You are on page 1of 8

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4


Industrial Arts, Kwarter 3, Ikalawang Linggo

Pagleletra, Pagbuo ng Linya at Pagguhit

Layunin

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:

Naisasagawa ang pagleletra, pagbuo ng linya at pagguhit


1. nakikilala/natutukoy ang mga uri ng letra at linya
2. nakasusulat ng iba’t ibang istilo ng pagleletra at;
3. nakaguguhit ng ibat ibang uri ng linya.

Pag-aralan

Ang pagleletra ay malayang ginagawa upang makabuo ng mga


letra at numero sa pamamagitan ng kamay. May iba’t ibang uri ng letra.
Sa bawat uri nito ay may iba’t ibang disenyo at gamit. Ang gamit nito ay
naaayon din sa paggagamitan nito. May mga letrang simple at may
komplikado ang disenyo. Halimbawa nito ay ang pagleletra sa pangalan
ng mga establisamyento tulad ng bangko, supermarket, palengke,
paaralan, simbahan at mga gusali upang ito ay makilala.

1
Pag-aralan ang iba’t ibang uri ng letra. Pansinin ang pagkakaiba
ng bawat isa.
1. Century Gothic- ang pinakasimpleng uri ng letra ginagamit sa mga
ordinaryong disenyo. Ito ay tinatag noon sa pagitan ng 1956 at 1962.
Ito ay rekomendado sa paggawa ng pagtatalang taknikal. Ito ang
uring pinakagamitin dahil ito ay simple, walang palamuti o
dekorasyon, at ang mga bahagi ay magkakatulad ng kapal.

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx
Yy Zz

2. Times New Roman- may pinakamakapal na bahagi ng letra. Ito ay


ginawang kahawig sa mga sulating Europeo.

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu
Vv Ww Xx Yy Zz

3. Script MT- noong unang panahon ito ay ginagamit na pagleletra sa


Kanlurang Europa. Ito ay ginagamit sa pagleletra ng Aleman. Kung
minsan ito ay tinatawag na “Old English.”

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww
Xx Yy Zz

4. Old English Text- ito ang mga letrang may pinakamaraming palamuti.
Ginagamit ito sa mga sertipiko at diploma.
Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu
Vv Ww Xx Yy Z

Kilalanin at pag-aralan ang mga alpabeto ng linya. Ito ay ginagamit


upang makabuo ng isang larawan katulad ng ortograpiko at
sometrikong drowing.

2
Mga Alpabeto ng Linya

1. Linyang Panggilid o Border Line – ang pinakamakapal o


pinakamaitim na guhit.

2. Linyang Nakikita o Visible Line – ay para sa nakikitang bahagi ng


inilalarawang bagay.

3. Linyang Di-Nakikita o Invisible Line – ay nagpapakita ng


natatakpang bahagi ng inilalarawang bagay.

4. Linyang Panggitna o Center Line – ay nagpapakita ng axis o


gitnang mga hugis simetrikal tulad ng washer, gear at rimatse.

5. Linyang Pasudlong o Extension Line- ay ipinakikita ang


pagkakatapat ng tanawin at hangganan ng mga sukat ng
inilalalarawang bagay.

6. Linyang Panukat o Dimension Line – ay nagpapakita ng kapal,


lapad at haba ng larawan.

7. Linyang Panturo o Leader Line – ay nagpapakita ng sukat o bahagi


ng isang bagay.

8. Linyang Pantukoy o Reference Line – ay tumutukoy ng isang


bahagi ng inilalarawang bagay.

9. Ang Long Break Line – ay nagpapakita ng pinaikling bahagi ng


isang mahabang bagay na inilalarawan.

10. Linyang Pambahagi o Section Line – ay linyang ginagamit sa


paghahati ng seksiyon.

