You are on page 1of 28

4

HOME ECONOMICS
Learning Activity Sheets

Quarter 0: Week 1-8

Division of Angeles City


EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
(Home Economics 4)
Pangalan: _____________________________________ Week 1 Seksyon:
______________________________________ Petsa: ____________
GAWAING PAGKATUTO
Pag-aalaga ng Sariling Kasuotan

Panimula at mga Susing Konsepto


May iba’t-ibang kasuotan tayong ginagamit sa iba’t-ibang pagkakataon.
Ang damit pambahay ay dapat na maluwang at malambot para malayang nakagagalaw ang
may suot nito. Karaniwang gawa ito sa malambot na tela. Mahalagang pangalagaan mo ang
iyong mga kasuotan. Dapat na manatiling maayos at malinis ang mga ito tuwing kailangan
mong gamitin.
Pag-aralan mo ang iba't-ibang paraan ng wastong pangangalaga ng kasuotan.
1. Ingatan ang palda ng uniform o anumang gamit na may pleats. Huwag itong hayaang
magusot sa pag-upo.
2. Huwag umupo kung saan-saang lugar nang hindi marumihan ang damit o pantalon.
Siguraduhing malinis ang lugar na uupuan.
3. Kapag namantsahan o narumihan ang damit, labahan ito agad para madaling
matanggal at hindi gaanong kumapit sa damit ang dumi o mantsa.
4. Gumamit ng bleach para tanggalin ang dumi o mantsa. Gamitin ang naayon sa kulay
ng damit. May mga chlorox para sa puti at bleach para sa may kulay.
5. Magsuot ng angkop na kasuotan ayon sa gawain. Huwag gawing panlaro ang damit na
pamasok sa paaralan. Pagdating sa bahay galing sa paaralan, hubarin kaagad ito at
pahanginan. 6. Ugaliing magsuot ng tamang damit pantulog tulad ng pajama, daster at short.
Dapat maluwag na damit ang pantulog upang ito ay maginhawa sa pakiramdam.
7. Kapag natastas ang laylayan ng damit, tahiiin ito kaagad pag-uwi sa bahay upang
hindi ito lumaki.
8. Alagaan ang mga damit at iba pang gamit sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ito
sa tamang lalagyan.

Maaring mapanood ang video para sa karagdagan pang kaalaman.


https://www.youtube.com/watch?v=GkE4fgwGQtQ

Kasanayang Pampagkatuto:
Napangangalagaan ang sariling kasuotan. Code: EPPHE4-Ob-3
GAWAIN 1
Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot at bilugan ito.
1. Alin sa mga sumusunod ang dapat sinusuot bilang pantulog?

a. Maong at polo c. damit pang simba


b. Gown d. pajama

2. Ano ang tamang gawin bago umupo upang hindi magusot kaagad ang palda ng
uniporme?
a. Ayusin ang pleats ng palda c. Ibuka ang palda
b. Ipagpag muna ang palda d. basta na lang umupo GAWAIN 2
Panuto:Sagutin ang tseklist sa ibaba. Lagyan ng tsek ang ginawa mo sa iyong pansariling
kagamitan. Pa-lagdaan ito sa iyong magulang.
KAGAMITAN INAYOS HINDI INAYOS

Mga damit

Mga sapatos

Mga maruming damit

Nilabhan ang hinubad na panloob na damit.

Para sa guro sa EPP ng anak ko.


Ito ay nagpapatunay na ginawa ng aking anak ang isinasaad sa tseklist sa taas.
___________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

GAWAIN 3:
Panuto: Magtala ng iba’t-ibang paraan ng pangangalaga sa ating mga pansariling kasuotan?
Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel.
Rubriks sa Paggawa:
10 puntos= kung naitala ng lubos ang mga tamang paraan ng pag-aalaga sa pansariling
kasuotan.
7-9 puntos= kung naitala halos ang mga tamang paraan ng pag-aalaga sa pansariling
kasuotan.
4-6 puntos= kung naitala ng bahagya ang mga tamang paraan ng pag-aalaga sa pansariling
kasuotan.
1-3 puntos= kung hindi naitala ng maayos ang mga tamang paraan ng pag-aalaga sa
pansariling kasuotan.
GAWAIN 4
Panuto: Gumawa ng isang picture collage na nagpapakita ng tamang paraan ng
pangangalaga ng iyong pansariling kagamitan. Maaaring ikaw mismo ang nasa larawan o
gumupit sa mga lumang magasin o dyaryo. (Gawin sa Long Bond paper.)
Rubriks sa Paggawa
Kraytirya 5 4 3 1-2 Puntos

Pagkamalikhain Lubos na Naging Hindi Walang


nagpamalas ng malikhain sa gaanong ipinamalas
pagkamalikhai paghahanda. naging na
n sa malikhain sa pagkamalikhain
paghahanda. paghahanda. sa paghahanda.

