You are on page 1of 7

5

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas 1


EPP 5 – Home Economics
Quarter 3-Week 2
Aralin Wastong Paraan ng Paglalaba at
2 Pamamalantsa ng Damit

Pagkatapos ng aralin, matututunan mo ang mga sumusunod na Most Essential


Learning Competencies (MELC) tulad ng:
1. Naisasagawa ang wastong paraan ng paglalaba.
1.2 napaghihiwalay ang puti at di-kulay. (EPP5HE-0c-7)
2. Naisasagawa ang wastong paraan ng pamamalantsa. (EPP5HE-0d-8)

Bago simulan ang modyul na ito, tiyaking walang anumang makasasagabal sa iyong
pagsagot at pag-aaral sa itinakdang gawain para dito. Narito ang ilang paalalang dapat mong
tandaan.
1. Basahin at unawain ang bawat aralin.
2. Sundin ang mga panuto upang makasagot ng tama sa lahat ng tanong sa bawat
pagsasanay.
3. Siguraduhing matapos at masagutan lahat ng pagsasanay sa takdang oras.
4. Isagawa at isapuso ang mga natutunan sa mga aralin.
5. Mag-enjoy at matuto!

Aralin: Introduksyon sa Yunit III Home Economics ng Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan 5
Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
● Natatalakay ang wastong paraan ng paglalaba at pamamalantsa ng mga damit.
● Nasusuri ang mga damit na lalabhan sa puti at di-kulay.
● Naisasagawa ang wastong paraan ng paglalaba at pamamalantsa ng mga damit.

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang
TAMA sa patlang kung wasto ang ipinapahayag at MALI kung hindi wasto.
__________ 1. Ihiwalay ang mga puti sa may kulay at sa mga kumukupas na damit.
__________ 2. Sabunin kaagad ang mga damit at hindi na kailangan pang
ibabad sa tubig.
__________ 3. Ibabad ang mga puting damit na may pulbos na sabon at ibilad sa init ng araw.
__________ 4. Ulitin ang pagbabanlaw hanggang tatlong beses upang maalis ang
bula nito.
__________ 5. Hindi na kailangang baliktarin ang damit kung isasampay na.
__________ 6. Nakabatay sa uri ng damit na paplantsahin ang temperatura ng
iyong plantsa.
__________ 7. Hayaang iwanan ang plantsa sa ibabaw ng kabayo o ironing board.
__________ 8. Plantsahin ang mga damit ayon sa paalalang nakalagay sa etiketa
nito.
__________ 9. Tiyaking malinis ang plantsa at walang kalawang.
__________ 10. Hayaang nakasaksak ang plug sa kuryente kahit tapos nang
mamalantsa.

2
EPP 5 – Home Economics
Quarter 3-Week 2
Sa nakaraang aralin napag-aralan mo ang tungkol sa
paraan ng pagpapanatiling malinis ang kasuotan. Isa dito ay ang
paraan ng pananahi ng sirang kasuotan. Alamin natin kung natatandaan ninyo ang mga
kagamitan sa pananahi.
Panuto: Hanapin at bilugan ang limang ( 5 ) kagamitan sa pananahi.
K A R A Y O M W
E D C B A Z Y X
F G S H I J K E
Q P I O N M L M
G U N T I N G E
R S U T U V W R
I E L A Z Y X Y
O U I A E I O B
F G D I D A L A
E D C B E A U G

A. WASTONG PARAAN NG PAGLALABA NG MGA DAMIT


Ang paglalaba sa maruruming damit ay isang paraan ng pangangalaga sa damit. Nasa
paglalaba nang maayos nakasalalay ang ikatatagal sa gamit ng damit. Sa paglalaba, inaalis
ang kumapit na dumi, pawis, at alikabok na nagsasanhi ng pagkarupok sa tela. Ang
iyong sariling damit ay maaari mo nang labhan dahil tama na laki at bigat ng mga ito sa iyo.
Ihanda muna ang mga kagamitan na kakailanganin tulad ng palanggana, sabon, timba na
paglalagyan ng tubig at brush o eskoba na pang-alis ng makakapal na dumi. Paghiwalayin ang
maruruming damit na lalabhan. Ihiwalay lahat ng puti sa may kulay ganun din ang
kumukupas na damit upang hindi mamantsahan ang ibang damit. Tingnan ang mga bulsa ng
damit at tanggalin kung may laman na barya o papel. Kung may punit sulsihan muna at kung
may mantsa alisin muna. Sundin ang ganitong pagkakasunud-sunod ng
paglalaba.
1. Basain at bahagyang kusutin ang mga damit upang maalis ang
mga dumi.
2. Ibabad ang mga puting damit sa pulbos na sabon at ikula o ibilad
sa init ng araw.
3. Sabunin ang mga damit. Kusuting mabuti ang mga bahaging
karaniwang kinakapitan ng dumi tulad ng laylayan, kilikili,
kwelyo, manggas at harapan ng damit.
4. Banlawan ng tatlong beses ang mga damit na may kulay
hanggang maalis lahat ng bula.
5. Baliktarin at isampay ang mga damit sa malilim na lugar upang
hindi kumupas ang mga kulay nito.
6. Labhan ang nakababad na mga puting damit at sundin ang
wastong paraan ng paglalaba.

