You are on page 1of 20

Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri sa
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik 11
Ikalawang Semestre
Sariling Linangan Kit 1:
Pagtukoy sa Paksa at
Mahahalagang salita sa Teksto
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Unang Markahan – SLK 1: Tekstong Impormatibo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Allan G. Farnazo


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Arlington A. Vidal
Editor:
Tagasuri: Rene P. Sultan/Phelma O. Camacho
Tagaguhit: Hareld Candari
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Department of Education – Sangay ng Lungsod ng Davao
Office Address : E. Qurino Avenue, Davao City
Telefax : (082) 2274726
E-mail Address : cid.davaocity@deped.gov.ph
11
Pagbasa at Pagsusuri sa
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik 11
Ikalawang Semestre
Sariling Linangan Kit 1:
Pagtukoy sa Paksa at
Mahahalagang salita sa Teksto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
SLK.

Para sa mag-aaral:
Ang SLK na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan kayo sa
pagsagot, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Ang pagtukoy sa paksang tinalakay at pagkuha sa kahulugan at


katangian ng mahahalagang salita ay kasanayan na kinakailangan
mong malinang. Pagkatapos mong pag-aralan ang SLK na ito,
inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod:

1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa.


2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang
ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa.

Subukin Natin

Bilang pagsisimula sa pag-aaral mo ng SLK na ito, sagutin mo ang mga


tanong sa ibaba.

Unang Bahagi
Panuto: Basahing mabuti ang mga teksto. Tukuyin kung ano angm
paksa ng mga ito. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang
papel.
Teksto 1
Ang COVID-19 ay isang bagong uri A. Paggamit ng halamang gamut
ng coronavirus na umaapekto sa baga bilang lunas sa mga
karamdaman.
at mga daanan ng hininga. Kabilang ito
B. Ang Covid 19 bilang
sa pamilya ng mga virus na nagiging karamdamang umaapekto
sanhi ng mga karamdaman gaya ng sab aga at daanan ng
karaniwang sipon, lagnat, hininga.
pangangapos ng hininga at pananakit C. Ang Covid 19 ay sakit na
ng lalamunan. Ilan sa mga hakbang na nakahahawa
D. Pagtatanim ng puno upang
ipinatutupad upang labanan ang maiwasan ang mga malalang
karamdamang ito ay pagiging malinis sakit.
sa katawan at paligid at paglalaan ng
distansiya sa ibang tao.
Teksto 2
A. Masipag ang magsasakang
Malawak ang lupain ng mga Olivarez Pilipino.
sa Timog Davao. Natatamnan ito ng B. Malawak ang lupain ng
mga niyog, mangga at kakaw. Araw- magsasaka.
C. Ang malawak na lupain ng
araw, masayang nagtatrabaho sa
mga Olivarez at ang
malawak na bukid ang mga pinagkukunan ng kabuhayan
magsasaka. Dito nila kinukuha ang ng mga magsasaka.
kanilang ikinabubuhay. D. Ang mga tao ay maka-Diyos.

1
Teksto 3
Upang mapanatiling malinis ang A. Malinis ang mga dagat sa
ating karagatan, sabay-sabay tayong Pilipinas.
magmatyag sa sinomang B. Maraming nabubuhay sa
dagat.
pumipinsala nito. Magkapit-bisig C. Tao ang dahilan sa kasiraan
tayong bantayan ito upang may ng ating karagatan.
makuha tayong sariwa at masarap D. Magkapit-bisig tayong
na mga isda at iba pang lamang- alagaan ang dagat na
dagat. pinagkukunan ng sariwang
isda at lamang-dagat

Teksto 4
Isang araw, nakita na lamang ng mga A. Ang nasisirang lawa sa
taga-baryo na may mga patay na isda na baryo dahil sa duming
lumulutang sa lawa. Ito ay dahil sa mga galling sa kabahayan.
duming galing sa kabahayan. Kung hindi B. Dumarami ang lamok at
ipis.
ito maaagapan, maging sanhi ito ng mga
C. Marami ang nagkakasakit.
sakit at dahan-dahang mamamatay ang D. Umaangat ang kabuhayan
mga buhay sa lawa. ng tao.

