You are on page 1of 11

4

Edukasyon sa
Pagpapakatao 4
Ikatlong Markahan–Modyul 7:
Mag-Recycle ang Lahat Para sa Magandang Bukas

1
NAME:_________________________________________________

Subukin

Isinama ni Lola Maria si Eden sa lumang tahanan nila sa Bataan dahil laki sa
Maynila ay nainip si Eden at naghanap ng pagkakaabalahan . Nagawi siya sa isang
silid na maraming nakaimbak na mga luma at patapong bagay. Nakakita siya ng
mga istraw , bote at diyaryo.

Nanghiram siya ng pandikit at gunting sa kaniyang Lola Maria .

Matutulungan mo ba si Eden na makapag-isip ng isang bagay na maaaring gawin


gamit ang mga bagay na kaniyang nakita ? Iguhit sa ibaba ang naiisip mong
maaring magawa mula sa mga bagay na natagpuan ni Eden.

2
AralinMagrecycle
1 ang Lahat Para sa Magandang Bukas

Ang tunay na nagmamalasakit na bansa ay nagrerecycle. Ang matitinding pagbaha


na ating naranasan at nagpapahirap sa atin ay malaking bahagi ng maling
pagtatapon ng basura. Ang mga basurang hindi nabubulok katulad ng plastik, bote,
lata at styrofoam ay nakakaperwisyo sa anumang uri ng anyong tubig. Nakasalalay
sa ating karunungan sa muling paggamit ng mga patapong bagay ang ating
kinabukasan. Handa ka bang tumulong upang muling bumalik ang sigla ng ating
Inang Kalikasan?
Balikan
Mamumulot ng kalat ang magkaibigang Ben at Tanya. Si Tanya ang naatasang
pumulot ng mga basurang nabubulok at si Ben naman ang pupulot ng mga
basurang di-nabubulok. Tulungan mo silang makarating sa basurahang may
nakalimbag na angkop na kanilang pagtatapunan.

3
Tuklasin
Basahin at unawain ang kuwentong “Yehey! Kami ang Nagwagi”. Pagkatapos ay
sagutin ang mga katanungan tungkol dito.

“Yehey! Kami Ang Nagwagi”

Tatay! Nanay! Humahangos si Ana papalapit sa kanyang mga magulang. Sabay


na napalingon si Mang Poldo at Aling Lydia sa tumatakbong bunso. Narinig po ba
ninyo ang pagbabando ng mga opisyales ng ating barangay? Humihingal na wika
ni Ana. Bagamat narinig ng magasawa ang pagbabandong sinasabi ni Ana ay sabay
silang umiling sapagkat naaaliw sila sa katabilan ng kanilang bunsong anak. Ano
ba ang nabanggit sa pagbabando Ana?
Magkakaroon po Tatay ng patimpalak sa pagrerecycle na proyekto

po ng ating barangay upang may mapaglibangan daw ang bawat pamilya kahit
ngayong pandemya. Ang magwawagi ay magkakamit ng tatlong libong piso.
Pinag-aralan na po namin ang pagrerecycle o ang pag-iisip po ng

kapakipakinabang na gamit mula sa mga bagay na dapat ay itatapon na.


Alam ninyo po bang ang pagrerecycle ay mabisang paraan upang maiwasan ang
pagbaha at polusyon at kung lahat po tayo ay magrerecycle tuwi-

tuwina ay napakagandang kinabukasan po ang naghihintay sa


ating lahat.
Siya nga po pala di ba’t noon naglinis tayo ay may mga naitabi po tayong mga bote,
lata, plastik at mga lumang gulong ng sasakyan?

Ang mga bote po ay maaari nating gawing flower vase, babalutin

4
lamang po natin ito ng mga lumang diyaryo at kukulayan. Ang mga lata siguro
po ay maari naman nating gawing sisidlan katulad ng paso o kaya naman ay
lalagyan ng aking mga ipit o abubot, ang mga lumang gulong

naman po tatay, ay maari nating idisenyo ng iba’t-ibang hugis tulad ng


palaka, tasa, at gagawin nating taniman ng halaman.
Napahalakhak ang mag-asawa sa mahabang paliwanag ni Ana.
“Naku, mukhang wala na ata kaming maiaambag Ana at nasabi mo na ang lahat
tungkol sa patimpalak, kung gayon mamayang makakain ng tanghalian ay simulan
na natin ang mga ideya mo Ana,” naaaliw na wika ni Mang Poldo.

Dumating ang takdang araw ng pagpapahayag nang nagwagi. Pupuntahan na


lamang daw ng Kapitan sa tarangkahan ang nagwagi sa patimpalak.

Tao po! Tao po! May tumatawag sa tarangkahan nila Ana. Dumungaw ang tatay
sa pintuan “Kayo po pala Kapitan”, masayang wika ni Mang Poldo.

Sukat sa narinig ay lumundag si Ana, “Yehey! Kami ang nagwagi.” Malakas na


nagtawanan ang kanyang buong pamilya.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan ukol sa binasang kuwento

1. Sino ang pangunahing tauhan ng kuwento?


2. Anong patimpalak ang isinagawa sa barangay nila Ana?
3. Ano ang pagrerecycle ayon kay Ana?
4. Ano ang nagagawa ng pagrerecycle sa ating mundo ayon kay Ana?
5. Ano naman daw ang naidudulot ng maling pagtatapon ng basura ayon sa kaniya?

5
Gumawa ng isang kampanya sa pagrecycle ng basura sa pamamagitan ng isang
islogan.
Halimbawa: “Pagreresiklo ay ugaliin, magandang bukas ay ating kakamtin”.

6
Anong mga produkto ang maaaring magawa sa mga sumusunod na patapong
bagay? Iguhit ang iyong sagot sa loob ng kahon.

7
8
Tayahin
Kumpletuhin ang pangungusap sa ibaba. Pagnilayan bakit dapat sundin ang
pagrerecycle. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

1. Gawin ang pagrerecycle sapagkat ito ay paraan upang maisalba ang ating
_____________________________.

2. Ang pagrerecycle ay ginagawa upang muling maging kapaki-


pakinabang ang mga ___________________________ .

3. Ang mga patapong mga bagay na puwedeng-puwede pang


mapakinabangan na naitatapon sa mga estero, kanal at iba pang anyong tubig ay
nagiging sanhi ng matinding ___________________________.

4. Ang mga basura sa kusina katulad ng


_________________________, balat ng gulay at prutas at bituka ng
isda ay maaaring ibaon sa lupa upang gawing pataba ng mga halaman.

9
5. Maaaring makabuo ng produktong kapaki-pakinabang mula sa
mga patapong bagay katulad ng mga lumang diyaryo o magasin, mga
plastik na bote at ______________________________.

Karagdagang Gawain

Tumingin ka sa paligid ng inyong tahanan ng tatlong bagay na


puwedeng irecycle. Iguhit ang iyong natagpuan sa iyong sagutang papel

10
Susi sa Pagwawasto

11

You might also like