Nilalaman at Lubhang Hindi Hindi Hindi naging


Presentasyon malinaw ang malinaw ang gaanong malinaw ang
paghahatid ng paghahatid malinaw ang paghahatid ng
mensahe. ng mensahe. paghahatid mensahe.
ng mensahe.

Organisasyon Buo ang May May Hindi ganap ang


kaisipan kaisahan at kaisahan pagbuo, kulang
at may sapat ngunit hindi ng malinaw na
malinaw na detalye at gaanong intensyon.
ang malinaw na. malinaw ang
konsepto. intensyon.

Repleksyon
Panuto: Isulat ang iyong mga saloobin at napagtanto sa mga napag-aralang aralin. Isulat ang
iyong sagot sa isang malinis na papel.
HOME ECONOMICS 4
Pangalan: ___________________________ Week 2
Pangkat: _____________________ Petsa: ________

GAWAING PAGKATUTO
Mga Kagamitan sa Pananahi sa Kamay.

Panimula/Susing Konsepto
Napag-aralan mo ang iba’t-ibang paraan ng iyong pansariling kagamitan. Matututuhan mo
naman ngayon ang pag-aayos ng damit mong napunit o nasira. Gagawin mo ito sa
pamamagitan ng pananahi. Maaring wala kayong makinang pantahi sa bahay kung kaya’t
maaari mo itong ayusin sa pamamagitan ng pagtahi gamit ang iyong mga kamay.

Mahalaga muna na matutuhan mo muna ang iba’t-ibang kagamitan sa pagtatahi gamit ang
kamay at kung paano ito gagamitin.
Upang maayos ang damit mong napunit, kailangan mo munang alamin ang mga dapat mong
gamitin at kung paano ginagamit ang mga ito.

Mga Kagamitan sa Pananahi

Bago gupitin ang telang tatahiin dapat ay


sukatin muna ito gamit ang medida upang
maging akma ang sukat nito.
Gumamit ng angkop at matalas na gunting
sa paggupit ng telang itatapal sa damit na
punit o damit na susulsihan.
Ang Karayom at sinulid ay ginagamit
sa pananahi. Dapat
magkasingkulay ang sinulid at tela o
damit na tinatahi.

Kapag ikaw ay nagtatahi lalo na sa matigas na tela,


gumamit ng didal. Ito ay isinusuot sa gitnang daliri ng kamay upang itulak
ang karayom s apagtatahi sa ganitong paraan maiiwasang matusok ng
karayom ang daliri.

Pagkatapos gamitin ang karayom sa pagtahi, mainam na ito


ay ilagay sa pin cushion.

Itusok ang karayom sa emery bag kapag hindi ginagamit upang hindi ito
kalawangin.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi. EPP4HE-Ob-
3 1.2.1

PAMARAAN Gawain 1
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay ginagamit sa pagsusukat ng tela.
a. Medida b. didal c. gunting d. emery bag
2. Itinutusok dito ang karayom kapag hindi ginagamit upang hindi kalawangin.
a. sewing box b. pin cushion c. emery bag d. didal 3.
Ginagamit ito sa paggupit ng tela.
a. Medida b. didal c. gunting d. emery bag
4. Upang hindi matusok ang daliri, inilalagay mo ito sa iyong gitnang daliri.
a. Medida b. didal c. gunting d. emery bag
5. Ito ay magkasamang ginagamit sa pananahi.
a. Karayom at sinulid c. gunting at lapis
b. Didal at medida d. emery bag at didal
Gawain 2
Hanap salita: Hanapin sa crossword puzzle at bilugan ang mga kagamitan sa pananahi.
P D A E W E F T G B

S I N U L I D U J A

T D O G H U N M V S

G A H N P A F E I D

A L K X M E B D G C

P I N C U S H I O N

L F O E D T O D M X

G U N T I N G A E Z

Gawain 3
Piliin sa Hanay B ang pangalan ng kagamitan sa pananahi sa Hanay A.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

__________ 1. a. medida
___________ 2. b. gunting

___________ 3. c. emery bag

__________ 4. d. sinulid

_____ 5. e. pin cushion

f. didal

Gawain 4:
Maghanap ng isang damit na punit at sulsihan ito gamit ang mga kagamitan sa pananahi.
Gamitin ang tseklis para sa pagsusuri ng iyong ginawa.
Antas ng Kahusayan
Kriterya
4 3 2 1

1. Nagamit ba ng maayos ang mga kagamitan sa


pananahi?
2. Nagampanan ba ng maayos ang Gawain?

