You are on page 1of 23

1

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Gawain at Programa ng Paaralan Ko,
Itataguyod Ko
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Gawain at Programa ng Paaralan Ko, Itataguyod Ko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Grace B. Fernandez


Editors: Marjorie Pilon, Hilda R. Mariano, Editha V. Blas
Tagasuri: Miraflor D. Mariano, Perfecta M. Bautista, Elizabeth R. Berdadero,
Tagaguhit: Leonides Buenvenida
Tagalapat: Elizabeth R. Berdadero, Jenelyn B. Butac, Jay Lord B. Gallarde
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas
Octavio V. Cabasag
Rizalino G. Caronan
Roderic B. Guinucay
Janette V. Bautista
Marivel G. Morales
Robert T. Rustia

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region II

Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728
E-mail Address: region2@deped.gov.ph
1

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6:

Gawain at Programa ng Paaralan Ko,


Itataguyod ko

ii
Alamin

Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin kung ano-


ano ang mga gawain sa paaralan upang mapanatili
itong malinis, maayos, maganda at mapayapa.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


Nakalalahok sa mga gawain at pagkilos na
nagpapamalas ng pagpapahalaga sa sariling paaralan
( Brigada Eskwela, etc.)

1
Subukin

Panuto.Bilugan ang buong larawan na nagpapakita ng


mabuting pakikilahok sa mga gawain at pagkilos sa
paaralan.
.
1.

2.

3.

4.

5.

2
Modyul Gawain at Programa ng
Paaralan Ko, Itataguyod Ko
4-5

Maipakikita natin ang pagpapahalaga sa paaralan


sa pamamagitan ng ating mga kilos at gawain upang
maging maganda at maayos ito.
Sa pamamagitan ng pagkukusa, pakikilahok at
pakikiisa sa anumang programa ng paaralan at
makatutulong tayo sa pagpapanatili ng kalinisan at
kaayusan nito.

3
Balikan

Panuto. Lagyan ng tsek (✓) kung ito ay nagpapakita


ng pagsunod sa alituntunin sa paaralan at ekis (X)
naman kung hindi.

_____1. Pakikiisa sa pag-awit

_____2. Paghihiwalay ng basura

_____3. Paglilinis ng kapaligiran

______4. Pagkakat ng basura

______5. Pakikipag-away

4
Tuklasin

Ang mga batang Pilipino ay may mga tungkuling


dapat gampanan upang maging malinis, maayos at
maganda ang kanilang paaralan.

Basahin ang dayalogo ng dalawang bata sa ibaba.

Ako ay marangal na
batang Pilipino.
Tungkulin kong
pangalagaan ang
kalinisan at kaayusan
. ng aking paaralan.

Ako ay masigasig na
nakikilahok sa mga
pograma ng aming
paaralan. Masaya ako sa
pakikiisa sa mga gawain!

5
Halina at makinig sa
isang tula tungkol sa
mga kilos at gawain
na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa
paaralan.

Makilahok sa Paaralan
Grace B. Fernandez

Ang ating munting paaralan


Dapat nating pangalagaan
Sa kalinisan at kaayusan
Makiisa tayo ng lubusan

Lumahok sa mga programa


At mga proyektong itinakda
Clean and Green at Brigada
No littering and No bullying pa

Tungkulin sa paaralan ay gawin


Kalinisan nito ay ating panatilihin
Sumama sa magandang adhikain
Masigasig na paggawa ay purihin

6
Suriin

Ang mga batang Pilipino ay may mga tungkuling


dapat gampanan upang maging maayos, malinis,
mapayapa at maunlad ang kanyang paaralan.

Maipakikita ang pagmamalasakit sa paaralan sa


pamamagitan ng mga kilos at gawain upang maging
maganda ang kanyang kapaligiran.

Makatutulong ka sa paaralan kung susunod ka sa


mga tuntuning kanilang ipinatutupad. Ito ay isang
paraan ng pagpapakita ng disiplina sa sarili.

Ang paglahok, pakikiisa, pagsunod nang maluwag


at kusang –loob sa paggawa sa mga proyekto at
programa ng paaralan ay mga katangian ng isang
responsableng kabataan.

