You are on page 1of 12

Department of Education

5 National Capital Region


S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan


Gawaing Pantahan
Unang Markahan - Modyul 1
Pangangalaga ng Kasuotan

Manunulat: Maribel A. Mella


Tagaguhit at Tagalapat: Patrick R. Mella Jr.
Tagaguhit ng Pabalat: Christopher E. Mercado

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay dinesenyo upang tulungan kang linangin ang mga
kaalaman at kagalingan sa mga Gawaing Pantahanan.

Inaasahan na matapos mong pag-aralan ang modyul na ito natutuhan mo


nang:
1.1
1.1 Pangalagaan ang sariling kasuotan.
1.1.1 Maisa-isa ang mga paraan upang mapanatiling malinis
ang kasuotan.
1.1.2 Maisaayos ang payak na sira ng damit sa pamamagitan EPP5HE0c-6
ng pananahi sa kamay (hal., pagsusulsi ng punit sa
damit o pagtatahi ng tastas).
1.1.3 Maisagawa ang pagsusulsi ng iba‟t ibang uri ng punit.

Subukin
Sa pagsisimula ng ating aralin, nais kong ipakilala ang ating mga kamag-
aral na sina Marie, Ken at Ana.
Ating alamin kung ano ang kanilang pinag-uusapan.

Sagutan ang mga sumusunod sa kumpletong pangungusap.

1. Anong nangyari sa damit ni Marie? Ano ang dapat niyang gawin


upang maiwasan ito?

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. Anong nangyari sa damit ni Ana? Ano ang dapat niyang gawin upang
maiwasan ito?

3. Hindi na nga ba maaring gamitin pa ang damit ni Ken? Kung pwede


pa, ano ang dapat gawin?

Masaya kapag nakakatulong „di ba? Pero, paano ka makakatulong kung


hindi mo alam ang solusyon? Kaya, dapat nating masiguro na matutunan ang
araling ito; hindi lamang para sa sarili kundi bilang tulong na rin sa ating mga
magulang.

Aralin
PANGANGALAGA AT PAG-IINGAT
1 NG KASUOTAN

Balikan

Isulat ang “X” sa patlang bago ang bilang kung maling hakbang ang
ipinakikita. Isulat naman ang “ ” kung ito ay tama.

_________ 1. Pahanginan ang damit na basa ng pawis.

_________ 2. Ihanger ang mga malinis na damit panlakad.

_________ 3. Kung nasira ang damit, labhan muna ang mga ito bago kumpunihin.

_________ 4. Punasan muna ang uupuang lugar bago umupo o maaari itong lagyan
ng sapin.

_________ 5. Kung namantsahan ang damit huwag na muna itong labhan. Isabay
na lamang ito sa araw ng paglalaba upang makatipid.

Tuklasin

Punan ang Palaisipan o crossword puzzle sa ibaba. Gamiting gabay


ang mga kasunod na pangungusap para sa bawat bilang. Isulat ang sagot
sa iyong kwaderno sa EPP.

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
PABABA PAHALANG
Tiklupin nang maayos ang mga Ito ang paraan ng pagtatapal ng
1 damit-pambahay at ________ sa 3 kapirasong tela sa butas ng
kabinet ayon sa kulay at gamit. isang damit.
Ang tatlong uri ng punit ay ang
Tiklupin ng pabaliktad ang mga
mga sumusunod: 1) Tuwid na
2 5 damit na hindi gaanong
punit, 2) ______ na Punit at 3)
________ at ilagay sa plastic bag.
Tatlong Sulok na Punit.
Ito ang pagtatahi nang pinong-
4 pino at paulit-ulit upang maayos
ang punit ng isang damit.

Suriin
PANGANGALAGA AT PAG-IINGAT NG KASUOTAN

1. Tiklupin nang maayos ang mga damit-pambahay at isalansan sa kabinet


ayon sa kulay at gamit.
2. Tiklupin ng pabaliktad ang mga damit na hindi gaanong ginagamit at ilagay
sa plastik bag.

Ang mga gawaing ito ay masasabing simple ngunit malaking tulong upang
mas tumagal ang kalidad at gamit ng ating mga kasuotan. Ngunit, sa hindi
maiwasang pagkakataon ay sadyang nasisira ang mga ito tulad ng pagkakaroon ng
punit at butas. Ano ang solusyon?

