You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5

Ikatlong Markahan Linggo 4 Araw 4

I. LAYUNIN

• Mga kasanayan sa Pagkatuto Nakagagawa ng isang timeline batay sa nabasang kasaysayan

F5PB-le-18

II. NILALAMAN Paggawa ng isang timeline batay sa nabasang kasaysayan

III. MGA KAGAMITANG PANTURO

Mga sanggunian

1. Mga pahina sa gabay ng guro

2. Mga pahina sa kagamitang pang-mag-aaral https://www.collegesidekick.com/study-docs/4662163

3. Mga pahina sa textbook https://www.youtube.com/live/cA-6qOEzMwg?si=M9iqs0ekvf1Tr4V6

4. Karagdagang kagamitang Mula sa LR portal

5. Iba pang kagamitang panturo Larawan, powerpoint presentation, laptop, manila paper

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin/ Ano ang huli nating tinalakay? Tungkol sa pagbabahagi ng isang
o pagsisimula ng bagong aralin pangyayaring nasaksihan
Magaling!

Ngayon sagutin ito sa pamamagitan ng iyong


nasaksihan ibahagi mo

Guro

Ganito ang inyong gagawin, una tukuyin ang


nawawalang larawan na aking ipapakita
pagkatapos ay ibahagi ninyo inyong ideya
tungkol sa larawan

Para sa unang larawan, ano kaya ito?

Ito ay pagputok ng bulkang taal

https://images.app.goo.gl/GjPoWPZkzmJN2xEw6

iyong nasaksihan, ibahagi mo

Pagpapatupad ng lockdown sa ating


bansa

https://images.app.goo.gl/c8inftZg89w5PEVcA

Pagkalat ng sakit na covid 19


https://images.app.goo.gl/HdqihmxozhAR5UU98

para naman sa huling larawan ano kaya ito?

Inyong nasaksihan ibahagi niyo

Pananalasa ng bagyo

Magaling!

Ito ang mga nasaksihan niyong mga larawan at


naibahagi ninyo ang mga ideya tungkol dito.

B. Paghahabi sa layunin ng arlin Ang ating tatalakayin ngayon ay Paggawa ng


isang timeline batay sa nabasang kasaysayan

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Ngayon naman ay may pakikinggan kayong isang


sa bagong aralin teksto, ngunit bago ko ito basahin ay narito ang
mga pamantayan sa pakikinig.

MGA PAMANTAYAN SA PAKIKINIG

1. Umupo nang maayos at pakinggan ang


tekstong babasahin.

2. Unawaing mabuti ang teksto upang


makasagot sa talakayan.

3. Isulat ang mahahalagang detalye sa tekstong


napakinggan

D. Pagtatalakay sa bagong Ang hagupit ni 2020


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 Ni: Jesbelle Ds. Tolentino

Marami ang sumalubong sa taong 2020 na puno


ng pag-asa ngunit unang buwan pa lamang ng
panibagong dekada ay napakarami ng
pangyayaring tumatak at talagang nagbigay
takot at pangamba sa taumbayan dahil sa sunod-
sunod na pangyayari.

Iba't ibang kalamidad din ang ating naranasan


habang tayo ay sumasailalim sa nationwide
lockdown. Sinimulan ito ng sunog sa Australia
kung saan maraming tahanan ang nawasak at
mga hayop na namatay

Ito ay sinundan ng pagsabog ng Bulkang Taal


noong Enero 12 na naging dahilan ng paglikas ng
mga taga Batangas.

Enero 26 ng taon ay binigla ang buong mundo sa


balitang namatay ang sikat na basketbolistang si
Kobe Bryant kasama ang anak at 7 pang
kasamahan. Buwan pa rin ng Enero 28, pumalo
sa 100 katao ang namatay sa kontroberysal na
Novel Corona Virus na pinaniniwalaang nagmula
sa Wuhan City, China. Kasabay nito ay
kinumpirma ng Department of Health ang unang
kaso sa Pilipinas ng kinatatakutang Corona Virus.
Pagdating ng Marso nagsimula na ang pagdami
ng mga kaso ng Covid-19 sa mundo.
Matatandaang Marso 15 ay isinailalim ni
Pangulong Duterte ang buong Luzon sa
Enhanced Community Quarantine. Dahil sa
pandemyang dulot ng COVID-19, tumigil ang
mundo at ilang milyong tao na ang na hawaan ng
sakit.

Kaugnay naman sa Edukasyon, inanunsyo ng


Department of Education ang pagbubukas ng
klase sa pribado at pampublikong paaralan sa
bansa noong Oktubre 5 sa tinatawag na blended
learning.

Unang araw ng Nobyembre, naitala ang


pananalasa ng Bagyong Rolly kung saan ito ang
pinakamalakas na bagyong dumaan sa Pilipinas
sa taong 2020 sa Karagatang Pasipiko na nag-
iwan ng matinding pinsala sa mga naninirahan
lalo na sa tabing-dagat.

Matapos ang pananalasa ng Bagyong Rolly,


buwan pa rin ng Nobyembre, di pa man
nakababangon ang taumbayan, isa na namang
bagyo ang humagupit sa bansa. Ito ang Bagyong
Ulysses. Malakas na pag-ulan at matinding
pagbaha ang idinulot ng bagyong ito na
nagpalubog sa maraming lugar sa Metro Manila.

