You are on page 1of 8

4

Republic of the Philippines


Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Misamis Street, Bago-Bantay, Quezon City

UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS


(USLeM)

EPP4 Industrial Arts


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Writers: Caesaria E. Andaya
Layout Artist Brian Spencer B. Reyes
Content Editors: Maya S. Sabinano
Language Editors: Jonald I. Fabia
Management Team: Dr. Malcolm S. Garma, Regional Director, NCR
Dr. Jenilyn Rose B. Corpuz, SDS, SDO-Quezon City
Dr. Genia V. Santos, CLMD Chief, NCR
Dr. Ebenezer A. Beloy, OIC- CID Chief, SDO-Quezon City
Dr. James Roldan, Regional EPS in EPP/TLE
Dennis M. Mendoza, EPS –LRMS, NCR
Roger S Tamondong, EPS in EPP/ TLE, SDO-Quezon City
Heidee F. Ferrer, EPS-LRMS, SDO-Quezon City
Nancy C. Mabunga, Librarian - NCR
Brian Spencer B. Reyes, PDO, SDO-Quezon City
Liza J. de Guzman, Librarian, SDO-Quezon City

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.)
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP - Industrial Arts
_________________________________________________________________________________

Aralin 1: Mga Kagamitan sa Pagsusukat


Inaasahan
Pagkatapos mong pag-aralan ang USLEM na ito, inaasahang:
1. naipaliliwanag ang gamit ng bawat kagamitan sa pagsusukat;
2. naiisa-isa ang paggamit ng bawat kagamitan sa pagsusukat; at
3. naipamamalas ang kahalagahan ng bawat kagamitan sa pagsukat

Unang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Sa sagutang papel,
isulat ang TAMA kung totoo ang sinasabi sa pangungusap at isulat ang
MALI kung hindi.
____1. Ang pagsusukat ay isang paraan upang malaman ang angkop
na sukat ng isang bagay.
____2. Upang maging matagumpay sa pagsusukat, kailangang
gumamit ng mga kasangkapan sa pagsusukat.
____3. Ang karpintero ay gumagamit ng iskwalang asero sa kanyang
trababaho.
____4. Ginagamit ang meter stick ng mga mananahi sa pagsusukat
para sa paggawa ng pattern at kapag nagpuputol ng tela.
____5. May tatlong uri ng sistema ng pagsusukat.
____6. Hindi na kailangang gumamit ng mga kasangkapan sa
pagsusukat kung ikaw ay isang inhinyero.
____7. Ang bawat kasangkapang panukat ay may kanya - kanyang
bagay na dapat paggamitan sa pagsusukat.
____8. Ang isang eksperto sa pagsusukat ay hindi na kailangang
gumamit ng mga kagamitang panukat.
____9. Ang Sistemang Ingles ay ang lumang pamamaraan sa
pagsusukat.
____10. Sa kasalukuyan ang ginagamit ng mga tao sa pagsusukat ay
ang Sistemang Metrik.

_________________________________________________________________________________________
_
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |2
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP - Industrial Arts
_________________________________________________________________________________

Balik-Tanaw
Panuto: Narito ang ilang mga kagamitan na ginagamit ng isang karpintero,
inhinyero, at mananahi. Ibigay ang nawawalang letra upang mabuo ang
salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
____________1. m_rti_yo
____________2. _ap_s

____________3. g_n_in_

____________4. t_pe me_s_re

____________5. p_ll p_sh r_le

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Aralin 1 Mga Kagamitan sa Pagsusukat

Ang pagsusukat ay isang paraan upang malaman ang angkop na sukat


ng isang bagay.
Narito ang iba’t ibang uri ng kagamitang panukat. Kilalanin at alamin
nating mabuti ang mga kagamitan at paano ito gamitin.

1.Tape measure - ito ay ginagamit sa


pagsusukat ng mga mananahi. Ito ay
ginagamit nila sa pagsusukat ng mga
bahagi ng katawan kapag tayo ay
nagpapatahi ng damit, pantalon, palda,
barong, gown, atbp.

2. Pull-push rule - ito ay yari sa metal at


awtomatiko na may haba na dalawampu’t
limang (25) pulgada hangang isang
daang (100) talampakan. Ang
_________________________________________________________________________________________
_
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |3
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP - Industrial Arts
_________________________________________________________________________________

kasangkapang ito ay may gradasyon sa


magkabilang tabi, ang isa ay nasa
pulgada at ang isa ay nasa metro.
3. Zigzag rule - ito ay
kasangkapang yari sa kahoy na ang haba
ay umaabot ng anim na piye at panukat
ng mahahabang bagay. Halimbawa,
pagsusukat ng haba at lapad ng bintana,
pintuan, at iba pa.

4. T- Square - ito ay
ginagamit sa pagsusukat ng
mahahabang linya kapag nagdodrowing.
Ginagamit din ito na gabay sa pagguhit
ng mga linya sa mga drowing na gagawin.

5. Meter stick - ito ay


karaniwang ginagamit ng mga mananahi,
sa pagsusukat para sa paggawa ng
pattern at kapag nagpuputol ng tela.

6. Protractor - ito ay ginagamit sa


pagkuha ng mga digri kapag ikaw ay
gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit
na mga linya.

