You are on page 1of 14

N SCHOOL Palta Elementary School Grade Level FOUR

GRADE 1 to 12 TEACHER Arvie Shayne T. Gianan Quarter Fourth Quarter


Annotation
DAILY LESSON SUBJECT ESP DATE September 8, 2022
PLAN WEEK COT 1 DAY Friday

LAYUNIN
(OBJECTIVE)
A.PAMANTAYANG Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mapanuring
PANGNILALAMAN
pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa
(CONTENT STANDARDS)
sarili at sa pamilyang kinabibilangan
B.PAMANTAYAN SA Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at loobin sa kung ano ang
PAGGANAP dapat at di-dapat
(PERFORMANCE
STANDARDS)
C.MGA KASANAYAN SA 1
PAGKATUTO Nakapagninilay ng katotohanan mula sa mga balitang napakinggan.
(LEARNING COMPETENCIES) Indicator 7.Planned, managed and im
EsP4PKP-Ie-g-25
(Isulat ang code ng bawat developmentally sequenced teaching
2. Naisasagawa ang pag-unawa sa katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa processes to meet curriculum require
kasanayan)
mga balitang napakinggan. teaching contexts.
3. Nasusuri ang mga balitang napapakinggan, patalastas na nababasa/naririnig,
mga napapanood na mga programa sa telebisyon at nababasa sa internet

II. NILALAMAN Pagsuri ng mga balitang napapakinggan, patalastas na nababasa/naririnig, mga


(CONTENT)
napapanood na mga programa sa telebisyon at nababasa sa internet

Integration: ICT, Filipino, Englsih


III. KAGAMITANG PANTURO
(LEARNING RESOURCES)
A. SANGGUNIAN K to 12 Melc, module week 1
(References)
1.Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2.Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
3.Mga Pahina sa textbook
4.Karagdagang kagamitan Powerpoint presentation, laptop, manila paper, pentelpen, mga larawan
mula
sa postal ng Learning
Resources
B. IBA PANG KAGAMITANG
PANTURO

B. PAGHAHABI NG LAYUNIN Magandang umaga mga bata!.Magandang umaga din po saiyo guro.
NG ARALIN. Kumusta ang inyong umaga?Kayo ba ay handa na sa ating aralin ngayon? Opo,
(Establishing a purpose for handa n po.
the lesson)

Magaling!

Indicator 1.Applied knowledge o


Ipakita ang mga larawan at sabihin ang mga pangalan nito.
within and across curriculum tea

English Integration-Sources of
Information
1. Pamilyar ba kayong lahat sa mga larawan?Ano
ang masasabi niyo rito?
2. Nagagamit at mahalaga ba ito sa ating pang araw-araw na pamumuhay?
Bakit?

Sabihin: ang mga larawang ito ay nagpapakita ng mga bagay na maaaring


pagmulan ng mga impormasyon, balita, patalastas na maaari nating mapanood,
mapakinggan at mabasa araw-araw. Sa dami nito kailangan nating maging
responsible at mapanuri bilang tagatanggap ng mga input o impormasyon na
ating makukuha dahil ang mga iyan ay may impluwensiya sa ating pagdedesisyon
bago gawin ang isang bagay.
B. PAG-UUGNAY NG MGA
HALIMBAWA SA BAGONG Nanonood ka ba ng mga patalastas sa telebisyon?Alin sa mga iyon ang pinakagusto
ARALIN. mo? Tingnan ang isang patalastas na ating susuriin at paguusapan.
(Presenting
examples/instances of
the new lesson)
(ENGAGE)

Suriin ang mga detalye ng patalastas o anunsiyo sa itaas. Ibigay ang hinihinging
impormasyon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Anong detalye o impormasyon ang iyong nakalap sa patalastas tungkol sa


mga sumusunod:
a. Produktong ibinebenta: Sorbetes
b. Pinanggalingan ng patalastas: Ma-Krema Company
c. Presyo ng produkto P 50.00
d. Kailan maaaring makabili? Agosto 25, 2020
2. Ano raw ang masasabi mo rito kapag natikman mo ito? Naniniwala ka ba
rito?
- Mapapa uhm ka sa sarap. Hindi po ako maniniwala hangga’t hindi ko
natitikman.
3. Bibili ka ba nito?
- Maaari akong bumili kung may sobra akong pera.

Sabihin/Ipaliwanag:

Paborito mo ba ang ice cream o sorbetes? Masarap siguro ito dahil ma kre-ma raw
ayon sa patalastas. Marahil rin ay nakumbinsi ka sa sinasabi na mapapa uhm ka
sa sarap.

Pansinin mong muli kung kailan ito mabibili? Buwan ng Agosto at panahon din ng
tag-ulan. Nababagay ba na kainin ang sorbetes sa panahon ngayon? O mas
mainam ito sa panahon na tag-init tulad ng buwan ng Abril at Mayo?