Teksto 5
A. ang kasalukuyang
pandemya
B. bumababang ekonomiya at
tumataas na antas ng
kahirapan
C. kasipagan ng mga tao
D. pagtutulungan sa isa’t isa

Ikalawang Bahagi

Panuto: Tukuyin ang kaugnay na mga pahayag o kasingkahulugan ng


mga salitang may salungguhit sa pangungusap. Titik (A, B,
C, D) lamang ang isulat sa inyong sagutang papel.

1. Maraming karamdaman ang dala ng virus. Ang sumusunod ay


ukol sa salitang may salunggguhit maliban sa:
A. isang uri ng mikrobyo
B. sanhi ng maraming sakit
C. nakikita gamit ang mga mata lamang
D. maliit at di-nakikita ng mga mata

2
2. Natatamnan ng mga niyog, mangga at kakaw ang malawak na
lupain ng mga Olivarez.
A. Pangunahing produktong pang-agrikultura ng Pilipinas
B. Maraming lupain sa Pilipinas ang natatamnan ng mga
niyog, mangga at kakaw.
C. Maraming produktong nagagawa mula niyog, mangga at kakaw.
D. Lahat sa Nabanggit

3. Kailangan nating magmatyag upang hindi


makapasok sa ating nasasakupan ang mga dayuhan.
A. magtika C. magliwaliw
B. magbantay D. makipag-ugnayan

4. Maraming namumuhunan ang pumasok sa bansa.


A. mamimili C. dayuhan
B. turista D. kapitalista

5. Nitong nagdaang mga buwan, napapansing tumaas


ang antas ng kahirapan sa bansa.
A. Ito ay kakayahanng taong bilhin ang kaniyang mga
pangangailangan at mga gusto.
B. Ito ay antas ng mahihirap at mayayaman sa lipunan.
C. Ito ay panukatang pang-ekonomiks hinggil sa kakayahan ng
pamilyang tustusan ang kanilang pangunahing
pangangailangan.
D. Wala sa Nabanggit

Pagtukoy sa Paksa ng Teksto

➢ Isang mahalagang bahagi ng paglinang ng maunawang pagbasa ang


pagtukoy sa paksa ng teksto. Inilalahad sa paksa ang layunin ng may- akda
ng pagsulat ng teksto. Ito ang nagsasaad kung ano ang ideyang
pinagtutuunan ng pansin. Ang pagtukoy sa paksa ng teksto at paglalahad
nito ayon sa pagkaunawa ng mambabasa ay lumilinang sa komprehensiyon
at pagsusuri.
➢ Sa pagtukoy na paksa, mababakas ang layon ng pagsusulat. Maaaring
siya ay nagbibigay ng impormasyon, naglalarawan, nanghihikayat,
nagsasalaysay o nagmamatuwid.

Pinagkunan: Atanacio et al, Pagbasa at Pagsusuring Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik: Quezon City: C&E Publishing 2009

➢ Sa pag-uuri ng mga ideya at detalye ng isang teksto, makatutulong


nang Malaki ang kaalaman sa (1) paksang pangun gusap na siyang sentro o
pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya (2) at mga suportang
detalye na tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay-linaw sa paksang
pangugusap.

3
➢ Ang paksang pangungusap ay ang ang pangunahing tema sa anomang
tekstong ekspositori. Ito ang batayan ng mga detalyeng inilalahad sa isang
teksto. Kadalasa’y makikita ito sa unang talata at huling talata ng tekstong
ekspositori.

Pinagkunan: Bernales et al, Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat tungo sa


Pananaliksik: Malabon City: Mutya Publishing 2009, 31

Mahalagang Salita na Ginamit sa Teksto

Sa pagtukoy sa paksa ng teksto, nakatutulong ang mga mahalagang


salita na ginamit sa teksto. Maaaring ito ay kasingkahulugan (synonym),
kasalungat na kahulugan (antonym) at paglalarawan o depinisyon.
Halimbawa:
Ang salita ay katiwasayan
• kasingkahulugan-kapayapaan
• kasalungat-kaguluhan
• paglalarawan o Depinisyon- Ito’y kalagayang pangkaisipan o
panlipunan na may kapanatagan at pagkakasundo ng bawat kasapi.

