You are on page 1of 8

Remove Watermark Wondershare

PDFelement

Filipino 4
Ikaapat na Markahan Modyul para sa Sariling Pagkatuto

Pagkuha ng tala buhat sa binasang teksto

1
Remove Watermark Wondershare
PDFelement

MGA INAASAHAN

Pagkatapos na mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito,


inaasahang matatamo ang sumusunod na kasanayan:
 nakakukuha ng tala buhat sa binasang teksto; at
 nasasagot nang wasto ang mga gawain.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Basahin ang tekstong nasa kahon at sagutin ang


mga sumusunod na tanong.

Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang


sakit na dulot ng bagong coronavirus. Pangunahing kabilang sa
mga sintomas ng nito ay ang lagnat, ubo at pangangapos ng
hininga. Lumalabas ang mga sintomas na ito 2 hanggang 14 na
araw pagkatapos ng pagkakalantad. Manatili sa bahay hangga't
maaari at iwasan ang malapitang pakikipag-ugnayan sa iba.

1. Ano ang ibang tawag sa sakit na coronavirus?


a. A/H1N1 b. Covid-19 c. Ebola virus
2. Ano ang kadalasang sintomas ng taong may Covid-19?
a. lagnat, ubo, pangangapos ng hininga
b.lagnat, sakit ng ulo, labis na panghihina
c. lagnat, sipon, pananakit ng kasu-kasuan
3. Ilang araw bago lumabas ang mga sintomas kapag ikaw ay
nalantad sa taong apektado ng sakit na ito?
a. 15-20 na araw b. 3-4 na linggo c. 2-14 na araw
4. Paano makaiiwas sa sakit na ito
a. Iwasan ang malapitang pakikipag-ugnayan sa iba.
b. Dumalo sa pagdiriwang ng kaarawan ng kaibigan.
c. Pumunta sa palengke na walang face mask.
5. Dapat bang tumulong tayo sa pag-iwas sa sakit na ito?
a. Hindi b. Oo c. Ewan ko

2
Remove Watermark Wondershare
PDFelement

ARALIN

Basahin at unawain.

Ang tala ay isang sistematikong paraan ng pagsulat na


naglilinaw ng mga impormasyon at naghahati ng oras o gawaing
naka saad. Maihahalintulad din ito sa paglilista.
Ang pagkuha ng tala ay ang pagsasama-sama ng mga
kaalaman o datos na ginagamit sa mga eksperimento, pagsusuri
at pag-aaral ng isang bagay.

Halimbawa:

Ang buwanang kita ng mag-anak ni Mang Ador ay


P12,000. Ang kanilang buwanang gastusin sa pagkain -
P4,000; edukasyon - P2,500; bahay - P1,000; pamasahe -
P1,200; tubig, kuryente, atbp. P2,000. Ang kanilang
kabuuang gastos kada buwan ay P10,700. Mayroong
P1,300 na natitira na kanila namang naiimpok.

TALA

Buwanang kita ng mag-anak - P 12,000.00


GASTUSIN HALAGA
Pagkain P 4,000.00
Edukasyon P 2,500.00
Bahay P 1,000.00
Pamasahe P 1,200.00
Tubig, kuryente, atbp. P 2,000.00
Buwanang gastos ng mag-anak - P 10,700.00
Buwanang impok ng mag-anak - P 1,300.00

3
Remove Watermark Wondershare
PDFelement

Pagtalakay

PANUTO: Sagutin ang mga tanong mula sa nakuhang tala


buhat sa binasang teksto.
1. Alin ang pinakamalaking pinagkakagastusan ng mag-anak?
a. pagkain b. edukasyon c. bahay