Marahin ay naiisip mor in na tila yata napakamahal naman ng presyo nito.


Limampung piso kapalit ang isang apa ng sorbetes? Bibili ka pa rin ba kung ganito
kamahal?

Ngayon tanungin mo ang iyong sarili?Agad-agad ka bang maniniwala sa sinasabi


sa patalastas?

C. PAGTALAKAY NG BAGONG Narito naman ang isa pang halimabawa kung paano tayo magiging mapanuri at
KONSEPTO AT PAGLALAHAD magiging maingat sa mga impormasyon na ating nakakalap.
NG BAGONG KASANAYAN #1
(Discussing new concept and
Ipapanood ang maikling kuwento tungkol sa maingat na pakikipag usap.
practicing new skills #1)
(EXPLAIN)
Sagutin:

1. Paano ipinakita ng bata sa kuwento ang pagiging mapanuri at maingat sa


pakikipag-usap?
2. Naniwala ba siya agad ?Tama ba ang kanyang ginawa?
3. Ano kaya ang posibleng mangyari kung hindi siya nagging mapanuri o
nagging maingat sa pakikipag usap sa taong hindi kilala?

Mula sa naunang halimbawa ng patalastas na ating tinalakay at ang kuwento na


ating napanood ay nagpapatunay lamang na hindi lahat ng ating naririnig,
nababasa at napapanood sa balita, patalastas, programang pantelebisyon at
internet ay totoo Ang ilan sa mga impormasyong makukuha mo sa mga ito ay
maaring mali o kasinungalingan lamang. May mga taong maaaring sinadyang
gawin ang mga ito.
Ang iba naman ay maaaring nagkataon lamang bunga ng hindi pag-iisp kung
tama nga ito at agad ipinakalat sa iba.

Ang Pagsusuri o pagsisiyasat ay ang paggamit ng isipan upang alamin ang


katotohanan. Ang taong mapanuri ay hindi kaagad naniniwala o nagpapadala sa
naririnig, nababasa, o nakikita. Hindi rin siya nagpapadalos dalos na ibalita sa iba
ang impormasyon. Tinitiyak muna kung tama ang mga ito at may batayan.

Paano nga ba ang maging mapanuri? Narito ang ilan sa mga kilos bilang
palatandaan ng isang taong mapanuri.

1. Masusing binabasa, pinakikinggan o pinapanood ang ulat o impormasyon.


2. Inuunawa ang mga nakalap na impormasyon.
3. Naghahanap ng iba pang pinanggagalingan ng impormasyon upang
maihambing kung pareho at tama ang isinasaad.
4. Inaalam kung ang source o pinagmulan ay kapani-paniwala.
5. Nagtatanong sa eksperto o kinauukulan.

D. PAGTALAKAY NG BAGONG
KONSEPTO AT PANGKATANG GAWAIN: ( 3- 4 miyembro sa bawat pangkat)
PAGALALAHAD NG BAGONG
KASANAYAN #2 Ibigay ang mga Pamantayan sa paggawa ng pangpakatang gawain:
(Discussing new concept and
practicing new skills #2) 1. Makilahok sa Gawain.
(EXPLORE) 2. Magbahagi ng ideya.
3. Igalang ang opinyon ng iba.
4. Unawaing mabuti ang instruksiyon ng gawain
5. Gumawa ng tahimik
6. Ipasa sa tamang oras ang output ng pangkat

Role Play:

Pangkat 1- Alam mo ang totoo sa naganap na sunog sa Tondo Maynila dahil


napanood mo ang balita sa telebisyon. Ngunit iba ang kwento ng iyong kaklase,
ano ang gagawin mo?

Indicator 4 Managed classroom struct


Pangkat 2- Tuwang-tuwa ka sa isang patalastas ng whitening lotion sa telebisyon learners, individually or in groups, in m
dahil ayon dito isang pahid lang, agad na puputi ang balat kaya pinilit mo si nanay discovery and hands-on activities with
learning environments.
na bilihan ka ng lotion sa patalastas.

Pangkat 3- Magtulungang Ipaliwanag ang kasabihang:

“ Higit sa pakikinig sa kung ano ang sinasabi, unawain mo kung ano ang
ipinapahayag.”
RUBRIKS
NG

PANGKATANG GAWAIN:
F. PAGLINANG SA
KABIHASAAN (Tungo sa PANUTO: Suriin kung nagpapahayag ng paggamit ng mapanuring pag-iisip ang
formative assessment) sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang Oo o Hindi sa bawat bilang.
Developing mastery (Leads
to formative assessment) __________1. Pagtimbang nang magkabilang panig ng isang isyu bago ka
gumawa ng pagpapasiya.
__________2. Pagpapahalaga sa opinyon ng ibang tao kahit na ito ay iba sa
opinyon mo.
__________3. Paniniwala sa patalastas na napapanood o naririnig.
__________4. Pagkalap sa ibat’t ibang sanggunian ng mga impormasyon sa
tuwing pinagagawa ka ng pag-uulat sa klase.
__________5. Pagbabasa ng dyaryo upang malaman ang mga pangyayari sa loob
at labas ng bansa.

