You are on page 1of 7

DETAILED LESSON PLAN

ARALING PANLIPUNAN Grade 1


Quarter I - Week 1

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili
bilang Pilipino gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay buong pagmamalaking nakapagsasalaysay ng
kuwento tungkol sa sariling katangian at pagkakakilanlan bilang
Pilipino sa malikhaing pamamaraan.

C. Pamantayan sa Pagkatuto
1. Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan
(AP1NAT-Ia-1)
2. Nauunawaan ang kwentong binasa ukol sa pangangalaga ng
katawan laban sa mga sakit katulad ng COVID-19

3. Nagagawa ang mga simpleng hakbang upang maiwasan ang


pagkakaroon ng iba’t ibang sakit katulad ng COVID-19

II. NILALAMAN
Paksa: Pagpapakilala sa Sarili
Aking Sarili, Iingatan Laban sa COVID-19
(Kaugnay na aralin para sa COVID-19)

Kagamitang Panturo (Learning Resources)


A. Sanggunian (References)
1. K12 Gabay Pangurikulum,Araling Panlipunan May 2016
2. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource:
wala
3. Iba pang pinagkuhanang sources:
https://pngtree.com/freepng/coronavirus-bacteria-
cell_5336957.html, https://www.google.com/search?
q=idea+clipart+free+black+and+white&tbm,
https://www.google.com/search?
q=ethyl+alcohol+bottle+clipart+black+and+white&tbm,
https://www.google.com/search?
q=washing+hands+clipart+black+and+white&tbm,
https://www.google.com/search?
q=social+distancing+clipart&tbm,

B. Iba pang Kagamitang Panturo: mga larawan, sagutang notebook

I. PAMAMARAAN (Procedures): (Unang Araw)

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

This study source was downloaded by 100000807487249 from CourseHero.com on 03-05-2022 08:41:40 GMT -06:00 Page 1 of 7

https://www.coursehero.com/file/102011382/AP1-ONE-WEEK-CURRICULUMdocx/
Magandang araw sa iyo! Ako nga pala si Teacher
____________ puwede mo akong tawaging Teacher _____.
Ngayon ang araw ng umpisa ng pag-aaral mo. Marahil
nagtataka ka kung bakit wala ka sa paaralan ngayon. Sa
panahon natin ngayon kailangan nating manatili sa bahay
at mag-ingat sa kumakalat na virus upang mapangalagaan
ang ating kalusugan at hindi tayo magkasakit. Pero
nasasabik akong makita ka at makilala ka. Pansamantala
ang iyong mga magulang muna ang iyong magiging gabay
para sa aralin mo sa linggong ito.

Ikaw,ano ang iyong pangalan?

Ako ay si
_______________________________________________________________

Alam mo ba kung bakit sa inyong bahay ka nag-aaral ngayon?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)

Sa una mong aralin pag-aaralan mo kung paano mo


mapapangalagaan ang iyong sarili at kung paano ka
makakaiwas sa virus dulot ng COVID-19.

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Pagmasdan mo ang mga larawan na nasa itaas.
2. Maaari mo bang isa-isahin ang ginagawa sa bawat larawan?
3. Bakit kaya kailangan mong gawin ang mga ginagawa sa
larawan?

This study source was downloaded by 100000807487249 from CourseHero.com on 03-05-2022 08:41:40 GMT -06:00 Page 2 of 7

https://www.coursehero.com/file/102011382/AP1-ONE-WEEK-CURRICULUMdocx/
4. Ano kaya sa tingin mo ang epekto kung ikaw ay nagkaroon o
nahawaan ng COVID-19?

( Ikalawang Araw )
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Mahalaga ba na mayroon kang pangalan?


Gusto mo bang tawagin kang “hoy”,”bata”,”psst”?
Ang bawat bata ay may karapatang magkaroon ng pangalan. Ito
ang ating pagkakakilanlan.

Ngayon alam mo na ang iyong pangalan, may


ipapakilala ako sa iyo. Sila sina Mika, Miko at si
Covid. Magpatulong ka sa iyong mga magulang o
sa nakakatandang kasapi ng iyong pamilya na
basahin ang kuwento.

Mga pamprosesong tanong:

1. Sino ang dalawang bata sa kuwento?


2. Sino si Covid sa ating kuwento?
3. Tama ba ang ginawa ni Miko na hindi maghugas ng kamay
pagkatapos kumain?
4. Paano ang tamang paghuhugas ng kamay?
5. Kapag hindi tayo naghuhugas ng kamay, ano ang maaaring
mangyari?

