You are on page 1of 16

Filipino 11

Filipino – Ikalabing-Isang Baitang


Ikalawang Markahan – Modyul 16: Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating
Pananaliksik
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Rhea V. Iranzo
Editor: Jennie Rose S. Evangelista
Tagasuri: Eva J. Ompoc
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 11
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto-16
Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Sulating
Pananaliksik
Manunulat: Rhea V. Iranzo
Tagasuri: Eva J. Ompoc / Editor: Jennie Rose S. Evangelista
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyong at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 ng Modyul para sa araling Mga Hakbang sa
Pagbuo ng Sulating Pananaliksik !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Isang maligayang pagbati sa inyong lahat aking mag-aaral! Kumusta ang
inyong araw? Nawa’y punong-puno ng kaalaman para sa masiglang pagkikita!
Kasabay ng pangyayaring nagaganap sa ating bansa nawa’y bukas ang ating
isipan sa mga pagbabagong naganap sa ating paraan ng pag-aaral. Ito ang “new
normal” kaya’t sa pamamagitan ng modyul na ito bilang estratehiya ng
pampagkatuto ay makatulong ito sa inyo. Inaasahan ko na magiging tapat kayo
sa pagsagot ng mga pagsubok at tatatak sa inyong isipan ang mga nakatala.
Hiling ko na magkaroon kayo ng sariling kwaderno para mga pagsasanay,
aralin at gawain para ikakabuti ng inyong pag-aaral.
Hiling ko ang inyong kaligtasan at Pagbutihin nyo!
Kasabay ng pangyayaring nagaganap sa ating bansa nawa’y bukas ating bansa

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino Baitang 11. Modyul ukol sa Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating
Pananaliksik !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos talakayin ang modyul, inaasahang ang mga mag-aaral ay:


A. natutukoy ang mga hakbang sa panimulang pagsulat ng pananaliksik;
B. naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng makabuluhang
pananaliksik; at
C. nakasusulat ng sariling paksa mula sa pangyayaring nagaganap sa
kasalukuyang panahon.

PAUNANG PAGSUBOK
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Kung ito ay tama
isulat sa linya ang HAVEY at WALEY kung hindi wasto ang pahayag.

_________1. Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang


masusing pag-unawa sa paksa.

_________2. Sa paghahanda ng pansamantalang bibliyograpiya hindi na


kailangang suriin ang kinukuhang impormasyon sa internet.

_________3. Tesis na pahayag ang tawag sa posisyong sasagutan o


patutunayan ng bubuoing pananaliksik.

_________4. Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong balangkas


upang magbigay direksyon sa pagsasaayos ng mga ideya
at pagtukoy kung ano-anong materyal pa ang kailangang
hanapin

_________5. Kailangang malawak ang paksang pipiliin.

BALIK-ARAL
1. Ilarawan ang pananaliksik sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
salitang maaaring maiugnay dito gamit ang semantic map, at
ipaliwanag ang iyong sagot.

Pananaliksik

ARALIN
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK

Pag-aralan mo!

Ano nga ba ang mga hakbang sa pagsulat ng panimulang pananaliksik


at paano ito makakatulong upang matagumpay na makagawa ng isang
paksa?

Narito ang ilan sa mga dapat isaalang-alang upang makabuo ng


sulating pananaliksik:

1. Pagpili ng Mabuting Paksa


Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang
masusing pag-unawa sa paksa at mga kaugnay na gawaing ibibigay ng
guro. Maiiwasang masayang ang oras at panahon ng isang mag-aaral
kung malinaw sa kanya ang nais ipagawa ng guro at ang layunin para
sa gawain.

Ang Paksa
Napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging
matagumpay ang isang sulating pananaliksik. Nararapat na ang paksa
ay pinag-isipang mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuri
upang matiyak na makabubuo ng isang makabuluhang sulatin.
Minsan ay nagbibigay na ang guro ng ilang paksang maaaring pagpilian
ng mga mag-aaral. Ito ay mga paksang inaakala niyang magiging
interesado at kakayanin ng mag-aaral. Gayunpaman, kung ang iniisip
mong paksa ay hindi kabilang sa listahang ito, huwag mag-atubiling
lumapit sa guro at ilahad ang iyong ideya. Dahil baguhan ka pa lamang
sa gawaing ito at nangangailangan ka ng gabay mula sa isang taong
malawak ang kaalaman at makapagsasabi kung ang paksang naiisip
mo ay posibleng maisagawa ng isang mag-aaral na katulad mo.

