You are on page 1of 2

LAGUMANG PAGSUSULIT BILANG 1

EPP – HE 5

I . Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.
1. Ito ay mga tupi o tiklop sa mga kasuotan.
a. kwelyo b. laylayan c. bulsa d. pleats
2. Ilang beses kadalasan ginagawa ang pagbabanlaw ng damit?
a. 1-2 beses b. 2-3 beses c. 3-4 beses d. 1-4 beses
3. Ano unang hakbang sa pagpaplantsa?
a. Ihanda ang plantsahan c. Ihanda ang mga damit
b. Ihanda ang hanger d. Ihanda ang Cabinet
4. Sa paglalaba, anong bahagi ng kasuotang pang itaas ang binibigyan ng pansin?
a. kwelyo, bulsa at laylayan c. kwelyo, bulsa at kilikili
b. kwelyo, kilikili at laylayan d. kwelyo , laylayan at likod
5. Ano ang unang hakbang sa paglalaba?
a. Ihanda ang mga kagamitan c. Ihiwalay ang de-kolor sa puti
b. Kusutin ang mga puting damit d. banlawan itong mabuti
6. Dito kalimitang makikita kung anong materyales ang ginamit sa paggawa ng kasuotan.
a. pleats b. laylayan c. bulsa d. etiketa
7. Bakit kailangan munang baliktarin ang pantalon kapag magpaplantsa?
a. Upang maplantsa ang bulsa nito c. Upang hindi masira ang harapang bahagi nito
b. Upang makita ang brand nito d. Wala sa nabanggit
8. Ito ay isinasagawa kung may sira o punit ang damit.
a. pamamalantsa b. pananahi c. pagtutupi d. pagbuburda
9. Kailan ba dapat inilalagay o idinadagdag ang Fabric Conditioner kapag maglalaba?
a. unang banlaw b.bago magsabon c. huling banlaw d. ikaapat na banlaw
10. Ito ang paraan ng pag-aayos ng mga damit sa loob ng cabinet o aparador.
a. pagtutupi b. pamamalantsa c. pagsasampay d. paglilinis

II. Ang mga sumusunod ay pamamaraan ng pamamalantsa . Lagyan ng bilang 1 hanggang 5


ang patlang para maiayos ang mga hakbang sa paggawa.
_____________1 . Ihanda ang plantsahan (ironing board).
______________2. Tiyakin din na malinis ang plantsa at walang kalawang.
______________3. Bunotin sa saksakan ang plantsa.
______________4. Ihanda ang mga paplantsahing damit.
______________5. Plantsahin ang mga damit ayon sa paalaalang taglay nito sa mga etiketa

III. TAMA O MALI. Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag at MALI naman kung mali ang
pahayag.
__________ 1. Ang unang hakbang sa paglalaba ay ang paghihiwalay ng mga puti sa de-kolor.
__________2. Tiklupin ng maayos ang mga damit pangbahay at ilagay sa cabinet.
__________3. Tanggalin kaagad ang mga mantsa ng damit habang ito ay sariwa pa.
__________4. Gawin ang pagbabanlaw ng limang beses upang higit na maging malinis ang damit.
__________5. Tiyaking malinis ang plantsa at ironing board bago magsimula sa pagpaplantsa.

IV. Pagtambalin ang Hanay A (Mantsa) sa Hanay B (kagamitan sa Pag-alis nito)

A B
_____1. Dugo a. yelo
_____2. Syrup b. asin at katas ng kalamansi
_____3. Katas ng prutas c. brush, mainit na tubig at Katas ng kalamansi
_____4. Tsokolate d. gas o thinner, mainit na tubig at sabon
_____5. Kalawang e. alcohol
_____6. Tinta f. tubig at sabong panligo
_____7. Pintura g. mainit na tubig na may sabon
_____8. Amag h. mangkok o dish, malamig na tubig at kumukulong tubig
_____9. Mantika i. mainit na tubig
_____10. Chewing gum j.mainit na tubig, sabon, pulbos, malinis na puting blotting paper at
plantsa

You might also like