You are on page 1of 13

Filipino sa Piling

Larang Akademik 12
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 14: Panukalang Proyekto: Gamit at Anyo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Quinee Babe V. Hara
Editor: Jose Antonio Magtibay
Tagasuri: Cherry C. Cariño
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino sa Piling
Larang Akademik 12
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto-14
Panukalang Proyekto: Gamit at Anyo
Manunulat:Quinee Babe V. Hara
Tagasuri:Cherry C. Cariño
Editor:Jose Antonio D. Magtibay
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang Akademik
ng Modyul para sa araling Panukalang Proyekto: Gamit at Anyo!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang Akademik Modyul ukol


sa Panukalang Proyekto: Gamit at Anyo!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Most Essential Learning Competencies:


1. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin.
2. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng
wika.
3. Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa
pangangailangan.
4. Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


1. Naiisa-isa ang gamit at anyo ng panukalang proyekto.
2. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang anyo ng sulating tinalakay.
3. Nagagamit ang angkop na uri ng panukalang proyekto batay sa layunin nito.

PAUNANG PAGSUBOK

Basahin ang siping nasa loob ng kahon at magbigay ng inyong ideya.

It is not about ideas. It is about making ideas happen. Do it.

-Anonymous

Magbigay rin ng ilang halimbawa ng mahuhusay na ideyang


napapakinabangan na nang lubos sa ating kasalukuyang panahon, maging mga
ideyang sa tingin mo ay magiging kapaki-pakinabang kung magagawa.

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________________________________________.
BALIK-ARAL
Basahin at punan ng salita ang mga patlang na makabubuo ng mensahe at
diwa ng bawat pahayag. Pumili ng sagot sa kahong makikita sa ibabang bahagi.

1. Ginagawa ang isang panukalang proyekto o ______________________ kapag


kailangan itong marebyu ng isang indibidwal o grupo para sa kanyang
aprubal.

2. Dahil _____________ ang preparasyon ng isang panukalang proyekto,


makabubuting malinaw sa isipan ng nagsasagawa nito kung ano ang
maituturing na panukalang proyekto at kung ano naman ang hindi.

3. Ang panukala ay isang _____________ na naglalayong ilatag ang mga plano o


adhikain para sa komunidad o samahan.

4. Sa isang ________________ proyekto, makikita ang detalyadong pagtalakay sa


dahilan at pangangailangan sa proyekto (project justification), panahon sa
paggawa ng proyekto (activities and implementation timeline), at
kakailanganing resorses (human, material and financial resources required).

5. Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Communication Empowerment Collective,


isang samahang tumutulong sa mga Non-Governmental Organizations (NGO)
sa paglikha ng mga pag-aaral sa pangangalap ng ___________.

pondo proposal

kritikal panukala masalimuot

project proposal datos

ARALIN
Gamit at Anyo ng Panukalang Proyekto

Ang isang panukalang proyekto ay kadalasang nakasulat; minsan ito ay sa


anyong oral na presentasyon, o kaya ay kombinasyon ng mga ito. Maaari itong
internal o yaong inihahain sa loob ng kinabibilangang organisasyon. Samantalang
ang eksternal na isang panukala ay para sa organisasyong di-kinabibilangan ng
proponent.

Ang isang panukalang proyekto ay maaaring solicited o unsolicited. Ang isang


panukalang proyektong isinagawa dahil may pabatid ang isang organisasyon sa
kanilang pangangailangan ng isang proposal ay tinatawag na solicited proposal,
samantalang kung wala naman at kusa o nagbabaka-sakali lamang ang proponent
ay maituturing itong unsolicited. Tinatawag ding invited o imbitado ang solicited, at
prospecting ang unsolicited (Lesikar, et. al, 2000).

Mayroon ding tinatawag na maikli at mahabang panukalang proyekto. Ang


isang maikling proyekto ay mayroon lamang dalawa (2) hanggang sampung (10)
pahina na kadalasan ay nasa anyong liham lamang. Sa kabilang banda, ang
mahabang bersyon ay naglalaman ng mahigit sa sampung pahina. Magkapareho
lamang ang nilalaman ng dalawang uri ng proposal; nagiging mas masusi at
elaboreyt lamang at sumusunod sa isang structured format ang mahabang bersyon.