B. WASTONG PARAAN NG PAMAMALANTSA NG MGA DAMIT


Ang pamamalantsa ay isang paraan ng pangangalaga at pag-
aayos ng damit upang bumalik ang dating hugis at ayos nito. Hindi
magandang tingnan kung ang suot mong damit ay gusot-gusot. Ang mga
damit na bagong laba ay gusot-gusot kaya kailangang plantsahin.
Ang kagandahan ng damit ay nakasalalay kung paano ito pinaplantsa dahil ang bagong
plantsang damit ay makinis, maayos at walang gusot. Narito ang wastong paraan ng
pamamalantsa ng damit.
1. Ihanda ang mga paplantsahing damit.
2. Ihanda ang kabayo o plantsahan ( ironing board ). Tiyaking malinis ang sapin ng
plantsahan. Kung nais na makapal ang sapin maaaring dagdagan.
3
EPP 5 – Home Economics
Quarter 3-Week 2
3. Tiyaking malinis din ang plantsa at walang nakadikit na anuman o
may kalawang. I-set ang temperatura ng plantsa ayon sa uri ng
damit na uunahin mong plantsahin.
4. Plantsahin ang mga damit ayon sa paalalang nakalagay sa etiketa
nito.
5. Sa pagpaplantsa ng iba’t ibang damit gaya ng:
a. Bestida – baliktarin muna at plantsahin ang bulsa,
kwelyo, balikat, at likod at harap ng bestida,
manggas, at laylayan.
b. Palda ( may pleats ) – baliktarin para plantsahin
muna ang bulsa saka ibalik sa karayagang bahagi at
ayusin ang pleats ayon sa tupi nito. Plantsahin ito
mula laylayan pataas.
c. Pantalon – baliktarin at plantsahin muna ang bulsa
at ibalik sa karayagang bahagi at ayusin ang tupi
saka plantsahing muli ang magkabilang bahagi.
6. Isabit sa hanger ang mga naplantsang damit tulad ng bestida,
pantalon, polo, at blusa.
7. Huwag iwanan ang plantsa sa ibaba ng tela o sa ibabaw ng
kabayo. Ilagay ito sa bakal na lalagyan. Kung tapos na sa
pagpaplantsa, alisin ang plug sa outlet ng kuryente. Palamigin ang
plantsa at langisan bago ito itago. Itiklop ang plantsahan.

Gawain 1: Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot.
_______ 1. Ano ang dapat gawin sa mga damit bago basain sa tubig?
a. Ibilad sa init ng araw.
b. Isampay ang mga damit.
c. Sabunin nang mabuti ng pulbos na sabon.
d. Tingnan kung may laman ang bulsa.
______ 2. Ano ang mainam na gawin sa mga puting damit?
a. Banlawan ng dalawang beses ang mga damit.
b. Isampay sa hanger ang mga damit.
c. Sabunin saka ikula o ibilad sa init ng araw.
d. Tanggalan ng mantsa ang mga damit.
_______ 3. Bakit sa malilim na lugar dapat isampay ang mga damit na may kulay?
a. Upang bumango ang mga sinampay na damit.
b. Upang hindi kumupas ang mga kulay ng damit.
c. Upang maging bago muli ang mga damit.
d. Upang maging kaakit-akit ang mga damit.
_______ 4. Ilang beses dapat banlawan ang nilalabhang damit?
a. limang ( 5 ) beses c. sampung (10) beses
b. isang ( 1 ) beses d. tatlong (3) beses
_______ 5. Alin-aling mga bahagi ng damit ang karaniwang kinakapitan ng
matitinding dumi?
a. kwelyo c. manggas
b. kilikili d. lahat ng nabanggit

Gawain 2: Panuto: Punan ang patlang upang makumpleto ang pangungusap. Piliin sa
loob ng kahon ang sagot.
malilim sabon tatlong beses de-kulay damit banlaw

1. Ibabad ang mga puting damit sa pulbos na ___________ at ikula o ibilad sa init ng araw.
2. Basain at bahagyang kusutin ang mga _______________ upang maalis ang mga dumi.
3. Ihiwalay lahat ng puti at __________________ ganun din ang kumukupas na damit upang
hindi mamantsahan ang ibang damit.
4. Baliktarin at isampay ang mga damit sa __________ na lugar upang hindi kumupas ang
mga kulay nito.
5. Banlawan ng ____________ ang mga damit na may kulay hanggang maalis lahat ng bula.
Gawain 3: Panuto: Suriin ang mga sumusunod. Isulat ang tamang sagot.
1. Anong G ang inaalis sa pamamalantsa? _____________________
2. Anong K ang ibang tawag sa plantsahan? ___________________
3. Saang O dapat alisin ang plug ng plantsa? ___________________

