You are on page 1of 17

EDUKASYONG

4
PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN

HOME ECONOMICS
EDUKASYONG PANTAHANAN
AT PANGKABUHAYAN 4

MODIFIED STRATEGIC
INTERVENTION MATERIAL

Modyul 2
PAG-AALAGA NG
SARILING KASUOTAN

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic Instructional Material

Manunulat : Aileen A. Manlutac- Teacher-3 / San Pedro Elementary School


Editor : Maria Carmen M. Evangelista / Education Program Supervisor
Tagalapat : Alzien S. Malonzo – MT-1 / Senior High School in Apalit (Stand Alone 1)
Mica Rose A. Cruz – Teacher 1 / San Pablo Elementary School
Tagapamahala:
Zenia G. Mostoles, EdD, CESO-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T. Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Maria Carmen M. Evangelista – EPS – EPP/TLE/TVL/EsP
Ruby M. Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator
GUIDE CARD

ALAMIN

Sa mga nakaraang aralin ay natutunan mo na kung paano


pahalagahan ang iyong sarili. Sa edad mo ngayon, may mga bagay na
maaari mo nang gawin. Maaayusan at mapangangalagaan mo na ang
iyong sariling kasuotan. Matututuhan mo ang pag-aayos ng damit na
napunit o nasira. Gagawin mo ito sa pamamagitan ng pananahi na kung
saan makikilala mo rin ang mga kagamitang ginagamit dito.
Sa araling ito, maaayusan mo na ang iyong sarili nang hindi
humihingi ng tulong sa iba.

Learning Competencies

1.2 Napapangalagaan ang sariling kasuotan


1.2.1. Naiisa-isa ang mga paraan ng pagpapanatiling malinis ang
kasuotan; (hal. mag-ingat sa pag-upo, pagsuot ng kasuotan
sa paglalaro, atbp.)
1.2.2. Nasasabi ang kagamitan sa pananahi sa kamay;
1.2.3. Naisasaayos ang payak na sirang kasuotan sa pamamagitan
ng pananahi ng kamay; (hal. pagkabit ng butones)
1.2.4. Naitatabi nang maayos ang mga kasuotan batay sa kanilang
gamit. (hal. pormal na kasuotan at pang-espesyal na okasyon)
SUBUKIN

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga sumusunod ang dapat isinusuot bilang pantulog?
a. maong at polo
b. gown
c. damit pansimba
d. pajama
2. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng tela.
a. gunting
b. didal
c. medida
d. emery bag
3. Alin ang tamang gawin bago umupo upang hindi magusot kaagad
ang paldang uniporme?
a. Ayusin ang pleats ng palda
b. Ipagpag muna ang palda
c. Ibuka ang palda
d. Basta na lang umupo

2
4. Alin sa mga sumusunod ang tamang pangangalaga ng damit?
a. Hayaan na lang ang mantsa ng tsokolate
b. Labhan at ikusot nang mabuti
c. Itabak kahit saan
d. Huwag ng itupi nang maayos
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI uri ng butones?
a. Two-hole button
b. Shank button
c. perdible
d. stud button
BALIKAN

Natutuhan mo na mahalaga ang pangangalaga ng sariling kasuotan upang


maging maayos at maganda sa paningin ng mga tao na nasa paligid mo. Sa aralin
natin ngayon, napakahalaga na pangalagaan ang sariling kasuotan at tingnan kung
ano –ano pa ang mga bagay na pwede mong gampanan kapag ito ay nasira nang
hindi na mangangailangang humingi ng tulong sa iba. Makikita mo rin na marami ka
palang pwedeng magamit sa pagsasaayos at pag-iingat ng iyong kasuotan.

ACTIVITY CARD

TUKLASIN

A. Pag-aralan, basahin at tandaan .

Mga iba’t ibang paraan ng wastong pangangalaga ng kasuotan.

Ingatan ang palda ng uniform


o anumang damit na may
pleats. Huwag itong hayaang
magusot sa pag-upo. Huwag
umupo kung saan-saang lugar
nang hindi marumihan ang
damit o pantalon.
Siguraduhing malinis ang lugar
na uupuan.