Sitwasyon: Napanood ng kaibigan sa isang paborito niyang vlogger sa facebook na


masayang laruin ang isang online games dahil kumikita ito ng Malaki. Ano ang
gagawin mo? Isulat ang iyong sagot upang mabuo ang usapan.

G. PAGLALAPAT NG ARALIN Alam mo ba, may napanood akong


sikat na online games, nakakatuwa
SA PANG-ARAW-ARAW NA siyang laruin kasi kumikita ng pera,
BUHAY Tara! Subukan natin!

(Finding practical/application
of concepts and skills in daily
living)

PAGLALAHAT NG ARALIN Bilang mag-aaral ng ikaapat na baitang, sa paanong paraan ninyo nagagamit ang
(Making generalizations mapanuring pag-iisip sa paggamit ng radyo, telebisyon, at internet?
and abstractions about the
lesson)
(ELABORATE)

H. PAGTATAYA NG ARALIN For slow learner: Objective 9 Designed, adapted


(Evaluating Learning) and implemented teaching
(EVALUATION) Bilugan ang larawan na nagpapakita ng tamang pamamaraan ng pagkuha ng strategies that are responsive to
impormasyon. learners with disabilities,
giftedness and talents

Objective 6 Used differentiated, deve


appropriate learning experiences to a
gender, needs, strengths, interests an

For

Average learner:

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan ayon sa iyong natutunan sa araling


ito. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1.Ito ay ang paggamit ng isipan upang alamin ang katotohanan.


A. Pagsusuri
B. Pagtatanong
C. Paniniwala
D. Pagpani
2.Ang mga sumusunod ay palatandaan ng pagiging mapanuri maliban sa
isa,______________________.
A. Masusing pagbabasa C. Pagtatanong sa marunong
B. Pagtitiwala agad D. pagtitsek ng source

3.Tama ang iyong pagiging mapanuri kung______________.

A.naniniwala ka lang kung maganda ang balita


B. Humahanap ka ng iba pang impormasyon
C. Ginagamit mong panakot ang maling impormasyon
D. Hindi mo pinakikialaman ang balita dahil bata ka pa.
4. Sinabi ni Homer kay Mercy na nabasa niya sa internet na may sasabog dawn a
bulkan sa susunod na linggo. Mapanuri si Mercy kung____________

A. Tatanungin niya si Homer ng iba pang detalye.


B. Magbabasa ng iba pang impormasyon sa ibang source
C. Manonood/magbabasa ng balita sa telebisyon/dyaryo
D. Lahat ng nabnggit
4. Nanalo ka raw ng malaking halaga ayon sa pinadalang text message sa
cellphone. Pinayuhan kang tumawag upang ibigay ang lugar ng iyong
tirahan. Ikaw ay mapanuri kung___________________.

A. Kung ibibigay mo ito


B. Ite text mo ito.
C. Papatawagan mo sa nanay mo.
D. Aalamin mo muna kung totoo.

FOR FAST LEARNER:


Sagutin at ipaliwanag:

1. Ano ang iyonng saloobin sa mga mag-aaral gumagawa ng


copy-paste ng impormasyon sa internet ?
2. Ano ang dapat gawin sa mga impormasyong nababasa sa internet nagagamitin sa
isang takdang-arallin ?
3. Ano ang kabutihan ng pagbabasa ng impormasyon mula sa internet atpaggawa ng
sariling pagtalakay ng nakalap na impormasyon batay sasariling pagkaunawa ?

I. KARAGDAGANG GAWAIN
PARA SA TAKDANG ARALIN Pumili ng isang balita o patalastas mula sa radio, diyaryo, programa sa telebisyon o
AT REMEDIATION. sa internet. Maaari mo itong kopyahin o gupitin at idikit. Sagutin ang mga tanong
(Additional activities for sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
application or remediation)
(EXTEND)

1. Tungkol saan ang balita o patalastas na iyong napili?


2. Totoo ba ang impormasyonng nakasulat dito? Ano ang nagging batayan
mo?
3. Ano ang mga katangian ng pagiging mapanuri ang naipakita mo habang
ginagawa ang Gawain sa pagkatuto?

V. REMARKS
Prepared by:
ARVIE SHAYNE T. GIANAN
Teacher
Noted:
GLORIA T. TEJADA
School Principal II

You might also like