2. Magkano ang inilaan ng mag-anak para sa edukasyon?


a. P1,200 b. P1,000 c. P2,500

3. Aling gastos ang maituturing na pag-iimpok?


a. pamasahe b. bahay c. pagkain

4. Magkano ang gastos ng buong mag-anak sa isang buwan?


a. P10,700 b. P1,300 c. P12,000

5. Magkano ang maiimpok ng buong mag-anak sa loob ng talong


buwan?
a. P3,300 b. P3,900 c. P1,300

MGA PAGSASANAY

Pagsasany 1

PANUTO: Basahin at unawain ang teksto. Gamitin ang tsart


sa ibaba sa pagkuha ng tala mula sa binsang teksto.
Ang namamahala ng negosyo o isang entrepreneur ay
handang makipagsapalaran. Siya ay may matatag na loob,
tiwala sa sarili, kakayahan sa pagpaplano, magaling
gumawa ng desisyon, sipag sa pagtatrabaho, masigasig at
marunong lumutas ng suliranin. Ang mga ito ang katangian
na dapat taglayin ng isang negosyante.

4
Remove Watermark Wondershare
PDFelement

KATANGIAN NG ISANG NEGOSYANTE

1.
2.
3.
4.
5.
6.

Pagsasanay 2

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa


tala na nasa Pagsasanay 1.
1. Ano ang tawag sa taong namamahala ng negosyo?
a. Entrepreneur b. Guro c. Doktor
2. Ano itong katangian ng isang negosyante na nagpapakita
ng lakas ng loob na humarap sa mga kliyente?
a. masigasig b. may tiwala sa sarili c. masipag
3. Ano ang ibig sabihin ng “pakikipagsapalaran”?
a. pakikipagtunggali c. pakikipagtalo
b. kauna-unahang karanasan
4. Alin sa mga sumusunod ang dapat taglayin ng isang
entrepreneur?
a. magaling magdesisyon c. mahiyain
b. tamad sa trabaho
5. Bakit kailangang ang negosyante ay marunong lumutas ng
suliranin?
a. Upang malugi kaagad ang negosyo.
b. Upang maging bida sa mga kaibigan.
c. Upang maiwasan ang problema na pwedeng magdulot
ng pagkalugi.

5
Remove Watermark Wondershare
PDFelement

PAGLALAHAT

Pagkatapos ng araling ito, ano ang natutuhan mo?


PANUTO: Punan ang patlang ng wastong salita upang mabuo
ang kaisipan ng talata. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

datos sistematiko pagkuha tala pagsasama-sama


maaring
Natutunan ko na ang (1) ____________ ay isang (2)
__________na paraan ng pagsulat na naglilinaw ng mga
impormasyon at naghahati ng oras o gawaing naka saad.
Maihahalintulad din ito sa paglilista.
Ang (3) _________ ng tala ay ang (4) __________ ng mga
kaalaman o (5) __________ na ginagamit sa mga eksperimento,
pagsusuri at pag-aaral ng isang bagay.

PAGPAPAHALAGA
Bilang isang bata, paano mo mapahahalagahan ang
pangangalap ng tala mula sa binasang teksto?
PANUTO: Iguhit ang sa patlang kung ikaw ay sumasang-
ayon sa sumusunod na pangungusap at kung hindi.

____ 1. Nakasaad dapat sa tala ang mga pinakaimportanteng


impormasyon.
____ 2. Dapat lang itala kung ano ang sinasabi ng
pinagkukuhanan ng datos.
____ 3. Dagdagan ang mga impormasyon kahit wala ito sa teksto
upang gumanda ang tala.
____ 4. Igalang ang ideya ng may akda ng teksto.
____ 5. Mangalap ng datos sa binasang teksto ng may talino at
respeto.

6
Remove Watermark Wondershare
PDFelement

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin ang nasa ibabang teksto at itala ang


kailangan na impormasyon sa tsart.

Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at


ang iba laban sa COVID-19.
Una ay hugasan nang madalas ang iyong mga kamay; iwasan
ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig; takpan ang iyong
ubo at bahing; iwasan ang matatao na lugar at malapit na
pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo; manatili sa
bahay kung ikaw ay may sakit; kung ikaw ay may lagnat, ubo at
hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo
muna ang health facility; at ang panghuli ay kumuha ng
impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad.
Ang mga hakbang na ito ay maaaring sundin ng lahat,
napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may
COVID-19.

Simpleng Hakbang Laban sa COVID-19

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

7
Remove Watermark Wondershare
PDFelement

SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like