You are on page 1of 22

4

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
HOME ECONOMICS
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Pag- aalaga ng Sariling Kasuotan
Panimula

Ang modyul ay disenyo at sinulat para sa batang katulad mo na nasa


ika-apat na baitang upang mapangangalagaan ang sariling kasuotan at
maisa-isa ang mga paraan ng pagpapanatiling malinis ng kasuotan. Ang
mga gawaing matatagpuan dito ay inaasahang makatulong sa iyo upang
lubos na maunawaan ang aralin.

Ang modyul ay naglalaman tungkol sa:

Aralin 1: Pag-aalaga ng sariling kasuotan

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:

1.a.) Maisa-isa ang mga paraan ng pagpapanatiling malinis ang


kasuotan (pagsusuot ng tamang kasuotan sa paglalaro,
pagtulog at okasyon).

b.) Makasusunod sa tamang paraan ng pagpapanatiling malinis ang


kasuotan (pagsusuot ng tamang kasuotan sa paglalaro,
pagtulog at okasyon).

2.a.) Natatalakay ng buong talino ang pangangalaga ng sariling


kasuotan (Pag-aayos ng mga simpleng sira).

b.) Naibabahagi ang sariling karansan sa pag-aayos ng mga


simpleng sira.

c.) Naisasagawa ng maayos ang mga hakbang sa pag-aayos ng


mga simpleng sira.

3.a.) Naisa-isa ang mga paraan ng pagpapanatiling malinis ang


kasuotan (mag-ingat sa pag-upo).

b.) Nakasusunod sa tamang paraan ng pagpapanatiling malinis


ang kasuotan sa mag-iingat sa pag-upo.

1
c.) Naisasagawa ang mga paraan ng pagpapanatiling malinis ang
kasuotan sa mag-iingat sa pag-upo.

4.a.) Natatalakay ng buong talino ang pangangalaga ng sariling


kasuotan (Pamamalantsa, pagtitiklop at pag-aalmerol)

b.) Naibabahagi ang sariling karansan sa pamamalantsa, pagtutupi


at pag-aalmerol

c.) Mapanatiling malinis at maayos ang kasuotan sa pamamagitan


ng pamamalantsa, pagtiklop at pag-aalmerol nang maayos

5. a.) Natatalakay ng buong talino ang pangangalaga ng sariling


kasuotan (paglalaba ng mga damit panloob at pag-aalis ng
karaniwang mantsa)

b.) Naibabahagi ang sariling karansan sa paglalaba at pag-aalis ng


mantsa

c.) Nasusunod ang mga paraan ng wastong paglalaba at pag-aalis


ng mantsa

2
Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang


titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay mga paraan sa pag-aalaga ng kasuotan


maliban sa isa?
A. paglagay ng damit sa tamang lagayan
B. itapon kahit saan pagkatapos gamitin o suotin
C. gumamit ng damit na akma o angkop ayon sa gagawin
D. ihanger ito pagkatapos gamit upang matuyo bago pa ito labhan

2. Ano ang dapat suotin kapag gusto mo maglaro at paano mo ito


mapapangalagaan habang wala kapang oras sa paglalaba?
A. gumamit ng masikip na damit habang naglalaro
B. maglaro na naka pajama o kaya’y nakapantulog na damit
C. pabayaan ito kung saan- saan kahit basang- basa ito ng pawis
D. magsuot ng pan- sports na damit at ihanger ito pagkatapos
gamitin

3. Ano ang dapat gawin kung ang laylayan ng damit ay natastas?


A. tahiin agad
B. hayaan lamang ito
C. ilagay sa basurahan
D. labhan muna bago tahiin

4. Bakit kailangan tahiin muna bago labhan ang nasirang damit?


A. para iwas sa sakit
B. para magandang tingnan
C. para hindi lumaki ang sira
D. para hindi mabaho kung tatahiin

5. Alin sa sumusunod ang HINDI dapat isaalang-alang sa pag-upo?


A. ayusin ang pleats
B. basta na lamang umupo
C. huwag masyadong malikot
D. tiyaking malinis ang uupuan

3
6. Ano ang kailangang gawin bago umupo upang hindi magusot ang
pleats ng unipormi?
A. basta nalang umupo C. ibuka ang palda
B. ayusin ang pleats ng palda D. ipapag muna ang palda

7. Bakit kailangan pagsabaysabayin ang mga damit sa


pamamalatsa?
A. para mas mabilis
B. para hindi makalat tingnan
C. para makatipid sa kuryente
D. para maging maayos ang kalalabasan.

8. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa pag-aalmerol maliban


sa isa?
A. Magpakulo ng limang tasang tubig.
B. Isampay sa liblib na lugar. Itabi sa isang kahon, kapag tuyo na.
C. Maghalo ng isang tasang almirol sa kaunting tubig at unti-unting
ibuhos sa kumukulong tubig.
D. Huwag tigilan ng paghalo upang hindi magbuo-buo ang
solusyon. Maaring dagdagan ang tubig upang makuha ang
gustong lapot.

9. Kapag namantsahan ang damit na puti. Ano ang dapat gamitin


upang matanggal ito?
A. bleach B. sabon panlaba C. chlorox D. sodium chlorite

10. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat gawin sa paglalaba ng


mga damit panloob maliban sa isa?
A. Pumili ng tamang detergent o sabon na banayad sa iyong
kamay.
B. Ibabad ito ng hanggang 30 minuto.
C. Mag-apply ng solusyon ng mantsa ng mantsa sa maruming
damit.
D. Pumili ng hindi tamang detergent o sabon na banayad sa iyong
kamay.

4
Pag-aralan

Pag-aalaga ng Sariling Kasuotan

Pagsusuot ng tamang kasuotan sa paglalaro, pagtulog at okasyon

May iba’t-ibang kasuotan tayong ginagamit sa iba’t-ibang


pagkakataon o okasyon. Ang wastong pangangalaga ng mga damit ay
isang paraan ng pagtitipid. Mahalagang batid o alam ang mga paraan sa
pag-aalaga ng mga kasuotan upang tatagal at hindi masayang ang
perang ginasta pambili ng mga ito.

Dapat panatilihing maayos at malinis ang mga kasuotan at


magagamit anumang oras na kailangang gamitin o suotin.
Nakakadagdag sa kaayusan at kumpyansa sa sarili kung malinis at
maayos ang kasuotan.

Pag-aalaga ng Kasuotan

1. Ang damit pambahay ay dapat na


maluwag at malambot para malayang
nakakagalaw ang may suot nito.
Karaniwang gawa ito sa malambot na
tela.

2. Magsuot ng angkop na kasuotan ayon


sa gagawin. Huwag gawing panlaro ang
damit na pamasok sa paaralan.
Pagdating sa bahay galing sa paaralan,
hubarin kaagad ang damit at isabit o
isampay sa lugar na mahangin.

3. Ugaliing magsuot ng tamang damit na


pantulog tulad ng pajama, daster, at
shorts. Dapat maluwag na damit ang
pantulog upang maging maginhawa ang
pakiramdam.
5
4. Magsuot ng tama at angkop na kagamitan o damit na pang sports
para sa maluwag sa pakiramdam habang nag lalaro. Pagkatapos
nang paglalaro ay hubarin agad at isampay sa mahanging lugar
upang matuyo ito.

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fjenamie.sportsw
ear%2Fposts%2Ffull-sublimation-jerseycustomized-designhigh-quality-printing-using-state-of-
the%2F10156769082458794%2F&psig=AOvVaw2g97LPs30YENJXylm2LaqK&ust=1604983447
618000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJDx9rrT9OwCFQAAAAAdAAAAABAD

5. Mag suot ng akmang damit na pormal para sa tamang okasyon


tulad ng gown, polo, pantalon, barong tagalog at mga pormal na
damit pansimba para maging presentable sa ibang tao.

6. Ilagay ang mga damit sa tamang


lagayan ng nakaayos at madaling
makita.

7. Kapag namantsahan o narumihan ang


damit, labhan kaagad ito para madaling
matanggal at hindi gaanong kumapit sa
damit ang dumi o mantsa. Gumamit ng
angkop na bleach para pantanggal ng
mantsa sa damit. May bleach para sa
puti at mayron din para sa may kulay.

8. Sa paglalaba, pagbukod-bukurin ang puti sa de kolor. Unahing


labhan ang mga puti para maiwasan ang mantsa sa makukulay na
damit.

9. Huwag itago sa lagayan ang mga damit kung basa pa. Kung hindi
malalabhan kaagad ay patuyuin muna ang damit sa mahanging
lugar o hanger.

