You are on page 1of 24

11

Filipino
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan-Modyul 2:
Tekstong Naglalarawan
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Tekstong Naglalarawan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Remyvic A. Ibañez
Editor: Cristy S. Agudera, Lorna C. Ragos
Tagasuri: Ignacio L. Jubahib Jr.
Tagalapat: Remyvic A. Ibañez
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor – Filipino
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management Section

Inilimbag ng Pilipinas ng:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504
Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
11

Filipino
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ikatlong Markahan –Modyul 2:

Tekstong Naglalarawan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin
at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng
mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

ii
Aralin

1 Tekstong Naglalarawan

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo! Kumusta ka na?

Malugod kitang binabati dahil matagumpay mong nasagot ang

naunang mga gawain.

May bago ka namang matutuhan sa araw na ito.

Sa modyul na ito, maibibigay mo ang kahulugan ng mga Tekstong

Naglalarawan

May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman tungkol dito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong

binasa. (F11PS-IIIb-91)

• nakikilala ang mga tiyak na katangian ng tekstong naglalarawan;

• nakapaglalarawan ng karaniwan, teknikal, at masining na paraan; at

• natutukoy ang mga ideya sa mga tekstong naglalarawan.

1
Subukin Natin

Panuto: Piliin ang salitang nagpapahayag ng paglalarawan at isulat ang

letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Naglalakad si Kira sa isang madilim na lugar na di-pamilyar sa kaniya.

A. naglalakad C. madilim
B. Pipay D. di-pamilyar

2. Napansin niyang dala-dala niya ang pulang bag na gagamitin niya sa

pasukan at nakasabit ang isang munting laruan.
A. pulang bag C. pasukan
B. napansin D. niya

3. Pakakawalan lamang kita kung masasagot mo ang walong pagsubok, ang

nakabibinging tinig ng binatilyo.
A. binatilyo C. nakabibingin tinig
B. masasagot D. kung

4. Tiyak kong mag-eenjoy ka roon dahil marami kang makikilalang bagong

kaibigan at makakalaro.
A. marami C. bagong kaibigan
B. makikilala D. kong

5. Tahimik siyang nakinig sa usap-usapan ng mga katabi sapagkat mayroon

niyang mahalagang ginagawa.
A. usap-usapan C. siya
B. katabi D. tahimik

6. Ibig niyang mamasyal sa mundo ng kalawakan dahil ito ay kanyang

pinapangarap sa buhay.
A. ibig C. mundo ng kalawakan
B. niya D. mamasyal

7. Mataimtim na nanalangin si Kira habang ang iba ay abala sa pakikipag-

usap.
A. Kira C. kumain
B. habang D. mataimtim

8. Nasilayan ko ang kabigha-bighaning gandang niya nang dumaan siya sa

tapat ng bahay.
A. bahay C. nasilayan
B. dumaan D. kabigha-bighani

2
9. Abala ang lahat sa ginawang mabusising pagwawasto ng mga modyul
upang maisaayos ang bawat nilalaman nito.
A. lahat C. mabusising
B. pagwawasto D. nilalaman

10. Sa wakas ay natapos na rin nang matiwasay ang dalawang araw na

pagwawasto ng mga modyul.
A. natapos C. pagwawasto
B. matiwasay D. sa wakas

Aralin Natin

Pagbabasa ng isang seleksyon na “Ang Buhay sa Bagong Normal”.

ANG BUHAY SA BAGONG NORMAL

ni: Remyvic A. Ibañez

Face Mask, Face Shield, Alcohol, Hand Sanitizer at Social Distancing.

Ito ay iilan lamang sa mga salitang naririnig sa pang-araw-araw na
pakikipagsapalaran sa buhay. Ito ay mga ordinaryong bagay lamang noon
pero sa panahon ngayon, ito ang magiging pinakamahalagang bagay sa
lahat ng tao. Kung wala ang mga ito, parang kulang ang araw ng bawat isa,
kumbaga, gaya ng isang cellular phone karugtong ito sa buhay ng bawat
tao.