Batayan:
4 – Napakahusay 2 - Mahusay
3 – Mas Mahusay 1 – Hindi Mahusay

Pangwakas
May mga kagamitan sa pananahi sa kamay. Ang bawat isa ay may angkop na gamit.
Dapat rin na tandaan natin kung paano itatago ang mga ito sa tamang paraan upang magamit
sa oras na kailangan.

EDUKASYONG PANTAHAN AT PANGKABUHAYAN 4 HOME ECONOMICS


Pangalan:________________________________ Week 3
Seksyon:________________________________ Petsa:____________

PAGKUKUMPUNI NG KASUOTAN SA PAMAMAGITAN NG PANANAHI SA


KAMAY
Naisasaayos ang payak na sira ng kasuotan sa pamamagitan ng pananahi sa kamay.
hal. pagkabit ng butones)
Panimula at mga Susing Konsepto:
Kung minsan hindi natin maiiwasan na magkatoon ng sira ang ating damit tulad ng
pagkapunit,pagkabutas, pagtanggal ng butones/-kutsetes,automatiko at kawit. Ang mga
ganitong sira sa damit ay pwede pang kumpunihin sa pamamagitan ng pagtatagpi,pagsusulsi,
at pagkabit ng butones.
* Sa pananahi gumamit ng sinulid na kasingkulay na damit tinatahian * Huwag gumamit
ng masyadong mahabang sinulid.
* Gumamit ng Neddle Threader sa pagpasok ng sinulid sa krayom.
MGA HAKBANG SA PAGKABIT NG BUTONES
1. Lagyan ng marka ang partre ng pagkakabitan ng butones.
2. Gupitin ng isang parte ng tela.
3. Isara ang tahi sa kabligtarang panig ng damit
4. Isagawa ang pagtatahi mg lilip

Naisasaayos ang payak na sira ng kasuotan sa pamamagitan ng pananahi sa kamay.


hal. pagkabit ng butones)

ACTIVITY I- Isulat ang kung tama ang isinasasaad ng pangungusap at kung


mali ang pangungusap sa bawat patlang.
_________1. Kumpunihin ang mga punit na damit bago labhan.
_________2. Huwag gamitan ng laway ang sinulid kapag pinapasok sa karayom.
________3. Gamitin ang tamang kagamitan sa tamang gawain.
_______ 4. Gamitin ang ngipin sa pagputol ng sinulid.
_______ 5. Maging maingat sa paggamit ng gunting,karayom at matalim o matu- lis
na bagay.
________6. Gumamit ng telang pangtagpi na malapit ang kulay ng damit na
pinagtagpian.

________7. Gumamit ng sinulid na kakulay ng damit na tinatagpian.


________8. Huwag gumamit ng mahabang sinulid habang nananahi. dapat
ang haba ay mula sa daliri hanggang siko lamang.
________9. Gumamit ng Needle Threader sa pagpasok ng sinulid sa karayom.
________10. Markahan muna ang damit na paglalagyan butones bago tahian.

ACTIVITY 2: Ayusin ang mga wastong paraan ng pagkasunodsunod sapagkabit ng butones


at isulat ang tamang numero 1- 5 sa patlang.
Hakbang sa Pagkabit ng butones _____1..
Isagawa ang pagtatahi mg lilip.
_____2. Lagyan ng marka ang partre ng pagkakabitan ng butones
_____3. Isara ang tahi sa kabligtarang panig ng damit _____4.
Gupitin ng isang parte ng tela.
Paraan ng pagsusulsi ng damit
____ 5. Sa pananahi gumamit ng sinulid na kasingkulay na damit tinatahian ____
6. Huwag gumamit ng masyadong mahabang sinulid.
___ _7. Gumamit ng Neddle Threader sa pagpasok ng sinulid sa karayom.
____8. Sa pananahi gumamit ng sinulid na kasingkulay na damit tinatahian
Huwag gumamit ng masyadong mahabang sinulid.
Paraan ng Pagtatagpi
______ 9. Ihanda ang mga kagamitan sa pagtatagpi
_______10. Ang Pagtagpi ay ang pagtapal ng kapirasong tela sa butas ng kasuotan o damit.

Activity 3 : Ibigay ang mga hinihingi..


1. Anu- ano ang mga paraan ng kasuotan.
2. Isulat ang mga Paraan ng Pagsusulsi
3. Isulat din ang mga pamamaraan ng pagtagpi at pagbutones

EDUKASYON SA PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 4


Pangalan:___________________________________ Week 4
Pangkat:________________________________ Petsa:_____________
GAWAING PAMPAGKATUTO