Pinagkunan: Atanacio et al, Pagbasa at Pagsusuring Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik: Quezon City: C&E Publishing 2009

Gawin Natin

Sa naunang bahagi, nalaman mo na nakikita sa paksa ng teksto


ang layunin ng may-akda sa pagsulat. Nalaman mo rin na ang
mahahalagang salita sa teksto ay nakatutulong sa lubusang pag-
unawa sa binabasa. Ngayon, maaari mo nang gawin ang gawain sa
ibaba.

Panuto: Basahin ang tekstong impormatibo na makikita sa bahaging


kaliwa.Isulat ang paksa sa blankong bahagi na nasa kanan.

Teksto1 Paksa
MANILA, Philippines — Target ng gobyerno
na makakuha ng vaccine deal sa mga
mapipiling manufacturers mula sa
susunod na linggo hanggang sa unang
bahagi ng Enero 2021, ayon kay National
Task Force Against COVID-19 Chief
Implementer at vaccine czar Carlito Galvez
Jr.

Mula sa: https://www.philstar.com/pilipino- star-


ngayon/ (Disyembre 20, 2020)

4
Teksto 2 Paksa
Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa
daigidig ang matinding tag-init at
napakalakas na bagyong nagreresulta sa
malawakang pagkasira. Nais ni Rodel na
magkaroon ng mas maraming
impormasyon ukol dito kaya’t hawak niya
ngayon ang tekstong may pamagat na
“Mga Epekto ng Global Warming sa
Kapaligiran.”

Mula sa: https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-


tekstong-impormatibo/
Teksto3 Paksa
Ang pananampalataya sa Diyos ang
nagpapalakas sa mga Pilipino. Sa kabila
man ng mga pagsubok na nararanasan,
nananatiling matatag at matibay ang mga
Pilipino. Masasalamin ang katatagan nito
sa masasayang pamilya na nagtutulungan
sa gitna ang ligalig at suliranin. Ganyan ang
mga Pilipino, naniniwala sa ginhawang
dulot ng tibay ng panalangin at tatag ng
pag-asa.
Mula sa:
https://www.sunstar.com.ph/article
/404657

Panuto: Mula sa mga teksto sa itaas, itala ang mga mahalagang salita
mula sa nabasang teksto. Ibigay ang kahulugan nito ayon sa
sariling pag-unawa. (maaaring gumamit ng dagdag na papel)

Mula sa Teksto 1
Mahalagang Salita Kahulugan

Mula sa Teksto 2
Mahalagang Salita Kahulugan

5
Mula sa Teksto 3
Mahalagang Salita Kahulugan

Sanayin Natin

Dahan-dahan nang naging malinaw sa iyo kung paano tutukuyin


ang paksa ng teksto at ang gamit ng mahahalagang salita sa teksto.
Ngayon, natitiyak kong magagawa mo ang pagsasanay sa ibaba.

Gawain (Pagtukoy ng Paksa)


Panuto: Basahin ang tekstong impormatibo tungkol sa Kadayawan
Festival ng Lungsod ng Davao. Nababatid ko makauugnay
ka sa teksto dahil nasaksihan mo rin ang nabanggit na
pagdiriwang. Gawin ang dayagram na makikita sa ibabang
bahagi.

Kadayawan sa Davao

Noong unang panahon, sinasabing ang mga katutubong


naninirahan sa paanan ng bundok Apo sa Dabaw ay nagtitipon at
nagsasagawa ng mga seremonya at rituwal sa kanilang mga Bathala
lalo na sa kay “Manama” na syang pinakamataas na Bathala sa lahat.
Ito ay upang magpasalamat sa masaganang ani na kanilang
natatamasa. Sila ay nagsasayawan at nag- aawitan upang ipagdiwang
ang kanilang kasiyahan sa mga biyayang natanggap. Iba’t ibang mga
produkto sa pagsasaka tulad ng mga prutas, bulaklak, mga gulay,
bigas at butil ng mais ay nakalatag sa banig habang ang mga katutubo
ay nagbibigay pugay at paggalang at pasasalamat o” pahinungod” para
sa kasaganaan ng taon.

