You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5

Ikatlong Markahan Linggo 4 Araw 3

I. LAYUNIN

• Mga kasanayan sa Pagkatuto Natutukoy ang mga pangyayaring nasaksihan

Naibibigay/naipapahayag ang sariling opinyon sa o reaksiyon sa napakinggang


balita,isyu o usapan

Pagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan

II. NILALAMAN Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan

III. MGA KAGAMITANG PANTURO

Mga sanggunian

1. Mga pahina sa gabay ng guro Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 5: Pagbabahagi ng Isang Pangyayaring
Nasaksihan o Naobserbahan/ Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa Isang
Napakinggang Balita, Isyu o Usapan

2. Mga pahina sa kagamitang pang-


mag-aaral

3. Mga pahina sa textbook https://sg.docworkspace.com/d/sIB6rlO5VhLD5rgY?sa=e1&st=0t

4. Karagdagang kagamitang Mula sa LR


portal

5. Iba pang kagamitang panturo Powerpoint presentation, larawan, laptop

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa Noong nakaraan tinalakay natin ang tungkol sa


nakaraang aralin/ o pagsusuri ng mga tauhan/tagpuan sa panonood ng
pagsisimula ng bagong maikling pelikula
aralin
Ano ano ang mga dapat tandaan sa panood ng isang
maikling pelikula? Pamagat

Tauhan

Tagpuan

Aral
Magalig!

B. Paghahabi sa layunin Pansinin ang mga nasa larawan


ng arlin
Larawan 1. Nagsasampay

Larawan 2. Nagluluto

Larawan 3. Nagtatanim

Ano sa tingin niyo ang ginagawa ng mga nasa larawan

C. Pag-uugnay ng mga Ilan lamang yan sa mga pinagkakaabalahan gawin ng


halimbawa sa bagong mga tao noong panahon ng lock down pandemic
aralin noong taong 2020 maraming pangyayare at pag subog
ang hinarap ng mga Filipino.

Ilan najan ang paglaganap ng pandemiya

Pag alert lebel 3 ni Bulkang mayon at

Maging pananalasa ng bagyo sa iba`t ibang lugar dito


sa ating pilipinas

Ang mga pangyayaring ito ay ating nasaksihan sa


pamamagitang ng

Panood ng telebision

Pakikinig sa radio

At pag babasa ng pahayagan

D. Pagtatalakay sa Ngayon ating basahin at unawain ang isang maikling


bagong konsepto at kwento
paglalahad ng bagong
kasanayan #1 Pamagat: Epektong emosyonal ng Pandemya

Tila tumigil ang mundo sa pag-ikot ngayong taon dahil


sa nararanasang pandemya. Ang mga tradisyonal at
nakasanayang gawain ay tila naglahong parang bula.
Maging ang pagpasok sa paaralan ay isa na sa
gawaing tila mahirap nang maibalik.

Bukod sa epekto ng pandemya sa maraming aspekto,


hindi maikakaila na malaki ang naging epekto nito sa
emosyon ng mga mamamayan. Ang istres na dulot
nito ay hindi maitatago mula sa kagipitang pinansyal
hanggang sa ating pakikisama sa tao.

Ngunit kilala ang mga Pilipino bilang mga


mamamayang kinakaya ang lahat. At sa kabilang
banda, marami rin tayong natutuhan ngayong
pandemya katulad ng kahalagahan ng kalinisan,
kalusugan, pamilya, at oras. Wala ring pinipiling edad
ang istres na naidudulot ng pandemya ngunit sa
kabila nito ay may natutuhan tayo.
Mga gabay na tanong

1. Ano ang pamagat ng binasang kuwento? 1. Epektong emosyonal ng pandemya


2. Ang mga mamayan
2. Sino - sino ang mga naapektuhan sa naranasang 3. Dahil sa pandemiyang nararanasan
pandemya? 4. Ang mga bagay na ntutunan ng tao
3. Bakit nakararanas ng istres ang mga tao? ay ang kahalagahan ng kalinisan
kalusugan pamilya at oras
4. Batay sa binasa mong teksto, ano - ano ang mga 5. Nakapag pabago sa buhay sa ng mga
bagay na natutuhan ng tao mula sa naranasang tao ang kinakarap na pandemya dahil
pandemya? tila tumigil ang mundo noong
naranasan ang pandemya
5. Paano nakapagpabago sa buhay ng mga tao ang
kinakaharap na pandemya.

E. Pagtatalakay sa TANDAAN NATIN


bagong konsepto at
paglalahad ng bagong Sa pagbabahagi ng nasaksihang pangyayari,
kasanayan #2 gumagamit tayo ng salitang naglalarawan upang
maging kawili-wiling pakinggan ang kuwento.