3
Kapag namantsahan o
narumihan ang damit,
labhan ito kaagad para
madaling matanggal at
hindi gaanong kumapit sa
damit ang dumi o
mantsa. Gumamit ng
bleach para tanggalin
ang dumi o mantsa.
Gamitin ang naaayon sa
kulay ng damit. May mga
chlorox para sa puti at
bleach para sa may
kulay.

Magsuot ng angkop na
kasuotan ayon sa
gawain. Huwag gawing
panlaro ang damit na
pamasok sa paaralan.
Pagdating sa bahay
galing sa paaralan,
hubarin kaagad ito at
pahanginan.

4
Ugaliing
magsuot ng
tamang damit
na pantulog
tulad ng
pajama,
daster, at
shorts. Dapat
maluwag na
damit ang
pantulog
Kapag natastas
upang ito ay
ang laylayan ng
maginhawa sa
pakiramdam. damit, tahiin ito
kaagad pag-uwi
sa bahay upang
hindi ito lumaki.

5
B. Alamin ang usapan nina Anna at Elsa.

Anna, halika. Tingnan natin Sige Elsa, para ako na


ang mga kagamitan sa ang mananahi sa mga
pananahi gamit ang kamay punit kung damit.
at kung paano ito
gagamitin.

Medida - bago gupitin ang telang tatahiin


dapat ay sukatin muna ito gamit ang medida
upang maging akma ang sukat nito.

Gunting - gumamit ng angkop at matalas


na gunting sa paggupit ng telang itatapal
sa damit na punit o damit na susulsihan
Karayom at Sinulid - ginagamit sa pananahi;
dapat magsingkulay ang sinulid at tela
o damit na tinatahi

Didal - kapag ikaw ay nagtatahi lalo sa


matigas na tela, gumamit ng didal. Ito ay
isinusuot sa gitnang daliri ng kamay upang
itulak ang karayom sa pagtatahi. Sa ganitong
paraan maiiwasan matusok ng karayom ang
mga daliri

Pin Cushion - pagkatapos gamitin ang


karayom sa pagtahi,mainam na ito ay ilagay
sa pin cushion.

Emery Bag - itusok ang karayom sa emery


bag kapag hindi ginagamit upang hindi ito
kalawangin)

6
C. May problema si Cinderella?

Ako ang bahala!


Pupunta po ako sa piging,
Ipapakita ko sa iyo
Ninang. Ano po kaya ang
ang mga kasuotan sa
isusuot ko?
iba’t ibang okasyon.

Alam ko na po
ngayon, Ninang.
Salamat po.

Upang mapanatili itong maayos at maisuot pa,


dapat itabi ang mga ito nang maayos sa tamang
lalagyan.

D.Panoorin natin ang kaalaman sa pagkakabit ng butones sa damit.


https://www.youtube.com/watch?v=Du6gq3ks0SQ

Two-hole button shank button

7
SURIIN

I - TSEK!

Lagyan ng tsek ( √ ) kung ito ay ginagawa o hindi mo ginagawa .

GAWAIN PALAGING GINAGAWA HINDI GINAGAWA

Pina-dry clean ang


gown bago itago sa
aparador.

Natulog ka suot pa
rin ang uniporme mo.

Hindi isinauli ang


barong tagalog na
hiniram sa kamag-
anak nang mag-
abay ka sa kasal.

Inihiwalay ang mga


damit sa mga
pambahay at
pampaaralan.

8
JUMBLED LETTERS!

Ayusin ang mga ginulong letra upang maibigay ang tamang


kasagutan sa mga kagamitan sa paglilinis at pag-aayos sa sarili.

1. N U N T G I G _____________________

_____________________
A D L I D
2.

E M A D I D _____________________
3.

N I P N C U H I S O _____________________
4.

TUKUYIN

Suriin ang mga akmang kagamitan sa pananahi sa kamay.


Gumuhit ng t-shirt sa kahon ng wastong sagot.
1. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng tela.

medida didal gunting

2. Itinutusok dito ang karayom kapag hindi ginagamit upang ‘di


kalawangin.

gunting emery bag karayom

3. Ginagamit ito sa paggupit ng tela.

didal pin cushion gunting


4. Upang hindi matusok ang daliri, inilalagay mo ito sa iyong gitnang
daliri.

medida sinulid didal

9
5. Ito ay isang uri ng butones.