Lumipas ang maraming taon, kahit naging moderno ang lahat,


ang mga Dabawenyo ay nananatiling nagsasagawa ng seremonya ng
pasasalamat. Ang tradisyong ito ay naging isang taunang kapistahan
na tanyag sa buong bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo.

6
Ito ay ang “Kadayawan sa Davao”. Ang “Kadayawan” ay nanggaling sa
salitang Mandaya na “Madayaw” upang ipaliwanag ang isang bagay katulad
ng “ maganda, mahalaga, mabuti, at magaling. Ang kapistahang ito ay
nagsisimbulo ng pagdiriwang sa buhay, pasasalamat sa mga yaman at
biyayang natatamasa, masaganang ani ng mga pananim, at kapayapaan sa
buhay.

Pinagkunan: emit2homeblog.wordpress.com/2013/07/31/kadayawan-sa- davao/(retrieved:


December 21, 2020) Posted on July 31, 2013 by Klinnk Blog

Paksa ng Teksto:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

7
Tandaan Natin

Natapos mo nang pag-aralan ang pagtukoy sa paksa ng teskto at


ang gamit gayundin ang halaga ng mahahalagang salita sa teksto.
Mahalagang tandaan mo na:

Suriin Natin
Maligaya ako at naabot mo ang bahaging ito ng ating pag-aaral.
Upang lalong mapalawak ang iyong pag-unawa, isakatuparan mo ang
gawaing ito.

Unang Bahagi
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit
sa pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang Covid 19 ay pandemya na naranasan sa buong
mundo.
2. Isa sa solusyon sa Covid 19 ay ang bakuna.
3. Ang social distancing at pagsuot ng face mask ay naging
alternatibong paraan sa pag-iwas sa Covid.
4. Marami na sa mga dalubhasang doktor ang nagkasakit ng
Covid.
5. Nakalulungkot isipin na ang buong mundo ay nagluksa dahil
sa epekto ng Covid.

8
Ikalawang Bahagi
Panuto: Basahing mabuti ang mga tekstong impormatibo. Tukuyin
kung ano ang paksa ng mga ito. Isulat ang inyong mga sagot
sa sagutang papel.
Teksto 1
Ang COVID-19 ay isang bagong uri
A. Paggamit ng halamang gamot
ng coronavirus na umaapekto sa
bilang lunas sa mga karamdaman.
baga at mga daanan ng hininga.
B. Ang COVID 19 bilang
Kabilang ito sa pamilya ng mga virus
karamdamang umaapekto sa baga at
na nagiging sanhi ng mga
daanan ng hininga.
karamdaman gaya ng karaniwang
C. Ang COVID 19 ay sakit na
sipon, lagnat, pangangapos ng
nakahahawa.
hininga at pananakit ng lalamunan.
D. Pagtatanim ng puno upang
Ilan sa mga hakbang na
ipinatutupad upang labanan ang maiwasan ang mga malalang sakit.
karamdamang ito ay pagiging
malinis sa katawan at paligid at
paglalaan ng distansiya sa ibang tao.

Teksto 2
Malawak ang lupain ng mga Olivarez A. Masipag ang magsasakang
sa Timog Davao. Natatamnan ito ng Pilipino.
mga niyog, mangga at kakaw. Araw- B. Malawak ang lupain
araw, masayang nagtatrabaho sa C. Ang malawak na lupain
malawak na bukid ang mga ng mga Olivarez ay ang
magsasaka. Dito nila kinukuha ang pinagkukunan ng kabuhayan ng
kanilang ikinabubuhay. mga magsasaka.
D. Makas-Diyos ang mga tao.

Teksto 3

Upang mapanatiling malinis ang ating A. Malinis ang mga dagat sa


karagatan, sabay-sabay tayong Pilipinas.
magmatyag sa sinomang pumipinsala B. Maraming nabubuhay sa dagat.
nito. Magkapit-bisig tayong bantayan C. Tao ang dahilan ng kasiraan ng
ito upang may makuha tayong sariwa ating kadagatan.
at masarap na mga isda at iba pang D. Magkapit-bisig tayong alagaan
lamang dagat. ang dagat na pinagkukunan ng
sariwang isda at lamang-dagat.