Pag-aayos ng mga simpleng sira

Naranassan mo na bang mag-ayos ng


simpleng sira ng iyong kasuotan?
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fglitterdesign.be%
2Fen%2Fwhat-are-the-basic-hand-sewing-stitches-and-
techniques%2F&psig=AOvVaw2EaRe5M1cfzxyRKQ1-
3Ff8&ust=1604502868901000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqF

6 woTCMistp3V5uwCFQAAAAAdAAAAABAD
Paano mo ito ginawa?
Sa pagsasaayos ng simpleng sirang kasuotan gaya ng natastas na
laylayan o bahagi ng damit ay dapat tahiin kaagad ito upang hindi
lumaki.

Mag-ingat sa pag-upo

1. Huwag hayaang magusot sa pag-upo ang


palda ng uniform o anumang may pleats
2. Huwag umupo kung saan-saang lugar
nang hindi marumihan ang suot na damit
o pantalon.
3. Ingatan ang palda nang uniform o anumang
damit, huwag itong hayaang magusot sa pag upo.

Pamamalantsa, pagtitiklop at pag-aamerol


Marunong ka bang mamalansta? Paano mo ito ginawa?
Ikaw ba ang nagtiklop ng inyong mga damit?
Naranasan mo na bang mag-almerol?
Sa araling ito, tatalakayin ang mga hakbang sa pamamalantsa, pagtiklop
at pag-aalmerol para pagpapanatiling malinis at maayos ang iyong
kasuotan.

Pamamalantsa
1. Ihanda ang plantsahan. Tiyaking malinis
ang sapin nito.
2. Sa pamamalantsa ng bestida, baligtarin
ito at simulang plantsahin – bulsa,
laylayan, dugtungan, kwelyo, manggas,
balikat at likod papunta sa harap ng
bestida, pababa sa laylayan at iba pa.
3. Kung ito ay palda, magsimula sa laylayan,
dugtungan at baywang https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F
%2Flovepik.com%2Fimage-

4. Pantalon – bulsa, baywang at ang 401230496%2Fhousekeeping.html&psig=AOvVaw0c


uhlc7981QGgG-

dalawang paa.

7
Pagtitiklop
Damit:
1. Ipatong ang damit nang nakatalikod sa patag
na ibabaw.
2. Itupi ang kanang manggas.
3. Pagkatapos ang kaliwanng manggas.
4. Itupi ang ibaba paitaas.
5. Itihaya ng nakaharap na kamiseta. https://www.youtube.com/watch?v=OONRob72wW8&fbclid=
IwAR0N3ouaa7tWhjz4IXU4G_eE4S4FQolhfsmkNo8iEW6W
a20Kl1vDzwlrM1I

Pantalon:
1. Itiklop ang sa may paanan at tiyakin
magkakatugma ang mga ito.
2. Gawin muli ito mula sa taas pababa.
3. Itiklop sa huling pagakakataon
hanggang sa maghugis- parisukat.

https://www.youtube.com/watch?v=OONRob72wW8&fbclid=IwAR0N3
ouaa7tWhjz4IXU4G_eE4S4FQolhfsmkNo8iEW6Wa20Kl1vDzwlrM1I

Pag-aalmerol
1. Magpakulong limang tasang tubig.
2. Maghalo ng isang tasang almirol sa kaunting
tubig at unti-unting ibuhos sa kumukulong tubig.
3. Huwag tigilan ang paghalo upang hindi
magbuo-
buo ang solusyon. Maaring dagdagan ang tubig
upang makuha ang gustong lapot.
4. Ihalo ang solusyon sa kaunting tubig. Ilubog
muna ang ang puting kasuotan at pigain.
Tiyaking lahat ng panig ng kasuotan ay
naalmirulan.
5. Isampay sa lugar na nasisikatan ng araw. Itabi https://youtu.be/3IpOh
htEZwg
sa isang kahon, kapag tuyo na.

8
Paglalaba ng mga damit panloob at pag-aalis ng karaniwang
mantsa

Naranasan mo na bang magtanggal ng matsa ng iyong damit?


Anu- anong mga hakbang ang dapat gawin?
Pag-aaralan ang mga sumusunod

1. Ihanda ang mga gamit tulad ng


planggana.

2. Pumili ng tamang detergent o sabon https://tl.wikicell.org/limpiar-la-ropa-interior-2108

na banayad sa iyong kamay.

