You are on page 1of 3

ACTIVITY SHEET IN EPP IV

QUARTER 3 WEEK 1

NAME: _________________________________________________DATE: ______________

GRADE/SECTION: ______________________________________SCORE: _____________

TEACHER: ESTRELLITA B. BEGONIA

TOPIC: Pag-aalaga ng Sariling Kasuotan

MELC: Napangangalagaan ang sariling kasuotan.

Pag-aalaga ng Sariling Kasuotan

May iba’t-ibang kasuotan tayong ginagamit sa iba’t ibang pagkakataon.


Ang damit pambahay ay dapat na maluwag at malambot para malayang
nakagagalaw ang may suot nito. Karaniwang gawa ito sa malambot na tela.
Mahalagang pangalagaan mo ang iyong kasuotan. Dapat na manatiling maayos
at malinis ang mga ito tuwing kailangan mong gamitin.
Narito ang ilang mga paraan ng wastong pangangalaga ng kasuotan.
1. Ingatan ang palda ng uniform o anumang damit na may pleats. Huwag itong
hayaang magusot sa pag-upo.
2. Huwag umupo kung saan –saang lugar nang hindi marumihan ang damit
o pantalon. Siguraduhing malinis ang lugar na uupuan.
3. Kapag namantsahan o narumihan ang damit, labhan ito agad para
madaling matanggal at hindi gaanong kumapit sa damit ang dumi o
mantsa.
4. Gumamit ng bleach para tanggalin ang dumi o mantsa. Gamitin ang
naaayon sa kulay ng damit. May mga chlorox para sa puti at bleach para
sa may kulay.
5. Magsuot ng angkop na kasuotan ayon sa gawain. Huwag gawing panlaro
ang damit na pamasok sa paaralan. Pagdating sa bahay galing sa
paaralan, hubarin kaagad ito at pahanginan.
6. Ugaliing magsuot ng tamang damit na pantulog tulad ng pajama, daster,
at short. Dapat maluwag na damit ang pantulog upang ito ay maginhawa
sa pakiramdam.
7. Kapag natastas ang laylayan ng damit, tahiin ito kaagad pag-uwi sa
bahay upang hindi ito lumaki.
8. Alagaan ang mga damit at iba pang gamit sa pamamagitan ng paglalagay
ng mga ito sa tamang lagayan.

TANDAAN NATIN :
Maraming uri ng kasuotan ang ating ginagamit. Mahalagang batid o alam
natin ang mga paraan ng pag-aalaga sa mga ito.

Gawain 1:
Panuto: Lagyan ng tsek ( /) sa patlang kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng pangangalaga ng sariling kasuotan at ekis ( x) kung hindi.

_________1. May iba’t ibang kasuotan na ating ginagamit sa iba’t ibang


pagkakataon .
__________2. Kapag namantsahan ang damit ay itapon na lang ito.
__________3. Gumamit ng gunting sa pag-alis ng mantsa ng damit.
__________4. Huwag gawing panlaro ang damit na pamasok sa paaralan.
__________5. Huwag umupo kung saan-saang lugar nang hindi marumihan ang
damit.
__________6. Gumamit ng Clorox para sa mga damit na may kulay.
__________7. Itago sa cabinet ang nagamit na damit para may maisuot muli.
__________8. Gumamit ng bleach para sa damit na kulay puti.
__________9. Ang pajama ay ginagamit na pantulog.
__________10. Maglaan ng tamang lagayan para sa mga damit.

Gawain 2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang dapat mong gawin kapag natastas ang laylayan ng iyong damit ?
SAGOT: _______________________________________________________.

2. Bakit kailangang siguraduhing malinis ang lugar na uupuan ?


SAGOT: _______________________________________________________.

3. Ano ang gagamitin mo sa pagtanggal ng mantsa ng iyong damit na may


kulay ?
SAGOT: _______________________________________________________.

4. Bakit kailangang alisin ang mantsa ng iyong damit lalo na sa mga puting
damit ?
SAGOT: _______________________________________________________.

5. Magbigay ng isang paraan kung paano mo mapapanatiling maayos ang


iyong kasuotan.
SAGOT: _______________________________________________________.

PERFORMANCE TASK
Gawin ang sumusunod
1. Tignan mo ang iyong mga pansariling kagamitan sa bahay.
2. Gamit ang tseklist na nasa baba, gawin mo ang mga ito.
3. Kung may cellphone, kunan ng picture habang ginagawa ang mga bagay na
ito o kunan ng video at ipadala sa inyong guro sa EPP.
4. Palagdaan ito sa iyong magulang.

KAGAMITAN INAYOS HINDI INAYOS


1. mga damit

2. mga sapatos

3. mga maruruming damit

4. Nilabhan ang hinubad


na panloob na damit.
( panty, brief , bra )

Para sa guro sa EPP ng anak ko.

Ito ay nagpapatunay na ginawa ng aking anak ang isinasaad sa tseklist sa


taas.
____________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

You might also like