You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYONG PAGPAPAKATAO 1

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagiging


masunurin, pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan at kalinisan sa loob ng tahanan at
paaralan.
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa nang may kusa ang mga kilos at gawain na
nagpapanatili ng kalinisan, kaayusan at katahimikan sa loob ng tahanan at paaralan.
Pamantayan sa Pagkatuto: Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa loob
ng tahanan at paaralan para sa mabuting kalusugan (EsP1PPP-IIIf-h – 4)

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. Naiisa-isa ang mga alituntunin na ipinapatupad sa paaralan;
b. Naisasagawa ang mga ipinapatupad na alituntunin;
c. Nahuhubog ang pagpapahalaga sa kalinisan at kaayusan sa kanilang kapaligiran sa
pamamagitan ng regular na paglilinis at pag-aayos, na naglalayong mapanatili ang
mabuting kalusugan.
II. Nilalaman
a. Paksa: Pagtulong sa Pagpapanatili ng Kalinisan at Kaayusan sa Tahanan at Paaralan
b. Kagamitan: larawan, marker/chalk
c. Sanggunian: https://depedtambayan.net/wp-content/uploads/2022/03/EsP1Q3V2.pdf
d. Strategies: 4 A’s Approach
e. Values Integration: Disiplina at Pagmamalasakit
III. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain
a. Balik-aral
b. Pagganyak
Suriin ang mga larawan.

A B
Katanungan:
1. Ano ang napapansin ninyo sa unang larawan?
2. Ano ang napapansin ninyo sa pangalawang larawan?
3. Kung kayo papipiliin, saan ninyo gusto mag aral, sa unag silid aralan o sa
pangalawang silid aralan?
4. Paano natin mapapanatili na malinis ang ating silid aralan?

2. Lesson proper
A. Activity
Sa bahay kayo ba ay tumutulong sa paglilinis?

Makinig sa babasahing kwento:

Si pedro ay tamad na bata. Hindi siya tumulong sa mga gawaing bahay palagi lamang
siya naglalaro. Minsan napapagalitan siya ng kanyang nanay dahil pati sa pagligo at
pagtapon ng kanyang basura sa tamang basurahan ay hindi niya magawa. Isang araw,
masayang naglalaro si Pedro sa labas ng biglang tinawag siya ng kanyang nanay at
kakain na. Sinabihan ng nanay si Pedro na maghugas ng kamay bago kumain. Hindi
sinunod ni Pedro ang sinabi ng kanyang nanay deritso siyang kumain. Kinagabihan may
binili siyang candy dahil sa sobrang tamad ang balot ng candy ay nilagay niya lamang sa
ilalim ng kanyang unan. Kinaumagahan sobrang sakit ng tiyan ni Pedro at marami din
siyang kagat ng langgam.

B. Analysis

Tanong:
1. Ano ang ugali ni Pedro sa kwento?
2. Ano ang naging epekto ng katamaran ni Pedro sa kanya?
3. Bakit mahalaga na maghugas ng kamay bago kumain?
4. Bakit naman mahalaga na itapon ang basura sa tamang basurahan?
5. Ano ang iyong natutunan tungkol sa kahalagahan ng kalinisan mula sa kwento ni
Pedro?
6. Paano mo gagamitin ang mga aral na natutunan mo mula sa kwento ni Pedro sa iyong
sariling buhay?

C. Abstraction
Ang pagiging malinis at maayos ay tatak na kaugalian nating mga Filipino. Bilang
isang Filipino, ikaw rin ay inaasahang maging malinis at maayos.

Mga paraan upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa tahanan at


paaralan.

1. Tumulong sa paglilinis.
2. Iwasan ang pagkakalat.
3. Itapon ang basura sa tamang basurahan.
4. Tupiin ang hinigaan.

Ang kalinisan ay kasunod sa pagiging maka-Diyos. Pinagpapala ang batang malinis


at maayos. Ang batang malinis at maayos ay makakaiwas sa mga sakit.

D. Application
Suriin ang mga larawan at sabihin kung ito ay nagpapakita ng ng tamang gawi
pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan

1. 3.

2. 4.

IV. Pagtataya
Iguhit ang masayang mukha sa bawat bilang kung ang mga sumusunod na pahayag ay
nagpapakita ng pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa tahanan at paaralan. Iguhit naman
ang malungkot na mukha kung hindi.

____ 1. Inay, ako na po ang mag-aayos ng higaan natin.


____ 2. Si Kuya talaga, ikinalat na naman ang mga
laruan niya. Bahala siya diyan.
____ 3. Sir Grafil, ako na naman po ba ang maglilinis sa
classroom?
____ 4. Tatay, ako na po ang magdidilig sa halamanan
natin.
____ 5. Nakakainis naman. Ang dumi-dumi at ang kalat naman dito sa bahay. Bahala nga
kayo.

V. Takdang Aralin
VI. Remarks
VII. Reflection

Inihanda ni: April Mae C. Culaway

You might also like