Pangkalusugan at Pangkaligtasang Gawi sa Paglilinis ng Bahay at Bakuran

Panimula at mga Susing Konsepto Nabubulok at Hindi Nabubulok


Ang nabubulok at hindi nabubulok ay ang mga uri ng basura. Sa salitang Ingles ay
biodegradable at non-biodegradable. Mahalaga na ihiwalay ang mga basurang nabubulok sa
hindi nabubulok nang sa ganon ay nagagawa nang wasto ang pagtatapon ng mga basura.
Ano nga ba ang mga basurang nabubulok at di nabubulok?
Nabubulok
Ang nabubulok o biodegradable ay ang mga basura na maaaring magamit bilang
fertilizer o pataba sa lupa.
Mga Halimbawa: dahon, balat ng prutas, dumi ng mga hayop, tira-tirang pagkain, patay na
hayop, papel at kahoy
Hindi Nabubulok
Ang hindi nabubulok o non-biodegradable naman ay nahahati sa tatlong klase:
Recyclable Waste, Residual Waste, Special Waste
Ang recyclable waste ay ang mga bagay na pwede pang pakinabangan muli bilang ibang
produkto.
Mga Halimbawa: plastik na bote, lata at bakal

Ang residual waste naman ay ang mga basura na hindi na pwedeng gamitin muli.
Mga Halimbawa: upos ng sigarilyo, balat ng candy, diaper at napkin
Ang special waste ay mga basura na may mga kemikal at nakakahawang sakit na pwedeng
makasama sa kalusugan.
Mga Halimbawa: baterya, lata ng pintura at basag na bumbilya

MELC/Kasanayang Pampagkatuto at Koda:


Naisasagawa ang wastong paghihiwalay ng basura sa bahay.
EPP4HE-Og-10

GAWAIN 1
Paghiwalayin ang mga nabubulok at di nabubulok na basura.
Gumuhit ng dalawang kahon sa isang malinis na papel at iguhit sa isang kahon ang mga
basurang nabubulok at sa isa pang kahon aya mga basurang di nabubulok .

Gawain 2
Sagutin ang tseklist. Lagyan ng tsek sa tapat ng sagot batay sa iyong ginawa sa mga gawain.

Mga Gawain Laging kong Madalang kong Hindi ko


ginagawa ginagawa ginagawa

Nagtatapon ng basura kahit saan

Hinihiwalay ko ang basura sa


nabubulok at di nabubulok na
basura

Binabaon ko sa lupa ang mga


nabubulok na basura upang
maging pataba

Ginagamit ko muli ang ginamit


kong plastik na bote

Nireresiklo ko ang mga patapong


gamit upang maging
kapakipakinabang ito
Gawain 3
Sa isang malinis na papel ay mag tala ng 5 magandang dulot sa atin ng wastong
paghihiwalay ng basura.

Gawain 4
Gumawa ng paper collage gamit ang mga patapong bagay na maaring gamitin. Bumuo ng
isang simbolo na nagpapakita ng magandang epekto ng wastong paghihiwalay ng mga
basura. Rubrik sa Pagpupuntos

4 3 2 1

Pagkakaayos Ang mga Halos ang mga Ilan sa Ang kagamitan


kagamitan kagamitan ay mga at college ay
ay malinis at halos kagamitan ay mahirap
malinis at ang sa impormasyon malinis at ilan sa maintindihan
collage ay sa college impormasyon sa
madaling ay college ay
maintindihan madaling madaling
maintindihan maintindihan
Nilalaman Naipapakita Naipapakita ang Naipapakita ang Naipapakita sa
ang kahusayan pag-unawa sa katamtamang produkto ng
sa paksa paksa sa pag-unawa sa kakulangan sa
sa pamamagitan ng paksa sa pag-unawa sa
pamamagitan produkto pamamagitan ng paksa
ng produkto produkto

Presentasyon Nagpapakita ng Nagpapakita ng Nagpapakita ng Nagpapakita ng


may kaalaman may kasiya- limitadong malabo o
at pagka- siyang kaalaman at kulang na
malikhain sa kaalaman at pagka-malikhain kaalaman at
collage pagka-malikhain sa collage pagka -
sa collage malikhain sa
collage

Repleksyon:
Isulat ang iyong saloobin sa natutunan mong aralin sa isang malinis na papel.

Pangalan:_____________________________________ WEEK 5
Pangkat:________________________________ Petsa:_____________
GAWAING PAMPAGKATUTO Pangkalusugan at Pangkaligtasang Gawi sa
Paglilinis ng Bahay at Bakuran

Panimula at mga Susing Konsepto

Nabubulok at Hindi Nabubulok


Ang nabubulok at hindi nabubulok ay ang mga uri ng basura. Sa salitang
Ingles ay biodegradable at non-biodegradable. Mahalaga na ihiwalay ang mga
basurang nabubulok sa hindi nabubulok nang sa ganon ay nagagawa nang wasto
ang pagtatapon ng mga basura.

Ano nga ba ang mga basurang nabubulok at di nabubulok?

Nabubulok
Ang nabubulok o biodegradable ay ang mga basura na maaaring magamit
bilang fertilizer o pataba sa lupa.

