You are on page 1of 15

Filipino 11

`
Filipino – Ikalabing isang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Layunin at Metodo ng Mananaliksik
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Gizelle A. Esmas
Editor: Vida Bianca M. Laus
Tagasuri: Jose Antonio D. Magtibay
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 11
Ikaapat Na Markahan
Modyul 1 para sa Sariling Pagkatuto
Layunin at Metodo ng Mananaliksik
Manunulat:Gizzele A. Esmas
Editor:Vida Bianca M. Laus
Tagasuri: Jose Antonio D. Magtibay
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
ibang teksto tungo sa Pananaliksik ng Modyul para sa araling Layunin at Metodo
ng Mananaliksik.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang teksto
tungo sa Pananaliksik Modyul ukol sa Layunin at Metodo ng Mananaliksik.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Matapos mong aralin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Naibibigay ang metodo ng mananaliksik gamit at iba’t


ibang sitwasyon.
2. Naipapakita ang pagkakaiba ng layunin ng mananaliksik
gamit ang mga halimbawa.
3. Naipapaliwanag ang koneksyon ng layunin, metodo at
mananaliksik.

PAUNANG PAGSUBOK

Bago tayo dumako sa talakayan sa araw na ito magkakaroon


muna tayo ng pagsasanay tungkol sa Layunin at Metodo ng
Mananaliksik

PANUTO: Bilugan ang mga salitang sa tingin mo ay may kinalaman sa ating


talakayan sa araw na ito. Isulat ang mga binilugang salita sa
talahanayan at ilahad ang kaugnayan nito sa pananaliksik.
D I S K U S Y B B
D R A F T G Y I A
K O N S E P N B L
H A K B A I N L A
B A T A N Y N I N
F G D U I M E Y G
R S Y O N F O O K
C A D R A F T G A
L J U N G P P R S
K O O K T A I A U
A E H Y U K N P N
K A A L A S A I A
P A N G A A L Y N
D A T O S B S A G
Salitang Nahanap Kaugnayan sa Pananaliksik
1.
2.
3.
4.
ARALIN

Layunin ng Mananaliksik

Lahat ng mga mananaliksik ay may mga layuning nais makuha sa


kanilang pagsasaliksik. Kahit gaano man kadami ito, ang mga layunin ay
ikinakategorya sa dalawa:
1. Layuning Pangkalahatan (General Objectives)
Ito ay mga pangkalahatang layunin na malawak subalit nais
makamtan ng mananaliksik. Ito ay pagtanaw sa mga layunin sa
pangkahatang termino. Maituturi din itong pagtingin ng mananaliksik
sa malawak na perspektibo.
Halimbawa: Ang Epekto ng Kahirapan sa Edukasyon sa mga Piling Lugar sa
Pilipinas

2. Tiyak na Layunin (Specific Objectives)


Ito ay mga layuning tiyak at panandalian. Ang pangkalahatang
layunin ay pinaghiwa-hiwalay sa mga maliit na bahagi na may
koneksyon nang lohikal upang makabuo ng mga tiyak na layunin.
Halimbawa:
a. Upang masuri ang mga epekto ng kahirapan sa edukasyon sa...
b. Upang matukoy ang pagkalat ng kahirapan sa mga…

Metodo ng Mananaliksik

1. Pagpili ng Paksa.
Natutukoy ang iba’t ibang paraan sa pagpili ng mainam na paksang
dapat saliksikin: (1) paraan ng pagpili ng paksa; at (2) katangian ng
isang mabuting paksa. Nagbibigay-kahulugan ang mga konsepto
kaugnay ng pagpili sa epektibong paksa sa pananaliksik. Naipahayag
ang mga tiyak na hakbang sa pagbuo ng epektibong paksa sa
pamamagitan ng pangkatang palihan. Nakapagsasagawa ng munting
kolokyum upang idepensa ang nais na paksang saliksikin.

