You are on page 1of 7

Petsa:

I. Layunin
Nakikinig/nakababasa ng balita nang may kawilihan.
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa balitang napakinggan.

II. Paksa
Nakababahalang Balita
Pagsusuri sa Balitang Nabasa o Narinig
Sanggunian: EsP5PKPIa-27 (Alamin Natin)

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a) Pagsusuri ng kalinisan/kalusugan
b) Pagganyak
 Magpaulat sa ilang mag-aaral tungkol sa balitang kanilang nabasa o
narinig/kanilang karanasan noong nakaraang bakasyon/pangyayari sa
barangay.
 Talakayin ito.

B. Panlinang na Gawain
Alamin Natin
a) Aktibiti
 Ipabigay ang pamantayan sa pakikinig.
 Iparinig ang “Nakababahalang Balita”
 Ipasagot ang mga nais itanong tungkol sa kwento.
b) Pagsusuri
 Ano ang natutuhan mo sa balitang iyong narinig?
 May pagkakataon bang hindi ka naniwala sa balitang iyong narinig sa radio o
telebisyon? Ipaliwanag.
c) Paghahalaw
 Paano mo masasabi na ikaw ay naging mapanuri sa mga balitang narinig mo
sa radio o telebisyon? Ipaliwanag.
d) Paglalapat
 Naranasan mo na bang mali ang iyong pagkakaintindi sa balitang iyong
narinig? Magbigay ng halimbawa.
 Kung ikaw ang bata sa kwento, ganun din ba ang gagawin mo?
Pangatwiranan.

IV. Ebalwasyon
Pakinggan muli ang isang balita.
Sagutin ang mga tanong tungkol sa balita.

Lolo, 75, Biglang Milyonaryo

Labis ang kasiyahan nang isang 75-anyos na lolo matapos na masikwat ang halos
P22 milyong jackpot sa lotto.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager


Ferdinand Rojas II, solong napanalunan ng winner na taga-Quezon City, ang jackpot ng 6/42
lotto na binola noong Abril 7.

Nakuha nito ang kumbinasyong 23-15-04-07-06-36 na may jackpot prize na P22,


612,748
1. Anong pangyayari ang hindi inaasahan ni Lolo?
a. Nanalo sa Lotto b. tumama sa sweepstake c. nakabinggo

2. Tagasaan ang Lolong nagging milyonaryo?


a. Batangas City b. Calapan City c. Quezon City

3. Anong damdamin ang ipinahahayag ng balita?


a. Nkakalungkot b. nakakatuwa c. nakakadismaya

4. Sa paanong paraan makatutulong ang pangyayari sa buhay ni Lolo?


a. Giginhawa ang kanyang buhay.
b. Magigipit siya ng husto.
c. Dadami ang kanyang kaibigan.

5. Surrin ang balita. Tukuyin kung ito ay:


a. Positibong balita
b. Negatibong balita.
c. Walang kwentang balita

V. Takda
Makinig muli ng isang balita. Humandang iulat ito sa klase.
Petsa:

I. Layunin
Nasusuri ang balita kung positibo o negatibong balita.

II. Paksa
Pagsusuri ng balita
Sanggunian: Esp5PKPIa-27 (Isagawa Natin)
Integrasyon: Media Literacy

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pagtatala ng batang pumasok/pagsusuri ng kalinisan
Pagsasagawa ng takdang aralin
(Pag-uulat ng balitang nabasa o narinig)

B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
 Ipagawa sa mag-aaral ang Gawain 1.
 Pangkatin ang mga balita kung positibo o negatibong balita.
 Iaayos ang mga ito sa nakahandang tsart sa pisara.

2. Pagsusuri
 Ipabasa at ipasuri ang kanilang naging sagot.
 Anu-ano ang mga balitang napili ninyo na masasabing Positibong Balita?
Negatibong Balita?

3. Paglalahat
 Alin sa mga balita ang masasabi ninyong magandang balita at alin ang
mapanghamon? Bakit?
 Magbigay ng halimbawa ng magandang balita at mapaghamong balita.

4. Paglalapat
 Isagawa ang Gawain 2 – Panoorin at Suriin
 Isagawa ang Gawain 3 – Pangkatang Gawain

IV. Ebalwasyon
Suriin kung ang sumusunod na mga balita ay positibo o negatibo.

1. First Gen, namigay ng mga kagamitang pampaaralan sa mga batang nasa unang
baitang.
2. Batangas, magiging setro ng malakas na bagyo.
3. Mga “Rugby Boys” sa Batangas, dumarami.
4. Sangguniang Kabataan sa Barangay Sta. Rita, naglunsad ng proyekto para sa mga
kapwa kabataang out-of-school youth.
5. Presyo ng pangunahing bilihin sa lumang palengke patuloy na tumataas.