3. Mag-apply ng solusyon ng mantsa ng


mantsa sa maruming damit. Hindi ka
dapat maglagay ng marumi na damit
sa hugasan nang hindi muna ito
gamitin, dahil maaaring ayusin ng tubig
ang mga mantsa. Pagwilig ng mantsa,
tulad ng Shout, Oxi Clean o iyong
paborito, sa marumi na lugar at https://tl.wikicell.org/limpiar-la-ropa-
interior-2108
hayaang umupo ito ng humigit-
kumulang 30 minuto.

Maglagay ng isang pakurot ng asin


sa damit na panloob ng dugo at ilagay ito
sa ilalim ng malamig na tubig. Bago
hugasan ang damit na panloob na may
mantsa ng dugo, kuskusin ang isang https://tl.wikicell.org/limpiar-la-ropa-
interior-2108
pakurot ng asin sa mantsa.

Pagkatapos, ipasa ang mantsa na


lugar sa ilalim ng isang jet ng malamig
na tubig upang alisin ang mas maraming
dugo hangga't maaari. Ang asin ay
gumagana upang alisin ang dugo,
habang ang malamig na tubig ay https://tl.wikicell.org/limpiar-la-ropa-
interior-2108

9
naglalabas nito mula sa tela. Huwag gumamit ng maligamgam na
tubig upang maalis ang mga mantsa ng dugo, dahil naayos ito at
imposibleng alisin.

4. Kunin at ihanda ang lahat ng damit panloob at pag hiwalayin ito


ayon ,fklfjhdxvwqjsa uri ng tela at sa kulay.
5. Maglagay ng maligamgam na tubig at lagyan ito ng sabon,
6. Ibabad ito ng hanggang 30 minuto.
7. Kusutin ito ng may katamtamang lakas at
ayon sa uri ng tela nito.
8. Banlawan ito ng tatlo o hanggang limang
beses,
9. Isampay ato ayon sa uri ng damit
panloob hanggang matuyo https://tl.wikicell.org/limpiar-la-ropa-
interior-2108

Mga Gawaing Pampagkatuto

Gawain 1
Panuto A : Lagyan ng masayang mukha ang kolumn sa kanan kung
tama ang pag-aalaga ng damit at malungkot na mukha
kung hindi.

MGA PARAAN SA PAG AALAGA NG KASUOTAN SAGOT


1. Alagaan ang mga damit at iba pang gamit sa
pamamagitan ng paglalagay ng mga ito sa tamang
lalagyan.
2. Itapon kahit saan at hayaang nakakalat ang mga
hinubad na damit.
3. Ugaliing magsuot ng tamang damit na pantulog.
Dapat maluwag ito upang maginhawa ang iyong
pakiramdam.
4. Ang gown, polo at pantalon ay mga damit na
ginagamit sa okasyon.
5. Magsuot nang angkop na damit para sa pag lalaro.

10
Panuto B: Pasunod- sunurin ang sumusunod na sitwasyon at lagyan ng
letra (a-e) ang mga ito sa sagutang papel.
__1. Isinuot ni Edwin ng pang- sports na damit para maglaro ng
basketball.
__2. Naisip niya na maglaro kaya hinubad ni Edwin and kanyang
uniporme at isinabit ito sa hanger.
__3. Pagkapos niyang maglaro, isinampay niya ang kanyang damit
para matuyo.
__4. Nagsuot siya ng damit na maluwag at presko sa pakiramdam para
makapagpahinga.
__5. Kinuha ni Edwin ang kanyang unipormi sa tukador para sa
paghahandang pumasok sa paaralan.

Gawain 2
Panuto A : Isulat sa sagutang papel ang KG kung ito ay nag sasaad ng
kaaya-ayang gawain at DKG naman kung di- kaaya-ayang
gawain sa pag-aalaga ng mga simpleng sira.

________1. Gumamit ng kulay ng sinulid na naayon sa tela.


________2. Hinayaan lamang ni Celo ang natastas na mangas ng
kanyang damit sa kakalaro.
________3. Tahiin agad ang natastas na laylayan.
________4. Natanggal ang manggas ng pulang damit ni Rose Jane,
gumamit siya ng dilaw na sinulid sa pagtahi.
________5. Nakita ni Mica na natanggal ang butones ng unipormi niya
agad niya itong inayos.

Panuto B : Isulat ang iyong karanasan at ang mga hakbang sa pagsasa-


ayos ng mga simpleng sira .
_____________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
____________________________________________.

