You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Rehiyon XI
Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Lungsod ng Davao
St. Peter’s College of Toril, Inc.
Toril, Davao City
KAGAWARAN NG FILIPINO
DAILY LESSON LOG - AGOSTO 28, 2023
___________________________________________________________________________________

I. PANGKALAHATANG
PANGNILALAMAN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang akdang
Pangnilalaman pampanitikan na mapagkukunan ng mahahalagang kaisipang magagamit sa
paglutas ng ilang suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan.
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio broadcast na
Pagganap naghahambing sa lipunan ni Balagtas at sa kasalukuyan.
MGA TIYAK NA
LAYUNIN
A. Pamantayang Nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat sa paggawa ng
Pangnilalaman pangungusap na naglalahad ng sariling pananaw.
B. Pamantayan sa Nakagagawa ng isang talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung napili.
Pagganap
C. Mga Nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat
Kasanayan sa (F8WG-IVf-g-38)
Pagkatuto
(Learning
Competency)
isulat ang code ng
bawat kasanayan
II. NILALAMAN Paksa: Wastong Paggamit ng mga Salitang Nanghihikayat
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian ng Q4 Filipino 8 SLK 4 (p. 13-14)
Guro https://www.coursehero.com/file/64901189/PANGHIKAYATdocx/
https://prezi.com/p/yu5ihqtrdaun/salitang-nanghihikayat/
https://www.nielsen.com/insights/2017/when-it-comes-to-advertising-
effectiveness-what-is-key/
B. Sanggunian ng Q4 Filipino 8 SLK 4 (p. 13-14)
mga mag-aaral
C. Kagamitang Kagamitang biswal, TV, speaker, chalk, kopya ng SLK, laptop
panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa  Panalangin at pagbati
nakaraang  Pagtatala ng mga liban sa klase
aralin o  Pagpapaalala sa health and safety protocols at iba pa.
pagsisimula ng  Pagbabalik-aral sa nakaraang aralin
bagong aralin  Paghahabi sa layunin ng paksang tatalakayin
1. Natutukoy at nagagamit ang mga salitang nanghihikayat;
2. Nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat sa paggawa
ng isang patalastas.
3. Napahahalagahan ang wastong paggamit ng mga salitang
nanghihikayat sa pagbabahagi ng kanilang mga ideya, opinyon, o
saloobin.
B. Pagganyak (Indicator 1: Applied knowledge of content within and across curriculum
teaching areas) (Aral. Pan., EsP)

Indicator 8: Selected, developed, organized, and used appropriate teaching


and learning resources, including ICT, to address learning goals.

Indicator 2: Used a range of teaching strategies that enhance learner


achievement in literacy and numeracy skills.

Magpapakita ng isang video commercial ng Jolibee. Pagkatapos ng


panonood, itatanong ng guro ang mga sumusunod na katanungan.
https://www.youtube.com/watch?v=c27lm3aVi0E
Republika ng Pilipinas
Rehiyon XI
Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Lungsod ng Davao
St. Peter’s College of Toril, Inc.
Toril, Davao City
KAGAWARAN NG FILIPINO
DAILY LESSON LOG - AGOSTO 28, 2023
___________________________________________________________________________________

1. Tungkol saan ang napanood na video? Ano ang ginagawa ng isang


patalastas?
Sagot: Ang video ay tungkol sa isang pamilya na kumakain ng paa
ng manok mula sa isang pinakasikat na fastfood chain sa Pilipinas.
Ang kanilang ginagawa ay hinikayat nila ang mga tao na bumili ng
kanilang produkto gamit ang pagpapakita kung gaano ito kasarap.

2. Sa iyong palagay, ano ang layunin ng gumawa ng video na iyon?


Sagot: Para sa akin, ang layunin ng gumawa ng video na ito ay para
bumili ang mga tao ng kanilang produkto. Para ipakit sa mundo na
mas masarap ang kanilang produkto na sinasaluhan ng pamilya.

3. Sa tingin mo, bakit tinatangkilik ng mga Pilipino ang Jolibee? Anu-


ano ba ang kanilang ginagawa upang mahikayat ang mga tao na
bumili sa mga pagkain nila?
Sagot: Para sa akin, dahil sa Jollibee pinapakita nila ang iba’t-ibang
uri ng kanilang masasarap na pagkain. Lalo na ang “chicken joy”na
ito ang pinakagusto ng mga bata. Isa na rin dito ang mga pagkaing
pinoy na binebenta ng Jollibee o ito ay lutong pinoy.

