You are on page 1of 8

4

Quarter 2 - Modyul 2
Week 2: Pag-aalaga ng Sariling
Kasuotan
(Home Economics)

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

0
Aralin
Z

Pag-aalaga ng Sariling
1 Kasuotan

May iba’t-ibang kasuotan tayong ginagamit sa iba’t-ibang pagkakataon o okasyon.


Ang wastong pangangalaga ng mga damit ay isang paraan ng pagtitipid. Mahalagang batid
o alam ang mga paraan sa pag-aalaga ng mga kasuotan upang tatagal at hindi masayang
ang perang ginasta pambili ng mga ito.

Dapat panatilihing maayos at malinis ang mga kasuotan at magagamit anumang


oras na kailangang suotin. Nakakadagdag sa kaayusan at kumpyansa sa sarili kung malinis
at maayos ang kasuotan.

Tuklasin

Panuto: Magbigay ng limang halimbawa kung paano mo maaalagaan ang iyong sariling
kasuotan.

1. _______________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. _______________________________________________________
4. _______________________________________________________
5. _______________________________________________________

Upang malaman kung tama ang iyong mga ginawa at mapalalim ang kaalaman,
basahin ng masinsinan ang nasa loob ng kahon.
Pag-aalaga ng Kasuotan
1. Ilagay ang mga damit sa tamang lagayan ng nakaayos at
madaling makita.
2. Huwag hayaang magusot sa pag-upo ang palda ng uniform o
anumang may pleats at huwag umupo kung saan-saang lugar nang
hindi marumihan ang damit. Siguraduhing malinis ang lugar na
uupuan.
3. Kapag namantsahan o narumihan ang damit, labhan kaagad ito
para madaling matanggal at hindi gaanong kumapit sa damit ang
dumi o mantsa.
4. Gumamit ng angkop na bleach para pantanggal ng mantsa sa
damit. May bleach para sa puti at mayron din para sa may kulay.
5. Sa paglalaba, pagbukod-bukurin ang puti sa de kolor. Unahing
labhan ang mga puti para maiwasan ang mantsa sa makukulay na
damit.
6. Magsuot ng angkop na kasuotan ayon sa gagawin. Huwag
gawing panlaro ang damit na pamasok sa paaralan. Pagdating sa
bahay galing sa paaralan, hubarin kaagad ang damit at isabit o
isampay sa lugar na mahangin.
7. Huwag itago sa lagayan ang mga damit kung basa pa. Kung hindi
malalabhan kaagad, ay patuyuin muna ang damit sa
mahanging lugar.
1
8. Tahiin kaagad ang natastas na laylayan o bahagi ng damit upang
hindi lumaki.
Suriin

Panuto: Kilalanin ang mga damit. Isulat ang mga pangalan ng damit sa puwang bago ang
bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

daster gown t-shirt at short


pajama unipormi

________1. _________3.

_________2. _________4.

___________5.

Isaisip

Panuto: Basahin at unawain ng maayos ang mga katanungan.


Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Bakit kailangang ingatan ang mga kasuotan?


_________________________________________________________________________
_________________________________________
2. Paano mapapangalagaan ang sariling kasuotan?
_________________________________________________________________________
_________________________________________

2
Tayahin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang


titik ng napiling sagot.

_____1. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang angkop na suotin


upang maging maginhawa ang pakiramdam sa pagtulog?
a. daster c. maong at pulo
b. gown d. school uniform
_____2. Anong damit ang karaniwang gawa sa malambot na tela?
a. damit pambahay c. pulo
b. gown d. maong
_____3. Alin sa sumusunod ang HINDI tamang pag-aalaga ng mga
kasuotan?
a. panatilihing maayos at malinis c. ingatan at plantsahin
b. hubarin kaagad at pahanginan d. hayaang nakakalat
_____4. Ano ang ginagamit sa pagugupit ng tela bago tahiin?
a. emery bag c. gunting
b. didal d. medida
_____5. Kapag namantsahan ang mga may kulay na damit, ano ang
dapat ilagay upang matanggal ang mantsa?
a. bleach c. alum
b. calcium chlorite d. sodium
_____6. Ano ang kailangang isuot sa gitna ng daliri upang hindi matusok
ng karayom?
a. emery bag c. gunting
b. didal d. medida
_____ 7. Alin sa sumusunod ang dapat isinusuot bilang pantulog?
a. damit pangsimba c. maong at pulo
b. gown d. pajama
_____8. Ano ang kailangang gawin bago umupo upang hindi magusot kaagad ang
suot na unipormi?
a. ayusin ang pleats ng paldac. ibuka ang palda
b. basta na lang umupo d. ipagpag muna ang palda
_____9. Ito ay magkasamang ginagamit sa pananahi.
a. emery bag at didal c. gunting at lapis
b. didal at medida d. karayom at sinulid.
_____10. Si Anna ay pupunta sa kasal. Anong angkop na kasuotan ang
dapat niyang suotin?
a. daster c. pajama
b. gown school uniform

