You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Comission on Higher Education


Bangsamoro Autonomous Region and Muslim Mindanao
ENTHUSIASTIC COLLEGE INC.
Upper Dinganen Buldon, Maguindanao Del Norte
College of Education

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Baitang: 2 Petsa/ Eskedyul: Marso 07, 2024

I. Layunin: Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natututkoy ang ibat-ibang paraan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng


pamayanan
b. Naibabahagi ang karanasan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan
pamayanan
c. aktibo na makilahok sa mga gawaing pangklase.

II. Paksang Aralin

a. Paksa:
Ibat-ibang paraan upang Mapanatili ang Kalinisan at Kaayusan ng
Pamayanan

b. Kagamitan: Larawan, manila paper, pen


c. Sanggunian: Module; Ikatlong Markahan Linggo 5
d. Pagpapahalaga: Ang pagpapanatili ng kalisan at kaayusan ng pamayanan ay
kinakailangan isapuso.
III. Pamamaraan

a. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng lumiban sa klase
4. Balik-Aral
b. Pagganyak:
Kwento: Pakikiisa

Isang araw, may aktibidad na gagawin ang kanilang eskwela sa pagtulong


sa paglilinis ng kapaligiran at pagtatanim. Hindi nagdalawang isip si Luna na
sumali sa aktibidad ng kanilang eskwela.
Kinabukasan, natutunan niya sa kanilang klase kung ano ang kahalagahan
ng pagkakaisa sa mga pamamaraan sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng
isang pamayanan.
Pagkatapos ng klase, hinihintay niya ang kanyang nanay upang makauwi.
Habang naghihintay, may nakita siyang balat ng kendi sa daan, kinuha niya ito at
inilagay sa kanyang bag.
Pagdating ng kanyang nanay, nagmano at umalis na sila. Tatawid n asana
sila sa kalsada ngunit nakita niyang hindi iyon ang tamang daanan kaya sinabi
niya sa kanyang Nanayna kailangan tumawid sila sa tamang tuwiran dahil
kailangan sumunod sa batas at upang maging ligtas.
Natuwa ang kanyang nanay sa sinabi ni Luna at humingi ng tawad dahil
tama ang sinabi ni Luna. At naghintay sila ng jeep sa tamang hintuan.
Pagkauwi, nakita ni Luna na marumi ang tapat ng kanilang bahay.
Nagkuas si Luna na kumuha ng walis upang linisin at itapon ito s ataman
basurahan.

Mga tanong;

1.Ano ng aktibidad ang sinalihan ni luna sa kanilang klase?


Sagot: paglilinis at pagtatanim
2. Ano ang ginawa ni Luna nung nakita niyang marumi ang tapat ng kanilang bahay?
Sagot: naglini
3. Saan tumawid sina Luna?
Sagot: Sa tamang tawiran/sa pedestrian lane
4.Kung ikaw si Luna, ano ang gagawin mo kapag may nakita kang bata na nagtatapon ng basura
kahit saan?

C.Gawain:
Ang mg sumusunod na larawan ay nag papakita ng mga ibat-ibang paraan upang
mapapanatili ang kaayusan ng pamayanan.

D. Paglalahad:

Ang pakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ay pagpapakita ng


pagsunod sa mga programa ata proyekto ng pamayanan. Ito ay tanda ng
pagmamalasakit sa ating kapaligiran at kalikasan. Laging tandaan na ” Ang
malinis ata maayos na kapaligiran, dulot ay kalusugan ng katawan. Ilan sa
mga ito ay pagtatanim ng halaman sa paligid ng tahanan, pagtapon ang
basura sa tamang lugar, pagsunod ang mga babala tungkol sa
pagpapaganda at pag- aayos sa pamayanan at paglinis sa mga kanal
upang maiwasan ang pagbabara nito.

E. Paglalapat:

Pangkatang Gawain:

Paraan: Pangkatin ang sarili sa dalawang grupo at pumili ng isang lider at isang sekretarya.

Grupo 1: Isulat sa hugis puso ang ibat-ibang paraan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa
pamyaanan.

Grupo 2: Isulat sa hugis basag puso ang kung nagpapakita ng hindi pagpapanatili ng kaayusan at
kalinisan.

Mga halimbawa ng gawain:

1.tatawid kami ni ate sa tamang tawiran.


2.Itatapon ko ang basura kahit saan.
3.Itapon ang basura sa tamang lugar
4.Didiligan ko an gaming halaman araw-araw.
5.Pagpuputol ng mga punong-kahoy

Rubriks

Batayan Puntos

Lahat ng sagot ay tama 15


Kulang ang sagot 10
Walang tamang sagot 5

Pagtataya:

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay paraan upang
mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa pamayananat, malungkot na mukha naman kung hindi.

__________ 1. Sinusunog ko ang mga plastic kasama ng mga dahon sa bakuran.


__________ 2Pumara ng motorsiklo si jan Alven sa gitna ng daan.
__________ 3. Tumawid sa tamang tawiran si Andrea.
__________ 4. Nagtanim ng mga halaman si Kurt sa kanilang bakuran.
__________ 5. Itinago ni Alven ang balat ng kendi sa kanyang bag.
C. Takdang-Aralin

Panuto: Sa isang malinis na papel gumuhit ng ibat-ibang paraan na nagpapakita nga mga paraan
para sa kalinisan at kaayusan ng pamayanan.

Inihanda ni: Marilyn M. Sueta

BEED-IV

You might also like