You are on page 1of 28

Filipino 8 Ikatlong Markahan –

Modyul 4: Kontemporaryong
Programang Pantelebisyon
Ano ang programang pantelebisyon?
Gaya ng pelikula, ang mga programang
pantelebisyon ay maituturing ding isang uri
ng sining na nagsisilbing libangan at
gumigising sa isip at damdamin ng isang tao.
Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng
kabatirang panlipunan, pangespirituwal,
pangkultura, pangmoralidad, pang-
edukasyon at iba pa.
May tinatawag na infotainment na isang uri
ng media na nagbibigay ng mga
impormasyon at kasiyahan sa mga tao sa
pamamagitan ng iba’t ibang programang
pantelebisyon.
Ang mga programang ito ay nagsisilbing
libangan na rin ng mga tao sapagkat
naaaliw sila sa panonood ng mga game
show, variety show, at iba pang programa
tulad ng panonood ng teleserye.
Panuto: Gamit ang iskrip ng dokumentaryong
programang pantelebisyon na, “Pagpag for
Sale”, bigyang hinuha ang paksa, layon at tono
nito. Pagkatapos ay iyo ring panoorin ito sa link
na kasunod https://www.youtube.com/watch?
v=XOaVzEOnDrU at suriin ito ayon sa
itinakdang pamanatayan sa ibaba. Kopyahin ang
pormat kasunod ng iskrip at isulat dito ang
iyong sagot. Gawin ito sa hiwalay na papel.
Pagpag for Sale
ni Howie Severino
Mga Tauhan:
Arnold Clavio - tagapag-ulat
Boy Ignacio - kumukuha ng basura
Amy Ignacio - kumukuha ng pagpag
Aileen Ignacio - kumakain ng pagpag
Domeng Villanueva - kumakain ng pagpag
Jeffrey Flores - kumakain ng pagpag
Rebecca - suki ng pagpag
Tagapanayam - nag-iinterbyu sa mga residente
Romeo Halocon - District Officer Sanitation Depatment
Eloisa Donor - Nutritionist (dalubpaniya
Arnold: “May pera sa basura” naniniwala ang magkapatid
na Boy at Rey sa kasabihang ito. Ito kasi ang kanilang
pinagkakakitaan gabi-gabi sa loob ng dalawang taon, ang
magkapatid dedma sa masangsang at nakasusulasok na
basura para sa kanila ito ang amoy ng pera ng pagkain sa
lamensa at ang pang-araw-araw na gastusin.
Boy: Kahit hindi na ako lumabas pa sa iba, dito sigurado
kikita na ako.
Tagapanayam: Magkano po kikitain ninyo diyan?
Boy: Mababa lang
Tagapanayam: Mga magkano po estimate (tantiya)?
Boy: Mga 200. Tapos ikakarga ko na pauwi. Duon
ko na pagpipilian sa bahay. Tagapanayam: Ano po
ginagawa ninyo sa mga iyan?
Boy: Pinipili at hinihiwalay ko lang yung mga kaps,
kutsara, mga takip tapos yung styro.
Arnold: Pagdating itinali na ni Boy ang kayamanang
nakuha niya sa gabi.
Boy: Uuwi na ako, matutulog na.
Arnold: Kinabukasan, kasama na ni Boy ang asawang
si Amy, pagkakalkal sa tabi ng kabundok na basura
naman ang kanilang pinagkakaabalahan sa
pagkakataong ito hindi mga plastik, styro at kung ano-
ano pang gamit ang kanilang misyon, mga tira-tirang
pagkain mula sa iba’t ibang mga kainan, ang tawag
daw dito, pagpag.
Amy: Nandito yung mga pagpag kung tawagin. Yung
ganito yung mga manok na tira-tira na mga kinain,
mga kinain ng tao, tapos binebenta namin.
Arnold: Bakas man sa laman ng manok ang kagat
ng mga kumain nito, marami pang laman. Ayon
kila Amy hit (patok) raw ang pagpag sa kanilang
lugar.