Takot, Pagkabahala at Pagkabalisa ang nararamdaman ng bawat isa

dahil sa bantang mahawa sa sakit ng Covid-19. Ang mga kasiyahan at
pagtitipon sa kasalukuyan ay limitado lamang. Iilang katao lamang ang
maaaring makalahok sa mga pagtitipon at kasiyahan. Halos lahat ng tao ay
takot na makipaghalubilo, makipagkamayan at makipagbeso-beso sapagkat
bawat isa ay iniisip nating banta (carrier) ng virus. Iniiwasan din natin ang
lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan upang hindi madapuan
ng virus sapagkat hindi madali ang magkaroon ng ganitong sakit. Simpleng
sipon, ubo at lagnat ay nakababahala na sapagkat ito ang mga sintomas ng
Covid-19.

Ayon sa pananaliksik, ang Covid-19 ay hindi nakamamatay na sakit

kung wala kang karamdamang iniinda gaya ng hika, diabetes, highblood at
iba pang mga sakit. Kadalasan, ang mga namamatay ay ang mga matatanda

3
o mga taong may kasalukuyang sakit na nadapuan ng virus. Kaya, dapat
tayong mag-ingat dahil hindi natin nakikita ang ating kalaban.

Mga bata, buntis, matatanda at may sakit ay bawal lumabas sapagkat

sila ang mas madaling madapuan ng virus sapagkat mahina ang kanilang
resistensya. Ang pag-inom ng bitamina at pagkain ng mga
masusustansyang pagkain gaya ng makukulay na mga gulay at prutas ay
kinakailangan. Kahit ganoon pa man ang pagsubok na ating kinahaharap,
hindi pa rin mawawala ang pag-aalab ng ating mga puso na matuto at
makapag-aral sa panahon ng bagong normal. Sa madaling sabi, ito ang
dahilan upang mas lalo pang linangin, paigtingin at pag-ibayuhin ang
pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto. Modular, offline at online na
pamamaraan ang inihahayag ng Kagawaran ng Edukasyon upang
matustusan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na gusto o nais na
ipagpapatuloy ang pag-aaral.

Sa kabila ng pagsubok na ito, hindi pa rin tayo nawawalan ng pag-asa

na makawala sa pandemyang ito. Matibay at matatag tayong mga Pilipino sa
pagharap sa mga hamon at pagsubok sa buhay. Huwag lamang tayong
mawalan ng pag-asa at manalig tayo sa Kanya. Ito ay mga pagsubok lamang
na kayang mabigyan ng kalutasan.

I. Sagutin: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Saan napatutungkol ang seleksyon?

a. ang paiigting ng pananalig sa Diyos
b. ang mga paraan sa pagkatuto ng mga mag-aaral
c. ang buhay sa bagong normal ng bawat indibidwal
d. ang pag-aalab ng mga mag-aaral na matuto sa gitna ng pagsubok

2. Ano-ano ang mga pangunahing bagay na dala-dala sa bagong normal?

a. pananalig sa Diyos
b. ballpen, papel at notebook
c. Vitamin C, gulay at prutas
d. face mask, face shiels at alcohol

3. Ano-ano ang nararamdaman ng bawat tao sa panahon ng pandemya?

a. natatakot, nababahala at nababalisa
b. natatakot, nanghimutok at nagagalit
c. nababalisa, nagagalit at nababahala
d. nasisiyahan, natutuwa at nagagalak

4
4. Sino-sino ang mga taong tinatawag nating vulnerable?
a. mama at papa; lolo at lola
b. papa at mama; ate at kuya
c. bata at matanda; ate at kuya
d. bata at matanda; buntis at may sakit

5. Ano ang mahalagang dapat gawin upang ‘di-mahawa sa virus?

a. dumistansya sa kausap
b. makipagbiso-biso sa kakilala
c. lumahok sa lahat ng pagtitipon
d. magsuot ng face mask, face shield at maghugas ng kamay

II. Isulat sa sagutang papel ang mga salitang naglalarawan o deskriptibo

batay sa seleksyong nabasa at gamitin ito sa pangungusap.

Hal. takot – Takot akong mawalan ng kaibigan.

1. ________________________________________________________________________.
2. ________________________________________________________________________.
3. ________________________________________________________________________.
4. ________________________________________________________________________.
5. ________________________________________________________________________.
6. ________________________________________________________________________.
7. ________________________________________________________________________.
8. ________________________________________________________________________.
9. ________________________________________________________________________.
10. ______________________________________________________________________.