Ipoproseso ng guro ang mga sagot ng mga mag-aaral. Magpapakita ng


mga datos ang guro tungkol sa advertising effectiveness na ginawa ng The
Nielsen Company, LLC noong 2017.

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang ipinapakita ng mga datos na ito? Ano ang ibig sabihin nito?
2. Sa iyong palagay, ano ang nakahihikayat sa mga mamimili na bilhin
ang produkto nang makita ang patalastas nito?
3. Sa tingin mo, bakit mahalaga ang tamang paggamit ng mga salitang
nanghihikayat?

Ipoproseso ng guro ang mga sagot ng mga mag-aaral at magbibigay ng


input ang guro tungkol sa patalastas.
C. Paglalahad sa Upang masukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa aralin, magbibigay ng
Nilalaman ng maikling pagsasanay ang guro tungkol sa mga salitang nanghihikayat.
Paksa
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap at tukuyin ang tono kung
ito ay PAGSANG-AYON, PAGTUTOL, o PAGBIBIGAY-DIIN.

1. Mahalagang magkaroon tayo ng kaalaman dahil naniniwala akong


makatulong ito sa atin sa panahon ngayon sapagkat lamang sa
sinuman ang may pinag-aralan sa panahon ng kagipitan.
2. Sang-ayon ako sa pamamaraan na ginawa ng mga magulang ni
Florante kung paano nila hasain ang damdamin ng anak.
Republika ng Pilipinas
Rehiyon XI
Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Lungsod ng Davao
St. Peter’s College of Toril, Inc.
Toril, Davao City
KAGAWARAN NG FILIPINO
DAILY LESSON LOG - AGOSTO 28, 2023
___________________________________________________________________________________

3. Sadyang ganoon ang pangyayari sa buhay, may mga unos na hindi


natin inaasahan.
4. Totoong mahirap pakisamahan ang isang taong may lihim na
itinatago.
5. Hindi maaaring pagkatiwalaan ang mga taong minsan na tayong
ginawan ng masama.

Tamang Sagot:
1. Pagbibigay-diin
2. Pagsang-ayon
3. Pagbibigay-diin
4. Pagsang-ayon
5. Pagtutol

D. Pagtalakay sa Indicator 2: Used a range of teaching strategies that enhance learner


Bagong achievement in literacy and numeracy skills.
Konsepto
Indicator 4: Applied a range of teaching strategies to develop critical
thinking, as well as other higher-order thinking skills.

Indicator 6: Used differentiated, developmentally appropriate learning


experiences to address learners’ gender, needs, strengths, interests, and
experiences.

Tatalakayin ng guro ang mga salitang nanghihikayat.

May tatlong uri ang panghihikayat: pagsang-ayon, pagsalungat, at


pagbibigay-diin.

Pagsang-ayon
Halimbawa: Totoong mapagmahal na ama si Duke Briseo.
Naniniwala ako na walang hinahangad ang mga magulang
kundi ang ikaliligaya ng kanilang mga anak.

Pagsalungat
Halimbawa: Isa siyang magaling na doktor sa ating bayan subalit siya ay
masamang tao ayon sa mga lumalabas na ulat sa bayan.
Hindi totoo ang paniniwalang iyan na malas ang itim na pusa.

Pagbibigay-diin sa panindigang isyu


Halimbawa: Mahalaga na bigyan natin ng oras ang ating pamilya sapagkat
sila ang ating sandigan sa lahat ng panahon.
Kung ating susuriin, may pagkakamali tayong makikita sa
kanilang proseso.

Magbibigay ng mga sitwasyon ang guro sa mga mag-aaral at gagawan nila


ito ng mga pahayag na nanghihikayat.

