Professional Documents
Culture Documents
PINTURANG ACRYLIC / BASE PAINT Ito ay may iba-ibang kulay na nagbibigay-buhay sa isang
produkto o kagamitan.
1. Kapag ang produkto ay may pintura o barnis, tanggalin ito sa pamamagitan ng pagkiskis gamit ang
sandpaper o liha.
2. Ihanda ang mga gamit tulad ng wood glue at mga gamit para sa mosaic.
3. Simulang idikit ang mga kagamitang pang mosaic ayon sa nais na anyo at disenyo nito.
1. Pagpipintura 2. Mosaic
TANDAAN:
Ang pintura ang pinaka gamitin at pinaka medaling gamiting pampinta sa mga panapon sa kahoy.
Ang mosaic ay sining na gumagamit ng mga dinurog na eggshell, pira-pirasong metal at makukulay na
buhangin.
kapag ang mga produkto ay may pintura o barnis, tanggalin ito sa pamamagitan ng pagkikskis gamit ang
sandpaper o liha.
Ang mainit na apoy ang paraan ng pagdikit ng enamel sa isang matulis na metal.
Ang mosaic ay mainam gawin sa mga produktong yari sa kahoy dahil magaan ito at porous o puno ng
maliliit na butas ang ibabaw nito kaya’t madaling gawin ang mosaic. Maari ding magtagal ang produkto
kapag naiiwasang mabasa ito.
Ang mosaic ay maaari ding gawin o isagawa sa kahit anong Uri ng metal.
Kailangang maliwanag ang lugar sa tuwing ginagawa ang enamelling at magsuot ng akmang kasuotan bilang
proteksiyon.
UNDERWRITER’S KNOT ay ang pangunahing ginagawa para maiwasan ang sakuna sa tuwing
binubunot ang plug sa saksakan.
Tandaan:
2. Ang pagkukumpuni ng mga simpleng gadget tulad ng plug, extension cord, doorbell, lampshade at iba pa
ay malaking tulong sa pamilya.
3. Dapat may goma ang hawakan ng plies o material na hindi tinatagusan ng koryente.
4. Ang pagamit ng Tester ay malaking tulong sa anumang aksidenteng may kinalaman sa koryente
sapagkat sa paggamit ng tester ay malalaman mo kung may dumadaloy na koryente o wala.
5. Ang underwiter’s knot ay ang pangunahing ginagawa para maiwasan ang sakuna sa tuwing binubunot
ang plug sa saksakan.
1. Sa pagpapalit ng bilog na plug, unang inaalis ang lumang plug mula sa kawad. Mula sa dulo ng kawad ay
gumupit 2 ½ cm.
2. Mula sa bagong plug ay alisin ang takip na kardbord.
3. Ang kawad na ginupitan ay isusuot sa bagong plug. Paghiwalayin ang dalawang kawad ng hanggang 5 cm
ang haba.
4. Ang kawad ay aalisan ng balot na may habang 1 cm mula sa dulo.
5. Ang kawad ay gagawaan ng underwriter’s knot para maiwasan ang pagkahugot kung sakaling mahila ang
kawad.
6. Ang tornilyo sa tabi ng dalawang terminal ay kailangan luwagan gamit ang distornilyador.
7. Ang kawad na tinalupan ay kailangang paikutin upang mag dikit-dikit ang mga hibla.
8. ang dulo ng kawad ay binabaluktot upang makagawa ng maliit na silo. Ang mga binaluktot na dulo ng
kawad ay ipaiikot pakanan sa magkabilang terminal ng plug papunta sa bahaging niluwagan ng tornilyo.
9. Higpitan ang Distornilyador sa terminal upang hindi maalis ang mga dulo ng kawad sa lugar.
10. Ang takip na yari sa kardbord ay itatakip upang ang mga tornilyo at dulo ng kawad ay hindi nakalantad.
MGA IBA PANG KASANGKAPAN SA PAGGAWA
MGA PANUKAT
MGA PAMUKPOK
MGA PAMUTOL
MGA PAMPIHIT
MGA PAMUKPOK
MGA PAMUTOL
SCREW AUGER
MGA PAMPIHIT