Ang mga pangungusap na iyong ibinigay ay mga halimbawa ng

tekstong naglalarawan o deskriptibo. Ito ay naglalarawan ng tao, bagay,
pook o pangyayari at iba pa. Maaaring ito ay simple, teknikal o masining na
paglalarawan.

5
Gawin Natin

Ang Tekstong Paglalarawan (Descriptive/deskriptibo)

Ito ay nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa limang

pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama. Ang
paggamit ng tekstong naglalarawan ay lumilikha ang may-akda sa kaniyang
mga mambabasa ng isang madetalyeng imahinasyon na magsisilbing
pundasyon niya upang paniwalaan ang katotohanan ng isang bagay,
pangyayari o ano mang nagaganap sa kaniyang pang-araw-araw na
karanasan.

Pangunahing layunin ng isang tekstong paglalarawan ay ang

makabuo ng isang malinaw na biswal, larawan, at imahen upang
mapalutang ang pagkakilanlan.

URI NG PAGLALARAWAN

1. Karaniwang Paglalarawan

Literal at pangkaraniwang gumagamit ng paglalarawan. Obhektibo

(tiyak) ang paglalahad ng kongkretong katangian ng mga impormasyon..
Payak o simple lamang ang paggamit ng mga salita upang maibigay ang
kaalaman sa nakita, narinig, nalasahan, naamoy, at naramdaman sa
paglalarawan.

Halimbawa:

Paningin – matangkad na lalaki

maganda ang mga mata
kulay berde ang halaman

Pandinig – maingay sa plasa

mahina ang iyong boses
malakas ang kaniyang sigaw

6
Panlasa – maasim ang sinampalukan
matamis ang tsokolate
maanghang ang Bicol Express

Pang-amoy - mabango ang nilabhan

mabaho ang basurahan
maasim ang amoy ng pawis

Pandama -mahapdi ang sugat

malamig ngayong gabi
mainit ang iyong katawan

2. Teknikal na Paglalarawan

Pangunahing layunin ng siyensiya ang mailarawan nang akma ang

anumang dapat at kailangang malaman tungkol sa mundo at kalawakan.
Kalimitang gumagamit ang manunulat ng mga ilustrasyong teknikal na
sulatin upang makita ng mambabasa ang larawan o hitsura ng
inilalarawan.

3. MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Di-literal ang paglalarawan at ginagamitan ng matatalinghaga o

idyomatikong pagpapahayag. Malayang nagagamit ang malikhaing
imahinasyon upang mabigyan ng buhay ang isang imahen o larawan.
Taglay nito ang kasiningan ng pagpapahayag ng damdamin at pananaw ng
sumulat.

Halimbawa:

Paningin - kay tangkad mo, para kang poste

Pandinig - nabibingi ako sa sobrang hina ng boses mo

Panlasa - halos mapaso ang dila ko sa anghang ng Bicol Express

Pang-amoy -masusuka na ako sa baho ng kanal sa labas

Pandama - nasunog ang balat ko sa tindi ng sikat ng araw

7
Sanayin Natin

A. Kilalanin ang mga pahayag sa ibaba at isulat ang sagot sa sagutang

papel.

Paglalarawan Karaniwan
Masining Teknikal

_____1. Ito ay nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa limang

pandama.
_____2. Di-Literal ang paglalarawan at ginagamitan ng matatalinghaga o
idyomatikong pahayag.
_____3. Ang pangunahing layunin nito ay makabuo ng isang malinaw na
biswal, larawan, at imahe upang mapalutang ang pagkakilanlan nito.
_____4. Literal na gumagamit ng paglalarawan.
_____5. Pangunahing layunin ng siyensya ang mailarawan nang akma ang
anumang dapat at kailangang malaman tungkol sa mundo at
kalawakan.

B. Suriin ang pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

K - kung Karaniwang Paglalarawan

T - kung Teknikal ang Paglalarawan
M – kung Masining ang Paglalarawan

___1. Noong nakaraang lingo niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang

Rehiyon ng Dabaw noong nakaraang linggo.
___2. Singhaba ng lubid ang pagtitimpi ko sa iyo.
___3. Gabundok ang kanyang labahan dahil dalawang linggong hindi
nakapaglaba.
___4. Ang aking kapatid ay matangkad na lalaki gaya ng aming ama.
___5. Kasintamis ng tsokolate ang kanyang ngiti, kaya, para akong
nakalutang sa alapaap.