Mahalaga ang may maayos at malinis na pasilidad


sa paaralan. Isang hamon sa bawat isa ang
pagpapanatili ng kaayusan. Isang gawaing marangal
kung may pagdadamayan at pagtutulungan.

7
Ilan sa mga gawain at kilos sa paaralan ay ang mga
sumusunod:
➢ Paglilinis sa paligid ng paaralan

➢ Paghihiwa-hiwalay ng mgabasura

➢ Pagtatapon sa tamang basurahan

➢ Pagtatanim ng halaman

8
Gawain

Panuto. Iguhit ang mga hugis sa patlang na tumutukoy sa


isinasaad ng bawat pangungusap.

- Pagkukusa
-
- Malasakit

- Pagtulong

______ 1. Binawalan ni Aira ang batang sumisira sa mga


halaman sa paaralan.

______ 2. Sama-samang naghuhukay ng compost pit ang


mga lalake at babae.

______ 3. Pinagsabihan ni Tony si Jake na huwag laruin


ang karatulang nakapaskil.

______ 4. Nagwawalis ang mga babae ng mga kalat at


naghahakot naman ang mga lalake.

______ 5. Pinulot ni Rico ang nakitang balat ng kendi at


itinapon sa basurahan.

9
Pagyamanin

A.Panuto: Iguhit ang araw ( ) sa patlang kung


sumasang-ayon ka sa isinasaad ng pangungusap at iguhit
naman ang kalahating buwan kung ( ) kung hindi ka
sumasang-ayon.

____ 1. Ang paglilinis sa paligid ng paaralan ay isang


kalugod-lugod na disiplinang pansarili.

____ 2. Maipakikita natin ang pagmamalasakit sa


paaralan sa pagkakalat at pagsisira dito.

_____3. Ang papakikiiisa sa ibat ibang programa ng


paaralan ay dapat itaguyod.

____ 4. Ang mga matatanda lang dapat ang sumunod sa


mga alituntunin at hindi ang mga bata.
.
____ 5. Ang mga batang Pilipino ay may mga tungkuling
dapat gampanan upang maging malinis, maayos, at
maganda ang paaralan.

10
B.Panuto: Suriin ang magiging epekto sa mga sumusunod
na sitwasyon.Pagtambalin ang hanay A sa Hanay B at
isulat ang letra ng tamang sagot.
A B
____1. Malinis ang kapaligiran a. luntian at magandang
ng paaralan paligid

____2. Pinaghihiwa-hiwalay b. mapapabuti at uunlad


ang lahat ng basura. Ang paaralan

_____3.Sumusunod sa mga c. may disiplina at


Karatula kaayusan

_____4.Nagtatanim ng halaman d. masaya at malusog


paaralan ang mga bata

11
____5.Nakikilahok sa proyekto e. malinis at maayos
ng paaralan ang paligid

C. Panuto. Piliin ang mukha na nagpapakita ng tapat


mong damdamin para sa mga sumusunod na
sitwasyon. Bilugan ang mukhang napili.

1. Nakikiisa ako sa mga programa ng paaralan ukol sa


pangkalinisan ng kapaligiran.

2. Lumalahok ako sa tamang pangangasiwa ng basura


sa loob at labas ng paaralan.

3. Ipinagwawalang bahala ko ang mga panawagan


sa pangangalaga ng kapaligiran.

4. Sinusuportahan ko ang gawaing Bayanihan at mga


proyekto ng paaralan.

5. Sumusunod ako sa mga tuntunin at panawagan na


itinatakda ng paaralan.

12
Isaisip
Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga patlang
upang mabuo ang diwa ng talata sa ibaba. Piliin ang
tamang sagot sa loob ng kahon sa ibaba.
paaralan pakikilahok pakikiisa

tungkulin kalinisan

1. Ang _____________ ay may mga programa upang


mapangalagaan ang mga mag-aaral.

2. Ang ______________ sa mga programa ng paaralan


at makatutulong sa pagpapanatili ng kaayusan nito.

3. Ang pakikilahok ay isang _____________________ at


pananagutan tungo sa ikabubuti ng lahat.

4. Ang _________________ ay pagbabahagi ang sariling


kakayahan na maktulong sa pagkamit ng
kabutihang panlahat.