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
PAG-AAYOS NG TASTAS, PUNIT AT BUTAS

A. Pagtatagpi
Ito ang pagtatapal ng
kapirasong tela sa butas
ng isang damit.
1. Plantsahing mabuti
ang bahaging may
butas.
2. Gumupit ng telang
pantagpi, maaring ito
ay kaparehang kulay o
kung ano man na
pangdisenyo na This Photo by http://www.sewcando.com/2014/06/repair-shirt-applique-birds-on-wire.html is licensed under

ninanais mo. CC BY-NC-ND

3. Itugma ang tagpi sa


butas at ihilbana ito sa lugar. Maglaan ng dalawang sentimetro sa bawat
gilid.
4. Ililip ng pinong-pino ang tagpi.
5. Baliktarin ang damit at ililip din ang tagpi.
6. Plantsahin muli ang damit na tinagpian upang lumambot.

B. Pagsusulsi
Ito ang pagtatahi ng pinong-pino at paulit-ulit. Nakakahawig ito
sa tahi ng makina. Ginagamitan ito ng sinulid na kapareha ng kulay
ng damit o malapit na kulay. Pinong karayom din ang ginagamit dito.

TATLONG URI NG PUNIT


1. Tuwid na Punit
 Pagdikitin ang
napunit na
bahagi.
 Gumawa ng
maliit at paayong
tahi hanggang sa
mabuo ang sira.

2. Pahilis na Punit
 Pagdikitin ang
dalawang gilid ng
punit. Simulan ang
tahi sa karayagan ng
damit, ½ sentimetro
ang layo mula sa
dulo ng punit.

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
 Sundan ang punit ng tahi.
 Tapusin ang tahi sa kabaliktaran ng damit.

3. Tatlong Sulok na Punit

 Sulsihan muna
ang tuwid na
punit.
 Pagsalubungin
nag dalawang
gilid ng punit.
 Simulan ang
tahi sa
karayagan ng
damit, ½ sentimetro ang layo mula sa dulo ng punit.
 Sulsihan ang isang tuwid na punit.
 Bigyang pansin ang pagpatong ng mga tahi upang maging matibay
ang gitnang bahagi ng punit.
 Tiyaking salitan ang mga tahi upang maging matibay ang gitnang
bahagi ng punit.
 Ibuhol ang sinulid sa kabaliktarang bahagi ng damit.

C. Pag-ayos ng Butas
 Gawing paikot o pabilog
ang diagonal hemming
stitch.
 Isuot sa anumang
sinulid ang mga
sumusunod na hanay.
 Gawin ito hanggang sa
tuluyang mawala ang This Photo by https://misakomimoko.blogspot.com/2016/06/remiendos-y-zurcidos-

butas. darnings-and.html is licensed under CC BY-NC-ND

Para sa karagdagang kaalaman sa pag-ayos ng mga payak na sira maari


mong panuorin ang mga na video clips sa links na ito:
1. Pagsusulsi ng Tuwid at Pahilis na Punit - https://bit.ly/3eMk3gJ
2. Pagsusulsi ng Tatlong Sulok na Punit - https://bit.ly/2BXyhfV
3. Pagtatagpi - https://bit.ly/2YMVMBs
4. Pagtahi ng Butas - https://bit.ly/2YKwtzR

Ayan, meron ka na namang natutunan sa araw na ito. Malamang kung


maharap ka muli sa mga sitwasyong napag-usapan natin ay alam mo na ang dapat
gawin.

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagyamanin

Nakasulat sa ibaba ang mga sitwasyon na karaniwang nangyayari sa mga


batang tulad mo. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot o tugon para sa bawat
sitwasyon.

SITWASYON TUGON SA SITWASYON


Katatapos lang magbasketbol ni
Ken. Kailangan na niyang magpalit ng
damit dahil basa na ito ng pawis.
1
Habang nagpapalit ay napansin niyang
napunit pala ito. Ano ang dapat niyang
gawin?