8
___6. Maganda at malinis ang paaralan ng Tagum National Trade School.
___7. Tila isang tuod na puno na lamang ang kaniyang naging tugon sa
sigaw ng isang magnanakaw.
___8. Napinsala ang probinsya ng Batangas nang bumuga ng mapakal na
usok ang bulkang Taal.
___9. Matalino ang aming mga mag-aaral dahil mataas ang markang
kanilang nakukuha.
___10. Biglang bumulusok ang baha sa aming lugar dahil sa napakalakas
na ulan dulot ng bagyong Sendong.

C. Suriin ang mga larawan sa ibaba. Magbigay ng paglalarawan ayon sa

mga uri ng paglalarawan.

a. Bulkang Mayon

Halaw mula sa Bryner, J. (2018).Picture of Mayon Volcano Eruption. [Photograph]. Live Science.
https://www.livescience.com/61487-mayon-volcano-imminent-eruption.html

9
a.1. Karaniwang paglalarawan
_______________________________________________________________________
________________________________________________________________________

a.2. Teknikal na Paglalarawan

a.3. Masining na Paglalarawan

10
b. Dagat ng Maldives

Halaw mula sa Morton, C.(2020). Picture of Beach [Photograph].Contde Nast Traveler.

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fmedia.cntraveler.com%2Fphoto
s%2F59ef91dd8d4f736d51415c2e%2Fmaster%2Fw_2667%2Ch_2000%2Cc_limit%2F7MileB
each-2013-
HiRes.jpg&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.cntraveler.com%2Fgalleries%2F2015-02-
24%2Ftop-10-most-beautiful-island-beaches-hawaii-
australia&tbnid=yExQfpQWnxeSMM&vet=12ahUKEwij2LP7ytHuAhVO5JQKHcd3B5AQMyg
BegUIARDOAQ..i&docid=JxoXkxuNUL16uM&w=2667&h=2000&q=beach&ved=2ahUKEwij2
LP7ytHuAhVO5JQKHcd3B5AQMygBegUIARDOAQ&fbclid=IwAR3V7kWdaFWGDHYtzgjtN5G
LFwkKj4nUS8Pz6o9djoqXBQyfTHEEMC4xEoc

b.1. Karaniwang Paglalarawan

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

11
b.2. Teknikal na Paglalarawan

b.3. Masining na Paglalarawan

Tandaan Natin

Panuto: Punan ng wastong salita ang pahayag sa ibaba at isulat ang sagot
sa sagutang papel.

Ang paglalarawan ay nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa

limang pandama: paningin,(1)_________, panlasa,(2) __________, at (3)_______.
Ang paggamit ng tekstong (4)___________ ay lumilikha ang may-akda sa
kaniyang mga mambabasa ng isang madetalyeng imahinasyon na
magsisilbing pundasyon niya upang paniwalaan ang katotohanan ng isang
bagay, pangyayari o ano mang nagaganap sa kaniyang pang-araw-araw na
karanasan.

12
Pangunahing layunin ng isang tekstong paglalarawan ay ang
makabuo ng isang malinaw na biswal, (5)_________, at imahen upang
mapalutang ang pagkakilanlan.

URI NG PAGLALARAWAN

1. (6)_____________Paglalarawan

Literal at pangkaraniwang gumagamit ng paglalarawan. Obhektibo

(tiyak) ang paglalahad ng kongkretong katangian ng mga impormasyon.
(7)__________lamang ang paggamit ng mga salita upang maibigay ang
kaalaman sa nakita, narinig, nalasahan, naamoy, at naramdaman sa
paglalarawan.

2. (8)___________na Paglalarawan

Pangunahing layunin ng (9) _________ ang mailarawan nang akma ang

anumang dapat at kailangang malaman tungkol sa mundo at kalawakan.
Kalimitang gumagamit ang manunulat ng mga ilustrasyong teknikal na
sulatin upang makita ng mambabasa ang larawan o hitsura ng
inilalarawan.

3. (10)___________ NA PAGPAPAHAYAG

Di-literal ang paglalarawan at ginagamitan ng matatalinghaga o

idyomatikong pagpapahayag. Malayang nagagamit ang malikhaing
imahinasyon upang mabigyan ng buhay ang isang imahen o larawan.
Taglay nito ang kasiningan ng pagpapahayag ng damdamin at pananaw ng
sumulat.

