You are on page 1of 12

4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan–Modyul 6:
Disiplina Sa Pagtatapon ng
Basura :Isang Pandaigdigang Panawagan
Alamin
Ang modyul na ito ay idinesenyo upang tulungan kang mamulat sa kahalagahan ng
segregasyon ng basura at upang lubusan mong maunawaan ang kahalahagan ng kalinisan
ng ating mundo. Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahan na matututuhan mo ang:
*ּPagtulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran saan man sa
pamamagitan ng:

• Pagpapakita ng segregasyon o pagtapon ng mga basurang nabubulok at di-


nabubulok sa tamang lagayan.
• Naipapaliwanag ang hindi magandang dulot ng pagsusunog ng basura sa
kalusugan.

Subukin
Halina mga bata, samahan akong ligpitin ang kalat sa paligid. Mayroong dalawang basurahan sa
ilalim ng puno. Alin kaya ang dapat isilid sa basurahang nabubulok at hindi nabubulok?Isulat sa
ilalim ng angkop na basurahan ang pangalan ng bagay na nakakalat.
Simulan na natin!
Disiplina sa Pagtatapon ng
Aralin 1
Basura : Isang Pandaigdigang Panawagan

Ang pangangalaga sa ating mundong tirahan ay hindi lamang tungkulin ng iilang indibidwal
bagkus ay pangkalahatang tungkulin ito ng bawat tao na naninirahan sa planetang ito. Bata
man o matanda ay may magagawa upang maisaayos at muling mapanumbalik ang
kagandahan at kalinisan ng ating daigdig. Bilang mga bata ay malaki ang iyong maitutulong
kung isinasaisip at isinasapuso mo ang mga paraan sa pagpapanatili ng kalinisan ng
kapaligiran.

Balikan
Punan ang patlang ng bituin kung isinasagawa mo ang nakasaad sa pangungusap at bilog kung hindi
mo naisasagawa ang isinasaad ng pangungusap.

_______ 1. Inililigpit ko ang aking mga kagamitan kahit hindi ito ipaalala ng aking mga kasama sa bahay.

_______ 2. Itinatapon ko ang plastic na pinag-inuman ko ng Buko Juice sa basurahang may


nakalimbag na nabubulok.

_______ 3. Pinupulot ko ang mga kalat na aking nadadaanan sa paligid at itinatapon ko ito sa tamang
tapunan.

_______ 4. Nagtatapon ako ng balat ng prutas sa kanal dahil nabubulok naman ito lalo na kung walang
nakakakita.

_______ 5. Tinitiyak ko na maayos kong naitapon ang papel na aking pinaggamitan sa basurahan at hindi
ito nalaglag lamang sa sahig.
Tuklasin
“MAGBABAGO NA SI BUBOY”
( May Akda : ROMELA M. NAVARRO )

Aw ! Aw ! Aw ! Galit na galit si Bantay sa usok na pumapaitaas.


Sinunog ni Buboy ang mga basurang iniutos sa kaniya ng nanay . Ang sabi ng
nanay ay itapon sa compost pit ang mga tirang pagkain at mga balat ng gulay at
prutas. Binigyan din siya nito ng isang sako at binilinan siyang doon ilagay ang mga
bote, plastik at mga lata. Ngunit gustong–gusto ni Buboy ang magkaskas ng
posporo at gustong-gusto rin niyang pinagmamasdan ang mga basura habang
nasusunog ang mga ito. Splashh! Napalingon si Buboy sa pinagmulan ng sinaboy
na tubig. Naku! Buboy

mabuti na lamang at natanaw kaagad kita, hindi ba’t bawal na ang


pagsusunog ng basura? Ilang beses na natin itong tinalakay sa paaralan at
ilan beses ko na rin itong ipinaalala sa iyo? Malumanay na pagpapaliwanag
ni Karlo sa kaibigan.

“Maluwag naman ang aming bakuran kaya hindi naman lumalabas ang
usok”, pangangatwiran pa ni Buboy.

“May batas na sa pagsusunog ng basura, lumiban ka kasi ng


ipinaliwanag ito ng ating guro noon”, mabilis na sagot ni Karlo sa kaibigan.

Magkapit-bahay sina Buboy at Karlo. Magkamag-aral din sila


magmula ng sila ay tumuntong sa paaralan, dahil dito ay naging matalik na
magkaibigan sila. May mga ginagawa si Buboy na si Karlo lamang ang nakakaalam
bilang kanyang matalik na kaibigan.
Alam niyang si Buboy ang nagtapon ng mga kalat sa kanal sa harap ng
bahay ni Aling Cora. Galit na galit ang Ale noon, pinilit niya si Buboy na
kumuha ng pandakot at walis at alisin ang itinapon sa kanal. Nang minsan
naman ay isiniksik nito ang plastik ng pinagkainan sa ilalim ng upuan, dali-
dali niya itong kinuha at pinilit itong itapon sa basurahan. Itinapon naman
nito sa basurahang may nakasulat na nabubulok kaya siya na ang naglipat
ng plastik sa basurahang may nakasulat na di- nabubulok. Nalulungkot si
Karlo sa pag-uugaling ito ng kaibigan, mabait naman kasi at masipag si
Buboy. Ano kayang pangyayari ang magtuturo ng aral dito?

