You are on page 1of 12

Filipino

Baitang 7 • Yunit 2: Kuwentong-bayan: Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng


Lugar na Pinagmulan Nito

ARALIN 2 .2
Mga Pahayag na Nagpapakita ng Katotohanan
Talaan ng Nilalaman
Introduksiyon 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Mga Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 2

Pag-aralan Natin 3
Pahayag na may Katotohanan at Pahayag na Opinyon lamang 6

Sagutin Natin 6

Subukan Natin 7

Isaisip Natin 7

Pag-isipan Natin 7

Dapat Tandaan 10

(Mga) Sanggunian 10
Filipino

Baitang 7 • Yunit 2:Kuwentong-bayan: Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng


Lugar na Pinagmulan Nito

Aralin 2.2
Mga Pahayag na Nagpapakita ng
Katotohanan

Lar. 1. Sa panahon na ang impormasyon ay mabilis nang mapalaganap, mahalaga na


matukoy natin ang mga pahayag na may katotohanan.

Introduksiyon
Ika nga sa isang ingles na kasabihan “you cannot not communicate”, mula sa paggising natin
sa umaga hanggang sa pagkilos o pagtatrabaho, maging sa pagpapahinga, napakalaking
papel ang ginagampanan ng pagpapahayag. Ang pagpapahayag ay isang paraan ng
pagpapaabot ng ideya, saloobin, paniniwala o nais na sabihin ng indibidwal. Ipinahahayag
natin ang ating sarili upang makipag-ugnayan sa kapwa, makipagpalitan ng opinyon o kaya
naman ay makipagtalastasan.

1
Filipino

Baitang 7 • Yunit 2:Kuwentong-bayan: Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng


Lugar na Pinagmulan Nito

Sa panahong ang pagpapahayag ng saloobin ay napakadali buhat sa paggamit ng hatirang


pangmadla o social media, hindi maipagkakaila na marami na rin ang nabibiktima ng maling
impormasyon.

Mga Layunin sa Pagkatuto


Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:
● natutukoy ang pagkakaiba ng katotohanan sa opinyon;
● nakikilala ang mga pangyayari na maaaring mangyari sa totoong buhay;
at
● naipakikita ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari na nabanggit
batay sa sariling karanasan.

Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Sa araling ito, ikaw ay inaasahang nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga
pangyayari batay sa sariling karanasan (F7PB-Ih-i-5).

Simulan

Student’ Bluff
Panuto
Suriin ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung ito ay nagpapakita ng Fact (katotohanan)
o Bluff (kuro-kuro o opinyon)

________________ 1. Ayon sa World Health Organization, walang kumpirmadong haba ng oras


kung gaano nakatatagal ang COVID-19 sa kalatagan ,gayunpaman, katulad

2
Filipino

Baitang 7 • Yunit 2:Kuwentong-bayan: Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng


Lugar na Pinagmulan Nito

pa rin ito ng iba pang coronavirus. Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang


coronavirus ay nakatatagal ng isang oras o kaya ay ilan pang mga araw
depende sa kondisyon gaya ng temperatura at kapaligiran.

________________ 2. Kung hindi ka lalabas ng iyong tahanan, imposible kang mahawa ng


COVID-19.

________________ 3. Batay sa istatistikal na datos ng WHO, noong Oktubre 14 2021, umabot na


sa 4, 863, 818 ang namatay dahil sa COVID-19.

________________ 4. Dapat nang itigil ang paggamit ng face shield sa mga pampubliko at bukas
na gusali dahil nakadaragdag lamang ito sa hirap ng mga tao.

________________ 5. Tunay na maraming mag-aaral ang nahihirapan na makasabay sa sistema


ng edukasyon ngayong bagong kadawyan o online class.

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang iyong naging batayan sa pagsusuri ng mga pahayag na posibleng


nagpapakita ng katotohanan?
2. Ano-ano ang mga napansin mong salita sa pangungusap na ginamit bilang tanda ng
pagpapahayag ng katotohanan?