1. Nagbebenta ka ng produktong pampaganda (herbal tea, slimming


pills, vitamins, sabon at iba pa). May kamahalan ang produkto mo
dahil ito ay imported ngunit alam mong sulit ito sapagkat tiyak na
epektibo ito at walang side effects. Ano ang sasabihin mo upang
hikayatin ang mga mamimili na bumili ng iyong mga produkto?
Sagot: Ako ay gagamit ng pangalan ng sikat na tao na gumagamit
kuno nito ng aking produkto upang hikayatin sila na bumili nito.
2. Isang kamag-aral mo ang naligaw ng landas dahil sa impluwensya
ng barkada at bawal na gamot. Ano ang iyong sasabihin upang
Republika ng Pilipinas
Rehiyon XI
Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Lungsod ng Davao
St. Peter’s College of Toril, Inc.
Toril, Davao City
KAGAWARAN NG FILIPINO
DAILY LESSON LOG - AGOSTO 28, 2023
___________________________________________________________________________________

mahikayat siyang ayusin ang kaniyang buhay?


Sagot: Sasabihin ko sa kanya na habang may buhay, may pag-asa.
Isa pa, sabihin ng ating nagdaan na Pangulong Duterte “I hate drugs”
3. Isang kaklase mo ang nakaranas ng matinding pagsubok sa buhay.
Ito ay ang paghihiwalay ng kaniyang mga magulang. Naisipan
niyang tumigil sa pag-aaral dahil nawalan siya ng gana. Paano mo
siya hihikayating gawin kung ano ang mas nararapat?
Sagot: Sasabihin ko sa kanya na porke naghiwalay ang iyong
magulang ay ibig sabihin na non ay nawalan na ng saysay ang iyong
buhay kaya ka titigil sa pag-aaral. Alalahanin mo na buhay ng mga
magulang mo ang nasira, hindi sa’yo. Kung pinili man nila ang
gano’ng kahihinatnan ng kanilang buhay ay huwag kang
magpapaapekto. Hanggang sa bata ka pa ay matuto ka ng tumayo
sa sarili mong mga paa.

Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng


wastong paggamit ng mga salitang nanghihikayat.

Gabay na Tanong
1. Sa tingin mo, bakit mahalaga ang wastong paggamit ng mga salitang
nanghihikayat? Paano ito nakatutulong sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay?
Sagot: Para sa akin, mahalaga ang wastong paggamit ng mga
salitang nanghihikayat dahil hindi mo alam sa mga sinasabi mong
panghihikayat sa mga taong malapit sayo o sa mga hindi mo kilala ay
nakatulong pala ito sa kanila upang magpatuloy sa buhay kung sila
man ay nawala sa landas. O kaya naman ay nagging dahilan ito para
magkaroon sila ng pag-asa sa kung ano man ang kanilang dinadala.

E. Paglalahat at Indicator 4: Applied a range of teaching strategies to develop critical


Paglalapat ng thinking, as well as other higher-order thinking skills.
Aralin sa Tunay
na Buhay Indicator 6: Used differentiated, developmentally appropriate learning
experiences to address learners’ gender, needs, strengths, interests, and
experiences.

Indicator 8: Selected, developed, organized, and used appropriate teaching


and learning resources, including ICT, to address learning goals.

Magpapakita ng isang halimbawa ng video commercial ng Nestle Bear


Brand ang guro sa mga mag-aaral.
https://www.youtube.com/watch?v=B8PB1RHzXMw

Bawat pangkat ay may kani-kaniyang gawain. Gagawa ng isang patalastas


ang mga mag-aaral na gumagamit ng mga salitang nanghihikayat katulad ng
nakita at napakinggan sa video commercial.

Pangkat 1 – Gumawa ng isang maikling radio commercial na nanghihikayat


Republika ng Pilipinas
Rehiyon XI
Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Lungsod ng Davao
St. Peter’s College of Toril, Inc.
Toril, Davao City
KAGAWARAN NG FILIPINO
DAILY LESSON LOG - AGOSTO 28, 2023
___________________________________________________________________________________

sa mga tagapakinig na gumamit ng kanilang ini-endorsong sabon


pampaputi.

Pangkat 2 – Gumawa ng isang maikling dula na nanghihikayat sa mga


tagapanood na mag-ingat sa matinding init ng panahon.

Pangkat 3 – Gumawa ng isang jingle na nanghihikayat sa mga tagapakinig


at tagapanood na gamitin ang pedestrian lane at overpass sa pagtawid sa
kalsada.

Pangkat 4 – Gumawa ng isang maikling talumpati na nanghihikayat sa mga


tagapanood at tagapakinig na ingatan ang kalikasan.