Amy: Sigurado na po ito kasi kung baga may
permante ko na siyang kinukunan, hindi katulad
nung kumukuha ka sa labas, kumukuha ka ng
karton, nakikipagsapalaran ka pa, ito siguradong
may hawak ka na talagang hindi ka na
magugutom.
Arnold: Sa tabi mismo ng kalkalan, nakilala namin
ang mag-inang Aileen pati ang kanyang isang taon
na gulang na anak, pagpag ang kinakain.
Tagapanayam: Ano po kinakain niya?
Aileen: Piniritong pagpag po.
Tagapanayam: Matagal na po ba siyang kumakain
niyan?
Aileen: Matagal na po.
Tagapanayan: Wala po siyang nararamdaman?
Aileen: Wala po.
Arnold: Inaabot sila ng dalawang oras sa pag-iipon ng
pagpag. Dadalhin na ito sa karinderya na kanyang
biyanan na si Rosalina para ipagbili. Ayon kay Amy
ang pagpag hindi lang laman ng tiyan nila, ito rin ang
bumubusog sa kanilang gutom na bulsa. Singkuwenta
pesos din daw ang isang kahong pagpag, matapos
ang bentahan inihahanda na ito para lutuin.
Tagapanayam: Ano po ang ginagawa ninyo?
Boy: Tumutulong.
Tagapanayam: Ano po iyan? Bakit ninyo po tinataga?
Boy: Tinatanggal yung mga hindi napapakinabangan.
Tagapanayam: Yung buto po?
Boy: Oo, yung buto.
Arnold: Dalawang beses na binabanlawan ang mga
ito sa mainit na tubig bago lutuin.
Tagapanayam: Nanay ano po ang niluluto ninyo
ngayon?
Rosalina: Heto pong pagpag.
Tagapanayam: Ano pong luto iyan?
Rosalina: Afritada. Ewan ko ba ito ang nahiligan ko kasi
mabili. Nuong subukan ko mabili talaga.
Arnold: Sa isang buong araw nakakatatlong malalaking
kawali ng afritadang pagpag si Aling Rosalina, sa dami
nang kumakain, pagkatapos ng araw simut’ sarap ang
mga kaserola ni Aling Rosalina. Sampung piso ang
isang order ng pagpag, mas mahal lang ng limang piso
ang piniritong pagpag. Ayon pa kay Aling Rosalina
alam naman ng mga parokyanong na pagpag ang
kanilang binebenta, pero dahil mura kusang binubura
nila sa isipan ang pinaggalingan ng mga ulam.
Domeng: Hindi naman madumi iyan.
Tagapanayam: Bakit po?
Domeng: Kasi iyan mga kinakain ng kostumer na
konting kagat lang tapos sigurong hindi na kayang
kainin.
Jeffrey: Huwag nilang sasabihin na kahit ganito lang
ang pagkatao namin, yung marurumi ang mga
pagkain namin hindi, pantawid gutom para
makatipid kami para makaipon kami para sa
pamilya namin.
Arnold: Ang tingin naman ni Rebecca
masustansiya ang pagpag kahit galing pa ito
sa basura kaya inaaraw-araw niya ito.
Rebecca: Hanggang maghapon kami iyan
ang inuulam namin.
Tagapanayam: Wala po kayong
nararamdaman na kahit ano?
Rebecca: Heto at tumataba pa nga ako, ang lakas ko
pa bumubuhat ako ng dalamang container
(lalagyan) na tubig. Pampalakas itong pagpag, kapag
hindi ako nakakain nito, humihina ako. Kailangang
kumain ako ng pagpag.
Arnold: Masaya man silang kumakain, naalarma
kami sa sitwasyon. Ligtas ba sila sa pagkain ng
pagpag? Nagdala kami ng dalawang nutritionist
(dalubpaniya) mula sa Makati Medical Center upang
ipaliwanag ang mga sakit na maaaring makuha sa
pagkain na mga pinupulot sa basura.
Eloisa: Yuon ang ibig naming iparating kasi kung
maiiwasan din lang yung mga sakit na galing din sa
pagkain kung pagkain din lang naman ang solusyon.