Oras na para sa P.E. nina Marie,


kaya pinapunta sila sa covered court.
Habang naghihintay sila sa mga bilin ng
2
guro pinaupo muna sila sa sahig. Ano
ang dapat gawin ni Marie bilang pag-
aalaga sa kanyang kasuotan?
Tinutulungan ni Ana magligpit ng
mga damit ang kanyang kapatid.
Maliban sa iba-iba ang kulay ng mga
kasuotan na nililigpit niya ay magkahalo
3 rin pala ang mga damit panglakad at
pangbahay nila. Napansin din nya na
may mga kasuotan silang hindi na nila
masyadong ginagamit. Ano kaya ang
tamang gawin ni Ana sa mga ito?

Isaisip
Punan ang bawat patlang sa mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon at isulat sagot sa sagutang papel.

-kasuotan -panuntunan -disiplina


-makatipid -pangangalaga -pagtatahi

1. Ang maagap na pangangalaga at pagkukumpuni ng mga kasuotan ay


kailangan upang _____ sa pera, oras at lakas.
2. Ang kaalaman sa wastong pangangalaga ng kasuotan at pagkukusang gawin
ang mga ito ay tanda ng pagkakaroon ng _________ at pagiging masinop.
3. Isa sa mga tungkuling dapat gampanan ng batang nasa edad mo ay ang
___________ ng kasuotan.

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4. Sa pangangalaga ng kasuotan, sundin ang _________ kung paano
makakatipid sa tubig, sabon at kuryente.
5. Ang batang malinis at maayos ang _________ ay hinahangaan.

Isagawa

Siguraduhin na maisulat sa sagutang papel ang mga susunod mong


gagawin at malagdaan ito ng iyong magulang o tagapag-alaga bilang pagpapatunay
na maayos mong natupad ang mga ito. Gamitin ang table sa ibaba bilang gabay.

KAILAN GINAWA
TALAAN NG MGA NAGAWA KO SA AMING TAHANAN
PETSA ORAS
Tumulong sa pagliligpit ng mga kasuotan.
 Isalansan ng maayos sa cabinet o lalagyan.
1
 Paghiwalayin o ayusin ito base sa kulay at
gamit.
Maghanap sa mga kasuotan ng may punit o butas.
2
Kumpunihin ito ayon sa pangangailangan ng sira.

Lagda at Pangalan ng Magulang o Tagapag-alaga

Tayahin
Humingi ng gabay sa nakatatanda habang ginagawa ang mga sumusunod.

1. Maghanap ng mga lumang damit o tela, ihanda ang mga sumusunod gamit
ito at ang sewing kit:
a. Kapirasong tela (4x4 pulgada) na may butas.
b. Kapirasong tela (4x4 pulgada) na may tuwid na punit.
c. Kapirasong tela (4x4 pulgada) na may pahilis na punit.
d. Kapirasong tela (4x4 pulgada) na may tatlong sulok na punit.

2. Ayusin o kumpunihin ang mga punit sa pamamagitan ng tahing tutos.

3. Idikit ng maayos sa bond paper ang mga nagawa at lagyan ng label.

4. Isulat ang buong pangalan sa itaas.

5. Ilagay ito sa isang envelope at ipasa sa guro ayon sa iskedyul. Ito ay


magsisilbing portfolio mo.

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
6. (Optional) Kung may data o internet koneksyon.
 Kunan ng larawan o ibidyo ang sarili habang ginagawa ang
pagkukumpuni. Ipadala sa guro sa pamamagitan ng e-mail o
messenger.
RUBRIKS SA PAG-ISKOR NG OUTPUT
BILANG NG NAPUNAN
NA KALIDAD
INAASAHANG 5 4 3 2 1
KALIDAD NG GAWA ISKOR
NAKUMPUNI PUNTOS
5 4 3 2 1
A. Tuwid na Maayos at matibay ang pagkakatahi.
Punit. 1. Hindi nagkulubot ang tela sa
B. Pahilis na pagkakatahi.
Punit 2. Hindi nagbuhol-buhol ang mga
C. Tatlong sinulid sa pagkakatahi.
Sulok na 3. Pantay-pantay ang laki ng tahi.
Punit 4. Hindi nagpatong ang mga gilid ng
punit sa bawat isa.
D. Butas 5. Naisagawa ang lock stitch sa
pagtatahi.
KABUUANG ISKOR

Karagdagang Gawain

Tumulong sa paghahanda ng mga labahin.

 Itsek ang bawat labahin kung may mga sira o punit ito.
 Isulat ang uri ng sira ng kasuotan na nakita.
 Isagawa ang pagkukumpuni sa mga sira.

