You are on page 1of 4

Asignatura Homeroom Guidance Baitang 2

W4 Markahan Ikatlong Markahan Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN Pagbabahagi ng mga karanasan at pag-uugali na may
kinalaman sa pagprotekta ng sarili sa tahanan at
paaralan
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Share experiences and attitude relevant to protecting
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(MELCs)
oneself at home and in school and others. HGS-IIId-6
Naibabahagi ang mga karanasan at pag-uugali na may
kaugnayan sa pagpoprotekta sa saril sa tahanan,
paaralan at sa iba
III. PANGUNAHING NILALAMAN Naibabahagi ang kakayahan upang maprotektahan
ang sarili at ibang tao tungo sa epektibong paraan ng
paglutas sa problema
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I.Panimula (Mungkahing Oras: _20 minuto)

Sa nakaraang aralin ay nakilala mo kung sino-sino ang pwedeng tumulong sa iyo sa


pangngalaga ng iyong sarili at ng iba. Unang-una na rito ang iyong mga magulang at
kapatid. Bukod sa kanila, marami pang mga tao sa paligid mo ang maaaring
makatulong sa iyo.

Sa aralin ngayong linggo ay matututunan mo ang mga pag-uugali na may


kaugnayan sa pagprotekta sa iyong sarili sa tahanan at paaralan. Masdan ang mga
larawan sa ibaba. Anong pag-uugali ang nais nitong iparating sa iyo?

Sa panahon ngayon ay napakahirap magkasakit. Dahi sa pandemya ay mahigpit


na ipinagbabawal ang pagpasok sa paaralan. Kaya kahit ikaw ay nasa tahanan
lamang kailangan mo pa ring mag-ingat. Protektahan mo ang iyong sarili at ang ibang
tao sa paligid mo sa pamamagitan ng pag-alam ng pagsasagawa ng mga dapat na
pamamaraan ng pag-iingat.
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 15 minuto)

Mga Dapat Gawin Upang Makaiwas sa COVID-19

(Ang coronavirus disease COVID-19 ay isang nakahahawang sakit na dulot ng


bagong coronavirus. Naipapasa ang sakit sa mga ibang tao sa malapitang
pakikitungo sa pamamagitan ng maliit na patak kapag umuubo, bumabahing o
nagsasalita.)

1.Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay.


2.Iwasan ang paghawak sa iyong mga mata, ilong at
bibig.
3.Takpan ang iyong mukha ng panyo kung
babahing.
4.Iwasan ang matataong lugar at huwag
makisalamuha sa taong may lagnat, ubo o iba pang
sintomas ng COVID-19.
5.Manatili lamang sa loob ng bahay kung wala namang importanteng gagawin sa
labas lalo na sa inyong mga bata na hanggang ngayon ay ipinagbabawal pang
lumabas.
6.Kung sakaling ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa paghinga, sabihin sa iyong mga
magulang o tagapag-alaga upang makatawag sa malapit na health center sa inyong
lugar para humingi ng tulong.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Basahing mabuti ang maikling paalala na ito. Sagutin
ang mga tanong sa iyong sagutang papel.

1.Ano sa palagay mo ang mangyayari kung susundin mo ang mga paalalang ito?

_____________________________________________________________________________________________________________

2.Dapat ba na ang katulad mong bata ay maging alerto sa sakit na ito bilang pag-
iingat sa sarili at sa kapwa mo? Bakit?
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Lagyan ng ang kahon kung ito ay nagpapakita


ng pag-iingat sa sarili sa paaralan at sa loob ng tahanan at kung hindi.

1.Magsuot ng mask kung may makakaharap na tao kahit sa loob ng tahanan


lalo na kung may kasamang lumalabas ng bahay.
2.Ugaliing maghugas ng kamay.
3.Iwasang lumabas ng bahay hanggat maaari.
4.Hindi na kailangang sabihin sa magulang ang kakaibang nararamdaman
upang hindi na sila mag-alala.
5.Kumain ng masusustansiyang pagkain, mag-ehersisyo at matulog sa takdang
oras.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4. Lagyan ng tsek ( / ) kung gaano mo kadalas ginagawa
ang mga gawain sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Gawain Madalas Minsan Hindi


1.Naliligo pagkagaling sa labas ng bahay.
2.Kumakain ng prutas at gulay.
3.Umiinom ng bitamina.
4.Natutulog nang maaga
5.Nagsusuot ng facemask
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Malugod mong natapos at natutunan ang mga pagbabahagi ng mga karanasan


at pag-uugali na may kinalaman sa pagprotekta ng sarili sa tahanan at paaralan. Dahil
dito, ikaw ay inaasahang maisapuso at gawing gabay ito sa iyong pang-araw-araw na
pamumuhay. Ngayon ay magagawa mo nang ihayag ng buong pagmamalaki ang
iyong natutunan sa araling ito.
Ang pagbabahagi ng mga karanasan at pag-uugali na may kinalaman sa
pagprotekta ng sarili sa tahanan at paaralan ay mahalaga upang malaman kung
wasto ang iyong mga ginagawang hakbang sa pagpoprotekta sa iyong sarili.
Mahalagang isabuhay ang mga aral na natutunan sa araling ito. Paano
magagawa ito? Ituloy ang mga pangungusap. Isulat ito sa mga sagutang papel.

- Lagi kong gagawin ang ________________________________________________________


- Sisimulan kong gawin ang ______________________________________________________
- Hihikayatin ko ang iba na ______________________________________________________
V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras:)
(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o
Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo)
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)
• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong
performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan
sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans.
Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
¶ - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na
nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
ü - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito.
Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko
nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag
kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8

VII. SANGGUNIAN
PIVOT 4-A LEARNER’S MATERIAL FILIPINO 2, IKALAWANG MARKAHAN
VECTEEZY.COM/VECTOR-ART-FIGHT COVID-19 WITH HEALTH PROTOCOLS
Inihanda ni: MARISSA F. PACADA Sinuri nina: EDNEL A. ALMORADIE
MARISSA O. AGUIRRE
MARIZ P. BORGONOS-PALES

You might also like