11
Rubriks

Puntos Batay ng kapasyahan


5 Naipaliwanang ng maayos ang sariling karanasan at mga
hakbang sa pagsasaayos ng mga simleng sira
4 Naipaliwanang ang sariling karanasan at mga hakbang sa
pagsasaayos ng mga simleng sira
3 Hindi masyadong naipaliwanang ang mga karanasan at mga
hakbang sa pagsasaayos ng mga simpleng sira

Gawain 3
Panuto A : Lagyan ng tsek () kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
katotohanan tungkol sa pag-ingat sa pag-upo at ekis (x)
naman kung hindi.

________1. Huwag hayaang magusot sa pag-upo ang palda ng uniform


o anumang may pleats at huwag umupo kung saan-saang
lugar nang hindi marumihan ang damit. Siguraduhing
malinis ang lugar na uupuan.

________2. Basta na lang umupo kung saan-saang lugar.

________3. Dapat ibuka ang palda.

________4. Ayusin ang pleats ng palda.

________5. Ipagpag muna ang palda.

Panuto B : Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel batay sa


sa pagkasusunod at pagsasagawa ng mga paraan ng
pagpapanatiling malinis ang kasuotan sa mag-iingat sa
pag-upo.

1. Suot ni Janicah ang kanyang unipormi, ano ang tamang gagawin


niya bago uupo?
a. basta na lamang uupo
b. siguraduing malinis ang uupuan.
c. uupo ng nakapatong din ang mga paa

12
2. ang mga sumusunod ay mga tamang paaran para mapanatiling
maayos ang kasuotan maliban sa?
a. dapat ibuka ang palda
b. ayusin ang pleats ng palda
c. huwang na basta na lang umupo kung saan-saang lugar

3. Sinigurado ni Ashley na bago umupo ay malinis ang kanyang


uupuan, ano sa palagay mo ang susunod niyang gagawin?
a. basta na lamang siya uupo at hayaang ang palda na
magkagusot- gusot
b. hindi na lamang siya uupo at ipinatong niya ang kanyang paa sa
upuan
c. inayos niya ang pleats ng kanyang palda upang hindi ito
magkagusot-gusot

4. Nanuod ng larong volleyball sina Matilda at ang mga kaibigan niya,


ano ang dapat nilang gawin gayung ang bakanteng upuan na
lamang ay marurumi?
a. umupo na lamang sila ng nakatalungko
b. basta na lang silang umupo kahit marumi
c. kumuha sila ng scratch paper para pang sapin sa upuan

5. Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang alang sa mag-ingat sa


pag-upo?
a. malinis na upuan b. ang kausap c. ang lugar

Gawain 4
Panuto A : Iguhit ang puso ( ) (kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng katotohanan tungkol sa pag-aalaga ng sariling kasuotan
at bilog ( ) naman kung hindi.

1. Hayaang nakakalat ang nilabhang damit.


2. Plantsahin ang damit upang maaalis sa mga lukot na dulot ng
paglalaba at bumalik ito sa dating hugis at anyo.
3. Sunding mabuti ang mga hakbang sa pag-aalmerol.
4. Mahalaga na plantsahin ng sabay-sabay ang mga uniporme at
iba pang mga damit upang makatipid sa kuryente.

13
5. Isabit sa hanger ang mga uniporme at ang mga panloob na
damit.

Panuto B : Sa gabay ng inyong mga magulang gawin ang


pamamalantsa, pagtitiklop at pag- aalmerol at isulat ang
inyong karanasan.

_____________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
____________________________________________.

Rubriks

Puntos Batay ng kapasyahan


5 Tatlong gawain ang naisasagawa at naibabahagi ng
maayos
4 Dalawang gawain lamang ang naisasagawa at
naibabahagi ng maayos
3 Isang gawain lamaang ang naisasagawa at naibabahagi
ng maayos

Gawain 5
Panuto: Lagyan ng tsek () kung itoy karaniwang ginagawa sa pag
lalaba ng damit panloob at ekis (x) naman kung hindi. Isulat
ang sagot sa ka bukod na papel.