7. Iskwalang asero - ito ay ginagamit


sa pagsusukat sa malalaki at malalapad
na gilid ng isang bagay. Halimbawa,
gilid ng kahoy, lapad ng tela, lapad ng
mesa at iba pa.

8. Ruler at Triangle - ito ay ginagamit sa


pagsusukat sa paggawa ng mga linya sa
drowing at iba pang maliliit na gawain na
nangangailangan ng sukat.

_________________________________________________________________________________________
_
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |4
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP - Industrial Arts
_________________________________________________________________________________

May Dalawang uri ng Sistema ng Pagsusukat


1. Sistemang Ingles - ay ang lumang pamamaraan sa pagsusukat.
2. Sistemang Metrik - ito ang ginagamit sa kasalukuyan.

Yunit - ito ang tawag sa ibat ibang uri ng panukat. Ang bawat yunit ng
Sistemang Ingles ay may katumbas na sukat sa Sistemang Metrik.
Sistemang Ingles:

12 pulgada = 1 piye o talampakan


3 piye = 1 yarda

Sistemang Metrik:

10 millimetro = 1 sentimetro
10 sentimetro = 1 desimetro
10 desimetro = 1 metro
100 sentimetro = 1 metro
1000 metro = 1 kilometro
Gawain
Unang Gawain
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng inyong
sagot sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B
1. Karaniwang ginagamit ng mga mananahi sa
pagsusukat, paggawa ng pattern, at kapag
nagpuputol ng tela.

2. Ginagamit ang kasangkapang ito sa


pagkuha ng mga digri gumagawa ng mga
anggulo sa iginuguhit na mga linya.

3. Kasangkapang yari sa metal at awtomatiko


na may haba na 25 pulgada hangang (100)
talampakan. Ito ay may gradasyon sa
magkabilang tabi, ang isa ay nasa pulgada
at ang isa ay nasa metro.
_________________________________________________________________________________________
_
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |5
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP - Industrial Arts
_________________________________________________________________________________

4. Ito ay isang kasangkapang ang haba ay


umaabot sa anim na piye at panukat ng
mahahabang bagay.
5. Ito ay ginagamit sa pagsusukat ng mga
bahagi ng katawan kapag tayo ay
nagpapatahi ng damit.

Pangalawang Gawain
Panuto: Gumawa ng linya sa papel na may sumusunod na sukat.
1. 1.5 mm
2. 1½ sm
3. 2 sm
4. ½ pulgada
5. 5/8 pulgada

Tandaan
• Sa pagsusukat ay gumagamit tayo ng iba’t ibang kagamitan.
Ang bawat kagamitan sa pagsusukat ay may mga angkop na
bagay kung saan ito gagamitin.
• Ang bawat pagsusukat ay nauuri sa dalawang sistema. Ito ay
ang Sistemang Ingles at Metrik.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Panuto: Gawin ang mga sumusunod at isulat ang inyong mga sagot sa
sagutang papel.

1. Sukatin ang baywang, braso, at binti gamit ang tape measure.


2. Sukatin ang lapad ng pinto sa silid-tulugan gamit ang pull push
rule ayon sa Sistemang Ingles. Ibigay ang katumbas na sukat at
lapad ng pinto sa Sistemang Metrik.

_________________________________________________________________________________________
_
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |6
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP - Industrial Arts
_________________________________________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto A: Lagyan ng tsek (✓) ang kolum kung ano ang wastong
kagamitan sa pagsusukat ang gagamitin sa mga bagay na nasa tsart.
Gawin ito sa sagutang papel.

Bahaging Ruler T- Iskwala Pull-Push Protraktor Triangle


Susukatin Square Rule
1. Lapad ng
kartolina
2. kanto ng
table
3. takip ng
lata ng gatas

4. taas ng
drowing
5. Ibabaw
ng table

Panuto B: Guhitan ng puso ( ) ang kahon kung ang yunit ng


pagsusukat ay Sistemang Ingles o Metrik. Sagutin sa isang papel.

Yunit Ingles Metrik


1. yarda
2. sentimetro
3. pulgada
4. metro
5. desimetro

_________________________________________________________________________________________
_
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |7
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP - Industrial Arts
_________________________________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto

10.Tama 5. Metrik
9. Tama 4. Metrik
8. Mali 3. Ingles
7. Tama 2. Metrik
5. E
6. Mali 1. Ingles
4. D
5. Mali Tayahin: B
4. Tama 3. B
3. Tama 2. A
1. C 5. Pull Push Rule
2. Tama 4. Ruler
1. Tama 3. Protraktor
Subukin Pagyamanin:
2. Iskwala
1. T- Square
Tayahin: A

Sanggunian

EPP IV kagamitan ng mag-aaral


Shiela Mae R. Roson, et.al. 2015. Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan Batayang Aklat sa Ika-apat na baiting. Pasig City
Philippines: Vibal Group Inc. pp. 452-461.

EPP IV Patnubay ng guro


Shiela Mae r. Roson, et.al. 2015. Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan Batayang Aklat Manual ng Guro. Pasig City Philippines:
Vibal Group Inc. pp. 210-215.

Most Essential Learning Competencies (MELCS) Week 1


Code EPP4IA-Oa

_________________________________________________________________________________________
_
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |8

You might also like