You are on page 1of 16

4

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Kahulugan ng mga Salitang
Pamilyar at di-Pamilyar
Filipino – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: MA. LUCILLE B. BERAN
Editor: RYAN C. ATEZORA, GERRY F. ISIP, JOCELYN A. LOPEZ, MARIA FE V. ROBLES
Tagasuri: Rodolfo F. De Jesus, Brian Spencer B. Reyes
Tagaguhit: Leilanie S. Yutiampo
Tagalapat: Brian Spencer Reyes,
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
EBENEZER A. BELOY, OIC-CID Chief
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
RODOLFO F. DE JESUS, Tagamasid Pansangay – FILIPINO

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
4

Filipino
Unang Markahan – Modyul 5:
Kahulugan ng mga Salitang
Pamilyar at di-Pamilyar
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 4 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-pamilyar
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay yunit ng instruksyon na
kadalasang makapag- iisa.
➢ Malayang pakikilahok ng mag- aaral sa
klase upang ang mga layunin ay madaling
maipapaunawa ng gurong taga- pagsanay.
➢ Ang mga nilalaman ay maikli at tiyak na
nakatuon sa pagtamo ng layunin.
➢ Nagtataglay ito ng mga tiyak na takdang
gawain sa pagkatuto, ang panuto sa gawain
at pagsusulit ay malinaw at maayos. Ang
susi sa pagwawasto ay maayos na rin.

ii
Para sa mag- aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) ukol sa
Kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-pamilyar
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag- aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

iii
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyong karagdagang


kaalaman. Ito ay isang kagamitan sa pagtuturo- pagkatuto na buo at ganap na
nagbibigay ng mga tiyak na takdang gawain sa isang kaparaanang sistematiko.

Ang mga nilalaman ay maikli at nakatuon sa pagtamo ng layunin.


Nagtataglay ito ng iba’t ibang pitak ng gawain upang malinang ang iyong pagkatuto
sa paksang aralin. Pialalaya ka at ang iyong guro mula sa mahigpit na takdang
panahon. Marami kang matutuhan na bagong kaalaman na nakapaloob sa
magkakaugnay na mga gawain sa pamamagitan ng instruksyong modyular.

Aralin 5- Kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-pamilyar

Ang mga isyu, balita o napakinggang usapin na mababanggit ay sadyang


napapanahon upang lubos na maunawaan ang mga pangyayaring na nais ipabatid
sa mambabasa o tagapakinig at marapat lamang na iyong matamo sa mga
sumusunod na layunin.
A. Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-pamilyar sa
pamamagitan ng pag-uugnay ng sariling karanasan. (F4PT-llb-1.12)

B. Nakikilala ang mga pamilyar at di-pamilyar na salita


C. Napapahalagahan ang mga kakayahan ng bawat isa.

1
Subukin
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar.
Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan. Isulat ang letra ng tamang sagot,sa
malinis na papel..

A. berde
B. walang hiya
C. marangal
D. may kakulangan
E. hindi magkaintindihan

1. Ang talipandas ay pumumunta sa handaan kahit hindi iniimbita.


2. Ang mga may kapansanan ay may kakayahang maghanapbuhay.
3. Dapat mabuhay ng may dignidad ang mga tao.
4.Hindi magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ang mga
tao sa plasa.
5. Magandang pagmasdan ang luntiang kapaligiran.

Aralin
Kahulugan ng mga salitang
5 pamilyar at di-pamilyar
Ang modyul na ito ay makatutulong upang maipahayag ng mga mag-
aaral ang kanilang kaalaman sa talasalitaan makilala ang mga salitang pamilyar at
di-pamilyar na mga salita at ang kahulugan ng bawat salita. Ang pamilyar na salita
ay mga salitang lagi mo ng naririnig sa araw araw Ang di-pamilyar na salita ay
pangkaraniwang mga salita na minsan mo lang marinig.
Malalaman ang kahulugan ng isang pamilyar at di-pamilyar n salita sa
pamamagitan ng pag-unawa nang mabuti sa bawat salitang nasa loob ng pangungusap at
paggamit ng diksyunaryo upang mahanap ang depinisyon nito.

2
Balikan
PANUTO: Piliin sa bawat pangungusapa ang pang-uri.at isulat ang sagot
sa sagutang papel kung lantay,pahambing o pasukdol.