Arnold: Paliwanag nutritionist (dalubpaniya) ang
mga ganitong klaseng pagkain ay may dalang
matitibay na bakterya na hindi namamatay sa init
nang pagluluto. Ilan sa mga bakterya ay ang
Salmonella, Staphylococcus aureus, at E. Coli,
nakukuha ito sa mga basurahan o kahit mismo sa
mga laway na mga unang kumain na mga pagkain.
Eloisa: Yung salmonella in a big amount (malaking halaga),
actually wala siyang specific (tiyak) na sakit as in sakit na
kunyari Hepatitis, walang ganon, salmonellosis lang pero
yuong symtoms ( sintomiya) niya dehydration o panunuyo,
pagtatae, pagtatae, lagnat.
Arnold: At kapag hindi naagapan maaari itong humantong
sa kamatayan.
Rosalina: Kaya wala akong piligro na ano, bukod sa
nabanlian na ipipirito pa ulet sa mantika kaya wala namang
piligro dahil nuong una pa lang hindi na ako nagtinda.
Arnold: Tugon naman ng nutrinionist
(dalubpaniya) sa tinder maaaring malakas na ang
immune system (sistemang imyuno) ng mga
residente kung kaya’t wala pang nababalitaan na
nagkakasakit nang malala.
Eloisa: Kasi young immune system (sistemang
imyuno) ng tao would by duon sa environment
(kapaligiran) na ginagalawan niya.
Arnold: Gayon man hindi nangangahulugan na ligtas na ang
kalusugan ng mga kumakain nito. Dahil ang ibang bakterya
nananatili sa loob ng bituka at duon ito naiipon at dumarami.
Hiningi rin naming ang opinyon ng Manila Health Department
Sanitation Services tungkol sa panuntunan ng mga maliliit na
karinderya.
Romeo: Meron kaming guidelines (mga patnubay) na sinusunod
sa sanitation code (kodigo ng sanitasyon) atsaka sa
implementing rules and regulations on food safety
(pagpapatupad sa panuntunan at regulasyon sa kaligtasan para
sa mga pagkain).
Arnold: Ayon pa kay Romeo, dapat malinis ang
tubig na ipanglilinis o ipanghahalo sa mga
pagkain. Mahalaga rin daw na may suot na
hairnet at apron sa tuwing maghahanda at
magluluto ng pagkain.
Romeo: Para yuong cross contamination from
the cook duon sa kanyang pagkaing inihahanda
mapoprotektahan.
Arnold: Panatilihin ding mainit ang pagkain kung
galing sa init at malamig naman kung galing sa lamig
para maiwasan itong mapanis. Dapat din magkaroon
ng kitchen counter na ginagamit sa paghahanda ng
pagkain upang mapanatili ang linis ng pagkain.
Matagal ng problema ang pagpag pero ang
pagbebenta nito sa karinderya ngayon lang daw nila
nalaman.
Romeo: Meron pa lang ganito na ginagawa young
ating mga kababayan na nakukuha pa nila na ibenta
ito for General Consuming Public.
Arnold: Aminado rin sila na kulang ang
imbestigasyon pagdating sa kalinisan ng mga pagkain
sa karinderya sa kanilang nasasakupan.
Romeo. Kasi may mga areas (mga lugar) hindi na
natutukan ng mga sanitary inspector (inspektor sa
kalinisan). Mahina ang aming monitoring
surveillance (pamamatiyag).
Arnold: Pero nangako naman sila sa amin na simula
ngayon tutukan nila ang pagpapalakad sa mga
karinderyang nagbebenta ng pagpag.
Romeo: Ang dapat nating mabigyang-pansin itong
problemang ito. Siguro duon sa aming pagpapatupad sa
food safety (kaligtasan para sa mga pagkain).
Arnold: Tulad ni Aling Rosalina, sa pagpag na kumukuha
ng kabuhayan ang ilan sa mga residente rito. Pero kung
hindi ito mabibigyan ng pansin ng mga awtoridad, sa
lalong madaling panahon imbis na laman tiyan, ang
pagpag ay makapagdulot ng kapahamakan sa
kalusugan. Hahantayin pa ba natin na may mapahamak
bago matakot at gumawa ng aksyon?

You might also like