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
Paano mo matutukoy na may katotohanan ang isang pahayag? Bakit
kinakailangang malaman ang pagkakaiba ng katotohanan at opinyong
pahayag?

3
Filipino

Baitang 7 • Yunit 2:Kuwentong-bayan: Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng


Lugar na Pinagmulan Nito

Ngayong panahon na ang pagpapahayag ng ideya o mensahe ay napakamoderno, hindi


maisasantabi ang katotohanang parami din nang parami ang mga taong madaling
mabiktima ng maling impormasyon o ang tinatawag nating fake news. Naging talamak na
ang mga balitang walang malinaw na batayan o reperensya upang masabing ito ay totoo.

Kaya naman, bilang isang mag-aaral, mahalagang matutuhan mo ang mga paraan sa
epektibo at masusing pagtukoy ng mga pahayag na nagpapakita ng katotohanan. Mayroong
mga teknik na maaaring gamitin sa pagsusuri ng mga pahayag.

Una, maaaari mong tukuyin o hanapin ang mga kataga sa pangungusap na sumusuporta o
nagdudulot sa ideya na maging tunog kapani-paniwala. Ang mga katagang gaya ng totoong,
talagang, tunay nga, sadyang, sa katunayan at iba pang pang-abay na panang-ayon na
ginagamit natin sa pagsasaad ng katotohanan. Kalimitan ang mga ito ay sinasamahan ng
ebidensya o batayan. Maaari ding gamitin ang mga katagang gaya, kahit pa, sapagkat,
kasi, dahil at iba pa bilang indikasyon ng pagpapaliwanag sa naunang naibigay na detalye.

Halimbawa:
1. Sadyang mahirap ang buhay ngayong panahon ng pandemya sapagkat marami ang
nawalan ng hanap-buhay.
(ginamit ang katagang sadya upang sabihin na ang pahayag ay nangyayari sa
realidad, sinusundan naman ng katagang sapagkat upang bigyan ng suportang
detalye o pagpapaliwanag ang naunang ideya.
2. Totoong mahirap na makaiwas sa hawaan ng COVID-19 kahit pa anong higpit sa
pagsunod sa mga protocol ng gobyerno.
(ginamit ang salitang totoo upang patunayan ang ideya ng pahayag na mahirap
makaiwas sa COVID-19 samantalang ginamit naman ang katagang kahit pa upang
bigyan ng suportang detalye ang naunang pahayag.)

4
Filipino

Baitang 7 • Yunit 2:Kuwentong-bayan: Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng


Lugar na Pinagmulan Nito

Ikalawa, nariyan din ang paggamit ng mga pananda bilang senyales na ang datos ay may
pinagbatayang pag-aaral o artikulo. Maaaring tukuyin ang mga katagang gaya ng batay sa
pag-aaral, mula sa mga datos na aking nakalap, ayon sa/kay, napatunayan na,
pinatutunayan ni at marami pang iba.

Halimbawa:
1. Ayon sa datos ng DOH, tinatayang umabot na sa kabuoang 40, 221 ang nasawi dahil
sa COVID-19.
2. Batay sa WHO, walang ebidensya ang nagpapatunay na maaaring mahawaan ng
COVID-19 ang isang tao dahil sa pagkain. Base sa mga pag-aaral, namamatay ang
mga virus sa init ng temperatura na ginagamit sa pagluluto ng pagkain.

Alamin Natin
senyales hudyat o palatandaan

ebidensya pruweba o pagpapatunay

talamak laganap, uso o naglilipana

5
Filipino

Baitang 7 • Yunit 2:Kuwentong-bayan: Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng


Lugar na Pinagmulan Nito

Pahayag na may Katotohanan at Pahayag na


Opinyon lamang

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang pahayag?
2. Ano-ano ang mga batayan upang matukoy na ang pahayag na may katotohanan?
3. Bakit mahalagang matutuhan ang wastong pagsusuri ng pahayag na nagpapakita ng
katotohanan.