Mga Halimbawa: dahon, balat ng prutas, dumi ng mga hayop, tira-tirang


pagkain, patay na hayop, papel at kahoy

Hindi Nabubulok
Ang hindi nabubulok o non-biodegradable naman ay nahahati sa tatlong
klase: Recyclable Waste, Residual Waste, Special Waste

Ang recyclable waste ay ang mga bagay na pwede pang pakinabangan muli
bilang ibang produkto.

Mga Halimbawa: plastik na bote, lata at bakal

Ang residual waste naman ay ang mga basura na hindi na pwedeng gamitin
muli.

Mga Halimbawa: upos ng sigarilyo, balat ng candy, diaper at napkin

Ang special waste ay mga basura na may mga kemikal at nakakahawang sakit
na pwedeng makasama sa kalusugan.

Mga Halimbawa: baterya, lata ng pintura at basag na bumbilya


MELC/Kasanayang Pampagkatuto at Koda:
Naisasagawa ang wastong paghihiwalay ng basura sa bahay. EPP4HE-
Og-10

GAWAIN 1
Tukuyin ang mga sumusunod na mga basura, paghiwalayin ang mga nabubulok at
di nabubulok na basura. Gumuhit ng dalawang kahon sa isang malinis na papel
at iguhit sa isang kahon ang mga basurang nabubulok at sa isa pang kahon ay
mga basurang di nabubulok .

Gawain 2
Sagutin ang tseklist. Lagyan ng tsek sa tapat ng sagot batay sa iyong ginawa sa
mga gawain.
Mga Gawain Laging kong Madalang Hindi ko
ginagawa kong ginagawa
ginagawa
Nagtatapon ng basura kahit saan
Hinihiwalay ko ang basura sa
nabubulok at di nabubulok
na basura
Binabaon ko sa lupa ang
mga nabubulok na basura
upang maging pataba
Ginagamit ko muli ang ginamit
kong plastik na bote
Nireresiklo ko ang mga
patapong gamit upang maging
kapakipakinabang ito

Pangalan: _________________________________________ Week 6


Pangkat: ________________________________ Petsa:_________

GAWAING PAGKATUTO Paghahanda ng Masustansyang Pagkain


Panimula /Susing Konsepto
Ang pagkain ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao. Ang
paghahanda ng masustansiyang pagkain ay isang kasanayan na dapat matutuhan
ng mga mag-aaral, anuman ang iyong kasarian.

Mga Pangkat ng Pagkain.


Pangkat I - Mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya, lakas at sigla. GO Foods.

Ang mga pagkaing may sustansiyang carbohydrates, taba at langis. Halimbawa:


kanin, suman, lugaw, tinapay, kamote, asukal, tubo at keyk.

Pangkat II Mga pagkaing tumutulong sa paglaki ng katawan ang mga pagkain


ito ay mayaman sa protina.
Grow Foods

Ang protina ay responsable sa pagpapalaki ng mga kalamnan at buong katawan.


Hal. baboy, manok, monggo, alimango, hipon, tocino at bacon.

Pangkat III Mga pagkain pananggalang sa sakit at impeksyon Glow


Foods

Ang mga pagkain ay pinagkukunan ng bitamina at mineral. Ang mga


prutas at gulay ay mayaman sa bitamina at mineral. Halimbawa: Malunggay,
saluyot, celery, carrots, talbos ng kamote, bayabas, mangga, kamatis at
dalanghita.

Ang Food Pyramid Guide


Ang Food Pyramid Guide ay nagsisilbing gabay sa sustansiyang taglay
ng mga pagkain at dami ng pagkaing ihahain sa almusal mula sa pangunahing
pangkat ng pagkain. Mahalaga ang pagkain ng almusal dahil simula ito ng araw
na nangangailangan ng higit na lakas para sa maghapong gawain. Isinasaad dito
na ang nasa ibabang bahagi ng pyramid ng pinakamaraming sukat na kakainin.
Ang nasa pinaka-taas na bahagdan naman ay matatagpuan ang pinaka-maliit na
bahaging dapat ihain at kainin.