Isinasaayos nang magkakasunod ang mga pangyayari,


Isinasaalang- alang din ang paggamit ng malaking
letra sa simula ng pangungusap at wastong bantas na
kailangan.

Kailangang makatotohanan ang mga ibinabahaging


nasaksihang mga pangyayari upang upang lalong
paniwalaan ng ibang tao.

MGA DAPAT TANDAAN UPANG MAISAGAWA AT


MABISA AT MAKATOTOHANANG PAGBABAHAGI NG
NASAKSIHAN

1. Tiyaking nakabatay sa katotohanan ang


pangyayaring inilahad

2. Hindi dapat madagdagan o mabawasasan ang


mahahalang pangyayaring ibinabahagi ng mga
nasaksihang pangyayari.

3. Maging maingat sa pagsasalaysay ng


pangyayari.

4. Gumamit ng mga salitang karaniwan o


madaling maunawaan at gawng payak ang
pangungusap.

5. Huwag haluan ng kongklusion o sariling


opinion.

Tayo ay nakakakuha ng mahahalang impormasyon sa


mga balitang ating napanood, napakinggang o
nababasa. Alam moba kung ano ang balita?

Ang balita ay anumang mahahalagang impormasyon


na nasasalig sa napapanahong pangyayari o di-
karaniwang nagaganap at may kahulugan sa mga
mambabasa.
F. Paglinang sa Pangyayaring iyong Sariling reaksyon o opinion
kabihasaan (tungod sa naobserbahan o tungkol sa natukoy na
formative assessment) nasaksihan tungkol pangyayaring iyong
sa isyu ng naoserbahan o iyong
edukasyon sa nasaksihan
panahon ng COVID
19

G. Paglalapat ng aralin Pangkatang Gawain


sa pang- araw- araw na
buhay Pag-aralang mabuti ang sumusunod. Magbigay ng
iyong sariling opinyon o reaksyon sa sitwasyon o
pangyayari sa larawan.

Pangyayari/ Sariling opinyon


siwasyon

1.

2.

3.

H. Paglalahat ng aralin Ngayon tungkol saan nga ulit an gating tinalakay? Naibabahagi ang isang pangyayaring
nasaksihan

Ano ang mga dapat nating tandaan upang maibahagi


ang pangyayaring nasaksihan? 1. Tiyaking nakabatay sa katotohanan
ang pangyayaring inilahad

2. Hindi dapat madagdagan o


mabawasasan ang mahahalang
pangyayaring ibinabahagi ng mga
nasaksihang pangyayari.

3. Maging maingat sa pagsasalaysay ng


pangyayari.

4. Gumamit ng mga salitang karaniwan


o madaling maunawaan at gawng
payak ang pangungusap.

5. Huwag haluan ng kongklusion o


sariling opinion.

Magaling!
I. Pagtataya ng aralin Ngayon naman ay sagutan niyo ito..

Maging malaya sa pagsusuri sa iyong paligid.


Tumukoy ng mga pangyayaring iyong nasaksihan o
naobserbahan na sa palagay mo ay mahalaga.
Magbigay din ng iyong sariling opinyon o pananaw
tungkol dito.

Pangyayaring iyong Sariling reaksiyon o


naobserbahan o opinyon tungkol sa
nasaksihan na sa natukoy na pangyayaring
iyong palagay ay iyong naobserbahan o
mahalaga nasaksihan

Halimbawa: Minsan kahit na may mga


pagsubok, kailangan pa
May mabuti pa rin ring maging positibo at
sa panahon ng tingnan kung ano ang
pandemya. mabuti at makatutulong sa
Nagkaroon ng mas sitwasyon
maraming panahon
ang bawat pamilya
na magsama-sama
at magtulungan.

1.

2.

3.

4.

5.

J. Takdang- Takdang aralin:


aralin/karagdagang
gawain Basahin ang sumusunod na talata at magbigay ng
sariling opinyon o reaksyon kaugnay sa isyung
tinatalakay

Curfew

Ano nga ba ang curfew? Ito ay isang patakaran na


ipinatutupad ayon sa batas. Ito ay nagtatakda at
naglilimita ng oras kung kailan nasa loob lamang ng
bahay o nasa labas. Kadalasan ipinapatupad ito sa mga
lugar na may banta sa seguridad, o minsan din naman
para sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan sa
isang komunidad. Sa isang barangay, mahigpit ang
pagpapatupad nito sa mga menor de edad.
Pinagbabawalan silang lumabas ng bahay sa gabi. Ang
mga tanod ay naglilibot upang masigurong walang
sinuman ang lumalabag sa kautusang ito. Ito ay para
maging matiwasay at maayos ang kanilang lugar.
Ipinasa ni: Leopoldo Jr. B. Raza

Inipanasa Kay: Mrs, Nelia Convocar

You might also like