibigang ibon.
Kinagat nila ang parehong dulo nito at pinakagat si
Pagong sa gitna ng patpat. Lumipad sila ng lumipad
paitaas.

Tuwang-tuwa si Pagong. Naranasan na rin niya ang


makarating sa itaas. Maya-maya, nakita sila ng mga
tao sa ibaba. Itinuturo ng mga tao ang dalawang ibon
at isang pagong na nasa himpapawid. Hangang-hanga
ang mga tao at kumakaway sa magkakaibigang ibon at
pagong. Dahil sa katuwaan sa paghanga ng mga tao,
ibinuka ni Pagong ang kaniyang bibig upang batiin ang
mga tao sa ibaba.

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Mga tanong sa kuwento.


Test)
Pagsagot sa pangganyak na tanong

Ano ang matagal nang pangarap ni Pagong?

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw na Mga bata,mayroon ba kayong pangarap? Anu-ano ang
buhay. inyong mga pangarap? Ano-ano ang mga dapat mong
gawin upang ito ay marating?

H. Paglalahat ng Aralin Sa pagpapahayag ng isang naisin, ginagamit ang mga


ekspresyong tulad ng nais kong, gusto kong, pangrap
kong, hinihiling kong,hangad kong…

I. Pagtataya ng Aralin. Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

A. mga ibob, tao at si pagong

B. mga tao, kambing at kuneho

C. Ang kuneho at si pagong

2. Ano ang matagal ng pangarap ni Pagong?

A. limipad B. tumakbo C. gumapang

3. Natupad ba ang kaniyang pangarap?

A. Oo B. Hindi C. di sigurado
4. Sino ang tumulong sa kaniya?

A. mga ibon B. mga tao C. mga palaka

5. Ano ang ginawa ni Pagong ng makita siya ng mga


tao?

A. Ibinuka ang bibig ni pagong B. naiwan sa


himpapawid C.pumunta sa langit

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at Ano ang nais mo paglaki mo?
remediation.
1. Iguhit kung ano angusto mong mging paglaki mo?

2. Ano ang gagawin mou pang makamit ito?

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following


day
Lack of Time
No class Achieved

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG


Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: ARALING PANLIPUNAN
Petsa: MARCH 11, 2024 Markahan: IKATLONG MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 11:00 – 11:50 NG UMAGA

I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ang kahalagahan ng mabuting paglilingkod
ng mga namumuno sa pagsulong ng mga pangunahing
hanapbuhay at pagtugon sa pangangailangan ng mga kasapi
ng sariling komunidad

B. Pamantayan sa Pagganap: Nakapagpapahayag ng pagpapahalaga sa pagsulong ng


mabuting paglilingkod ng mga namumuno sa komunidad
tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng mga kasapi ng
sariling komunidad

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Naiisa-isa ang mga katangian ng mabuting pinuno

II. NILALAMAN Katangian ng Isang Mabuting Pinuno

III. KAGAMITANG PANTURO:


A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro K-to-12 MELC Guide page 29
DBOW sa Araling Panlipunan 2 pahina 3
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-
aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk.
4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Laptop, larawan, activity sheets
Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tsek (✓) kung tama ang
pagsisimula ng bagong aralin. pangungusap at ekis ( x ) naman kung mali.

______1. Ang barangay health center ay nagbibigay ng libreng


bakuna sa mga batang may edad na limang taong gulang
pababa.

______2. Tinutulungan ng pamahalaan ang mga nawalan ng


trabaho dahil sa pandemya.

______3. Ang lokal na pamahalaan ang nagpapatayo ng mga


daan at tulay sa mga barangay.

______4. Ang mga mahihirap lamang ang tinutulungan ng


pamahalaan sa panahon ng pandemya.

______5. Mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaan ang mga


batas laban sa sakit na COVID-19.

B. Paghahabi sa layuning aralin Masdan ang larawan.

 Sino sa palagay mo ang nasa larawan?


 Kilala mo ba ang iyong kapitan sa iyong barangay?
 Ano-ano ang mga katangian ang taglay niya?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Basahin ang maikling kuwento sa ibaba tungkol sa


bagong aralin katangian ng isang mabuting pinuno.

Idol Ko si Kap
ni: Ginalyn B. Gaston

Si Kapitan Maria ang aming pinuno sa Barangay Pandan.


Bago siya naging isang kapitan, dati siyang isang lider ng
Sangguniang Kabataan. Kilala siya sa pagiging masipag,
maaasahan, matiyaga at matulungin. Nakikinig din siya sa
mga payo at opinyon ng kaniyang nasasakupan.

Bilang isang babaeng lider ng barangay, siya ang


nangunguna sa pagpapatupad ng mga patakaran lalo na sa
panahon ng pandemya tulad ng pagsuot ng face mask at
pagsunod sa social distancing upang hindi sila mahawa ng
sakit na COVID-19.