Narito ang mga tanong na maaari mong gawing batayan upang


makapagpasya sa paksang maaari mong isulat:

a. Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin ang


pananaliksik at pagsulat ukol dito?
b. Angkop, makabuluhan, at napapanahon ba ang paksang ito? Magiging
kapaki-pakinabang ba ang magiging bunga nito sa akin o sa ibang
mambabasa partikular sa mga kaklase ko?
c. Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado ba itong
limitado?
d. Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay
sa akin?
e. Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong pagkuhanan
ng mga impormasyon upang mapalawak ang paksang napili ko?

Kung oo ang sagot sa mga tanong, maaaring ito na nga ang


pinakaaangkop na paksa para sa iyo. Maaari ka nang magpatuloy sa
ikalawang hakbang ng pananaliksik.

2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)


Kapag napagpasiyahan na ang paksa bumuo ka na ng iyong
pahayag ng tesis. Ito ang pahayag na magsasaad ng posisyong
sasagutan o patutunayan ng iyong bubuuing pananaliksik. Naririto
ang ilang tanong na maaaring maging gabay o magbigay direksyon sa
pagbuo mo ng pahayag tesis.
a. Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito? Layunin kong maglahad
ng impormasyong magpapatunay sa pinapanigan kong posisyon?
b. Sino ang aking mambabasa? Ang guro lang ba ang makababasa ng
sinulat ko? Sino pa kaya ang makababasa? Ano kaya ang inaasahan
at karanasan ng aking mambabasa?
c. Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May
sapat bang kagamitan o sanggunian upang magamit ko na
pagpapatunay sa aking pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap ang
mga ito?

3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya


Kakailanganin mong bumisita sa mga aklatan upang mangalap ng
iyong mga sanggunian. Maaari ding makakuha ng mga impormasyon
mula sa internet. Maging maingat lang at suriing mabuti ang mga
talang makukuha sa internet sapagkat maraming impormasyon mula
rito ang kaduda-duda o minsan ay walang katotohanan. Para sa
epektibong pananaliksik, mahalaga ang paggamit ng mga aklat at ng
internet. Maraming bagong impormasyon at dokumento ang posibleng
hindi pa nailalathala sa mga aklat kaya’t hindi ka rin makaaasang ang
lahat ng nilalaman ng aklatan ay napapanahon. Gayundin naman,
hindi dapat umasa sa mga impormasyong dala ng internet lalo na kung
galing lamang ito sa mga open web dahil sa kawalan ng kasiguraduhan
kung tama o berepikado ang mga impormasyong isasama sa bubuoing
sulating pananaliksik.
Mula sa iyong mga nakuhang sanggunian ay bumuo ka ng
pansamantalang bibliograpiya. Ang bibliyograpiya ay talaan ng iba’t
ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko,
magasin, website, at iba pang nalathalang materyal na ginamit.
Makatutulong ang paghahanda ng card ng bibliyorgarapiya para sa
bawat sanggunian. Ito’y maaaring isang 3”x5” na index card na
kakikitaan ng sumusunod na mga impormasyon.
a. Pangalan ng awtor
b. Pamagat ng kanyang isinulat
c. Impormasyon ukol sa pagkakalathala
1. Mga naglimbag
2. Lugar at taon ng pakakalimbag
3. Pamagat ng aklat
d. Ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman
Ang inihanda mong ito ay mahalaga at makatutulong sa iyong
makahanap ng maraming impormasyong kakailanganin sa
susulatin at makapagbibigay ng ideya kung
gaano karaming sanggunian ang makukuha o magagamit para sa
paksang napili, at ang mga tala o impormasyong nakalap ay
magagamit na sa aktuwal na pagsusulat nang hindi na kailangang
hanapin o balikang muli ang materyal na pinagmulan.
Hindi lahat ng mga sangguniang itinala sa pansamantalang
bibliyograiya ay magagamit subalit mahalaga pa ring kunin ang
lahat ng makikitang may kaugnayan sa paksa sapagkat maaaring
sa panahon ng pagsusulat ay makatulong ito sa iyo upang hindi ka
na kailangang maghagilap ng iyong gagamitin dahil alam mo na
kung saan ito hahanapin.

