You are on page 1of 19

4

Arts 4
Quarter 3 – Week 1-4

Tekstura, Contrast ng
Pakurba at Tuwid na Linya
at Relief Printing
MAPEH (Sining) – Ika-apat na Baitang Learning
Activity Sheet
Ikatlong Markahan – Week 1-4: Tekstura, Contrast ng Pakurba at Tuwid na Linya at Relief
Printing

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Bumuo sa Pagsusulat ng GLAS

Manunulat: Kimberly R. Garcia


Mga Editor: Maria Teresa C. Perez
Bobby L. Isip
Tagasuri: Charito D. Corpus
Phoebe V. Concepcion
Tagaguhit: Kimberly R. Garcia
Tagalapat: Kimberly R. Garcia Layout
Evaluator:
Cover Designer: Paul Marion R. Vallentos

Tagapamahala: May B. Eclar, PhD,CESO III


Roda T. Razon,PhD ,CESO V
Librada M. Rubio,PhD,Chief-CLMD
Ma.Editha R. Caparas,EdD,EPS-LRMS
Engelbert B. Agunday,EdD,EPS-MAPEH
Rosauro M. Perez, EdD, EPS-MAPEH
Lily Beth B. Mallari, EPS-LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address : Matalino St., Government Center, Maimpis , City of San Fernando, Pampanga
Telefax : (045) 598-8580 to 89
E-mail Address : region3@deped.gov.ph
I. Alamin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. mapalawak ang kaalaman sa tekstura ng mga bagay
2. mailarawan ang mga katangian ng tekstura sa mga bagay
3. makagawa ng isang disenyong panggilid gamit ang mga bagay na may iba’t ibang tekstura
4. makalikha ng isang sining at naipapakita ang paulit-ulit, at pasalit-salit na disenyo sa
pamamagitan ng contrast
5. makalikha ng relief prints na may ethnic motif design sa pamamagitan ng paguulit, pasalit-
salit o radial na ayos
6. makabuo ng isang disenyong paglilimbag (relief master) sa pamamagitan ng pagdaragdag
at pagbabawas na pamamaraan.
7. makalikha ng isang simple at kakaibang relief mula sa disenyong gawa sa luwad.

II. Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat bilang. Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa
Hanay A. Isulat sa patlang ang titik ng sagot.
Hanay A
Hanay B
____1. Ito ay binubuo ng mga hugis at linya. Makikita ang
mga disenyong ito sa maraming bagay tulad ng banga, tela, sarong, A. Pilipino
damit, malong, cards, at iba pa.
____2. Ang mga basket, banig, at bag na yari sa materyal na ito ay B. yantok
may matigas at magaspang na tekstura.
____3. Ito ay mga disenyo, letter print, slogan, o logo na
makikita sa mga papel, tela, tarpaulin at iba pang materyales upang C. tekstura
hindi paulit-ulit ang pagguhit o pagpinta
____4. Ito ay nagpapakita ng linyang hindi gumagalaw dahil D. contrast
nagpapahiwatig din ito ng kapayapaan, kalungkutan, kaayusan,
katatagan, at iba pa.
____5. Marami sa mga produktong gawa ng mga E. inuulit na tuwid
Pilipino ang kinakalakal sa ibang bansa at ang mga ito ay na linya
nagugustuhan nila dahil sa ganda at tibay ng mga ito.
____6. Ito ay maaaring makinis, madulas, makapal, mapino, F. inuulit na pakurbang
mabako, manipis, o magaspang. linya
____7. Ito ay nagpapakita ng pinagsamang gumagalaw at h indi
gumagalaw na linya. G. etnikong motif
____ 8. Ito ay halimbawa ng linyang gumagalaw.
Nagpapakita ito ng aksiyon, kasiglahan o kalikutan
____ 9. Naipapakita ito sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit, pagsasalit H. inuulit na pakurba at
-salit ng mga hugis at kulay at sa paggamit ng tuwid na linya
mga linyang tuwid at pakurba, paputol-putol at patuldok tuldok,
parisukat at pabilog, at iba pa. I. relief prints
____10. Karaniwang naipapakita nila sa kanilang mga
gawang produkto ang iba’t ibang disenyo na nagpapakilala sa
lugar o pangkat na kinabibilangan nila.
J. dayuha