Two-hole button clam partible

ENRICHMENT CARD

PAGTAMBALIN

Hanapin sa Hanay A ang deskripsyon ng mga kagamitan sa Hanay B.

HANAY A HANAY B

_______1. a. Ginagamit na magkasama sa


pananahi ng damit.

________ 2.
b. Isinusuot ito sa gitnang daliri ng
kamay upang itulak ang karayom
sa pananahi.
_________ 3.

c. Itinutusok dito ang karayom para


_______ 4. hindi kalawangin.

d. Ginagamit sa pagsukat ng tela.


_______ 5.

e. Ginagamit ito sa paggupit ng tela.

10
PILI NA!

Suriin ang mga kasuotan.

Kulayan ng dilaw ang mga damit pambahay,


Berde kung damit pamasok sa paaralan at
Asul kung damit pang-okasyon.

11
Lagyan ng (wand

Lagyan ng (wand) ang mga pangungusap na nagpapahayag ng


paraan
ng pagpapanatiling malinis ang kasuotan.

____ 1. Patuyuin muna ang damit na hinubad bago ilagay


sa lalagyan ng maruming damit.
____ 2. Kapag namantsahan o nadumihan ang damit,
patuyuin muna ito bago labhan.
____ 3. Kapag natastas ang laylayan ng damit, tahiin ito
kaagad para hindi na ito lumaki.
____ 4. Magsuot ng angkop na kasuotan ayon sa gagawin.
____ 5. Huwag itago o ilagay sa kabinet ang damit kung ito
ay basa pa.

REFLECTION CARD

ISAISIP

Mapapanatili nating maayos ang sarili nating kasuotan


lalo na kung tayo ay may sapat na kaalaman sa mga bagay
na dapat gamitin sa pag-aayos nito. Sa ganitong paraan
makakatulong tayo sa ating pamilya pati na rin sa ating
lipunan.

ISAGAWA

1. Tingnan mo ang mga pansariling kagamitan.


2. Gawin ang tseklist sa ibaba. Lagyan ng ( √ ) ang mga kagamitan
na iyong inaayos.
3. Palagdaan ito sa iyong magulang.

12
KAGAMITAN INAYOS HINDI INAYOS
Mga damit
Mga sapatos
Mga maruruming
damit
Nilabhan ang
hinubad na panloob
na damit.
Inayos at tinahi ang
payak na sira ng
damit.

Para sa guro sa EPP (H.E.) ng anak ko,

Ito ay nagpapatunay na ginawa ng aking anak ang isinasaad sa


tseklist sa taas.
__________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

ASSESSMENT CARD

ISAGAWA

Kilalanin ang mga kagamitan sa pagtatahi gamit ang kamay.

1. ___________________

2. ___________________

3. ___________________

4. ___________________

5. ___________________

13
Matatahi mo ba ito, gamit ang tahing kamay?
Sagutin ng Oo/ Hindi.

1. Natastas ang laylayin ng iyong palda/pantalon. ________

2. Nabutas ang suot mong t-shirt. ________

3. Nasira ang tent na gamit sa camping. ________

4. Nabutas ang foam ng kama. ________

5. Napunit ang sando ng kuya mo. ________

14
15
Guide Card
Subukin
1. D
2. C
3. A
4. B
5. C
Activity Card
Suriin
I-tsek
Jumbled Letters:
1. GUNTING
2. DIDAL
3. MEDIDA
4. PIN CUSHION
Tukuyin:
1. Medida
2. emery bag
3. gunting
4. didal
5. Two-hole button
Modyul 2 :PAG-AALAGA NG SARILING KASUOTAN
16
Enrichment Card
Pagtambalin:
1. E
2. C
3. A
4. B
5. D
PILI NA!
Lagyan ng
Reflection Card
__________ 1. Isagawa
Iba-iba ang kasagutan ng mga mag-aaral
Assessment Card
__________ 2.
Isagawa
Kilalanin ang mga kagamitan sa pagtatahi
gamit ang kamay.
__________ 3.
1. medida
2. didal
3. gunting
__________ 4. 4. pin cushion
5. emery bag
Matatahi mo ba ito?
___________5. 1. Oo
2. Oo
2.
3. Hindi
4. Hindi
5. Oo

You might also like