4
EPP 5 – Home Economics
Quarter 3-Week 2
4. Anong T ang tinitiyak sa plantsa bago magsimula? _________________
5. Anong H ang ginagamit upang isabit ang damit pagkatapos plantsahin?
_________________
Gawain 4: Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot.
Hanay A Hanay B
_____ 1. Ito ang inaalis sa damit kapag pinalantsa. A. uri ng damit
_____ 2. Ginagamit bilang patungan kung mag-paplantsa. B. gusot
_____ 3. Isang pamamaraan upang maibalik sa C. plantsa
dating hugis at ayos ang damit. D. pamamalantsa
_____ 4. Pangunahing kagamitan sa pamamalantsa. E. kabayo
_____ 5. Dito binabatay ang init ng plantsa. F. presyo ng damit

Ang mga damit na naisuot at narumihan na ay kailangang labhan. Naaalis mula sa


paglalaba ang dumi at alikabok gayundin ang mga di kanais-nais na amoy dulot ng pawis.
Magaan at maginhawa ang pakiramdam sa pagsusuot ng damit na bagong laba lalo na
ang mga damit panloob. Tumatagal ang gamit ng damit kapag nilalabhan kaya dapat
isagawa nang maayos ang paglalaba upang matiyak na malinis at maayos ang mga ito.
Ang pamamalantsa ay isang paraan ng pag-aalis ng mga gusot sa damit na nakuha dahil
sa paglalaba. Kailangang plantsahin ang damit bago isuot upang maging malinis at maayos
itong tingnan. May mga wastong paraan ng pamamalantsa na maaari nating sundin upang
mas maging maayos, tuwid at bumalik sa dating hugis at ayos ng ating mga damit.

A. Panuto: Suriin ang dalawang larawan at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa isang
malinis na papel.

1. Ano ang ipinapakita sa dalawang larawan?


2. Ano ang kahalagahan ng paghihiwa-hiwalay ng mga puting damit at may kulay?
3. Paano mo dapat pinangangalagaan ang iyong mga damit?
4. Sa paanong paraan nakatutulong sa iyo ang kasanayan sa paglalaba?
5. Anong pag-iingat ang dapat mong gawin sa tuwing isinasagawa mo ang paglalaba?

B. Panuto: Palawakin ang kaisipan. Isulat sa loob ng kahon kung ano-ano ang dahilan kung
bakit kailangan plantsahin ang damit.

Rubriks
Iskor Pamantayan
5 Maayos, maganda at angkop ang nilalaman ng sagot.
4 Maayos at maganda subalit may kakulangan ang diwa.
3 Kulang ang diwa ng sagot, mali ang paggamit ng mga bantas, malaking titik,
5
EPP 5 – Home Economics
Quarter 3-Week 2
indensyon, at iba pa.
2 Nakagawa ngunit hindi natapos ang gawain.
1 May pagkakahawig sa gawain ng iba.

I. Panuto: Isaayos ang mga hakbang ng paglalaba ayon sa wastong pagkakasunod-sunod.


Lagyan ng bilang 1-5 ang patlang sa tabi ng titik.
_____ a. Baliktarin at isampay ang mga damit sa malilim na lugar upang hindi kumupas
ang mga kulay nito.
_____ b. Banlawan ng tatlong beses ang mga damit na may kulay hanggang maalis lahat ng
bula.
_____c. Sabunin ang mga damit. Kusuting mabuti ang mga bahaging karaniwang
kinakapitan ng dumi tulad ng laylayan, kilikili, kwelyo, manggas at harapan ng
damit.
_____ d. Basain at bahagyang kusutin ang mga damit upang maalis ang mga dumi.
_____ e. Ibabad ang mga puting damit sa pulbos na sabon at ikula o ibilad sa init ng araw.

II. Panuto: Ayusin ang sumusunod na gawain ayon sa wastong hakbang ng pamamalantsa sa
palda. Isulat ang 1 para sa unang gawain at 5 para sa huling gawain.
__________ a. Ibalik sa karayagan.
__________ b. Baliktarin ang palda.
__________ c. Plantsahin mula laylayan pataas.
__________ d. Plantsahin muna ang bulsa.
__________ e. Ayusin ang pleats ng palda ayon sa tupi nito.

A. Panuto: Isulat sa mga damit ang iyong mga natutuhan sa modyul na ito sa pamamagitan
pagsagot sa tanong na nasa ibaba.

Anong katangian ko ang


Anong natutunan ko mula napaunlad ko mula sa
sa araling ito? araling ito?

Anong natutunan ko ang


maaari kong maibahagi?

JULIET C. DANGANAN
Bagong Barrio ES
Writer

Joan J. Sainz
Validator

6
EPP 5 – Home Economics
Quarter 3-Week 2
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE
CALOOCAN CITY
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
HOME ECONOMICS - GRADE 5
Pangalan: _______________________________ Baitang & Pangkat ______________
Guro: ________________________________________Petsa: ______________________

Answer Sheet
Unang Balik-
Pagsubok Tanaw Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3

10

Gawain 4 Gawain 5 Pag-alam sa Pangwakas na Pagninilay


Natutunan Pagsusulit
1

10

7
EPP 5 – Home Economics
Quarter 3-Week 2

You might also like