Mga Alituntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahanda at


pagluluto ng pagkain.
1. Hugasang mabuti ang mga kamay bago at pagkatapos kumain.
2. Gumamit ng apron upang hindi marumihan ang damit at maglagay ng
hairnet o bandana sa ulo.
3. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap at kasangkapan sa pagluluto
upang maiwasan ang abala.
4. Ihanda at lutuin lamang ang dami ng pagkaing kayang ubusin o tamam
lang sa mag-anak.
5. Linising mabuti sa umaagos na tubig ang prutas, gulay, isda at karne
bago balatan at hiwain. Iwasang ibabad ang mga ito sa tubig upang hindi
mawala ang sustansiya.
6. Mag-ingat sa paggamit ng mga matutulis at matalas na kutsilyo.
7. Maglaan ng hiwalay na basurahan para sa basa at tuyong basura upang
hindi magkalat sa lugar na pinaglulutuan.
8. Huwag iwanan ang niluluto upang maiwasan ang pag-apaw, pagkatuyo o
pagkasunog nito.
9. Gumamit ng basahan para sa kamay at kagamitan pati na rin ang
potholder para maiwasan ang pagkapaso.
10. Ilagay sa medium low ang apoy kung ang niluluto ay kumukulo na,
magpapatuloy pa rin ito sa pagkulo kahit mahina na ang apoy.
11. Timplahan ng tama ang pagkain. Uminom ng kaunting tubig kung
muli itong titikman. Iwasan ang sobrang patis, asin, suka o betsin.
12. Ilagay ang gulay kung malapit na itong hanguin sa kalan upang
maiwasan ang pagkadurog o pagkalamog at di mawala ang
sustansiya.
13. Isara nang maayos ang gas cylinder matapos itong gamitin.
14. Ilagay sa tamang lalagyan ang pagkaing niluto at takpan ito.
15. Linisin at iligpit ang lahat pagkatapos magluto pati ang lugar na
pinaggawaan.

MELC/Kasanayang Pampagkatuto:
Nakatutulong sa paghahanda ng masustansyang pagkain. Code:
Epp4HE-Oi14

GAWAIN 1
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga pagkaing sagana sa protina tulad ng isda, karne at itlog ay
nabibilang sa pangkat ng _______ Foods.
a. Go b. Grow c. Glow d. carbohydrates
2. Ang mga pagkaing mayaman sa carbohydrates ay tinatawag na Go Foods.
Alin sa mga sumusunod na pagkain ang nabibilang sa pangkat na ito?
a. dalandan b. isda c. petsay d. tinapay
3. Sa Food Pyramid Guide, ang nasa unang bahagdan sa ibaba ay
nangangailangan ng mas maraming sukat na kakainin sa almusal. Alin sa
mga ito ang hindi kasama sa pangkat?
a. monggo b. kangkong c. bigas d. gabi

4. Ang tsokolate at matatamis na pagkain ay nasa tuktok o dulong bahagi ng


Food Pyramid Guide. Dapat ay malaking sukat at uri nito ang kakainin sa
bawat paghahain.
a. tama b. mali c. ewan d. hindi
sigurado
5. Ang madahong at maberdeng gulay tulad ng kangkong at talbos ng kamote
ay nakatutulong sa pagsasaayos ng sistema ng katawan.
Sa anong pangkat ng pagkain ito nabibilang?
a. Glow Foods c. Go foods
b. Grow Foods d. junk foods GAWAIN 2
Mga Panuto:
1. Suriin ang mga pagkaing ihahanda para sa araw na ito.
2. Tukuyin ang mga sustansiyang taglay ng mga pagkaing ito at kung
saang pangkat ng pagkain ito nabibilang.
3. Tumulong sa mga kasama sa bahay sa paghahanda ng pagkain.

Rubrik sa Pagtataya ng Gawain

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1

1. Nasuri ang sustansyang taglay ng mga pagkaing


inihanda

2. Naisagawa ang paghuhugas ng kamay bago ata


matapos ang paghahanda ng pagkain.

3. Naisagawa ang gawain ng may pag-iingat.

4. Nasunod ang tamang paraan ng paghahanda ng


pagkain.

5. Nasunod ang gawain ng maayos at may kagiliwan.

5- Napakahusay 2- May ipaghuhusay pa


4- Mahusay 1- Nangangailangan ng higit pang 3- kaayusan lamang
pagsubaybay.
Pangwakas
Ang mga pangkat ng pagkain gayundin ang mga paraan ng paghahanda nito ay
makatutulong sa isang batang tulad mo na makamit ang kaaya-aya at masiglang
pangangatawan. Ito rin ang magbibigay sa iyo ng malusog at matalas na isipan.
Pangalan:__________________________________________WEEK 7
Pangkat:________________________________ Petsa:_____________
GAWAING PAMPAGKATUTO WASTONG PAGGAMIT NG KUBYERTOS

Panimula at mga Susing Konsepto


Ang wastong pag-aayos, paghahanda at paggamit ng mga kubyertos sa
hapagkainan ay dapat matutunan at maisagawa ng batang tulad mo. Ito ay
makatutulong upang maging kaaya-aya ang paghain ng pagkain at ikagagana ng
bawat miyembro ng pamilya.