“ Aray ko! nanay! nanay! Dinig sa buong paligid ang hiyaw ni Alena,

nakababatang kapatid ni Buboy. Dali-daling naglapitan ang nanay at tatay


nila kay Alena. Kami rin ay patakbong lumapit. Namutla si Buboy ng
makita ang malakas na daloy ng dugo sa paa ng kapatid. Natapakan ni
Alena ang
nakabuklat na lata na nalaglag mula sa mga basurang ipinatatapon ng nanay.
Malaki ang sugat at kinailangang tahiin sa ospital. Umiiyak si Buboy na
tumingin sa akin, nabasa ko sa kaniyang mga mata ang matinding
pagsisisi na alam kong naganap na ang malaking pagbabago sa aking
matalik na kaibigan.

Nagustuhan mo ba ang kuwento? Ikaw ba ay kasingbait na kaibigan ni Karlo?

1. Sagutin ang mga tanong.


a. Sino ang kaibigan ni Karlo?
b. Ano ang inabutan ni Karlo na ginagawa ni Buboy?
c. Ano ang sinabi ni Karlo kay Buboy?
d. Bakit nalulungkot si Karlo sa mga gawi ni Buboy?
e. Sa iyong palagay magbabago na kaya si Buboy dahil sa nangyari sa
kaniyang kapatid?
2. Mula sa kuwentong “Magbabago na Si Buboy”, punan ng angkop na salita ang
patlang mula sa kahon .

1. Ipinagbabawal sa ________________ ang pagsusunog ng basura.


2. Inilipat ni Karlo ang plastik na itinapon ni Buboy sa basurahan ng
____________.
3. Ipinalalagay ng Nanay ang mga _____________, _____________, at
______________sa sako upang maihiwalay ang mga ito.
Pagyamanin
A. Suriing mabuti ang mga sumusunod na larawan. Isulat ang N sa sagutang
papel kung ito ay nabubulok at HN kung ang larawan sa bilang ay di-nabubulok.

______ 1. ______ 4.

______ 2. ______ 5.

_______3. ______6.

_______7. _______ 9.

_______8. _______10.

B . Suriin ang mga sitwasyong ibinigay sa ibaba. Gumuhit ng


masayang mukha kung nagpapakita ng disiplina sa pagtatapon ng basura ang isinasaad ng
sitwasyon at malungkot na mukha naman kung ito’y nagsasaad ng kawalan ng disiplina sa pagtatapon
ng basura .

a. Naatasan si Luningning na ayusin ang mga basura sapagkat araw ng

pagkolekta ng trak. Nagmadali si Luningning sapagkat may pinanonood

siyang magandang palabas sa telebisyon. Mabilis niyang kinuha ang mga

basura sa kusina at basta na lamang ibinuhos sa sako na may mga lamang


bote at plastik .
b. Gumamit ng pandakot si Belay matapos niyang walisin ang mga tuyong dahon sa bakuran,
inilagay niya ito sa hukay na ginawa ng tatay sa likod bahay upang maging pataba sa mga
halaman.

c. Inihagis na lamang ni Popoy ang nakabalot na plastik na kanyang


pinagkainan sa bintana ng sinasakyan matapos niyang kumain.

d. Naglagay ng tatlong basurahan ang pamilya ni G. Vicente sa harapan ng


bahay at nilimbagan ng nabubulok, hindi nabubulok at recyclable materials at maingat na sinusunod
ang pagtatapon dito.
Tayahin
Punan ang patlang ng angkop na salita. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Itapon ang ___________________ sa tamang tapunan.


a. laruan b. basura c. larawan

2. Ihiwalay ang mga ________________________ na basura sa hindi nabubulok na basura.


a. maaayos b. mapuputi c. nabubulok

3. ________ ang kailangan sa wastong pagtatapon ng basura at upang makatulong na maisalba ang Inang
kalikasan.
a. Disiplina b. Kagandahan c. Kaibigan

4. Ang mga halimbawa ng mga basurang nabubulok ay mga tirang pagkain, tuyong dahon at
______________.
a. plastik b. balat ng prutas at gulay c. babasaging bote

5. Ang boteng plastik , lumang gulong at Styrofoam ay mga halimbawa ng mga basurang
_____________.
a. nabubulok b. hindi nabubulok c. ibinabaon sa lupa

B. Magtala ng mga hindi magandang epekto ng pagsusunog ng basura sa ating kalusugan at


kapaligiran .
Karagdagang Gawain

Kulayan nang berde ang larawan ng bagay na nabubulok at dilaw


naman ang hindi nabubulok. Iguhit na muli sainyong sagutang papel
upang makulayan ang mga ito.
SANGGUNIAN
• Edukasyon Sa Pagpapakatao 4 ( Kagamitan ng Mag-aaral ) pahina 239-248
• MELC EsP4ppp-III-i-22

You might also like