You are on page 1of 14

Edukasyon sa

Pagpapakatao 6
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-anim na Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 17: Kapwa ko, Iginagalang Ko!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Lougen M. Rosales
Editor: Celia B. Alan
Tagasuri: Marieta M. Limbo EdD, Perlita M. Ignacio RGC, PhD
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 6
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 17
Kapwa Ko, Iginagalang Ko!
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng


Modyul 17 para sa araling Kapwa Ko, Iginagalang Ko!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Modyul ukol sa Kapwa
Ko, Iginagalang ko!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong
makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK

Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa
paksa.

BALIK-ARAL

Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN

Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY

Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan halaga

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay


nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral


INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mag-aaral ay


naipakikita ang paggalang sa suhestiyon ng kapwa.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Iguhit ang ( ) bituin kung ang pangungusap ay naglalahad ng


paggalang sa kapwa at ( )tatsulok kung hindi.
____ 1. Pinasasalamatan mo ang iyong magulang sa bagong biniling
bestida kahit hindi mo ito gusto.
____ 2. Tinuruan mo si Lorie maglinis dahil hindi siya sanay sa
gawain at agad ka naman niyang sinunod.
____ 3. Lumabas ka ng bahay sa panahon ng pandemya
kahit ito ay mahigpit na pinagbabawal ng kinauukulan.
_____4. Ginawa ninyo ang mungkahi ng inyong guro sa Edukasyon sa
Pagpapakatao upang maging matagumpay ang inyong gawain.
____ 5. Binalewala mo ang mungkahi ng iyong kapatid na uminom ng
maraming tubig kahit alam mong ito ay nakabubuti.

BALIK-ARAL

Panuto: Bilugan ang bilang na nagpapahayag ng paggalang sa suhestiyon


ng kapwa.

1. Sinang-ayunan mo ang sinabi ng iyong magulang na maglaan ka


ng oras sa pagsisimba sa araw ng Linggo.
2. Pinasalamatan ni Roman ang kanyang Ate dahil pinagsabihan
siya na kumain sa takdang oras.
3. Nagkaroon ng paligsahan sa inyong paaralan, bilang lider
pinakinggan mo ang kanilang suhestiyon kahit iba ang nais
mong gawin.
4. Hindi mo pinansin ang mungkahi ng iyong mga kaibigan kahit
alam mong nakakabuti ito sa inyong pangkat.
5. Mas pinalakasan pa ni Rona ang kanyang tugtog kahit sinaway
na siya ng kanilang kapitbahay.

ARALIN

Sa araling ito, mapag-aaralan at matutunan mo ang mga


katangian ng pagiging magalang sa kapwa. Ikaw ba ay magalang sa
iyong kapwa at sa kanilang suhestiyon sa iyo?

Ano-ano ang kahalagahan ng isang batang marunong gumalang


at maging responsableng indibidwal.

Pagmasdan at suriin ang mga larawan sa itaas at sagutan ang


sumusunod sa inyong kwaderno.

1. Ano sa tingin mo ang ipinahihiwatig ng larawan?


2. Naisagawa mo na rin ba ang nasa larawan? Kanino?
3. Paano mo naipakikita ang iyong paggalang sa mga
nakatatanda at sa kapwa?
4. Ano-ano ang mga bagay na ginagawa mo upang maipakita
mo ang pagiging magalang?
5. Bakit mahalagang taglayin mo ang pagiging magalang sa
kapwa sa lahat ng oras?
KAPWA KO, IGINAGALANG KO!

Ang paggalang ay isa sa mahalagang kaugalian na masasabi nating


makakatulong sa pagkakaroon ng isang mapayapang komunidad.

Ang ugaling pagkamagalang ay pagpapakita ng pagrespeto sa


katangian, kaugalian, ideya, suhestiyon, mga alituntuning pinatutupad at
higit sa lahat ay ang pagbibigay galang sa mga nakatatanda sa atin.

Isa ring pamamaraan ng pagpapakita ng paggalang o pagiging


magalang ay ang paggamit ng salitang “po” at “opo”. Ito na ang inugatang
kaugalian o kaugaliang naipamana na sa atin ng ating mga ninuno.

Ito ay ang paggalang sa mga bagay-bagay sa ating lipunan. Halimbawa


dito ay ang maayos na pagsunod sa mga alituntuning ipinatutupad sa
komunidad o ng pamahalaan dahil sa pandemya dulot ng COVID-19. Kung
ang tao ay marunong gumalang at sumunod sa mga patakaran ng
pamahalaan maaring hindi na dumami ang mga nahawaan.

Ang isang taong nagpapakita ng paggalang at respeto sa mga


nakatatanda, sa kapaligiran, pamilya at sa lipunan ay isang uri ng taong
marunong makipag-ugnayan sa kapwa o makipag-kapwa tao.

Naipakikita ang paggalang sa kapwa kung ikaw ay marunong makinig


at sumunod kung alam mong ito ay makabubuti sa iyo at sa iba. Daan din
ito upang lalo pa nating mapalalim at mapagyaman ang mga pamanang
kaugalian sa atin ng ating mga ninuno.