4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas


Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong balangkas
upang magbigay direksyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at
pagtukoy kung ano-anong materyal pa ang kailangang hanapin.
Maaaring gamitin ang inihanda mong card ng bibliyograpi upang
maging gabay sa pagbuo ng iyong balangkas.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1.
Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga termino sa kolum A sa deskripsyon ng
mga ito sa kolum B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Kolum A Kolum B
____1. Tentatibong balangkas a. Isang uri ng open web na
ginagamit sa paghahanap ng
____2. Paksa
impormasyon
____3. Tesis na pahayag b. Unang hakbang sa pagbuo ng
____4. Bibliograpiya pananaliksik.
c. Talaan ng iba’t ibang
____5. Internet
sanggunian.
d. Ginagamit sa pagsasaayos ng
ideya sa paggawa ng
pananaliksik
e. Ito ang pahayag na magsasaad
ng posisyong sasagutan o
patutunayan ng iyong
bubuoing pananaliksik

Pagsasanay 2.
Panuto: Pagsunud-sunurin ang hakbang sa pagbuo ng paksa. Lagyan ng
bilang 1-5 ang patlang.

________ Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong pagkunan


ng impormasyon upang mapalawak ang paksang napili ko?

________ Angkop, makabuluhan, at napapanahon ba ang paksang ito?


Magiging kapaki-pakinabang ba ang magiging bunga nito sa akin o
sa ibang mambabasa partikular sa mga kaklase ko?

________ Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin


ang pananaliksik at pagsulat ng ukol dito?

________ Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado ba itong


limitado?

________ Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong


ibinigay sa akin?
Pagsasanay 3
Panuto: Suriin kung ang sumusunod na pahayag ay paksa, tesis na
pahayag o bibliograpiya at pagkatapos ay isulat ang sagot sa patlang.

_____1. Opinyon ng mag-aaral ng Buting Senior High School sa Gay


Marriage.

_____2. Ang gay marriage ay patunay na may pantay na pagturing sa


lipunan sa karapatang pantao.

_____3. Aban, E. B et al(1997), Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina.


Morayta FEU.

_____4. Malaki ang impluwensiya ng mga endorser na artista sa pagdami ng


tumatangkilik sa produktong pampaganda.

_____5. Impluwensya ng Social Media sa Kaisipan ng Mag-aaral.

PAGLALAHAT
Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang
sulating pananaliksik.
____

___

___

____

PAGPAPAHALAGA

Bumuo ng sariling paksa mula sa kasulukuyang pangyayaring


nagaganap sa ating kapaligiran. Gamitin ang natutuhan sa araling tinalakay
at ipaliwanag kung paano ito nakatulong sa pagbuo ng sarili mong paksa?
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagbuo ng Paksa:


Angkop at napapanahon ang paksa 5 puntos
Ang paksa ay orihinal 5 puntos
Angkop ang salitang ginamit para sa kapana-panabik na ideya 5 puntos
Kabuoan: 15 puntos

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat sa patlang ang marking ekis (X) kung mali ang pahayag, at
tsek (/) kung tama ang sumusunod na gawain para sa pagbuo ng
panimulang pananaliksik.
_____1. Pumili ng mga talasanggunian na angkop para sa napiling paksa.

_____2. Sa pagpili ng paksa kailangan malawak ang saklaw.

_____3. Hindi isinasaalang-alang kung sino ang makikinabang sa


ginagawang pananaliksik.

_____4. Mahalaga ang pagbuo ng tentatibong balangkas.

_____5. Mahalagang gumagamit ng index card na may sukat na 3’x5’ para


makatulong sa paghahanap ng impormasyon.

_____6. Interisado at napapanahon dapat ang paksang gagawin.

_____7. Maraming sanggunian ang kailangan para maging matagumpay ang


pananaliksik.

_____8. Hindi kailangan ang layunin sa pananaliksik.

_____9. Sa pagpili ng paksa ay hindi isinasaalang-alang ang panahon.

_____10. Hindi sapat ang pagkuha sa internet ng mga impormasyon sa


ilalagay sa pananaliksik.

SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Anastacio, Heide, Rita Morales at et al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik. Mutya Publishing House Inc, 2013.
Batnag, Aurora at Crizel Sicat-De Laza. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Tekstto Tungo sa Pananaliksik. Rex Printing Company Inc, 2016.
Dayag, Alma at Mary Grace Del Rosario. Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House Inc, 2017.

You might also like