Makikita mo sa aming lugar ang pagkakaisa, pagtutulungan


at pagsunod sa batas. Dahil dito, “Idol” ang tawag namin sa
kanya dahil sa matapat at mahusay niyang pamumuno.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


paglalahad ng bagong kasanayan #1
1. Anong katangian ng isang lider ang ipinakita ni Kapitan
Maria?
2. Bilang isang bata, anong katangian ang iyong nagustuhan
sa kapitan?
3. Sa tingin mo ba maganda ang kanyang pamumuno sa
Barangay Pandan? Bakit?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at May mga katangian na hinahanap ang mga kasapi sa isang
paglalahad ng bagong kasanayan #2 pangkat at samahan sa kanilang magiging mga pinuno. Ilan
sa mga ito ay:
1. Maka-Diyos - ang isang pinuno ay dapat na may malalim
na pananampalataya sa Diyos upang siya ay magabayan sa
kaniyang pamumuno.
2. Makatao - siya ay palakaibigan sa lahat ng tao sa
kaniyang nasasakupan. Wala siyang pinipiling paglingkuran
maging mahirap man o mayaman.
3. May pagmamalasakit sa kapaligiran – nagpapatupad siya
ng mga programang pangkapaligiran tulad ng tree planting
at paglilinis sa komunidad.
4. Mapagkakatiwalaan - siya ay matapat sa lahat ng bagay.
5. Responsable – ginagampanan niya ng buong husay ang
kaniyang tungkulin.
6. Walang kinikilingan – siya ay patas sa pagtrato at
pagpapatupad ng anumang batas o polisiya.
F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Panuto: Hanapin sa crossword puzzle ang mga katangian ng
Formative Test) isang mabuting pinuno. Isulat ang mga salitang nahanap sa
iyong sagutang papel.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw Panuto: Ayusin ang mga jumbled letters upang makabuo ng
na buhay. mga salita na tumutukoy sa katangian ng isang pinuno.

H. Paglalahat ng Aralin Punan ng tamang mga salita ang talata at isulat sa sagutang
papel ang sagot.

Ako, Bilang isang Pinuno

Ako ay isang halal na pinuno. Pinili ako ng aking mga


kababayan upang magsilbi sa kanilang mga
pangangailangan. Pinili nila ako dahil sa aking mga
sumusunod na mga katangian:
1. _____________________
2. _____________________
3. _____________________
4. _____________________
5. _____________________

Bilang pasasalamat sa kanilang tiwala, susuklian ko nang


maganda, mahusay at malinis na paglilingkod ang aking mga
kababayan.
I. Pagtataya ng Aralin. Panuto: Iguhit sa sagutang papel ang bilog kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng isang mabuting katangian
ng pinuno at parisukat kung hindi.
_____1. Tumutulong si Kapitan Maria sa mga gawain sa
barangay.
_____2. Maayos ang pagpapatupad niya ng mga programa
lalong lalo na sa panahon ng pandemya.
_____3. Ang maayos na pagpapatupad ng mga programa sa
barangay ay nagdudulot ng pag-unlad.
_____4. Ang kapitan lamang ang nagdedesisyon sa barangay.
_____5. Tinatawag na “Idol” si Kapitan Maira dahil sa
kanyang kagandahan.
J. Karagdagang gawain para sa takdang Panuto: Sa tulong ng iyong magulang o nakatatandang
aralin at remediation. miyembro ng pamilya, kopyahin ang hugis bituin sa ibaba .
Isulat sa loob nito ang mga katangian ng inyong kapitan sa
inyong barangay. Gawin ito sa isang malinis na papel.
V. MGA TALA Re-teaching Transfer of lesson to the following day
Lack of Time
No class Achieved

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG


Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: MUSIC
Petsa: MARCH 11, 2024 Markahan: IKATLONG MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 12:30 – 1:10 NG TANGHALI

I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Demonstrates understanding of the basic concepts of dynamics
B. Pamantayan sa Pagganap: Creatively applies changes in dynamics to enhance rhymes,
chants, drama, and musical stories
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Performs songs with appropriate dynamics.

II. NILALAMAN Paglakas at Paghina sa Pag-awit

III. KAGAMITANG PANTURO:


A. Sanggunian: K-to-12 MELC Guide page 367
DBOW in MAPEH page 262
a. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang
Mag-aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk.
4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa
Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo slide deck, tv, mga larawan, tarpapel
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Ano ang dinamiko (dynamics)?
pagsisimula ng bagong aralin.

- Ito ay ang pag-awit ng malakas o mahinang tunog sa isang


awitin.

Ano-ano ang apat na dinamiko (dynamics) sa isang awitin?

- Mahina, Mas Mahina, Malakas, Mas malakas

B. Paghahabi sa layuning aralin Suriin ang mga larawan sa ibaba. Alin sa mga ito ang may
tunog na papalakas? Alin naman ang may tunog na papahina?