6
Filipino

Baitang 7 • Yunit 2:Kuwentong-bayan: Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng


Lugar na Pinagmulan Nito

Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Bilang isang mag-aaral, paano makatutulong sa iyo ang kaalaman sa pagtukoy ng
mga pahayag na may katotohanan?
2. Paano ka makaiimpluwensya ng iyong kapwa mag-aaral pagdating sa pagkilatis ng
mga pahayag?

Isaisip Natin
Paano mo mapatutunayan ang kredibilidad ng mga pahayag na nababasa mo sa
hatirang pangmadla o social media?

Pag-isipan Natin
A. Pak o Ganern?
Basahin ang talata.

Ang Pabula bilang Bahagi ng Kultura

Bago pa man dumating ang mga Kastilang mananakop, ang ating mga ninuno
ay mayroon nang kaaalaman ukol sa panitikan. Noon pa man ay umusbong na ang
Kuwentong-bayan kung saan isa sa mga tanyag na uri nito ay ang Pabula. Ang Pabula ay
isang uri ng panitikan na kathang-isip lamang na kapupulutan ng magandang aral. Mga
hayop o bagay na walang buhay ang karaniwang gumaganap na pangunahing tauhan
dito.

7
Filipino

Baitang 7 • Yunit 2:Kuwentong-bayan: Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng


Lugar na Pinagmulan Nito

Kung susuriin ang bawat pabula, lumilitaw na nilalayon nitong maitanim sa


isipan ng bawat tao, hindi lamang ng mga bata ang kahalagahan ng mabuting
pag-uugali. Nais nitong maipakita ang kabutihan ng pagiging isang mananampalataya,
masunurin, mabait, mapagbigay, matapang, matulunging anak, at iba pa. Lumilikha ang
mga fabulist, tawag sa mga lumilikha ng pabula, ng mga tauhang hindi maganda ang
ugali na kaniyang ikinasasawi o kaya dahilan ng kaniyang pagkabigo, upang hindi
pamarisan ng mga mambabasa.

Kinilala si Aesop bilang “Ama ng Pabula.” Ito ay bilang parangal sa kaniyang


naging kontribusyon sa panitikang Griyego. Masasabing walang malinaw na naitala
kung sino talaga si Aesop. Tangi lamang sa kaniyang pagiging isang Griyego at alipin.
Ayon sa mga tala, ang kaniyang pagiging alipin ang nagbigay ng dahilan upang sumulat
ng mga pabula. Dahil bawal daw magpahayag at magbigay ng opinyon ang isang alipin,
ginamit niya ang mga pabula upang magkaroon ng kritisismo sa lipunan. Paglipas ng
panahon, nakaalis siya sa estadong pagiging alipin at naging malayang mamamayan
dahil sa ipinakita niyang talino, katapatan, at kasipagan. Ayon pa rin sa mga tala,
maraming pabula ang nagpasalin-dila, at ang mga ito ay kinilalang kay Aesop. Hanggang
sa maglabas ng koleksyon ng mga pabulang kinilalang Aesop’s Fables. Itinatayang may
halos 725 pabula sa koleksyong ito.

Gaya ng ibang uri ng panitikan, ang pabula ay sadyang mabisang lunsaran o


hanguan ng pagtalakay ng mahahalagang aral sa buhay. Puno ito ng mga kaisipang
maaaring gawing gabay kung paano makikitungo sa kapwa at buong lipunan.

Panuto: Isulat ang Pak kung ang pangungusap ay nagpapakita ng katotohanan at Ganern
naman kung hindi.