3
Aralin Tekstura, Contrast ng
1 Pakurba at Tuwid na Linya
at Relief Printing

III. Tuklasin
Karaniwang naipapakita ng mga Pilipino sa kanilang mga gawang produkto
ang iba’t ibang disenyo na nagpapakilala sa lugar o pangkat na
kinabibilangan nila. Marami sa mga produktong ito ang kinakalakal sa ibang
bansa at ang mga ito ay nagugustuhan ng mga dayuhan dahil sa ganda at
tibay ng mga ito.

IV. Suriin
Tekstura (Texture)
Ilan sa mga produktong Pilipino:

https://pixabay.com/photos/baskets-craft-sales-stand-3339638/ https://pixabay.com/photos/fabric-wool-textile-texture-1031932/

Iba’t ibang tekstura ang taglay ng mga produktong ito. Basket, banig, at
bag na yari sa yantok ay may matigas at magaspang na tekstura. Ang
ibang bag naman ay may teksturang malalambot at makinis. Ang tekstura
ay maaaring makinis, madulas, makapal, mapino, mabako, manipis, o
magaspang. Nalalaman ang tekstura ng isang bagay sa pamamagitan ng
pandama o paghipo o teksturang taktil at pagmamasid o pagtingin o
teksturang biswal.

4
Contrast ng Pakurba at Tuwid na Linya
Mayaman ang Pilipinas sa sining at kultura. Dahil ito sa kontribusyon ng
iba’t ibang pangkat-etniko. Nakabatay ang kanilang mga disenyo sa mga
bagay-bagay na matatagpuan o makikita sa kanilang kultura at lugar o
kapaligiran. Nagtataglay ang mga ito ng contrast sa pamamagitan ng paggamit
ng mga linyang tuwid at pakurba, paputol-putol at patuldok-tuldok, parisukat at
pabilog, at iba pa.

Iba’t ibang uri ng linya sa disenyo

1. Inuulit na tuwid na linya

Ito ay nagpapakita ng linyang hindi


gumagalaw dahil nagpapahiwatig
din ito ng kapayapaan,
kalungkutan, kaayusan,
katatagan, at iba pa.

2. Inuulit na pakurbang linya

Ito ay halimbawa ng linyang


gumagalaw. Nagpapakita ito ng
aksiyon, kasiglahan o kalikutan.

5
3. Inuulit na pakurba at tuwid na linya

Ito ay nagpapakita ng
pinagsamang gumagalaw at hindi
gumagalaw na linya.

Relief Printing
Makikita sa maraming bagay tulad ng banga, tela, sarong, damit, malong,
cards, at iba pa ang mga disenyong may etnikong motif. Napapaganda
nito ang mga kagamitan.

Ang etnikong motif ay binubuo ng mga hugis at linya. Sa pamamagitan


ng pag-uulit, pagsasalit-salit at radial na ayos (paikot) ng mga hugis at
linya, nagkakaroon ng maganda at kaaya-ayang disenyo ang mga ethnic
motif designs.

Pagsasalit-salit Pag-uulit

6
Radial na ayos

Ang relief prints ay mga disenyo, letter print, slogan, o logo na makikita sa mga
papel, tela, tarpaulin at iba pang materyales upang hindi paulit-ulit ang pagguhit o
pagpinta. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbuo ng isang relief master o molde
na maaaring gamitin sa paglilipat o pagpaparami sa disenyo.