2. Pagsulat ng Tentatibong Balangkas


Nasusunod ang pamantayan ng pagsulat ng pansamantalang
balangkas na: (1) Paksa; (2) Papangungusap; at (3) Patalata. Dito din
nakapagsusuri sa positibong dulot ng kasanayan sa pagbuo ng
pansamantalang balangkas ng pananaliksik. Nakapagsusulat ng
burador o balangkas (draft) kaugnay ng planong paksang sasaliksikin.
Nakapagpapakita din ng halimbawang pagbabalangkas kaugnay ng
paksang sasaliksikin. Higit sa lahat, dito mo nabibigyan ng matalinong
puna at mungkahi sa balangkas na gawa ng iba.

3. Pagbuo ng tentatibong bibliyograpiya


Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng
bibliyograpiya. Natatalakay ang iba’t ibang hakbang kaugnay sa
pagbuo ng makabuluhang bibliyograpiya. Dahil dito, napagtitibay ang
kasanayan sa pagbuo ng bibiliograpiya bilang matibay na sandigan ng
makatuwiran at makatotohanang pananaliksik.

4. Pagbuo ng Konseptong Papel.


Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
konseptong papel batay sa layunin, gamit, metodo at etika. Makabubuo
ng isang konspetong papel na napapanahon ang paksa sapagkat upang
mabigyang linaw o kasagutan ang mga katanungan ng
pangkasalukuyan.

5. Pangangalap ng Datos
Sa pagkakataong ito, ang isang mananaliksik ay naipapaliwanag na
ang kahalagahan ng mga datos batay sa mga nilalaman at
pamamaraan na mayroon ang buong papel. Maari na rin siyang
magsagawa ng simpleng pangangalap ng datos gaya ng survey,
panayam, Focus Group Discussion (FGD), Small Group Discussion (SGD),
obserbasyon, imersiyon at iba pa. Kapag nagawa niya ito, maaring
makapagpahayag ng saloobin ang mananaliksik batay sa karansan
kaugnay sa ginawang pangangalap ng datos.

6. Pagsulat ng Unang Draft.


Sa pagsusulat ng draft, ang mananaliksik ay ibabase ito sa maingat,
wasto at angkop na paggamit ng wika. Kailangan ay pormal ang wikang
gagamitin. Nakakgamit din ang mananaliksik ng malikhaing grapikong
pantulong sa kanyang mga inisyal na pananaliksik.

7. Pagsasaayos ng Dokumentasyon.
Mahalagang maayos ang mga bagay na parte ng dokumentasyong
ginamit sa pagsasaliksik. Sa pagaayos ng dokumentasyon, may mga
estilong ginagamit upang maayos ang gagawing dokumentasyon.
8. Pagbuo ng Pinal na Draft ng Pananaliksik
Ang mananaliksik ay naglalapat ng mga batayang konsepto na dapat
isaalang-alang sa pagbuo ng draft. Ito ay natitiyak na dumaan sa
editing at rebisyon upang maiwasan ang mga pagkakamali sa wika.

Binabati kita dahil nakaabot ka sa bahaging ito, ngayon ay


mayroon akong inihandang mga pagsasanay. Sagutin mo ito nang
buong puso at gamitin ang lahat ng natutuhan mula sa ating aralin.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1.

PANUTO: Ayusin ang mga sitwasyon sa ibaba gamit ang metodo ng


mananaliksik. Gamitin ang bilang isa para sa pinaka unang
hakbang at 5 para sa pinaka huli. Isulat ang numero ng tamang
sagot sa patlang.

_________1. Matapos makuha ang na-edit, si Sohia ay gumawa na ng pinal


na draft.
_________2. Binigyan sina Sophia ng isang pananaliksik. Pumunta sila ng
silid-aralan upang magisip ng paksa.
_________3. Nag-draft sila ng simpleng pananaliksik at ipinasa sa guro para
sa editing.
_________4. Sa pagiisip ng paksa, gumawa sila ng simpleng outline.
_________5. Sa pangangalap nila ng datos, nilikom nila ang mga sanggunian
kung saan nila ito kinuha.
Pagsasanay 2.

PANUTO: Ilagay ang P kung ang layunin ay pangkalahatan at T kung ito ay


tiyak na layunin.