Hinagupit man tayo ng taong 2020 ng mga


sakuna, kalamidad at matinding sakit, nananatili
pa rin ang pag-asa at katatagan ng kalooban ng
bawat Pilipino. Umaasang sa pagtahak natin sa
panibagong taon ay mapalitan ng mga
magagandang pangyayari at magkaroon ng
bagong pag- asa ang bawat isa.

Nakininig ba mga bata?

Ngayong naman upang mahasa ang inyong


kaalaman tungkol sa paggawa ng timeline batay
sa nabasang teksto ay mag kakaroon tayo ng
Gawain at tatawagin natin itong

NAWAWALANG DETALYE KUMPLETOTOHIN MO!

Ipapakita ko sainyo isang timeline mula sa


tekstong nabasa at kukompletohin niyo ang mga
nawawalang detalye maliwanag ba?

Narito ang timeline mula sa tekstong

ANG HAGUPIT NI 2020


Mahusay mga bata,yan lamang ang timeline ng
mga pangyayaring naganap sa ating bansa

E. Pagtatalakay sa bagong Ano nga ba ang timeline?


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2 Ang timeline ay isang listahan ng mga kaganapan
sa pagkakasunod-sunod na nangyari sa isang
mahalagang petsa at oras ng kasaysayan.
Mahalaga ang timeline ng isang kasaysayan dahil
dito natin mas madaling malilinang ang mga
nagdaang pangyayari sa ating bansa o maaring
sa ibang bansa.

F. Paglinang sa kabihasaan Ang susunod na gawain ay tatawing


(tungod sa formative
assessment) TIMELINE NG KASAYSAYAN BUUIN MO!

Taon-taon ay ginugunita nating mga Pilipino ang


mga makasayasayang pangyayari sa ating bansa.
Tuwing ika-25 ng Pebrero inaalala natin ang
makasaysayang EDSA Revolution. Araw naman
ng Kagitingan ang ginugunita natin tuwing ika-9
ng Abril. Hindi rin natin makakalimutan ang Araw
ng Kalayaan na ipinagdiriwang natin tuwing ika-
12 ng Hunyo

Nagbibigay pugay din tayo sa ating mga bayani


tuwing ika-apat na Lunes ng Agosto. Samantala
tuwing Disyembre 30 naman ay binibigyan natin
ng halaga ang buhay at mga gawa ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Sa araw
ring ito ay ipinagdiriwang ang anibersaryo ng
kanyang pagkamatay. Ilan lamang ang mga ito sa
mga makasaysayang pangyayari sa ating bansa.

ATING BUUIN ANG TIMELINE MULA SA


TESKTONG NAPAKINGGAN, tukuyin ang mga
mahahalahang pangyeyering naganap sa bawat
petsa pillit ang letra ng tamang sagot

G. Paglalapat ng aralin sa pang- TANDAAN: Mahalagang magkaroon tayo ng


araw- araw na buhay kamalayan at kaalaman mula sa mga
pangyayaring nagaganap sa ating bansa maging
sa buong mundo. Dahil ito ay makatutulong sa
atin upang magkaroon ng magandang kasanayan
at katangian bilang isang Pilipino.

H. Paglalahat ng aralin Ngayon tungkol saaan nga ulit an gating Paggawa ng isang timeline batay sa
tinalakay? nabasang kasaysayan

Ano nga ulit timeline? isang listahan ng mga kaganapan sa


pagkakasunod-sunod na nangyari sa
isang mahalagang petsa at oras ng
kasaysayan.

Bakit ng aba mahalaga ang timeline sa ating Mahalaga ang timeline ng isang
kasaysayan? kasaysayan dahil dito natin mas
madaling malilinang ang mga
nagdaang pangyayari sa ating bansa.

Magaling ! ngayon alam niyo naba kung


gumagawa ng timeline

I. Pagtataya ng aralin Ngayon gagawa kayo ng isang timeline batay sa


nabasang kasaysayan.

Taon-taon ay ginugunita nating mga Pilipino ang


mga makasayasayang pangyayari sa ating bansa.
Tuwing ika-25 ng Pebrero inaalala natin ang
makasaysayang EDSA Revolution. Araw naman
ng Kagitingan ang ginugunita natin tuwing ika-9
ng Abril. Hindi rin natin makakalimutan ang Araw
ng Kalayaan na ipinagdiriwang natin tuwing ika-
12 ng Hunyo

Nagbibigay pugay din tayo sa ating mga bayani


tuwing ika-apat na Lunes ng Agosto. Samantala
tuwing Disyembre 30 naman ay binibigyan natin
ng halaga ang buhay at mga gawa ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Sa araw
ring ito ay ipinagdiriwang ang anibersaryo ng
kanyang pagkamatay. Ilan lamang ang mga ito sa
mga makasaysayang pangyayari sa ating bansa

J. Takdang- aralin/karagdagang Takdang aralin:


gawain
Pag aralan ang iba pang-uri ng timeline

Ipinasa ni: Leopoldo Jr. B. Raza

Inipanasa Kay: Mrs, Nelia Convocar

You might also like