 Kung may data o internet connection:


o Kunan ng larawan ang nakumpuning kasuotan at ipadala sa
guro sa pamamagitan ng e-mail o messenger.

 Kung walang data connection:


o Papirmahan sa magulang o tagapag-alaga ang nagawang
listahan bilang pagpapatunay na naisagawa ang
pagkukumpuni ng punit o sira.

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sanggunian
Department of Education, Bureau of Learning Resources. (2016).
EPP 5 (Batayang Aklat). In R. A. Gloria A. Peralta, Kaalaman at Kasanayan
Tungo sa Kaunlaran (p. 121). Quezon City: Vibal Group, Inc.

Fun with HELE 5, (p.13.) Nora N. Soriano, Erwin R. Callo, Esperanza


SJ Lorenzo: AVIBA Publishing House

Mga larawang ginamit sa SUBUKIN:

 School boy -
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.dre
amstime.com%2Fillustration%2Fface-
preteen.html&psig=AOvVaw2w9_Zn1tCtlttGWYeafY4b&ust=159896
2341223000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJjI8ou
1xesCFQAAAAAdAAAAABAD
 School girl -
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.vec
torstock.com%2Froyalty-free-vector%2Flittle-sad-boy-with-
backpack-vector-23090072&psig=AOvVaw1A2iq7LMa2dP-
Vov3WFsCb&ust=1598963691978000&source=images&cd=vfe&ve
d=0CAIQjRxqFwoTCLjimoy6xesCFQAAAAAdAAAAABAl
 Classroom - -
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pin
terest.com%2Fpin%2F505177283200156869%2F&psig=AOvVaw1g
GGa0iWo4R3AdhsNrHiyq&ust=1598965190672000&source=image
s&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCLiSgv2_xesCFQAAAAAdAAAAABA
D

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
10
City of Good Character
1. makatipid
2. disiplina
3. pangangalaga
4. paraan
1. A) Pahanginan muna ang damit na basa ng pawis hanggang 5. kasuotan
matuyo ito. B) Sulsihan ang punit. C) Tanggalin ang mantsa ISAISIP
kaagad, huwag hintayin ang araw ng labada.
2. Punasan muna o lagyanng sapin ang lugar na uupuan niya
upang hindi madumihan ang kanyang kasuotan. 1. Isalansan
3. A) Tiklupin ang mga damit ayun sa kulay at gamit nito. B) Ang 2. Pahilis
mga damit naman na hindi masyadong ginagamit ay tiklupin ng 3. Pagtatagpi
pabaliktad at ilagay sa plastic bag. 4. Pagsusulsi
5. Ginagamit
PAGYAMANIN TUKLASIN
1. Nadumihan ang damit ni Marie dahil sa maalikabok ang
naupuan niya. Upang maiwasan ang ito dapat ay punasan niya
muna ang uupuan at maari ring lagyan nya ng sapin ang
uupuan niya.
2. Nagkaroon ng tagulamin ang damit ni Ana dahil sa inilagay niya
1. agad iyo sa ropero kahit basa pa sa pawis. Upang maiwasan ang
2. ganito dapat ay pahanginan muna ang damit na at ilagay lang
3. X sa ropero kapag tuyo na ito.
4. 3. Maari pang gamitin ang damit ni Ken kailangan niya lamang na
5. X masulsihan ang punit na bahagi ng damit niya.
BALIKAN SUBUKIN
Susi sa Pagwawasto
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Maribel A. Mella (LVES)
Editor:
Sarah T. Publico (Teacher II, IVES)
Genedina M. Basilio (MT II, SRES)
Resurreccion R. Marte (MT I, BES)
Tagasuri (Internal):
Marciana R. De Guzman (Principal, Parang Elementary School)
Reingelyn P. Donato (Principal, Leodegario Victorino Elementary School)
Joseph T. Santos (Education Program Supervisor-EPP/TLE)
Tagaguhit:
Patrick R. Mella Jr. (Teacher, SNES)
Christopher E. Mercado (MT I, JDPNHS)
Tagalapat:
Mary Grace O. Pariñas (Teacher II,NES)
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Josepeh T. Santos
Education Program Supervisor - EPP/TLE

Ivy Coney A. Gamatero


Education Program Supervisor - LRMS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like