_________1. Aral Kaso ng isang Doktor na Piniling maging caregiver sa


Estados Unidos
_________2. Komparatibong pagsusuri ng mga panitikang pambata ng mga
Tagalog at Bisaya.
_________3. Upang makilala ang ugnayan ng kahirapan sa edad o iba pang
mga napiling variable ng demograpiko.
_________4. Upang ihambing ang tindi ng “Morning Sickness” sa iba pang
sakit sa umaga.
_________5. Persepsiyon ng mga mag-aaral patungkol sa Divorce Bill.

Pagsasanay 3.

PANUTO: Ipaliwanag ang kaugnayan ng bawat konsepto na nakatala sa


dayagram. Sa pagsasagawa nito, magbigay ng mga halimbawang
sitwasyon.
Pagpapaliwanag – 8 puntos
Halimbawa – 7 puntos
Kabuuan – 15 puntos

Metodo Layunin

Mananaliksik

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
PAGLALAHAT

PANUTO: Pangatuwiranan ang pahayag na ito at magbigay ng patunay na


pangyayari hinggil dito:

‘Ang metodo at layunin ng mananaliksik ay sumasalamin sa kanyang kabuuang


paggawa.’
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Ngayong nakita na natin ang metodo at layunin ng mananaliksik


at ilan pang mga bagay patungkol dito, ikaw ay inaatasang gumawa
ng disenyo sa t-shirt na nakaguhit para sa mga mananaliksik na
nagbibigay importansya sa pagsasagawa ng metodo at layunin.
Sundin ang Pamantayan sa ibaba.
Pamantayan sa Pagmamarka: Metodo at Layunin ng Mananaliksik

Pamantayan Deskripsiyon Puntos


Impormasyong Wasto ang /10
Nakalahad impormasyon at
simbolong nakaguhit sa
damit. Malinaw ang
mensahe batay sa
disenyo.
Disenyo Malikhain ang gawang /10
damit. Angkop ang
kulay at laki ng mga
nakasulat at nakaguhit
sa damit. Malinaw ang
mensahe batay sa
disenyo.
Kabuuan /20

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Ngayong natapos mo nang aralin ang aralin para sa araw na ito


at nagawa mo na rin ang lahat ng mga naunang gawain, panahon na
upang sagutin mo ang panapos na pagsusulit na susukat sa lawak ng
iyong kabatiran sa ating aralin. Inaasahan kong buong husay mong
sasagutin ang bawat katanungan.
PANUTO: Tulungan ang mananaliksik sa kanyang gagawin batay sa metodo
at layuning natalakay. Alamin kung ano ang layunin na kailangan
niyang masagot at ang mga metodo upang matapos niya ang
kanyang pananaliksik.
Sina Ana at Juan ay naatasang Layunin:
magsaliksik. Ang kanilang paksa ay
epekto ng musika sa pag-aaral ng mga
piling mag-aaral sa kanilang paaralan.

Unang Hakbang:

Ikalawang Hakbang:

Ikatlong Hakbang: Ika-apat Hakbang:

Ikalimang Hakbang:

Ika-anim na Hakbang:

Ika-pitong Hakbang:

Ika-walong Hakbang:
Paunang Pagsubok Panapos na Pagsusulit
Mga salita: Layunin:
1. Bibliyograpiya Epekto ng Musika sa Pag-aaral
2. Balangkas Hakbang:
3. Paksa (Maaring mabago ang paraan,
4. Layunin subalit, dapat ito ay nakatuon
5. Datos pa rin sa metodo.)
6. Draft
Pagsasanay 1
1. 5
2. 1
3. 4
4. 3
5. 2
Pagsasanay 2
1. P
2. P
3. T
4. T
5. P
Sanggunian
SUSI SA PAGWAWASTO
Aklat:
Bandril, M., Bautista, R., Palmes, G., & Villanueva, F. (2019). Pagbasa at
Pagsuri ng Iba't Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik. Quezon City,
Philippines: Vibal Publishing Company.

Elektroniko:
https://www.slideshare.net/maheswarijaikumar/research-objectives-
108090672?fbclid=IwAR3BCqeHZDWAaYt_-MVDFD8QGLBAoqOvzt41mO4DV_3cxCJJBon4DrTYY8g

You might also like