13
Suriin Natin

Basahin ang halimbawa ng tekstong Naglalarawan

Ang Karanasang Di Ko Malilimutan

ni: Jheru Anselmo Mendoza

Lahat tayo ay may karanasang ‘di malilimutan – karanasan sa pag-

ibig, sa pakikipagkaibigan, at sa pamilya. Kailan nga ba tayo unang umibig?
Kailan ba tayo unang nasaktan? Aling alaala ang lubos na nagdulot sa atin
ng sakit? Kailan nga ba tayo naging masaya? Naaalala mo pa ba? Sa dami
ng mga bagay na aking naranasan, kulang pa yata ang isang libro para
maikuwento ko nang buo ang simpleng buhay ko.

Ang aking pamilya ay malaki, pero simple lang ang aming

pamumuhay. Lagi kami magkakasama noon. Nagtatawanan at
nagkukulitan kahit may problemang nararanasan, kinakaya naming ano
mang unos ang dumating dahil lagi kaming magkakasama. Sabi pa ng
aking mahal na ina noon, “Ayos lang daw maghirap kami aat magdildil ng
asin, basta kompleto at magkakasama kaming lahat. Nasabi niya ito dahil
maaga siyang nahiwalay sa kaniyang pamilya noon, bata pa lamang siya ay
naranasan na niyang mabuhay nang mag-isa. Mahirap daw ang nag-iisa sa
buhay. Malungkot daw. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling na ina
sa buong mundo! Kasi maayos niya kaming napalaki kahit nag-iisa na
lamang siya ngayon. Ang aking ama naman ay isang mabait at mabuting
ama. Mahal na mahal ko siya kahit minsan napapalo niya ako dahil
nakakainom ng alak.

Lumipas ang ilang taon na palaging masaya ang aking pamilya.

Ngunit ang ‘di namin nalalaman ay isang malaking problema ang parating
sa aming buhay na ganap na susubok sa aming katatagan. Sampung taong
gulang pa lamang ako noon at nasa ikaaanim na baiting nang malaman ng
doctor na may kanser sa atay ang aking ama. Nagulat kami sa nalaman
naming balita. Gayunpaman ay pinilit naming maging masaya para sa
aming ama dahil ayaw naming makita niyang nalulungkot kami para sa
kaniya, at para kahit paano ay mabawasan ang nararanasan niyang
paghihirap at kalungkutan.

14
Ilang buwan na ang lumipas pero hindi namin siya maipagamot dahil
sa kakulangan sa pera. Lumala nang lumala ang sakit niya, bumagsak ang
dating masigla niyang katawan, at nangayayat siya nang husto. Ika-
tatlumpu ng Hunyo 2004 noon, ito ang araw ng kaniyang pagsilang. Nagluto
ang aking ina. Kaunti lang ang handa at kami lang ang nagdiriwang ng
kaarawan niya. Ang ama ko ay masaya noong araw na ‘yon kahit
nararamdaman ko na parang malungkot siya. Hindi niya pinakikita sa amin
iyon. Gusto niyang maging masaya kami. Ang saya talaga ng araw na ‘yon
para sa akin. Ngunit iyon na pala ang huling kaarawan ng aking ama.
Tatlong araw ang lumipas, iniwan na niya kami. Wala na siya. Namatay na
ang aking ama. Napaluha na lang ako habang tinitingnan ko ang walang
buhay na katawan niya. Pero naalala ko ang sabi sa akin ng ama noon;
“Anak, ‘wag kang iiiyak kapag nawala ako, ha.” Kaya noong libing niya ay
hindi na ako umiyak at tinanggap ko na lang na wala na siya; na hindi na
siya mahihirapan dahil kung saan man siya naroon ay masaya na siya sa
piling ng Dakilang Ama.

A. Sagutin ang sumusunod na tanong sa pinaikli ngunit malalaman na

sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Sino ang naglalarawan sa teksto?

2. Ano-ano ang kanyang suliranin batay sa kanyang paglalarawan?

Ipaliwanag

3. Magtala ng mga salitang naglalarawan batay sa ayon sa uri nito.

Maaaring gamiting gabay ang kahoy sa ibaba.