(Pagpihit ng volume ng radio nang pa-clockwise)

(Pagpihit ng volume ng radio nang pa-counter clockwise)

(Pagpindot ng plus sign + ng remote control)

(Pagpindot ng minus sign – sa screen ng cellphone)


C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Sa mga nakaraang aralin, natutuhan mo ang iba’t ibang antas
bagong aralin ng lakas o hina ng tunog, at pati na rin ang mga timbre ng
boses. Sa araling ito, matutukoy mo ang wastong pagbabago sa
lakas o hina ng tinig, at magagamit mo ito sa pagtatanghal ng
isang awitin.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Nalaman mo sa mga nakaraang aralin ang kahalagahan ng


paglalahad ng bagong kasanayan #1 pagbabago sa lakas at hina ng tinig sa pagkanta. Ito ay upang
maipahatid ang angkop na damdamin mula sa mang-aawit
patungo sa mga nakikinig. Ngunit kailan ba dapat lumakas o
humina ang tinig sa pag-awit?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Mababatid mo na ang paglakas o paghina ng pagkanta ay


paglalahad ng bagong kasanayan #2 nakaayon sa damdamin o mensahe ng liriko o pahayag ng isang
awitin. Kung ito ay masaya, masigla, o nakagugulat, nararapat
lamang na ito ay awitin ng malakas o papalakas. Kung ito
naman ay malungkot, matamlay, o taimtim, nararapat lamang
na ang pag-awit nito ay mahina o papahina.

Mapapansin na napakalakas ang tinig kung mabilis ang


pagbigkas, mataas ang tono, at may mahabang paghinga bago
kumanta. Mas napapahina naman ang tinig kung mabagal ang
pagbigkas, mababa ang tono, at may maikling paghinga bago
kumanta.

Mas magandang pakinggan ang isang awit kapag ito ay


gumagamit ng iba’t ibang antas ng lakas o hina. Nagiging mas
madamdamin ang musika dahil dito.

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Panuto: Basahin ang mga sumusunod na linya ng kanta.
Formative Test) Lagyan ng simbolong “ < ” kung ito ay dapat awitin nang
papalakas. Lagyan naman ng simbolong “ > ” kung ito ay dapat
awitin ng papahina. Sagutan ito sa iyong sagutang papel.

_______ 1. “Pagdating sa dulo, nabali ang sanga!”

_______ 2. “Di ko na nakita, pumutok na pala”

_______ 3. “Maligayang, maligayang, maligayang bati!”

_______4.“Puso kong may dusa, sabik sa ugoy ng duyan”

_______ 5. “May payneta pa siya, uy!”

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw- Panuto: Ang susunod na awitin ay may temang
araw na buhay. pagkamakabayan at pagmamahal sa bansa. Ito ay nahahati sa
apat na bahagi. Suriin ang buong liriko nito. Punan ng mga
salitang “mas mahina,” “mahina,” “malakas,” at “mas malakas”
ang bawat bahaging may salungguhit ayon sa wastong paglakas
o paghina ng awitin.
(1)

Ang bayan kong Pilipinas

Lupain ng ginto't bulaklak

Pag-ibig na sa kanyang palad

Nag-alay ng ganda't dilag

(2)

At sa kanyang yumi at ganda

Dayuhan ay nahalina

Bayan ko, binihag ka

Nasadlak sa dusa

(3)

Ibon mang may layang lumipad

Kulungin mo at umiiyak

Bayan pa kayang sakdal-dilag

Ang 'di magnasang makaalpas

(4)

Pilipinas kong minumutya

Pugad ng luha at dalita

Aking adhika

Makita kang sakdal laya!

H. Paglalahat ng Aralin Punan ang mga patlang ng mga wastong konsepto upang
makabuo ng makabuluhang talata tungkol sa aralin.

Tulad ng pananalita, ang musika ay ginagamit sa paghahatid


ng mensahe o saloobin, kung kaya’t mas __________ ang
paglalahad ng damdamin kung may angkop na lakas ng tunog o
diin ang mga _________. Tandaan, ang isang mahusay na mang-
aawit ay may likas at madalas na pagbabago sa lakas at hina ng
kanyang ________.

I. Pagtataya ng Aralin. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na paraan ng paglikha ng


himig ng boses. Isulat ang letrang “L ” kung ito ay may
ingklinasyong tumungo sa paglakas ng tinig. Isulat naman ang
letrang “H ” kung ito ay may ingklinasyong tumungo sa paghina
ng tinig. Upang makatulong sa tamang pagsagot, subukan mo
ring gawin ang mga sumusunod.

_______ 1. pagkanta ng mabilis na ritmo

_______ 2. pagkanta ng mabagal na ritmo

_______ 3. pag-abot sa matataas na tono

_______ 4. pag-abot sa mababang tono

_______ 5. pagbigkas ng salita matapos ang mahabang paghinga

J. Karagdagang gawain para sa takdang Panuto: Ang awitin sa ibaba ay may apat na bahagi. Kantahin
aralin at remediation. ang bawat bahagi sa iba’t ibang antas. Magsimula sa
pinakamahina hanggang pinakamalakas na tinig.

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved

You might also like