Lubos na naipahatid ang nilalaman o kaisipan na nais iparating sa mga


manonood/mambabasa – 5 puntos
Lubos na kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit sa
pagtanghal – 5 puntos
Wasto at maraming ginamit na mga salitang nanghihikayat – 5
Kabuuan – 15 puntos

F. Pagtataya Indicator 9: Designed, selected, organized, and used diagnostic, formative,


and summative assessment strategies consistent with curriculum
requirements.

Panuto: Tukuyin ang mga salitang nanghihikayat na angkop sa bawat


pahayag upang mabuo ang talata. Sagot lamang ang isulat sa iyong
sagutang
papel.

A. Walang duda D. Tunay nga G. Tunay nga J. Naniniwala akong


B. Totoo E. Naniniwala H. Kung susuriin natin
C. Hindi maaari F. Subalit I. Sigurado

1.________ hindi matatawaran ang pagmamahal nina Duke Briseo at


Prinsesa Floresca sa anak nilang si Florante. Bagama’t nag-iisang anak,
2.______ palakihin si Florante sa layaw. Kailangan niyang matuto ng iba’t
ibang kaalaman at mga pagpapahalaga sa buhay. 3.______ ang kaniyang
amang darating ang panahon na kailangan ni Floranteng tumayo sa
kanyang
sariling mga paa. 4.____________, maraming mga pagsubok sa buhay si
Florante 5._______ nalagpasan niya ang lahat ng iyon dahil sa mga
natutunan
niya sa kanyang mga magulang at sa pag-aaral. 6._____ ngang
napakadakila
ng pag-ibig ng isang magulang para sa kanyang anak.7._______ handa
niyang
isakripisyo maging ang sarili para mabigyan lamang ito ng magandang
buhay.
8___________, walang ibang hangad ang mga magulang kundi ang
ikaliligaya at ikatatagumpay ng kanilang anak. 9________makikilala sa anak
ang paraan ng pagpapalaki ng mga magulang nito. Kung wasto ang

pagpapalaki ng mga magulang sa anak, 10. _____ lalaki din silang kapaki-
pakinabang sa lipunan.
Republika ng Pilipinas
Rehiyon XI
Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Lungsod ng Davao
St. Peter’s College of Toril, Inc.
Toril, Davao City
KAGAWARAN NG FILIPINO
DAILY LESSON LOG - AGOSTO 28, 2023
___________________________________________________________________________________

TAMANG SAGOT:
1. D
2. C
3. E
4. G
5. F
6. A
7. B
8. H
9. J
10. I

V. TAKDANG- Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


ARALIN
1. Ano ang dapat isaalang-alang sa paggamit ng mga salitang
nanghihikayat?
Sagot: Ito ay ang kanilang reaksiyon at opinyon.
2. Paano maipapakita ang wastong paggamit ng mga salitang
nanghihikayat?
Sagot:
3. Ano ang maaaring mangyari kung hindi wasto ang paggamit ng mga
salitang nanghihikayat?
Sagot: Maaaring magkaroon ng di-pagkakaunawaan o alitan sa
pagitan ninyo.
4. Gumawa ng limang (5) halimbawa ng pangungusap na
nanghihikayat.
Sagot:
1. Totoo nga na may anak na siya sa edad na diyese-otso.
2. Totoong mapagmahal na ama si Duke Brisio.
3. Naniniwala akong walang kasalanan si Alfonso sa pagkamatay ni
Jeffrey.
4. Hindi ako naniniwala na walang kasalanan si Alfonso sa
pagkamatay ni Jeffrey.
5. Hindi totoo na mapagmahal na ama si Duke Briseo.

VI. PAGNINILAY

Inihanda ni:

SOPHIA NICOLE M. PEÑAREDONDO


Teacher I – Filipino

Sinuri at namasid ni:


Republika ng Pilipinas
Rehiyon XI
Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Lungsod ng Davao
St. Peter’s College of Toril, Inc.
Toril, Davao City
KAGAWARAN NG FILIPINO
DAILY LESSON LOG - AGOSTO 28, 2023
___________________________________________________________________________________

JOLLY JIMEX JEREMIAH A. POLE


Master Teacher I – Filipino Master Teacher I – Filipino

Inaprubahan ni:

CONRAD M. SANTIAGO
HT VI – Puno ng Kagawaran

You might also like