1. Magsingganda ang Mayon Volcano ng Albay at Chocolate Hills ng Bohol.


2. Ang mga ito ay higit na maganda kaysa sa iba pang tanawin sa ibang bansa.

3. Ang Covid 19 ang pinakanakakatakot na sakit sapagkat hindi natin ito nakikita.

4. Sa naranasang lockdown sanhi ng pandemya bumaba ang ekonomiya ng bansa.

5. Masayang nagbigay tulong sa mga pamilyang apektado ng pandemya ang mga


artista

Tuklasin
Panuto: Basahin at unawain ang maikling kuwento. Sagutin ang katanunga at isulat sa
sagutang papel ang tamang sagot.

Bagyong Rolly, isang Disaster


ni:Ma. Lucille B. Beran
Nobyembre 1.2020 isang trahedya ang naganap sa buong kabikulan Isang
kagimbal gimbal na pangyayari na kumitil ng maraming buhay, kabuhayan at
kabahayan. Bagyong Rolly na sinabing isang disasterat ito na ang
pinakamalakas na bagyong dumating sa taon na ito. Mga bahay nagiba, dikeng
gumuho at tulay na bumagsak ilan lamang sa mga nasira ng bagyong Rolly.
Nawalan din ng ilaw, tubig at signal ng mga cell site. Nakakalungkot pero naging
matatag ang mga bikolano hinarap ang pangyayari, nagtulungan upang
makabangon muli sa tulong ng ating gobyerno at mga taong may malasakit sa
kapwa Pilipino. Sila ay nagbigay handog mga pagkain, damit at mga kagamitang
makakatulong upang makapagpatayo ng bahay. Pagtutulungan isang
kaugaliang taglay ng bawat isa para malagpasan ang trahedyang kinahaharap.

3
1. Tungkol saan ang kuwento?
A. Bagyong Rolly isang disaster
B. Bagyong Rolly pinakamalakas na bagyo
C. Bayong Rolly nagkitil ng buhay
D. Bagyong Rolly karumal dumal na bagyo

2. Saang lugar ang centro ng bagyong Rolly?


A. Metro Manila
B. Bicol Region
C. Aurora Quezon
D. Cagayan Province

3. Kailan naganap ang bagyong Rolly?


A. Nobyembre 11, 2020
B. Nobyembre 10, 20202
C. Nobyembre 1, 2020
D. Nobyembre 1, 2019

Kilalanin kung ang mga may salungguhit na salita sa kuwento ay pamilyar o di-pamilyar na
salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel

4. Trahedya - ____________________
5. Kumitil - ____________________
6. Gumuho - ____________________
7. Matatag - ____________________
8. Handog - ____________________
9. Malasakit - _____________________
10. Pagtutulungan - __________________

Suriin
Panuto: A. Isulat sa sagutang papel ang letra ng salitang magbibigay ng
pinakamalapit na kahulugan sa salitang nakasalungguhit sa pangungusap.
1. Nakaugalian na sa aming pamilya ang pagsisimba tuwaning Linggo.
A. nakalimutan C. nakatuwaan
B. nakasanayan D. naisip

2. Bago kumain ay nananalangin muna an gaming mag-anak.


A. nagdadasal C.nagkukuwentuhan
B. nag-uusap D. nakatayo

3. Mapalad ako sa pagkakaroon ng mababait na magulang.

4
A Malas B. masaya C. masuwerte D. tuwa
4. Malulusog ang magkakapatid dahil magaling mag-alaga ang kanilang ina.
A. Mahusay B. masaya C. matapat D mabait
5. Sumumpa akong pagbubutihin ko ang aking pag-aaral para matuwa sina
mama at papa.
A. Nagbitiw B. nagsalita C. balewala D. nangako

Pagyamanin

Panuto: Tukuyin sa loob ng ulap ang depinisyon ng mga salitang pamilyar at di-
pamilyar sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

pagmamahal nagalit bilib


nagbabadyang umulan pagod na pagod

1. Taas noo siya sa katapangan ng ating mga sundalo.


2. Lawit na ang dila nila sa paghahakot ng maraming lumang aklat na
ipinamimigay.
3. Bigla na lamang kumunot ang noo ng tagapamahala ng silid-aklatan.
4. Inalay ni Luis Carlos ang kanyang busilak na puso kay Jasmine.
5. Makulimlim ang langit habang nagbabasa ng pahayagan si Luigi.