3
Mga Gawaing Pampagkatuto

Gawain 1
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng linya at pagleletra ang ipinapakita
sa bawat larawan. Piliin sa loob ng kahon ang sagot at isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Century Gothic D. Times New Roman


B. Script MT E. Old English Text
. C. Linyang Pantukoy F. Long Break Line

1. 2.

https://www.google.com/maps/@9.7877232,125.4952384,3a,75
https://www.pinterest.ph/pin/294000681908848507/
y,197.19h,94.23t/data=!3m6!1e1!3m4!1sYD5vyOCgSlmJkFc0l6f
7QA!2e0!7i13312!8i6656

3. 4.

Marajaw Karajaw
Surigao!

5.

4
Gawain 2
Panuto: Gayahin at isulat muli ang mga sumusunod na salita ayon sa
ginamit na istilo ng pagleletra nito.

1. (Istilong Gothic) EDUKASYON __________________________

2. (Istilong Roman) SURIGAONON _________________________

3. (Istilong Script MT) PILIPINAS _______________________

4. (Istilong Old English Text) MASIPAG _________________

5. (Istilong Gothic) PAGLELETRA ___________________________

Gawain 3
Panuto: Iguhit ang mga sumusunod na alpabeto ng linya.

1. Linyang Pambahagi o Section Line

Sagot: __________________

2. Long Break Line

Sagot: __________________

3. Linyang Pantukoy

Sagot: __________________

4. Linyang Panturo o Leader Line

Sagot: ___________________

5. Linyang Panukat o Dimension Line

Sagot: ___________________

5
Repleksyon

Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan tungkol sa


pagleletra. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel .

Ang natutunan ko…


3 Bagay na 1. _______________________________________
2. _______________________________________
natutunan
3. _______________________________________

Ang bagay na nakapukaw sa aking interes ay…


2 Bagay na 1. _______________________________________
nakapukaw
2. _______________________________________
ng interes

Kailangan ko pang matutunan ang…


1 Bagay na
1. _______________________________________
nakapagpalito

6
7
Gawain 1 Gawain 2
1. A 1. EDUKASYON
2. E 2. SURIGAONON
3. B 3. PILIPINAS
4. F 4. MASIPAG
5. C 5. PAGLELETRA
Gawain 3 Repleksyon
Mga Posibleng Sagot:
3 Bagay na Natutunan Ko:
1.
 Ibat ibang uri ng pagleletra
 Ibat Ibang uri ng linya at guhit
2.  Kahalagahan ng pagleletra, mga
linya at guhit.
3. 2 Bagay na Nakapukaw ng Interes ko:
 Pagsulat ng iba’t ibang uri ng
pagleletra.
4.  Pagguhit ng iba’t ibang linya at
5. guhit
1 Bagay na Nakapagpalito
 Pagsulat gamit ang istilong Text ng
pagleletra.
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian
Aklat:
Dolores M. Lavila, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera, 2015 Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan 4: Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City, Philippines:
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat,Unang Edisyon. Vibal
Group, Inc. Philippines, pp. 462-468.

Websites:

https://www.google.com/maps/@9.7877232,125.4952384,3a,75y,197.19h,94.23t/data=!3m6!
1e1!3m4!1sYD5vyOCgSlmJkFc0l6f7QA!2e0!7i13312!8i6656
https://www.pinterest.ph/pin/294000681908848507/
https://www.youtube.com/watch?v=qCjcbZQpdl0
https://onextrapixel.com/the-psychology-of-fonts/

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon ng Caraga


Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Surigao
Tagapamanihalang Pansangay: Karen L. Galanida
Kawaksing Tagapamanihalang Pansangay: Florence E. Almaden

Bumuo sa Pagsusulat ng Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto

Manunulat : Jason V. Macasa


Editor : Meyrabe A. Clerigo
Tagasuri : Vilma L. Gorgonio, Zosimo H. Lopez Jr.
Tagaguhit : Carol B. Ortiz
Tagapamahala : Karen L. Galanida
Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Elizabeth S. Larase
Noemi D. Lim
Venus M. Alboruto
Vilma L. Gorgonio
Zosimo H. Lopez Jr.

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod Surigao


Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines

Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931


E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

You might also like