You are on page 1of 8

Paaralan HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY Baitang VI

Guro Princess Mae M. Baldo Asignatura GMRC/ESP

Petsa at Oras Desyembre 09, 2021 9:30-10:30 am Markahan Unang Markahan

LUNES

I. LAYUNIN
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang hakbang bago
A. Pamantayang
Pangnilalaman makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat.

B. Pamantayan sa
Ang mag-aaral ay naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa ikabubuti ng lahat.
Pagganap
Ang mag-aaral ay naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon na
makabubuti sa pamilya,
1.1 pagsusuri ng mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari,
C. Pamantayan sa
1.2 pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito, at
Pagkatuto
1.3 paggamit ng impormasyon.

Sa katapusan ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

D. Pangunahing Layunin
1. natutukoy ang mga tamang hakbang sa paggamit ng wastong impormasyong may kinalaman sa
pangyayari na nakukuha sa radyo, telebisyon at social media,
2. nasusuri ang mga wastong impormasyong nakukuha sa radyo, telebisyon at social media, at

3. nauunawaan ang kahalagahan ng tamang paggamit ng wastong impormasyon.

LUNES

II. PAKSANG-ARALIN Impormasyong Sapat at Wasto, Gamitin ng Matalino.

III. MAPAGKUKUNAN NG
PAGKATUTO

A. Sanggunian K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6, pahina 8.

B. Textbuk Paano Magpakatao by REX Bookstore @ 2020, pahina 23-28.

C. Kagamitan Laptop at mga larawan


https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/ESP-CG.pdf
D. Online/Website
https://www.youtube.com/watch?v=p9cbeEovr8k

E. Kaugnayan sa ibang
ARALING PANLIPUNAN ( Pagkilala sa komunidad)
Asignatura

LUNES

IV. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Ang guro ang mangunguna sa panalangin sa pamamagitan ng multimedia.

2. Pagbati
Ang guro ang mangunguna sa pagbati.

3. Pag-tsek ng mga Lumiban o


Pumasok na Mag-aaral Ang guro ay magtatala kung sino ang lumiban at pumasok sa klase.

4. Panuntunan at Patakaran
Ang guro ay magpapatupad ng mga panuntunan at patakaran sa klase.

Ang guro ay magtatanong batay sa nakaraang aralin.

B. Pagbabalik-aral 1. Ano ang pananampalataya?


2. Ano ang espiritwalidad?
Panuto: Tumayo kapag ang larawan ay nakapagbibigay ng impormasyon at umupo kung ito ay hindi.

1.

2.

C. Pagganyak na Gawain 3.

4.

5.
Magtatanong ang guro sa mga mag –aaral ng mga sumusunod;

PANLINANG NA GAWAIN:  Ano ang madalas ninyong gamitin kapag kayo ay nangangalap ng impormasyon?
 Ano naman ang hindi ninyo masyadong ginagamit kapag kayo ay nangangalap ng impormasyon?
D. Paglalahad/Pagsusuri
Bakit?
 Sinisigurado ba ninyo na wasto ang inyong nakalap na impomasyon?

Tatalakayin ng guro ang mga;

 Ano ang wastong impormasyon,

E. Abstraksyon/Pagtalakay  Saan nakukuha ang mga impormasyon,


 Kahalagahan ng wastong impormasyon sa pagpapasya, at
 Dagdag o koresponding tanong.

E ARTE MO!

Panuto:

PANGWAKAS NA GAWAIN:  Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat,


 Ang bawat pangkat ay pipili ng kanilang lider upang bumunot ng isang sitwasyon, at
F. Aplikasyon/Paglalapat
 E aarte ng bawat pangkat ang nabunot na sitwasyon at ang wastong hakbang na kailangan gawin sa
pagkalap ng wastong impormasyon.
Narito ang mga sitwasyon;

 Nabasa mo sa dyaryo ni Mavie na ang kanilang barangay ay magkakaroon ng paliksahan sa


pagsasayaw at gustong sumali ng pangkat ni Mavie. Ang mga kalahok ay kailangan na
magdeposito o magbigay ng limang daang libong piso (Php. 500.00). Ano ang gagawin mo o ng
inyong pangkat?
 May patalastas sa telebisyon tungkol sa produkto na pampakinis at pampaputi at ang nag
eendorsyo ay ang inyong iniidolo at sinasabi na walang allergic reaction. Ikaw at iyong kapatid ay
gustong kuminis at pumuti ang inyong mga balat. Ngunit sensitibo ang inyong mga balat dahil
nagkakaroon ito ng allergic reaction kapag gumagamit kayo ng mga produktong pampakinis. Ano
ang gagawin ninyo? Gagamit ba kayo sa produkto?
 Nabalitaan at narinig ninyo sa radyo na sangkot ang inyong kaibigan sa isang aksidente. Ano ang
gagawin ninyo upang malaman kung totoo ang inyong nabalitaan.
 Nabasa mo sa social media na nagkaroon ng sunog sa kalapit na lugar at kasama sa nasunog ang
bahay ni iyong kaibigan. Ano ang gagawin mo upang malaman kung totoo ang iyong nabasa?

Magtatanong ang guro ng mga sumusnod;

1. Bakit kailangan natin na suriin ng mabuti ang impormasyon na nakalap?


2. Mahalaga ba na alam natin kung ano ang wastong impormasyon? Bakit?
G. Paglalahat
3. Nakatutulong bas a pagpapasya ng wasto kapag alam mo ang atamang impormasyon?
Panuto: Kumuha ng kalahating papel at sagutin ang mga katanungan. Thumbs up kung ito ay
Tama at Thumbs down kung ito ay Mali. (2 puntos bawat numero).

________1. May nabasa kang balita sa Facebook agad mo itong ipinagsabi sa iyong mga kaibigan.
________2. Narininig mo sa telebisyon na may paparating na malakas na bagyo ayon sa PAG ASA at ibinahagi
mo ito sa iyong mga kapitbahay.
H. Pagtataya/Ebalwasyon
________3. Narinig mo sa iyong kapitbahay na positibo sa COVID-19 ang anak ng isa ninyong kapitbahay at
agad mo itong isinumbong sa inyong barangay.
________4. Nakatutulong sa pagpapasya ang pagkakaroon ng wastong impormasyon.
________5. Nabasa mo sa libro na kailangan mong pangalagaan ang iyong katawan, kumain ng mga
masustansyang pagkain at prutas, maglinis ng katawan at sa paligid upang maiwasan ang sakit, sinusunod
mo naman ito at ng iyong pamilya.

Panuto: Isulat sa isang buong papel at sagutin.

May naisip ka nag kurso para sa kolehiyo.Gusto mong makasiguro na tama ang iyong magiging pasya

I. Takdang-Aralin pagdating ng panahon.

a. Anu-anong ang impormasyon ang dapat mong malaman?


b. Saan ka maaring makakuha ng impormasyon?

V. Pagtatala

VI. Pagninilay

You might also like