3
Z
Aralin
2 Mga Kagamitan sa Pananahi sa Kamay

Napag-aralan na natin ang iba’t-ibang paraan ng pag-aalaga ng


iyong pansariling kagamitan. Matutunan mo naman ngayon ang pag-
aayos ng damit mong napunit o nasira. Gagawin mo ito sa pamamagitan
ng pananahi. Maaaring walang makinang pantahi sa bahay kaya dapat
matutunan ang pananahi gamit ang kamay.

Panuto: Tingnan ang bawat larawan. Isulat ang nawawalang titik sa


patlang upang mabuo ang salita para sa larawan.

1. __unting 2. __edida 3. __arayom 4. s__nulid

6.e__erybag 7. d__dal 5. __in cushion

Mga Gamit sa Pananahi

Bago gupitin ang ang telang tatahiin dapat ay sukatin


muna ito gamit ang medida upang maging akma ang
sukat nito.

Ito ay ginagamit sa paggupit ng telang itatapal sa damit


na punit o damit na susulsihan.

Ang karayom at sinulid ay ginagamit sa pananahi. Dapat


magkasingkulay ang sinulid at tela sa damit.

Kapag ikaw ay nagtatahi ng matigas na tela, gumamit


ng didal. Ito ay isinusuot sa gitna ng daliri ng kamay upang
itulak ang karayom sa pagtatahi ng hindi nasasaktan o
nasusugatan.

4
Pagkatapos gamitin ang karayom sa pagtahi, mainam na
ito ay ilagay sa pin cushion

Itusok ang karayom sa emery bag kapag hindi ginagamit


upang hindi ito kalawangin.

Suriin

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang kagamitan na pinapakita ng


larawan.

a. karayom a. emery bag


b. pin cushion b. gunting
1. c. sinulid 4. c. medida

a. didal a. emery bag


b. emery bag b. didal
2. c. gunting 5. c. medida

a. medida a. medida
b. pin cushion b. pin cushion
3. c. sinulid 6. c. sinulid at karayom

Pagyamanin

Panuto: Suriin ang mga larawan sa loob ng kahon. Pumili ng dalawang


kagamitan sa pananahi ng kamay at ipaliwanag ang gamit nito.

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
5
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Isaisip

Panuto: Basahin at unawain ng maayos ang mga sumusunod na


katanungan. Isulat ang iyong paliwanag sa patlang.

1. Anu-ano ang mga kagamitan sa pananahi?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Ano ang angkop na gamit ng bawat kagamitan sa pananahi?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Tingnan mabuti ang mga larawang nasa ibaba at isulat ang
pangalan ng mga kagamitang ito. Piliin sa loob ng kahon ang tamang
sagot at isulat sa nakalaang puwang.

medida gunting karayom at sinulid

didal pin cushion emery bag

_____________1. _____________4.

_____________2. _____________5.
6
_____________3. ______________6.

Tayahin

Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo


ang diwa ng mga pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang tamang
sagot.

Kamay gunting medida lalagyan emery bag

Karayom pin cushion tela didal sinulid

1. Matalas na _________ ang dapat gamitin sa paggupit tela.

2. Dapat itago ng maayos ang mga gamit pantahi ng ________ sa


tamang lalagyan upang madaling makita kung ito ay gagamitin muli.

3. ___________ ang ginagamit pansukat ng damit/tela bago tahiin.

4. Itusok sa emery bag ang _________ kapag hindi na ito gagamitin.

5. Mainam na itusok sa ___________ ang karayom pagkatapos gamitin.

6. Itago sa tamang __________ ang mga kagamitang pantahi sa kamay.

7. Ang karayom at ________ ay ginagamit sa pananahi.

8. Dapat magkasingkulay ang sinulid at _________ na tinatahi.

9. Mainam ilagay ang karayom sa __________ pagkatapos gamitin

10. Gumamit ng ________ kapag ikaw ay nagtatahi ng matitigas na tela.

You might also like