V. Takda
Magdala ng krayola para sa Gawain bukas.
Petsa:

I. Layunin:
Nasusuri ang balitang narinig o nabasa.

II. Paksa
Pagsusuri ng balita
Sanggunian: Esp5PKPlaa-27 (Isapuso Natin)

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pagtatala ng mga batang pumasok.
Pagsasagawa ng takdang aralin

B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
Gagawa ang guro ng isang hugis puso.
Dito ilalagay ng ng mga mag-aaral ang kanilang sarili sa pamamagitan ng
pagkukulay ng bahagi ng puso kung anong antas ang pagiging mapanuri sa balita.

2. Pagsusuri
Ipasuri ang kanilang ginawa.

3. Paglalahat
Ang pagiging mapanuri sa mga narinig o nabasa ay nagpapakita lamang ng
masusing pag-iisip tungo sa tamang pagpapasya. Bawat isa ay may kanya-kanyang
pananaw at opinion sa mga balitang naririnig o nababasa. May mga balitang
nagbibigay ng wastong impormasyon upang lalong mapaunlad ang kaalaman ng
mga mambabasa at nakikinig.
Kapag nakikinig, kinakailangang ibuhos mo ang iyong atensyon sa inyong
pinapakinggan. Sa unang paliwanag pa lamang kailangang matukoy mo ang
paksang tinatalakay.
Kailangang maging masiyasat din tayo sa mga bagay na ating napapakingggan
o nabasa bago tayo sumang-ayon. Dapat ding masuri natin ang ang mga
impormasyon nang lubos para sa mapagpasyahan nang buong pag-iisip an gating
desisyon.

4. Pagtataya
Pakinggang mabuti ang balita mapapanood sa video clip. Suriin ito kung positibo o
negatibo.
Petsa:

I. Layunin:
Nakagagawa ng poster na nagpapakita ng pagiging mapanuri sa mga balita’t impormasyong
naririnig o nababasa.

II. Paksa
Paggawa ng Poster
Sanggunian: Esp5PKPlaa-27 (Isabuhay Natin)

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagtatala ng mga batang pumasok.
2. Balitaan

B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
Suriin ang mga sumusunod na balita.
2. Analisis
Paano kaya natin dapat suriin ang mga impormasyon o balitang ating
napakinggan o nabasa?
Makaaapekto ba ito kung mali ang impormasyon na ating naihatid sa ating
kapuwa?

3. Abstraksyon? Aplikasyon

Ano ang kahalagahan ng pagiging mapanuri sa mga balita’t imposrmasyon naririnig o


nababasa?

IV. Pagtataya

Gumawa poster tungkol sa temang “Balita ay suriin, maliming basahin at unawain.”


Petsa:

I. Layunin:
Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga balitang
napakinggan o patalastas na nabasa o narinig.
II. Paksa
Sanggunian: Esp5PKPlaa-27 (Subukin Natin)

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagtatala ng mga batang pumasok.
2. Balitaan

B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
Lagyan ng tsek ( / ) ang tamang kolumn ng iyong sagot sa mga alituntunin sa
pagiging mapanuring pag-iisip ng mga impormasyong nababasa at naririnig.

Hindi Minsan Laging


Nagagawa Nagagawa Nagagawa
1. Naipapaliwanag ko nang maayos at
may kumpletong detalye ang balita
tungkol sa bagyo.
2. Nababasa ang isang balita tungkol sa
mga kabataan sa Pilipinas.
3. Naikokompara ko ang tama at mali sa
aking nabasa sa pahayagan.
4. Kaagad akong naniniwala sa mga
balitang aking napakinggan.
5. Sinusuri ko munang mabuti ang
impormasyong aking nakalap bago
gumawa ng pagpapasya.

2. Analis

Sagutin ang mga sumusunod:


• Ano ang iyong masasabi sa iyong mga sagot?
• Naniniwala ka ba sa iyong mga sagot?
• Pinaninindigan mo ba ang iyong mga sagot?
3. Abstraksyon? Aplikasyon

Ano ang kahalagahan ng pagiging mapanuri sa mga balita’t imposrmasyon naririnig o


nababasa?

IV. Pagtataya

Lagyan ng tsek (/) ang bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa balitang
napakinggan radyo, nabasa sa pahayagan, o internet at ekis (x) kung hindi mo ito nabigyan ng
mapanuring pag-iisip. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

____________ 1. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kumpletong detalye ang balita ukol sa lindol.
____________ 2. Nababasa ko ang isang balitang tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas
____________ 3. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan o internet.
____________ 4. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig sa radyo.
____________ 5. Naisagawa ko ang sunud-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita.

You might also like