Karaniwang Teknikal na Masining na

paglalarawan Paglalarawan Paglalarawan
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
____________________ ___________________ ___________________
____________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
__ ____-

15
Payabungin Natin

Gumawa ng isang paglalarawan batay sa sumusunod na mga

pangyayari. Pumili lamang ng isa at ilarawan ito ayon sa tatlong uri ng
paglalarawan.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Karanasan sa bahay noong panahon ng Lock Down.

2. Buhay noon at buhay ngayon
3. Ilarawan ang mga karanasan sa buhay ng bagong Normal.

Ang Pagmamarka ay ibabatay ng guro sa sumusunod na pamantayan

Pamantayan sa Puntos

Gramatika/Balarila - 4pts
Nilalaman - 4pts
Wastong gamit salita - 2pts
10pts

________________________________________________________

16
Pagnilayan Natin

Ang Tekstong paglalarawaan o Deskriptibo ay nagtataglay ng

impormasyong may kinalaman sa limang pandama: paningin,
pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama. Ito ay may pangunahing
layunin na makabuo ng malinaw na biswal, larawan at imahen upang
mapalutang ang pagkakilanlan.

Karaniwan, teknikal at masining na paglalarawan ang mga uri

nito. Karaniwang paglalarawan ito ay literal at tiyak ang paglalahad
ng kongkretong katangian ng mga impormasyon. Payak o simple
lamang ang paggamit ng mga salita upang maibigay ang kaalaman sa
nakita, narinig, nalasahan, naamoy, at naramdaman sa paglalarawan.

Ang teknikal na paglalarawan naman may pangunahing layunin

ng siyensya ang mailarawan nang akma ang anumang dapat at
kailangang malaman tungkol sa mundo at kalawakan.

Samakatuwid, ang masining na paglalarawan naman ay di

literal ang paggamit ng paglalarawan at ginagamitan ng matalinghaga
o idyomatikong pagpapahayag. Malayang nagagamit ang malikhaing
imahinasyon upang mabigyan ng buhay ang isang imahen o larawan.
Taglay nito ang kasiningan ng pagpapahayag ng damdamin at
pananaw ng sumulat.

17
18
TANDAAN
1. PANDINIG
2. PANG-AMOY
3 PANDAMA
4. PAGLALARAWAN
5. LARAWAN
6. KARANIWAN
7. SIMPLE
8. TEKNIKAL
SANAYIN NATIN 9. SIYENSYA
10. MASINING
a.1. Paglalarawan
2. Masining
3. Paglalarawan
4. Karaniwan SUBUKIN
ARALIN NATIN
5. Teknikal
1. A
b.1. T 1. C 2. B
2. M 2. D
3. C
3. M 3. A
4. D
4. K 4. D
5. D
5. M 5. D
6. B
6. K 7. D
7. M
8. D
8. T
9. C
9. K
10. B
10. T
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Bandril, Lolita T. et. al (2016). Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto

tungo sa pananaliksik. Vibal Group, Inc. Quezon City.
Atanacio, Heidi C et. al (2016). Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto
tungo sa pananaliksik. C & E Publishing, Inc. Quezon City.
Bryner, J. (2018).Picture of Mayon Volcano Eruption. [Photograph]. Live
Science. https://www.livescience.com/61487-mayon-volcano-imminent-
eruption.html
Morton, C.(2020). Picture of Beach [Photograph].Contde Nast Traveler.
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fmedia.cntraveler
.com%2Fphotos%2F59ef91dd8d4f736d51415c2e%2Fmaster%2Fw_2667%2
Ch_2000%2Cc_limit%2F7MileBeach-2013-
HiRes.jpg&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.cntraveler.com%2Fgalleries%2
F2015-02-24%2Ftop-10-most-beautiful-island-beaches-hawaii-
australia&tbnid=yExQfpQWnxeSMM&vet=12ahUKEwij2LP7ytHuAhVO5JQK
Hcd3B5AQMygBegUIARDOAQ..i&docid=JxoXkxuNUL16uM&w=2667&h=200
0&q=beach&ved=2ahUKEwij2LP7ytHuAhVO5JQKHcd3B5AQMygBegUIARD
OAQ&fbclid=IwAR3V7kWdaFWGDHYtzgjtN5GLFwkKj4nUS8Pz6o9djoqXBQyf
THEEMC4xEoc

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph

20

You might also like