. V. Pagyamanin
Pagsasanay 1. Disenyong Panggilid (Border Design)
Kagamitan: oslo paper, cardboard, pandikit, butones, hairclip, barbecue sticks, barya
ng iba’t ibang halaga, mga dahon na may iba’t ibang hugis at tekstura, acrylic paint,
paint brush, gunting, dyaryo at lumang plastik.
Mga Hakbang Sa Paggawa:

1. Pumili ng mga dahon na may iba’t ibang laki at tekstura.

2. Ayusin ang mga napiling dahon. Ang disenyong gagawin ay maaaring katulad ng

mga disenyo sa inyong paligid o komunidad. Iayos ang mga ito sa ibabaw ng mesang
panggagawaan.
3. Kulayan ang mga dahon ng acrylic paint (kulayan lamang ang

bahagi ng dahon na may tekstura para lumitaw ang disenyo).


7
4. Ayusin ang mga dahon sa gilid ng oslo paper. Pagkatapos maihanay ang mga

dahon, maaari ng ipatong ang oslo paper sa mga nakaayos na dahon sa ilalim nito.
5. Idiin nang maigi ang kamay sa ibabaw ng oslo paper para bumakat ang mga

tekstura nito na nasa ilalim.


6. Alisin nang marahan ang oslo paper (at ang mga dahon na nasa ilalim nito).

7. Patuyuin ang papel na may disenyong panggilid.

8. Linisin at ayusin ang lugar na pinag gawaan ng proyekto o disenyo.

9. Maglagay ng paliwanag sa likod ng iyong proyekto tungkol sa inyong natutuhan sa

gawaing ito. Ipasa sa guro ang natapos na proyekto.

Rubrik para sa Disenyong Panggilid


Mga Sukatan Lubos na nasunod Nasunod ang Hindi nasunod ang
ang pamantayan pamantayan sa pamantayan sa
sa pagkabuo ng pagbuo ng pagbuo ng likhang
likhang sining (3) likhang sining (2) sining (1)
Nasunod ang
pamamaraan sa
paglilimbag at nakabuo
ng sariling disenyo
Gumamit ng mga bagay
na iba’t ibang tekstura sa
pagbuo ng disenyo
Naipaliwanag ang
natapos na likhang sining
Naipakita ang
pagpapahalaga sa
likhang sining sa
pamamagitan ng
pagbahagi ng kahalagan
nito sa iba
.Pagtatasa 1
8
Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang mga tanong.

1. Ilarawan ang tekstura ng mga kagamitang ginamit mo sa paglimbag ng disenyo.

______________________________________________________________

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Ano ang kabutihang naidudulot ng paglalagay ng disenyo sa mga bagay o

produkto?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Pagsasanay 2. Eco Bag Na May Disenyong Etnikong Motif


Kagamitan: recycled paper bag o eco bag, watercolor o acrylic paint,
paint, brush, folder o cardboard at gunting
Mga Hakbang sa Paggawa:

1. Umisip ng disenyo na nais mong mailimbag sa recycled paper bag. Ang mga

disenyong gagamitin ay hango sa etnikong motif na napag-aralan o anumang


disenyong ibig mong idibuho na.
2. Kumuha ng cardboard at gupitin ang nais na hugis. Maaari kang gumawa ng dalawa

o tatlong uri ng hugis. Gumupit din ng mga linyang tuwid at pakurba para sa isang
panig ng paper bag.
3. Pagkatapos makagawa ng mga disenyo, ayusin ang paper bag sa mesa.

Kailangang pantay ang pagkakalatag nito sa mesa.


4. Gamit ang paint brush, pahiran ng acrylic paint o watercolor ang ginupit na motif at

mga linyang tuwid at pakurba. Maingat ilapat sa paper bag.

9
5. Ulitin nang ilang beses ang bilang 4 (pasalit-salit o inuulit) upang makabuo ng

disenyo sa iyong bag.


6. Patuyuin ang paper bag.

7. Sagutan sa isang malinis na papel kung paano mo maibabahagi ang kahalagahan

ng likhang sining sa iyong pamilya.