Tandaan din natin na ang ugaling pagkamagalang ang isa sa susi ng


isang tahimik at disiplinadong mamamayan at kaakibat nito ang
pagkakaunawaan sa isa’t-isa.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Bilugan ang larawan na nagpapakita ng paggalang sa kapwa.

1. 2. 3.

4) 5.

Pagsasanay 2
Panuto: Ayusin ang mga letra sa ibaba upang makabuo ng salitang hango sa
paksang tinalakay.
1. NOSSUTHYEI ______________________
2. ANPGGGAAL ______________________
3. UONSDGAP ______________________
4. APKWA ______________________
5. EYDAI ______________________
Pagsasanay 3

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang salitang tintutukoy sa Hanay A. Isulat ang


wastong titik sa patlang.

Hanay A Hanay B
______ 1. Ito ay iyong saloobin o opinyon sa isang a. kapwa

sitwasyon. b. suhestiyon

_______2. Isang indibidwal na nakakausap at c. paggalang

nakakasalamuha mo araw-araw. d. ideya

______ 3. Ang pagmamano sa mga matatanda ay e. sumunod

nagpapakita ng isang mabuting katangian. f. nagpapakita

______ 4. Kadalasan ang mga taong marunong ______

sa mga payo ng magulang ay hindi

napapahamak.

______ 5. Ang pagpapakita sa isang gawain ayon sa

suhestiyon ng kapwa.

PAGLALAHAT

➢ Bakit kailangang maipakita mo ang paggalang sa kapwa?


➢ Ano-ano ang mga paraan upang maipakita ang paggalang sa kapwa?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PAGPAPAHALAGA

Bilang mag-aaral o isang kabataang Pilipino sa panahon ngayon, paano mo


maipakikita ang kaugaliang pagkamagalang sa kapwa at lipunan?

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawaing mabuti kung ang bawat sitwasyon ay


nagpapakita ng paggalang. Isulat ang letra ng tamang sagot.
____1. Pinagsabihan si Arman na limitahan ang paglaro ng cellphone
dahil ito ay nakasisira sa kanyang mata. Kung ikaw si Arman ano
ang gagawin mo?
a. Pakinggan ko ang kanilang sinabi ngunit hindi ko ito
susundin.
b. Pakinggan ko ang kanilang payo at susundin ko ito.
c. Pakinggan ko lamang ang kanilang sinabi.
d. Pakinggan ko pero gagawin ko pa rin ang nais ko.
____ 2. Pinaalalahanan mo ang iyong ate dahil laging puyat sa
pagbabasa ng wattpad. Kung ikaw ang ate, ano ang iyong
mararamdaman?
a. Magagalit ako sa kapatid ko kasi pinapakialaman niya ako.
b. Sasabihin sa kapatid ko na mas nakatatanda ako kaya alam
ko ang ginagawa ko.
c. Maiinis ako kasi matanda ako sa kanya.
d. Magpapasalamat ako sa aking kapatid sa kanyang paalala.
___ 3. Tinuruan mo si Kizzia maglinis ng maayos dahil hindi ito sanay
sa gawaing bahay. Kung ikaw si Kizzia ano ang mararamdaman
mo?
a. Magpapasalamat ako dahil natuto akong gawin ng tama.
b. Magagalit ako dahil nagmamagaling siya sa akin.
c. Sasabihin ko sa kanya na siya na lang ang gumawa.
d. Sasabihin ko sa kanya na tulungan niya ako.
___ 4. Pinagsabihan ka ng isang taong hindi mo kilala dahil
nakalimutan mong sundin ang alituntunin sa pagsusuot ng face
mask. Ano ang sasabihin mo?
a. Sabihin ko na wala siyang karapatang mangialam sa akin.
b. Pasalamatan ko siya kahit wala siyang pakialam.
c. Sabihin ko na manahimik na lang siya at di ko naman siya
kilala.
d. Pasalamatan ko siya dahil pinaalalahanan niya ako.
___ 5. Pinapayuhan ng pamahalaan ang mga tao na magsuot ng face
mask at huwag lumabas ng bahay para makaiwas sa pandemya. Ano
ang dapat gawin ng mga mamamayan?
a. Balewalain ang payo ng pamahalaan.
b. Sumunod kung may awtoridad na nakakakita.
c. Sundin ang mga payo ng pamahalaan.
d. Sundin ang sariling kagustuhan.
Paunang Pagsusulit Pagsasanay I Pagsasanay II
1. 1. 1. suhestiyon
2. 2. 2. paggalang
3. 3. 3. pagsunod
4. 4. 4. kapwa
5. 5. 5. ideya
Pagsasanay III
1. B 2. A 3. C 4. E 5. D
Balik-aral
2. 3.
4. 5.
Panapos na Pagsusulit
1. B 2. D 3. A 4. D 5. C
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Zenaida R. Ylarde at Gloria A. Peralta EdD, Ugaling Pilipino sa Makabagong


Panahon 6 (Vicarich Publication and trading, Inc 2016) 35-36
https://www.slideshare.net/lhoralight/esp-q1-q2

https://brainly.ph/question/642493#readmore

MGA LARAWAN

Department of Education Image Bank

You might also like