Mga Wastong Hakbang sa Pag-aayos ng Hapag-Kainan

1. Punasan ang mesa at maglagay ng mantel o placemat sa lugar ng bawat


taong kakain. Ito ay tinatawag na one cover.
2. Ilagay ang nakatihayang plato sa gitna ng cover na may pagitang isang
pulgada mula sa gillid ng mesa.
3. Ilagay sa kaliwang bahagi ng plato ang serbilyeta at tinidor na nakatihaya.
Sa kanang bahagi naman ang kutsara na nakatihaya rin at sa bandang itaas
nito ilagay ang baso na may ¾ na tubig.
4. Ilagay ang nasa tray na prutas sa gitna ng hapag-kainan.
5. Gawing ito sa iba pang cover. Bigyan ng sapat na pagitan upang makakilos
nang maluwag at maayos ang mga kakain.

Mga Kagandahang-asal sa Hapag-kainan


1. Magdasal bago at pagkatapos kumain.
2. Maglaan ng upuan sa bawat isa. Unang paupuin ang babae bago ang
lalaki.
3. Umupo ng tuwid na nakalapat ang paa sa sahig. Iwasang ipatong ang mga
siko sa ibabaw ng mesa.
4. Gamitin nang maayos ang kutsara at tinidor. Tinidor ang gamit pamalit sa
kutsilyo kung may puputuling pagkain.
5. Kung may sopas o sabaw gamitin ang gilid ng kutsara nang paiwas sa iyo
at higupin ang sabaw ng walang ingay.
6. Magsubo ng katamtamang dami ng pagkain gamit ang gilid ng kutsara at
hindi ang dulo nito.
7. Ipakisuyo ang pagkaing malayo sa iyo sa kasamahang malapit dito kung
gusto mong kumuha nito.
8. Maging magalang at ibigay ang atensyon sa ibang kasamang kumakain.
Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.
9. Iwasang hipan ang pagkain kung ito ay mainit pa, sa halip ito ay hayaang
kusang maalis ang init.
10. Huwag magsalita kung puno o may pagkain ang bibig.
11. Magkuwento ng masayang bagay. Iwasan ang paksang ukol sa patay,
sakit o kalamidad sapagkat ito ay nakawawala ng gana sa pagkain.
12. Iwanang ubos ang pagkain sa plato at ilagay ng pahalang ang kutsara at
tinidor sa pinggan.

MELC/Kasanayang Pampagkatuto at Koda:


Naipapakita ang wastong paraan ng paggamit ng kubyertos.
EPP4HE-Oi-14.2

GAWAIN 1
Lagyan ng larawan ng masayang mukha ang patlang kung ang pangungusap
ay nagsasabi ng kagandahang-asal sa hapag-kainan at malungkot na mukha
kung hindi.

_____1. Punuin ng pagkain ang pinggan.


_____2. Gamitin ang gilid ng kutsara sa pagsubo ng pagkain.
_____3. Nguyain ang pagkain na sarado ang bibig.
_____4. Magkuwento ukol sa patay o sa mga maysakit habang
kumakain.
_____5. Ilagay ng pahalang sa ibabaw ng pinggan ang mga kubyertos
kung tapos ng kumain.
_____6. Magsalita ng walang pagkain sa bibig.
_____7. Hayaang maalis ang init ng pagkain bago ito isubo.
_____8. Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.
_____9. Maaaring gawing pamalit ang tinidor sa kutsilyo sa pagputol ng
pagkain.
____10. Mag-ukol ng atensyon sa kalapit na kumakain.

Gawain 2
Gawin sa inyong hapag kainan ang tamang posisyon ng mga kagamitan sa
pagaayos ng one cover sa hapag kainan. Kuhanan ng larawan ang inyong
ginawa at i-send sa guro o ipa-print at isumite sa guro.

Rubrik sa Pagtataya ng Gawain


Lagyan ng tsek
() kung
naobserbahan Pamantayan

10- May kakayahan na isagawa ang gawain nang maayos, hindi


humihingi ng karagdagang tulong, may kusa at mapamaraan.

8- May kakayahan na isagawa ang gawain nang maayos, nangangailangan


ng konting tulong ngunit may kusa at sariling pamamaraan.

6- May kakayahan na isagawa ang gawain ngunit di-gaanong maayos,


nangangailangan ng konting tulong ngunit may kusa at sariling
pamamaraan.

4- Nangangailangan ng tulong sa pagsasagawa ng gawain

Lagda ng
Magulang

Pangwakas:
Mahalaga sa isang pamilya ang sabay-sabay na pagkain sa hapag-kainan. Isa
itong masayang tagpo na dapat pagyamanin ng bawat kasapi ng mag-anak.
Maraming magagandang bagay ang puwedeng maganap habang kumakain.