8. Ipasa sa guro.

Rubrik para sa Eco Bag Na May Disenyong Etnikong Motif


Mga Sukatan Lubos na nasunod Nasunod ang Hindi nasunod ang
ang pamantayan pamantayan sa pamantayan sa
sa pagkabuo ng pagbuo ng likhang pagbuo ng likhang
likhang sining (3) sining (2) sining (1)
Nakapaglimbag ng
sariling disenyo gamit
ang tuwid at pakurbang
linya o anumang disenyo
na nagpapakita ng
contrast.
Naipakita ng paulit-ulit at
pasalit-salit na disenyo sa
pamamagitan ng contrast
Nakapaglimbag ng
orihinal na disenyo
Napahalagahan ang
likhang sining sa
pagbabahagi ng
kahalagahan nito sa iba.

10
Pagtatasa 2
Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang tanong.

1. Paano mo maipagmamalaki ang mga produktong likha ng mga pangkat-etniko sa


inyong pamayanan?
______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

Pagsasanay 3. Paggawa ng mga Relief Prints sa Kamiseta


Kagamitan: luwad (plastic clay), acrylic paint, gamit na puting kamiseta
Mga Hakbang sa Paggawa

Gawain A

1. Takpan ng lumang diyaryo ang mesang gawaan.

2. Ilabas ang dalang luwad.

3. Pagulungin o diinan sa mesa ang luwad upang lumambot

4. Gumawa ng disenyong may iba’t ibang hugis.

5. Siguraduhin na ang bahaging ididiin sa papel o materyales na paglagyan ng

disenyo ay pantay.
6. Patuyuin ito para magamit sa relief printing.

Gawain B

1. Kulayan/pintahan ang nabuong disenyong relief ng matitingkad na kulay. Maaari

ring gumamit ng mga kulay at isalit-salit sa mga matitingkad, maputlang/malabnaw


na kulay sa pagbuo ng relief prints.
2. Kunin ang dalang puting kamiseta.
11
3. Ilimbag ang disenyo sa relief. Ang disenyo ay ilimbag nang paulit-ulit at salitsalit

upang lumabas ang magandang likhang sining.


4. Maging malikhain sa pagbuo ng disenyo.

5. Patuyuin ang natapos na likhang sining, lagyan ito ng pamagat, at ipasa sa guro.

Rubrik para sa Paggawa ng mga Relief Prints sa Kamiseta


Mga Sukatan Lubos na Nasunod ang Hindi nasunod
nasunod ang pamantayan sa ang
pamantayan pagbuo ng pamantayan sa
sa pagkabuo likhang sining (2) pagbuo ng
ng likhang sining
likhang sining (1)
(3)
Nakagawa ng isang
simple at kakaibang
disenyo
Nakapaglimbag ng
relief
na may ritmong inuulit
at salit-salit
Gumamit ng
disenyongetniko
bilang batayan ng
sariling disenyo
Nakasunod sa
pamantayan sa
paggawa ng likhang
sining
Pagtatasa 3 Disenyong Motif

Panuto: Basahing mabuti at gawin ang isinasaad sa bawat bilang.


1. Nais mong lumikha ng isang kakaibang disenyo para sa inyong proyekto sa sining.

Gamit ang mga etnikong motif sa ibaba paano mo maipapakita ang iyong disenyo
sa pamamagitan ng pagsasalit-salit. Iguhit ang naisip na disenyo.

10

2. Humingi ng tulong ang iyong lola sa pag disenyo ng kanyang

ginagawang basket. Nais niyang gumamit ng mga etnikong motif sa


kaniyang disenyo at
radial na ayos ang gusto niya. Iguhit ang naisip na disenyo.

13
Rubrik para sa Disenyong Etnikong Motif
Mga Sukatan Lubos na Nasunod ang Hindi nasunod
nasunod ang pamantayan sa ang
pamantayan pagbuo ng pamantayan sa
sa likhang sining (2) pagbuo ng
pagkabuo ng likhang sining
likhang sining (1)
(3)
Ginamit ang mga
disenyong binanggit
Nakasunod sa
pamantayang
binanggit
Nakapaglimbag ng
orihinal na disenyo.
Naipakita ang
pagpapahalaga sa
likhang sining sa
pamamagitan ng
pagbahagi ng
kahalagan
nito sa iba

14
VI. Isaisip

Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang mga iba’t ibang uri ng linya sa disenyo? Ano ang ipinapakita ng bawat linya?