( Ikatlong Araw )

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan #1 (Paglinang/ Alamin Mo/Tuklasin)

Gawain 1
(Magpatulong sa iyong mga magulang o sa nakakatandang kasapi
ng pamilya)

Aking Sarili, Iingatan kay Covid

Maagang nagising ang magkapatid na sina Mika at


Miko. Pagkagising nila ay itinupi ang kanilang
pinaghigaan, nagsipilyo at naligo.
“Kailangang malinis ang aking katawan bago ako
papasok,” ang sabi ni Miko.
“Kailangan ko ring magsipilyo,” ang sabi naman ni Mika.
Pagkatapos nilang naligo ay tumuloy sa kusina upang kumain ng
Page 3 of 7
This study source was downloaded by 100000807487249 from CourseHero.com on 03-05-2022 08:41:40 GMT -06:00
kanilang almusal. Pagkatapos kumain, mabilis na kinuha ni Miko ang
kanyang bag, samantalang si Mika naman ay pumunta sa lababo at
https://www.coursehero.com/file/102011382/AP1-ONE-WEEK-CURRICULUMdocx/

hinugasang mabuti ang kanyang mga kamay gamit ang sabon at tubig,
This study source was downloaded by 100000807487249 from CourseHero.com on 03-05-2022 08:41:40 GMT -06:00 Page 4 of 7

https://www.coursehero.com/file/102011382/AP1-ONE-WEEK-CURRICULUMdocx/
Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng pag-iwas sa virus o
COVID-19. Kulayan ito.

Ako ay si____________________________________________________,

Upang makaiwas ako sa sakit dulot ng COVID-19 ako ay


________________________________________________________________

(Ikaapat na Araw)

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan #1
(Paglinang/ Alamin Mo/Tuklasin)

Kulayan ang larawan na nagpapakita ng mga dapat gawin upang


mapangalagaan ang ating sarili laban sa COVID19 o iba’t-ibang sakit.

Ako ay si__________________________________. Iingatan ko ang aking


sarili.

F. Paglinang sa Kabihasnan

This study source was downloaded by 100000807487249 from CourseHero.com on 03-05-2022 08:41:40 GMT -06:00 Page 5 of 7

https://www.coursehero.com/file/102011382/AP1-ONE-WEEK-CURRICULUMdocx/
1. Ano ang mga dapat mong mga gawin upang ikaw ay
makaiwas sa mga sakit o sa virus dulot ng COVID19?
2. Bakit kailangan nating ingatan ang ating sarili?
3. Maari mo bang ipakita sa iyong mga magulang kung paano
ang
tamang paghuhugas ng kamay habang inaawit ang “Happy
Birthday to You”

G.Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Lagyan mo ng arrow ang mga dapat gawin ni Miko at


Mika upang ingatan ang kanilang mga sarili.

(Ikalimang Araw)

H.Paglalahat ng aralin

Tandaan Mo!

Upang makaiwas tayo sa virus dulot ng COVID-19:


1. Palagiang maghugas ng kamay.
2. Manatili sa loob ng bahay.
3. Kumain ng masustansyang pagkain.
4. Magsuot ng facial mask kung ikaw ay lalabas ng bahay.
5. Palaging obserbahan ang social distancing.

I. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/ Isagawa)

Panuto: (Magpatulong sa magulang o nakakatandang kasapi


ng pamilya).

This study source was downloaded by 100000807487249 from CourseHero.com on 03-05-2022 08:41:40 GMT -06:00 Page 6 of 7

https://www.coursehero.com/file/102011382/AP1-ONE-WEEK-CURRICULUMdocx/
Lagyan ng masayang mukha kung ang pahayag ay

nagpapakita ng pangangalaga sa sarili at malungkot naman

na mukha kung hindi nagpapakita ng pangangalaga sa sarili.

________1. Pagkatapos kung maglaro, maghuhugas ako ng kamay.

________2. Kung ako ay babahing, tatakpan ko ang aking bibig at ilong


gamit ang aking panyo.

________3. Pagkatapos kung kumain, maghuhugas ako ng kamay.

________4. Gagamit ako ng facemask kung ako ay lalabas ng bahay.

________5. Dumudura ako kahit saan.

J. Karagdagang Gawain at Remediation

A. Tandaan at gawin ito sa bahay araw-araw.

1. Pagkauwi ng bahay, maghuhugas ako ng kamay.


2. Bago kumain, maghuhugas ako ng kamay.
3. Pagkatapos kumain, maghuhugas ako ng kamay.
4. Kung ako ay babahing, tatakpan ko ang aking bibig at ilong
gamit
ang panyo.
5. Sa lahat ng oras, iingatan ko ang aking sarili.

B. Mag ensayo kang magsulat ng iyong pangalan sa sagutang papel o sa


iyong notebook.

Magaling! Maayos mong naisakatuparan ang pagsagot sa


mga gawain.

This study source was downloaded by 100000807487249 from CourseHero.com on 03-05-2022 08:41:40 GMT -06:00 Page 7 of 7

https://www.coursehero.com/file/102011382/AP1-ONE-WEEK-CURRICULUMdocx/

Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like