Pangalan: __________________________________________WEEK 8
Pangkat:________________________________ Petsa:_____________
GAWAING PAMPAGKATUTO Pagliligpit at Paghuhugas ng Pinagkainan

Panimula at mga Susing Konsepto

Ang mag-anak na nagtutulungan ay masayang natatapos ano mang


gawaing nasimulan. Ito ang dapat mong tandaan upang mapanatiling maayos
ang inyong tahanan pati na rin ang inyong samahan. Ang mga gawain sa
paghahanda ng pagkain ng mag-anak ay hindi natatapos sa pagluluto at
pagdudulot ng pagkain lamang. Bawat kasapi ng pamilya ay kailangang
tumulong hanggang sa pagliligpit ng pinagkainan.

Mga Paraan sa Pagliligpit ng pinagkainan.


1. Alisin ang mga tira-tirang pagkain sa plato.
2. Pagsama-samahin ang mga magkakaparehong kagamitan at ilagay sa tray.
3. Dalhin ang mga ito sa kusina upang hugasan.
4. Itago ang mga pagkaing hindi naubos at linisin ang mesa.

Paraan ng Paghuhugas ng mga Pinagkainan at mga Kagamitan sa


Pagluluto
1. Simulan ang paghuhugas ng pinagkainan sa mas malinis na kasangkapan.
Ilagay ang mga huhugasang pinagkainan sa dakong kanan ng lababo ayon
sa pagkakasunod-sunod:
a. baso o glassware
b. kubyertos o silverware
c. plato o chinaware
d. sandok at siyansi
e. kaldero, kaserola, kawali atbp.
2. Sabunin ang mga ito gamit ang maliit na palanggana na may sabon o
dishwashing liquid at espongha o sponge. Tiyaking malinis ang mga ito
bago gamitin. Sundin ang pagkakasunod-sunod sa pagsasabon.
3. Banlawang mabuti. Kuskusin ang mga binabanlawan upang maalis ang
dumikit na sabon o panghugas at maalis ang amoy. Kapag ang ulam ay
masebo o mamantika gaya ng adobo, gumamit ng mainit na tubig sa
pagbabanlaw ng mga pinggan at kubyertos.
4. Ilagay sa dish rack at pabayaan tumulo ang tubig.
5. Patuyuin ang mga ito gamit ang malinis na pamunas.
6. Ang mga baso ay hindi pinupunasan upang hindi lumabo.
7. Iligpit o ilagay ang mga ito sa dapat kalagyan, pagkatapos hugasan at
patuyuin ang lahat ng pinagkainan at pinaglutuan.
8. Tiyakin na ang mga lalagyan ay malinis at walang amoy, bago iligpit ang
mga kasangkapang ginamit. Sa ganitong paraan walang ipis o daga na
pupunta.
9. Ilagay sa bandang unahan o sa lugar na madaling makuha ang mga
kasangkapang karaniwang ginagamit.

MELC/Kasanayang Pampagkatuto at Koda:


Naisasagawa ng may Sistema ang pagliligpit at paghuhugas ng pinagkainan.

EPP4HE-Oi-14.3

Pamaraan:
Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto sa bawat gawain at isulat ang
iyong mga sagot sa malinis na sagutang papel.

GAWAIN 1
Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at sagutin.
1. Anong gawain pa ang dapat mong gawin pagkatapos magluto at kumain?
2. Paano nililinis ang mesang pinagkainana?
3. Paano ang wastong paraan ng paghuhugas at pagliligpit ng
pinagkainan?
4. Paano ililigpit ang mga hinugasang pinagkainan at pinaglutuang
kagamitan?
5. Ano ang dapat tandaan sa paghuhugas at pagliligpit ng pinagkainan?

Gawain 2
Sabihin sa iyong nanay na gusto mong magpatalaga ng maghuhugas at
magliligpit ng pinagkainan at pinaglutuan tuwing agahan, tanghalian o hapunan.
Pumili ng iskedyul na gusto o akma sa iyo. Ipasagot sa magulang ang Rubrik ng
Pagtataya ng Gawain pagkatapos mong maisagawa ang gawain.

Rubrik sa Pagtataya ng Gawain.

Lagyan ng tsek
() kung
naobserbahan Pamantayan

10- May kakayahan na isagawa ang gawain nang maayos, hindi


humihingi ng karagdagang tulong, may kusa at mapamaraan.

8- May kakayahan na isagawa ang gawain nang maayos,


nangangailangan ng konting tulong ngunit may kusa at sariling
pamamaraan.

6- May kakayahan na isagawa ang gawain ngunit di-gaanong maayos,


nangangailangan ng konting tulong ngunit may kusa at sariling
pamamaraan.

4- Nangangailangan ng tulong sa pagsasagawa ng gawain

Lagda ng
Magulang

Repleksyon:
Anu-ano ang mga natutunan mo sa asignaturang Home Economics 4? Paano
mo makakatulong ang iyong mga natutunan, sa iyong pang-araw-araw na
pamumuhay? Sangunian:

You might also like