5
Isaisip

Pagbibigay kahulugan sa mga salitang pamilyar at di-pamilyar


Upang lubos na maunawaan ang mga salita kailangang kilalanin muna natin ito
sa pamamagitan ng pagtukoy sa salitang pamilyar o di-pamilyar.
Ang pamilyar na salita ay mga salitang madaling maunawaan samantalang ang
di pamilyar o di kilalang salita ay matalinghaga o mahirap maunawaan.
Kailangangpag-isipan ito at palawakin upang maging maayos ang
pakikipagtalastasan.
Mga halimbawa:
pamilyar na salita di-pamilyar na salita
Matalino nag-aalimpuyo
Natakot salumpuwit
Nagmamadali pasamano
Matangkad batalan
Makinis aligbugha

Isagawa
Panuto: Punan ang patlang ng wastong pamilyar at di-pamilyar na salita upang
mabuo ang bawat pangungusap. Piliin ang salita sa loob ng kahon at isulat sa
sagutang papel

1. Napansin ng mga bata ang ________ ng bulaklak sa mga sanga ng puno.


2. Buong ________ na hinintay ng anak ang pagdating ng ama.
3. Tinupad ng ina nang buong katapatan ang kanyang _______.
4. Walang _______ sa buhay ang batang tamad mag-aral.
5. Si Carille ay batang may angking ________.

Kayumian pananabik
Ambisyon pagyabong
responsibilidad

6
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Isulat sa iyong sagutang
papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ang mga huwarang kawani ay pinarangalan ng pamahalaan.
A. manggawa B. dyanitor C. mensahero D. tauhan

2. Dapat bigyan ng gantimpala ang taong mabuti.


A. pagpapala C. regalo
B. pagmamahal D. malago

3. Marami ang banyagang nagnanais na makapamasyal sa ating bansa.


A. Lika na mamamayan
B. makabayan
C. nakikipagsapalaran
D. dayuhan

4. Naging maunlad ang aming barangay dahil sa masinop na pamamahala ng


aming punong barangay.
A. pagkontrol B. pangangasiwa C. pagtrato D. pagdisiplina

5. Mula sa balkonahe ng munisipyo, tanaw ang buong bayab ng Libon.


A. entabladong nakausli sa dingding ng gusali
B. isang uri ng teleskopyo
C. isang bahay o gusali
D. lugar para sa pagpapalipas-oras

6. Nakahanda na ang telon para sa ipapalabas na pelikula sa plasa.


A. malaking screen C. malaking telebisyon
B. puting tela D. kurtina

7. Tangan-tangan ko na ang pagkain ni cho-cho at pakakainin na siya.


A. hawak-hawak C. inihanda
B. bitbit D. ibinigay

8. Panandalian lamang ang pagbabakasyon sa Pilipinas nina Hannah at ng


asawa niya.
A. matagal-tagal C. maikling panahon lamang
B. saglit lamang D. matagal

9. Ang batang sagana sa pangaral ay lalaking may disiplina sa sarili.


A. hitik B. kulang C. marami D. sobra

10. Kagila-gilalas ang batang mabuti.


A. kamangha-mangha B. kainis-inis C.kahanga-hanga D. parusa

7
Karagdagang Gawain
Panuto. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pamilyar at di-pamilyar na
salita, batay sa inyong sariling karanasan.

1. entablado-
__________________________________________________________

__________________________________________________________

2. pandemya-
________________________________________________________

________________________________________________________

3. kabuhayan -
_______________________________________________________

_________________________________________________________

4. panaginip -
________________________________________________________

_________________________________________________________

5. kalamidad -
________________________________________________________

________________________________________________________

8
9
Karagdagang Tayahin
Gawain 1. A 6. B
Ibibigayng guro ang 2. C 7. A
kasagutan
3. D 8. C
4. B 9. A
5. A 10. C
Isagawa Pagyamanin Suriin
1. pagyabong 1.bilib 1. B
2. pananabik 2. pagod na pagod 2. A
3.nagalit 3. C
3. responsibilidad
4. pagmamahal 4. A
4. ambisyon 5. D
5. nagbabadyang
5. kayumian umulan
Tuklasin Balikan Tuklasin
1. A 1.magsingganda- 1. B
2. B pahambing 2. D
3. C 2.higit na maganda- 3. C
4. Di-pamilyar pasukdol 4. E
5. Di-pamilyar 5. A
6. Di-pamilyar 3.pinakanakakatakot-
7. pamilyar pasukdol
8. pamilyar
4. naranasan-lantay
9. Di-pamilyar
10. pamilyar
5. masaya-lantay
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
1. K-12 Banghay-Aralin- SDOQC- R.Campued,F.Junio.L.Beran, G.Almojano,
2015
2. Pinagyamang Pluma, Wika at Pagbasa para sa Elementarya. 2012
3. Department of Education. https://commons.deped.gov.ph/melc
4. Youtube. https://youtu.be/fobe35CAsVU

10
11

You might also like