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

2. Paano nagkakaroon ng maganda at kaaya-ayang disenyo ang mga ethnic motif

designs?
______________________________________________________________

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

VII. Isagawa .

Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang tanong.


1. Bakit mahalaga na tangkilikin ng mga Pilipino ang mga gawang produkto ng mga
iba’t ibang pangkat-etniko sa ating bansa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
15
Rubriks para sa Pagsagot sa mga tanong.
Pamantayan 5 4 3 2 1
Ang nilalaman ng sagot ay makabuluhan at nasagot
nang buong puso
Ang sagot ay may kaisahan at may kaugnayan sa
katanungan
Malinis ang pagkakasulat ng sagot at madaling intindihin
Kabuuang Puntos
5- Napakahusay 4- Mahusay 3- Mahusay-husay
2- Di-mahusay 1- Sadyang Di-Mahusay

VIII. Tayahin
Panuto: Basahing mabuti at piliin sa kahon ang tinutukoy sa bawat bilang.
Isulat sa patlang ang titik ng sagot.

a. Pilipino d. contrast h. Inuulit na pakurba

b. yantok e. inuulit na tuwid na linya at tuwid na linya


f. inuulit na pakurbang linya i. relief prints

c. tekstura g. etnikong motif j. dayuhan

_____ 1. Ito ay mga disenyo, letter print, slogan, o logo na makikita sa mga papel, tela,

tarpaulin at iba pang materyales upang hindi paulit-ulit ang pagguhit o pagpinta

16
_____ 2. Nalalaman ang _______ ng isang bagay sa pamamagitan ng pandama o

paghipo o teksturang taktil at pagmamasid o pagtingin o teksturang biswal. Ito ay

maaaring makinis, madulas, makapal, mapino, mabako, manipis, o magaspang.

_____ 3. Ito ay halimbawa ng linyang gumagalaw. Nagpapakita ito ng aksiyon,

kasiglahan o kalikutan.

_____ 4. Karaniwang naipapakita nila sa kanilang mga gawang produkto ang iba’t

ibang disenyo na nagpapakilala sa lugar o pangkat na kinabibilangan nila.

_____ 5. Ito ay binubuo ng mga hugis at linya. Makikita ang mga disenyong ito sa

maraming bagay tulad ng banga, tela, sarong, damit, malong, cards, at iba pa.

_____ 6. Ito ay nagpapakita ng linyang hindi gumagalaw dahil nagpapahiwatig din ito

ng kapayapaan, kalungkutan, kaayusan, katatagan, at iba pa.

_____ 7. Naipapakita ito sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit, pagsasalit-salit ng mga

hugis at kulay at sa paggamit ng mga linyang tuwid at pakurba, paputol-putol at

patuldok-tuldok, parisukat at pabilog, at iba pa.

_____ 8. Ito ay nagpapakita ng pinagsamang gumagalaw at hindi gumagalaw na linya.

17
_____ 9. Marami sa mga produktong gawa ng mga Pilipino ang kinakalakal sa ibang

bansa at ang mga ito ay nagugustuhan nila dahil sa ganda at tibay ng mga ito.

_____ 10. Ang mga basket, banig, at bag na yari sa materyal na ito ay may matigas at

magaspang na tekstura

Sanggunian

Amit, Adulfo., Caringal, Ma. Teresa., Castro, Benjamin., Gepullano, Juan., Maninang,
Emily., Mariano, Victorina E., Mendoza, Chita E., Montanez, Cynthia.,

Sandoval, Joan D., Valenzuela, Rosel. 2019. Musika at Sining. Bulacan: Victorious
Publication Inc.

18
Susi sa Pagwawasto

19

You might also like