5. Kalusugan ay matatamo at sakit ay maiiwasan kung


________________ sa paaralan ay pananatilihin.

13
Isagawa

Panuto. Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat ang Dapat


kung nararapat gawin at Hindi Dapat kung hindi
nararapat.
______ 1. Kusang-loob na lumalahok sa proyektong
pangkalinisan sa loob at labas ng paaralan.

______ 2. Masayang nakikiisa sa paglalagay ng mga


karatula sa ibat-ibang lugar ng paaralan.

______ 3. Nagdadabog at ayaw maabala kahit sandali


kapag inutusang magpulot ng kalat.

______ 4. Sinisikap maging maayos at mahusay ang


gawaing paghakot ng basura sa paaralan.

______ 5. Umaawit kahit nahihirapan sa paglilipat ng mga


pananim sa ibang lalagyan.

14
Tayahin
Panuto. Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Bilugan
ang letra ng nararapat mong gawin upang maipakita
ang pakikiisa sa kalinisan at kaayusan ng paaralan.
1. Pinaglinis kayo ng inyong guro sa bakuran ng inyong
paaralan.Ano ang dapat mong gawin sa mga
tuyong dahon na inyong naipon?
a. Susunugin namin
b. Iiwanan namin sa tabi
c. Ilalagay sa compost pit

2. Pinagdadala kayo ng inyong guro ng lumang


diyaryo dahil may gagawin kayong proyekto. Ano
ang dapat mong gawin kapag may sumobra?
a. Itatapon sa kanal
b. Isasama ko sa ireresiklo
c. Ilalagay sa basura

3. May proyekto ang klase ninyo sa paggawa ng


compost pit sabakuran ng paaralan. Paano ka
tutugon?
a. Kusa akong makikilahok
b. Magdadahilan ng pagod
c. Hindi sasali o makikiisa

4. Inutusan kayo ng inyong guro na tumulong sa


paglilinis sa kapaligiran ng paaralan. Ano ang
gagawin mo?
a. Padabog na tutugon
b. Ibubukod ang nabubulok sa di-nabubulok

15
c. Pagsasamahin ang mga basura

5. Nakita mo na nagkakalat ng kanilang pinag


kainan ang iyong mga kaklase. Ano ang iyong
gagawin?
a. Pagsasabihan ko sila na itatapon ang kalat
b. Pabayaan ko lang sila na gawin ang kanilang
gusto
c. Gagayahin ko din sila na magtapon ng mga
kalat.

Karagdagang Gawain
Panuto: Magsulat ng kilos o gawain na maaari mong
gawin sa mga sumusunod na programa ng paaralan.

1.

_________________________________

2.

_________________________________

16
3.

________________________________

4. _________________________________

5. _________________________________

17
18
Subukin Balikan
1. Nabilugan 1. (✓)
2. Nabilugan 2. (✓)
3. Nabilugan 3. (✓)
4. Hindi bibilugan 4. (X)
5. Hindi bibilugan 5. (X)
Gawain Pagyamanin
A.
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4.
Pagyamanin:
A. 5.
1. Prinsipal
B. C.
2. Guro
3. Guwardiya
4. Nars
1. d 5. Diyanitor 1.
B.
2. e 2.
1.
3. c 2. 3.
3.
4. a 4.
4.
5. b 5.
5.
Isaisip Isagawa
1. paaralan 1. Dapat
2. pakikiisa 2. Dapat
3. tungkulin 3. Hindi- Dapat
4. pakikilahok 4. Dapat
5. kalinisan 5. Dapat
Tayahin Karagdagang Gawain
1. c 1.paglilinis o pagtatanim
2. b 2. Pamumulot ng kalat
3. a 3. hindi pagsusunog ng basura
4. b 4.Kusang pagtulong o paglahok
5. a 5. Paghihiwalay ng basura
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
K to 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan
Baitang 1-10. (2016).

K to 12 Gabay Araling Panlipunan Baitang 1(Patnubay


ng Guro) Baitang 1. (2017).

K to 12 Gabay Araling Panlipunan Baitang 1(Patnubay


ng Mag-aaral) Baitang 1. (2017).

Solid Waste Management Modules Grade 2


(Fernandez, Grace B.)
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like