8
Filipino

Baitang 7 • Yunit 2:Kuwentong-bayan: Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng


Lugar na Pinagmulan Nito

________________ 1. Bago pa man dumating ang mga Kastilang mananakop, ang ating mga
ninuno ay mayroon ng kaalaman ukol sa panitikan.
________________ 2. Kung susuriin ang bawat pabula, lumilitaw na nilalayon nitong maikintal sa
isipan ng bawat tao, hindi lamang sa mga bata ang kahalagahan ng
mabuting pag-uugali.
________________ 3. Ayon sa mga tala, ang kaniyang pagiging alipin ang nagbigay ng dahilan
upang sumulat ng mga pabula.
________________ 4. Ayon pa rin sa mga tala, maraming pabula ang nagpasaling dila, at ang
mga ito ay kinilalang kay Aesop.
________________ 5. Gaya ng ibang uri ng panitikan, ang pabula ay sadyang mabisang lunsaran
o hanguan ng pagtalakay sa mahahalagang aral sa buhay.

B. Panuto: Ibigay ang reaksyon sa pahayag d gumamit ng mga panandang nagbibigay


katotohanan,. Gawing batayan ang karanasan sa pagsagot.

1. Ang magkapatid na balo na sina Mapiya a Balowa at Marata a Balowa ng Pabulang


“Ang Mataba at Payat na Usa” ay patunay na mayroong mga kababaihan na patuloy
na lumalaban sa hamon ng buhay kahit wala ang haligi ng kanilang tahanan.
Reaksyon/Opinyon:
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

2. “Nagmakaawa ang usa na sa kaniyang katawan kumuha ng karne ang mag-ina.


Nagtaka sina Mapiya a Balowa. Kaniyang tinanong ang usa kung bakit nais nitong
pabawasan ang laman ng katawan. Ayon sa usa ay labis ang kaniyang katabaan”
Sa katotohanan, mayroong iilan na nagsusumikap na magbawas ng kanilang timbang
para sa personal na layunin.
Reaksyon/Opinyon:
__________________________________________________________________________________________

9
Filipino

Baitang 7 • Yunit 2:Kuwentong-bayan: Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng


Lugar na Pinagmulan Nito

__________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

3. Ang mag-inang Marata a Balowa ay namatay dahil sa kanilang kasakiman at


kawalang-awa sa payat na usa. Sa anong realidad ng buhay ito maihahalintulad?
Reaksyon/Opinyon:
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Dapat Tandaan

● Ang pagpapahayag ay isang paraan ng pagpapaabot ng ideya, saloobin, paniniwala


o nais na sabihin ng indibidwal.
● Ang mga kataga gaya ng totoong, talagang, tunay nga, sadyang, sa katunayan ay
maaaring batayan ng pahayag na nagpapakita ng katotohanan.
● Ang mga katagang gaya, kahit pa, sapagkat, kasi at dahil ay ginagamit naman
upang pangsuporta o pagpapaliwanag sa ideya.
● Ang mga kataga gaya naman ng batay sa pag-aaral, mula sa mga datos na aking
nakalap, ayon sa/kay, napatunayan na, pinatutunayan ni ay mga direktang
pahiwatig ng ideya na hango sa katotohanan.

(Mga) Sanggunian

Dongosa, Mylen. 2020. Unang Markahan – Modyul 2: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga
Patunay. Region XII: Department of Education.

10
Filipino

Baitang 7 • Yunit 2:Kuwentong-bayan: Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng


Lugar na Pinagmulan Nito

Tapit, Angelica. 2020. Unang Markahan – Modyul 1:– Kuwentong Bayan mula sa Maranao
Mga Pahayag na Nagbibigay ng mga Patunay. Quezon City: Sangay ng mga Paaralang
Panlungsod.

Department of Health. “COVID-19 Case Tracker.” Accessed October 14, 2021.


https://doh.gov.ph/covid-19/case-tracker

World Health Organization. “WHO Coronavirus (COVID-19).” Accessed October 14, 2021.
https://covid19.who.int/

11

You might also like