9
Teksto 4

Isang araw, nakita na lamang ng mga A. Ang nasisirang lawa sa baryo dahil sa
taga-baryo na may mga patay na isda duming galling sa kabahayan.
na lumulutang sa lawa. Ito ay dahil sa B. Dumarami ang lamok at ipis.
mga duming galling sa kabahayan. C. Marami ang nagkakasakit.
D. Umaangat ang kabuhayan ng mga tao.
Kung hindi ito maagapan, magiging
sanhi ito ng mga sakit at dahan-
dahang namamatay ang mga buhay sa
lawa.
Teksto 5
Sa kasalukuyang pandemya, A. ang kasalukuyang pandemya
maraming Negosyo at pamumuhunan B. bumababang ekonomiya at
ang naaapektuhan. Maraming tumataas na antas ng kahirapan
paggawaang natigil. Tumaas ang antas C. kasipagan ng mga tao
ng kahirapan sa mga tao dahil sa D. pagtutulungan sa isa’t isa
bumababang ekonomiya.

Ikatlong Bahagi
Panuto: Tukuyin ang kaugnay na mga pahayag o kasingkahulugan ng
mga salitang may salungguhit sa pangungusap. Titik (A, B,
C, D) lamang ang isulat sa inyong sagutang papel.

1. Maraming karamdaman ang dala ng virus. Ang sumusunod ay


ukol sa salitang may salunggguhit maliban sa:
A. isang uri ng mikrobyo
B. sanhi ng maraming sakit
C. nakikita gamit ang mga mata lamang
D. maliit at di-nakikita ng mga mata

2. Natatamnan ng mga niyog, mangga at kakaw ang malawak na


lupain ng mga Olivarez.
A. pangunahing produktong pang-agrikultura ng Pilipinas
B. Maraming lupain sa Pilipinas ang natatamnan
ng mga niyog, mangga at kakaw.
C. Maraming produktong nagagawa mula niyog,
mangga at kakaw.
D. Lahat sa Nabanggit

3. Kailangan nating magmatyag upang hindi makapasok sa


ating nasasakupan ang mga dayuhan.
A. magtika C. magliwaliw
B. magbantay D. makipag-ugnayan

10
4. Maraming namumuhunan ang pumasok sa bansa.
A. mamimili C. dayuhan
B. turista D. Kapitalista

5. Nitong nagdaang mga buwan, napapansing tumaas ang antas


ng kahirapan sa bansa.
A. Ito ay kakayahan ng taong bilhin ang kaniyang mga
pangangailangan at mga gusto.
B. Ito ay antas ng mahihirap at mayayaman sa lipunan.
C. Ito ay panukatang pang-ekonomiks hinggil sa kakayahan
ng pamilyang tustusan ang kanilang pangunahing
pangangailangan.
D. Wala sa Nabanggit

Payabungin Natin

Nalulugod akong malamang nakuha mo ang mga naunang


gawain. Upang mapaunlad ang iyong kasanayan, Gawin ang
sumusunod na gawain.

Unang bahagi

Panuto: Basahin ang tekstong impormatibo at ipaliwanag ang mga


kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa. Suriin ang mga
katanungan na makikita sa ibabang bahagi. Isulat ang inyong
sagot sa sagutang papel.

CYBERBULLYING

Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng


teknolohiya, isang uri ng pambubuska ang nabibigyang-daan nito; ang
cyberbullying o ang pambubuska sa kapwa gamit ang makabagong
teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng
pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text
o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan,
bidyu, at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o pagpapaskil ng mga
nakasisira at walang batayang komento; paggawa ng mga pekeng account na
may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang
magamit ang sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba pang
uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y
karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng
kapayapaan sa nagiging biktima nito.
Naririto ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying: mga senyales ng
depresyon, pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot,
pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan, pagkakaroon ng mababang
marka sa paaralan, pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng

11
problema sa kalusugan at pagiging biktima rin ng harapang bullying.
Ayon sa ulat sa Googe Trends, ikaapat sa mga bansa sa buong
mundo kung saan may pinakamaraming naghanap ng impormasyon
ukol sa cyberbullying noong 2013 ay ang Pilipinas. Isa itong
indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isang makatotohanang
pangyayari sa ating bansa. Bagama’t sa kasalukuyan ay wala pang
opisyal na istadistika ang Pilipinas patungkol sa cyberbullying. Sa
bansang Amerika ay naitala na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grade
6 hanggang 12 ang nakaranas ng cyberbullying noong 2010 at 2011.
Samantalang noong 2013, tumaas sa 15% ang mga mag-aaral sa
Grade 9 hanggang 12 na nakaranas ng cyberbullying.

Pinagkunan:
https://www.sunstar.com.ph/article/404657

Tanong:
1. Tukuyin ang paksa ng tekstong binasa.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

2. Ibigay ang kahulugan ng Cyberbullying.


_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

3. Paano nakaaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima


nito?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

4. Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo? Ano- anong


katangian ng tekstong binasa ang magpapatunay na ito ay
isang tekstong impormatibo?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

5. Mabisa ba ng pagkakalahad ng mga impormasyon?


Ipaliwanag ang iyong sagot.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

12
Pagnilayan Natin

Malapit ka nang matapos sa SLK na ito. Sa bahaging ito,


maaaring mo masukat ang kahalagahan ng pagtukoy sa paksa ng
teksto at ang gamit ng mahahalagang salita sa lubusang pag-unawa.

Panuto: Batay sa binasang tekstong pinamagatang “Cyberbullying”,


pagnilayan ang sumusunod na sitwasyon at iugnay ito sa mga pangyayaring
nagaganap sa paligid maging sa sarili, pamilya komunidad, bansa at
daigdig. Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong paliwanag sa sariling
kaisipan sa bawat pahayag.

1. May kasabihang walang mambu-bully


kung walang magpapa-bully. Ano- ano
ang gagawin mo upang maiwasang
maging biktima ng cyberbullying?

2. Kung sakaling ikaw o isa sa mga


kapamilya o malapit na kaibigan mo ang
magiging biktima ng cyberbullying, ano-
ano ang gagawin mo o ninyo upang
mapigilan ang ganitong uri ng pang-
aabuso at mapanagot ang taong
gumagawa
nito?

3. Kung ikaw ang nambu-bully ngayon at


nalaman mo ang masasamang epekto
nito sa biktima mo na maaring bumalik
sa iyo sa mga darating na panahon, ano
ang gagawin mo upang makabawi sa
nagawang pagkakamali?

4. Bakit mahalaga ang pagiging responsable


sa paggamit ng internet at laging
pagsasaalang-alang sa pahayag na “Think
before you click”?

13
14
Suriin Natin
Ikalawang Bahagi Subukin
Unang bahagi
1. B
1. B 2. C
2. C 3. D
3. D 4. A
4. A 5. B
5. B Ikalawang
Ikatlong Bahagi Bahagi
1.C 6. C
2. D 7. D
3. B 8. B
4. D 9. D
5. C 10. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Atanacio, H.C., et al, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik. C&E Publishing, Inc. UE Education
and Elementary Building, Francisco Dalupan Sr. Bldg,,
2219 Recto Ave, Manila, 1008 Metro Manila, Philippines,
2016.

Crizel Sicat-De Laza, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik. REX Book Store Inc. REX Knowledge
Center, 109 Sen M Cuenco Sr, Quezon City, 1114 Metro Manila,
Philippines, 2016.

• emit2homeblog.wordpress.com/2013/07/31/kadaya
wan-sa- davao/(retrieved: December 21, 2020) Posted
on July 31, 2013 by Klinnk Blog
• https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/Disyembre 20,
2020
• https://www.sunstar.com.ph/article/404657
• https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-
impormatibo/
• https://www.slideshare.net/REGie3/tekstong-
impormatibo- 193940830
• https://www.academia.edu/33824138/Tekstongimpormatibo
_Para_s a_iyong_Kaalaman

15
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Region XI
F. Torres St., Davao City
Telefax:
Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like