Mga Paraan sa paglalaba ng mga damit panloob at pag Sagot


aalis ng karaniwang mantsa
1.Pumili ng tamang detergent o sabon na banayad sa iyong
kamay.
2.Mag-apply ng solusyon ng mantsa ng mantsa sa maruming
damit. Hindi ka dapat maglagay ng marumi na damit sa
hugasan nang hindi muna ito gamutin, dahil maaaring ayusin
ng tubig ang mga mantsa. Pagwilig ng mantsa, tulad ng Shout,
14
Oxi Clean o iyong paborito, sa marumi na lugar at hayaang
umupo ito ng humigit-kumulang 30 minuto.
3.Kunin at ihanda ang lahat ng damit panloob at pag hiwalayin
ito ayon sa uri ng tela at sa kulay.
4.Maglagay ng maligamgam na tubig at lagyan ito ng sabon,
5.Ibabad ito ng hanggang 30 minuto

Panuto B : Isulat ang sariling karanasan at mga hakbang sa pag-lalaba


at pag-aalis ng matsa

_____________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
____________________________________________.

Rubriks

puntos Batay ng kapasyahan


5 Naipaliwanang ng maayos ang sariling karanasan at mga
paraan ng wastong paglalaba at pag-aalis ng mantsa.
4 Naipaliwanang ang sariling karanasan at mga paraan ng
wastong paglalaba at pag-aalis ng mantsa.
3 Hindi masyadong naipaliwanang ang karanasan at mga
paraan ng wastong paglalaba at pag-aalis ng mantsa.

14
15
15
Repleksyon

Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan tungkol sa iyong
natutunan sa pag-aalaga ng sariling kasuotan. Isulat ang iyong
sagot sa ka bukod na papel.

Ang natutunan ko…


3 Bagay na 1. _______________________________________
2. _______________________________________
natutunan
3. _______________________________________

Ang bagay na nakapukaw sa aking interes ay…


2 Bagay na 1. _______________________________________
nakapukaw
2. _______________________________________
ng interes

Kailangan ko pang matutunan ang…


1 Bagay na
1. _______________________________________
nakapagpalito

14
16
Panapos na Pagtataya

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap bilugan ang titik


ng napiling sagot, isulat ang sagot sabukod na papel

1. Alin sa sumusunod ang HINDI dapat isaalang-alang sa pag-upo?


A. ayusin ang pleats
B. basta na lamang umupo
C. huwag masyadong malikot
D. tiyaking malinis ang uupuan

2. Kapag namantsahan ang damit na puti. Ano ang dapat gamitin


upang matanggal ito?
A. bleach B. sabon panlaba C. chlorox D. sodium chlorite

3. Bakit kailangan tahiin muna bago labhan ang nasirang damit?


A. para iwas sa sakit
B. para magandang tignan
C. para hindi lumaki ang sira
D. para hindi mabaho kung tatahiin

4. Ano ang dapat suotin kapag gusto mo maglaro at paano mo ito


maapangalagaan habang wala kapang oras sa paglalaba?
A. Gumamit ng masikip na damit habang naglalaro
B. Maglaro na naka pajama o kaya’y nakapantulog na damit
C. Pabayaan ito kung saan- saan kahit basing- basa ito ng pawis
D. Magsuot ng pan- sports na damit at Ihanger ito pagkatapos
gamitin

5. Ano ang kailangang gawin bago umupo upang hindi magusot ang
pleats ng unipormi?
A. basta nalang umupo C. ibuka ang palda
B. ayusin ang pleats ng palda D. ipapag muna ang palda

14
17
6. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa pag-aalmerol maliban
sa?
A. Magpakulong limang tasang tubig.
B. Kung ito ay palda, magsimula sa laylayan, dugtungan at
baywang.
C. Maghalo ng isang tasang almirol sa kaunting tubig at unti-unting
ibuhos sa kumukulong tubig.
D. Huwag tigilan ng paghalo upang hindi magbuo-buo ang
solusyon. Maaring dagdagan ang tubig upang makuha ang
gustong lapot.

7. Ano ang dapat gawin kung ang laylayan ng damit ay natastas?


A. tahiin agad C. ilagay sa basurahan
B. hayaan lamang ito D. laban muna bago tahiin

8. Ang mga sumusunod ay mga paraan sa pag-aalaga ng kasuotan


maliban sa isa?
A. paglagay ng damit sa tamang lagayan
B. itapon kahit saan pagkatapos gamitin o suotin
C. Gumamit ng damit na akma o angkop ayon sa gagawin
D. ihanger ito pagkatapos gamit upang matuyo bago pa ito labhan

9. Bakit kailangan pagsabaysabayin ang mga damit sa


pamamalatsa?
A. para mas mabilis
B. para hindi makalat tignan 17
C. para makatipid sa kuryente
D. para maging maayos ang kalalabasan.

10. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat gawin sa paglalaba ng


mga damit panloob maliban sa isa:
A. Ibabad ito ng hanggang 30 minuto.
B. Mag-apply ng solusyon ng mantsa ng mantsa sa maruming
damit.
C. Pumili ng tamang detergent o sabon na banayad sa iyong
kamay.
D. Maghalo ng isang tasang almirol sa kaunting tubig at unti-unting
ibuhos sa kumukulong tubig.
14
18
19
14
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 4
Paunang
Pagtataya A. A. A.
1.
1. b 1. KG 1. /
2. d 1.
2. DKG 2. x 2.
3. a 2. 3. KG 3. x
4. c 4. / 3.
3. 4. DKG
5. b 5. /
6. b 5. KG B. 4.
4.
7. c 1.a
8. b 5. B. 5.
9. a 2.a
10.d B. Maaaring B.
magkakaib 3.c
1. c
a ng mga Maaaring
2. b 4.c
3. d sagot magkakaib
4. e 5.a a ng mga
5. a sagot
Gawain Panapos
1. / na
2. x Pagtataya
3. x
4. / 1. b
5. / 2. a
3. c
B. 4. d
5. b
6. b
Maaaring
7. a
magkakaiba 8. b
ng mga 9. c
sagot 10.b
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian

Aklat:

Dolores M. Lavila, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera, 2019 Edukasyong


Pantahanan at Pangkabuhayan 4: Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City, Philippines:
Department of Education-Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR), Binagong Edisyon.
FEP Printing Corporation, pp. 221-226

Websites:

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fjenamie.sp
ortswear%2Fposts%2Ffull-sublimation-jerseycustomized-designhigh-quality-printing-using-
state-of-
the%2F10156769082458794%2F&psig=AOvVaw2g97LPs30YENJXylm2LaqK&ust=160498
3447618000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJDx9rrT9OwCFQAAAAAdAA
AAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fglitterdesign.be%2Fen%2Fwhat-
are-the-basic-hand-sewing-stitches-and-
techniques%2F&psig=AOvVaw2EaRe5M1cfzxyRKQ1-
3Ff8&ust=1604502868901000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCMistp3V5u
wCFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.youtube.com/watch?v=OONRob72wW8&fbclid=IwAR0N3ouaa7tWhjz4IXU4G_e
E4S4FQolhfsmkNo8iEW6Wa20Kl1vDzwlrM1I
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Flovepik.com%2Fimage-
401230496%2Fhousekeeping.html&psig=AOvVaw0cuhlc7981QGgG-
XKGxdnS&ust=1604463192174000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCLjw1K
zB5ewCFQAAAAAdAAAAABAP
https://youtu.be/3IpOhhtEZwg
https://tl.wikicell.org/limpiar-la-ropa-interior-2108
Mga site:
https://wamaunderwear.com/blogs/news/hand-wash-underwear-sustainably
https://tl.wikicell.org/limpiar-la-ropa-interior-2108
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/15146
https://drive.google.com/drive/folders/0B6kOzc2ceZC5NENTQlBiekJyNFE

https://www.slideshare.net/EduardoBarrettoSrES/he-6-lesson-4

http://www.authorstream.com/Presentation/andrieericasmend-1874368-ang-pamamalantsa-
damit/

https://www.youtube.com/watch?v=OONRob72wW8&fbclid=IwAR0N3ouaa7tWhjz4IXU4G_e
E4S4FQolhfsmkNo8iEW6Wa20Kl1vDzwlrM1I

14
20
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon ng Caraga
Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Surigao
Tagapamanihalang Pansangay: Karen L. Galanida
Kawaksing Tagapamanihalang Pansangay: Florence E. Almaden

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Grazel G. Cabesas, Jesha F. Abarca


Editor : Mariannie A. Morales, Fritzie B. Ignalig
Tagasuri : Vilma L. Gorgonio, Zosimo H. Lopez Jr., Mariannie A. Morales,
Fritzie B. Ignalig, Carol B. Ortiz
Tagalapat : Carol B. Ortiz
Tagapamahala : Karen L. Galanida
Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Elizabeth S. Larase
Noemi D. Lim
Vilma L. Gorgonio
Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod Surigao
Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines

Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931


E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

14

You might also like