You are on page 1of 8

5

EPP
Gawaing Pagkatuto No. 1
Kwarter 3

Pangangalaga
sa Kasuotan

ROSALIE R. BALASABAS
JONILYN A. TABON
Manunulat

Republic of the Philippines


Department of Education
Division of Masbate

1
District of Pio V. Corpus
CABANGRAYAN ELEMENTARY SCHOOL
Cabangrayan

GAWAING PAGKATUTO BILANG ______

Pangalan ng Estudyante:_____________________________________________
Asignatura- Antas: EPP 5
Petsa: ________________

I. Panimulang Konsepto

Napapansin mo ba ang mga batang malinis at maayos ang kasuotan?


hindi ba’t kay gandang pagmasdan? Kahit hindi mamahalin ang damit at
sapatos, basta malinis ito at maayos ang pagkakasuot, maganda at kaaya-
ayang tingnan.

Ang pangangalaga ng kasuotan ay hindi mahirap na gawain. Ang


kailangan lamang ay pagsasanay at pagsisikap sa mga gawaing dapat
gampanan. Isa ito sa mga tungkuling dapat pag-aralan at gampanan ng
batang nasa edad mo.

Maraming paraan ang isinasagawa para mapangalagaan ang kasuotan.


Ang bawat paraan ay naglalayong mapanatili ang kagandahan at
kapakinabangan ng damit sa loob ng mahabang panahon. Isa rin itong
paraan ng pagtulong sa magulang. Kailangang isipin ninuman na ang
wastong pangangalaga ng kaniang kasuotan, mga kagamitan , at anumang

mayroon at dapat isapuso at mahalin upang tumagal ang pakinabang.

2
Mahalagang pangalagaan at isaayos ang kasuotan. Tanda ito ng
pagkakaroon ng disiplina at pagiging masinop sa pangangatawan.

Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga kasuotan:

1. Pag-aalis ng Mantsa- mainam na tanggalin kaagad ang mga


mantsa sa damit habang ito a y sariwa pa at upang hindi
mahirapan sa pagtanggal.
2. Paglalaba- ginagawa ito sa mga kasuotan upang maiwasan ang
di kanais- nais na amoy, mawalan ang dumi, pawis at alikabok
na kumakapit ditto gamit ang sabon at tubig.
3. Pamamalantsa- hindi kaaya-ayang tingnan ang damit na
gusot-gusot kaya nararapat itong plantsahin upang maibalik
ang dating hugis at ayos ang mga ito.
4. Pagsusulsi- ang may punit na damit ay dapt sulsihan kaagad
upang hindi lumaki ang sira at magamit pa ito ng mahabang
panahon.
5. Pagtatagpi- ito ay isinasagawa kapag ang damit ay may butas.
6. Pagtutupi- Higit na mapangangalagaan ang mga damit kung ito
ay maayos na nakatupi ayon sa kulay at gamit nito at may
maayos na lalagyan tulad ng cabinet, aparador o malinis na
kahon.

Wastong Pangangalaga at Pag-iingat sa Kasuotan

1. Pahanginan ang damit na basa ng pawis.


2. Ihanger ang mga damit panlakad.
3. Tiklupin nang maayos ang mga damit- pambahay at isalansa
sa cabinet ayon sa kulay at gamit.
4. Tiklupin nang pabaliktad ang mga damit na hindi gaanong
ginagamit at ilagay sa plastic bag.

5. Tanggalin kaagad ang mantsa ng damit habang sariwa pa.

3
6. Kumpunihan ang sira ng damit tulad ng butas, punit, at tastas
bago ito labhan.
7. Iwasang marumihan ang damit upang mapanatiling kaaya-
ayang tingnan.
8. Punasan muna ang uupuang lugar bago umupo. Maari ding
lagyan muna ng sapin.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

Napapangalagaan ang sariling kasuotan (EPP5HE-Oc-6)

III. Mga Gawain

Gawain 1

Panuto: Iguhit ang kung ito ay nagpapahiwatig ng tamang


pangangalaga sa kasuotan at kung hindi.

______1. Plantsahin ang mga damit na malinis na ngunit gusot na


gusot
______2. Tinatanggal kaagad ang mga mantsa ng damit habang
sariwa pa ito.
______3. Ihalo ang lahat ng mga uri ng damit, damit-pambahay at
panlakad sa iisang lalagyan.
______4. Isalansa sa kabinet ang mga damit panlakad.
______5. Iwasang marumihan ang damit upang manatiling .kaaya-
ayang tingnan.

Gawain 2
4
1. Ano ang dapat gawin kung ang damit ay marumi at
nangangamoy na?
a. isampay
b. ilagay sa labahan
c. ilagay sa cabinet
d. plantsahin
2. Alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin kung may sira o
butas ang mga damit?
a. itatapon ang damit
b. sulsihan o kumpunihin ang mga butas ng damit
c. isuot ulit ang damit
d. ipamigay ang mga damit
3. Ano ang dapat gawin upang hindi magusot ang damit habang
umupo?
a. umupo ng maayos
b. ibuka ang palda
c. basta nlng umupo
d. ipagpag ang damit
4. Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng pangangalaga sa damit
maliban sa isa. Alin dito?
a. Pahanginan ang mga damit na basa ng pawis
b. Punasan ang mga uupuang lugar bago umupo.
c. Pabayaan ang mantsa na dumikit sa damit
d. Ihanger ang mga malinis na damit panlakad
5. Bakit kailangang pangalagaan ang ating kasuotan?
a. Upang tayo ay magandang tingnan
b. Upang matagal masira ang damit
c. Upang mapanatili ang kagandahan ng kasuotan
d. Lahat ay tama

Gawain 3

5
A. Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang tamang salita upang
mabuo ang tamang kaisipan sa bawat pangungusap.

nilabhan plantsahin tinutupi


pagtatagpi pag-alis ng mantsa

1. Kaagad ___________ ni Jenny ang kanyang kasuotan ng


makita niyang may mantsa ito.
2. Ang mga damit na gusot-gusot ay dapat ______________ para
kaaya-ayang tingnan.
3. Ang mga damit na malilinis at maayos ay_______________ at
inilalagay sa loob ng cabinet o aparador.
4. Ang damit ay minsan nabubutas dahil sa nasabit sa pako
kaya kinukumpuni sa pamamagitan ng __________________.
5. Ang paggamit ng alcohol ay isang paraan sa
_______________________ ng tinta sa damit.

B. Panuto: Basahin at unawain ang isang pahayag at sagutin ang


mga tanong.

Nakitang mong kalat na kalat na ang mga damit sa loob na


iyong cabinet o aparador. Ano ang dapat mong gawin? Bakit?
______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

6
IV. Rubriks sa Pagpupuntos

Puntos Pamantayan
5 Maayos at tama ang pagkakasulat ng mga
pangungusap at may tamang bantas.
4 Maayos at tama ang pagkakasulat ng mga
pangungusap.
3 Tama ang kanyang mga sagot
2 Hindi natapos ang pagsagot
1 Walang sagot

V. Susi sa Pagwawasto

Gawain 1

1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 2 Gawain 3
A
1. b 1. nilabhan
2. b 2. plantsahin
3. a 3. tinutupi
4. c 4. pagtatagpi
5. d 5. pag-alis ng mantsa
B.Sa pagpupuntos tingnan ang rubriks.

7
VI. Sanggunian

MELCS, Batayang aklat sa EPP 5, pahina 120-121, larawan


(google)

Inihanda nina:

JONILYN A. TABON
Manunulat

ROSALIE R. BALASABAS
Manunulat

Sinuri ni:

RENATO C. CIRIACO
Principal I

You might also like