Ang uri ng panukalang proyekto ay nakadepende sa kahingian ng


organisasyon kung ito ay imbitado o ng nais ng proponent kung ito ay di-imbitado.

MGA PAGSASANAY
A. Ibigay ang salitang kaugnay at kukumpleto sa mensahe ng mga salita gamit
ang analohiya.
1. _______ : unsolicited
invited : solicited

2. dalawa hanggang sampung pahina : maikling panukalang proyekto


__________________________________ : mahabang panukalang proyekto

3. internal : panukalang para sa loob ng kinabibilangang organisasyon.


eksternal : _________________________________________________________.

B. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag at salitang MALI naman
kung di-wastong pahayag.

_______ 1. Ang uri ng panukalang proyekto ay nakadepende sa kahingian ng


organisasyon kung ito ay imbitado o ng nais ng proponent kung ito
ay di-imbitado.

_______ 2. Ang isang panukalang proyekto ay maaaring pasulat, oral na


presentasyon o kombinasyon.

_______ 3. Magkapareho lamang ang nilalaman ng dalawang uri ng proposal


(solicited at unsolicited); nagiging mas masusi lamang at
sumusunod sa isang structured format ang unsolicited proposal.

_______ 4. Ang internal at eksternal na uri ng panukalang proyekto ang


pinakagamitin sa lahat.

_______ 5. Hindi naman masyado ginagamit ang mahabang uri ng panukala


dahil nangangailangan ito ng maagap na preparasyon.
C. Gamit ang venn diagram, isa-isahin ang pagkakapareho at pagkakaiba ng
maikli sa mahabang panukalang proyekto.

a. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.
b. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.
c. _______________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

PAGLALAHAT

Batay sa iyong natutunan sa araling ito, sagutin at dugtungan ang mga


pahayag na nasa ibaba.

Natuklasan ko na ang isa sa mga uri ng panukalang proyekto ay


_________________ at ___________________. Ang pagkakaiba ng gamit ng dalawa
ay___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
________________________________.
PAGPAPAHALAGA

Umisip ng isang salita na kaugnay sa aralin na makapagpapakita ng


kahalagahan ng paksang tinalakay. Isulat ito sa kahong nasa ibaba. Ipaliwanag ang
sagot sa pamamagitan ng dalawa (2) hanggang tatlong (3) pangungusap lamang.

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________________________________________.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Siyasatin ang bawat pangungusap. Bilugan ang nagpamali sa pahayag at


isulat sa kasunod na bilang na may patlang ang magtatama sa diwa nito.

1. Hindi nakadepende sa kahingian ng organisasyon ang uri ng panukalang


proyekto na gagamitin.
2. __________________________________________________________________________.
3. Tinatawag ding invited o imbitado ang solicited at target ang unsolicited.
4. __________________________________________________________________________.
5. Ang isa sa pinagkaiba ng internal at eksternal na panukalang proyekto ay ang
bilang ng pahina.
6. __________________________________________________________________________.
7. Walang importansya na malaman ang pangangailangan ng isang
organisasyon para sa pagpili ng bubuuing panukalang proyekto.
8. __________________________________________________________________________.
9. Masusi at naka-elaboreyt ang pagsulat ng maikling panukalang proyekto.
10. __________________________________________________________________________.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Aklat

Bernales, Rolando A., Ravina, Elimar A., Sicat-De Laza, Crizel, Cordero, Maria Elma
B. Filipino sa Larangang Akademiko. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing
House Inc. 2016.

Julian Ailene at Nestor B. Lontoc. Pinagyamang Pluma. Filipino sa Piling Larangan


(Akademik). Phoenix Publishing. 2017.

Lesikar, R.V., Flatley, M.E., Pettit, J.D. Lesikar’s Basic Business Communication.
Singapore: McGraw Hill Book Co. 2000.

Elektronikong Hanguan

https://www.academia.edu/38513908/PANUKALANG_PROYEKTO_Filipino_sa_Pili
ng_Larang_Akademik_

https://www.academia.edu/38736858/Pagsulat_ng_Panukalang_Proyekto

You might also like