You are on page 1of 7

8

LEARNING ACTIVITY SHEETS


Ikatlong Markahan
Kontemporaryong Programang
Pantelebisyon

1
F8Q3_Aralin 3 Kontemporaryong Programang Pantelebisyon
A. Paghihinuha sa Paksa, Layon at Tono ng Akdang Nabasa
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang nabasa. (F8PB-IIIe-f-31)
.
Susing Konsepto
Nakaabang ka rin ba araw-araw sa sinusubaybayan mong palabas sa
telebisyon? Ano- anong paksa ang gusto mong panoorin? Bago natin simulan ang
bagong aralin ay kilalanin at alamin mo ang kahulugan ng sumusunod na salita:
Paksa - “Tungkol saan?”, tumutukoy sa tao o bagay na pinag-uusapan sa akda
Layon - “Para saan?”, ito ay ang dahilan ng may-akda sa paglikha ng akda,
halimbawa ; manghikayat, mangtuligsa, manglibang, mangaral at iba pa.
Tono – “Paano tinalakay?” tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang
kanyang isinulat. Ang tono ay maaaring mapagbiro o mapanudyo, masaya
malungkot, seryoso at satiriko.
Pagsasanay 1
Panuto:Basahin ang blog ng kaparehong dokumentaryo sa ibaba. Maari
rin itong panoorin mula sa GMA News na pinamagatang “Mag-aaral,
Buwis-buhay ang Pagpasok sa Eskuwela” na matatagpuan sa
https://www.youtube.com/watch?v=Lxpkc77HjzA .

Mag-aaral, Buwis-buhay ang Pagpasok sa Eskuwela

Nababalot pa ng dilim ang buong Barangay Mambajog, sa bayan ng Matnog, lalawigan


ng Sorsogon, pero gising na at naghahanda sa kaniyang pagpasok sa eskuwela ang
labindalawang taong gulang na si Jer John. Gising na rin ang kaniyang ina na naghahanda ng
kaniyang babauning pagkain sa buong maghapon. Magsisilbi na niyang agahan at tanghalian
ang dalang kanin at noodles, kaya naman parati raw umuuwing pagod at gutom ang bata
pagkagaling sa klase, ayon sa kaniyang ina.
Pero ang mas mahirap sa pagpasok sa eskuwela para sa mga batang tulad ni Jer
John, ang paglusong sa malamig at minsa'y masungit na dagat tuwing umaga. Araw-araw
niya itong ginagawa kasama ng ilang kaeskuwela, dahil wala silang bangka hindi tulad ng
ibang mas nakaririwasang pamilya. Lampas sa kaniyang ulo ang tubig-dagat lalo na kung
maalon at high tide. Hindi ito iniinda ni Jer John at ng iba pang mag-aaral ng Sua National
High School.
Iyon nga lang, hindi pa tapos ang kalbaryo nila sa pagpasok sa eskuwela. Dahil
pagkatapos lumusong sa dagat, umaakyat sila sa matarik na bundok para makatawid sa
kabilang lugar. Pagdating sa kanilang klase, mababanaag ang pagod at antok ng mga
2
estudyante. Ang resulta, mababa ang resulta ng kanilang mga pagsusulit at ang ibang bata
naman humihinto na lang sa pag-aaral.
Mistulang sinasalamin ng malubak nilang daan patungo sa paaralan ang hirap ng mga
mag-aaral para lamang makamit ang inaasam na diploma. Dinagdagan pa ito ng malalim na
ugat ng problema sa mga kulang na gamit sa pagkatuto ng mga bata.
Sa bawat pagpapalit ng liderato ng mga pinuno, naririnig nila parati na kapakanan ng
mga bata ang laman ng kanilang agenda sa pagtakbo. Pero parati raw silang bigo. Ang
matagal na ngang ipinangakong tulay sa kanilang lugar, hanggang ngayon 'pangakong
napako' at tila inilista na sa tubig ng mga nagdaan at kasalukuyang nakaupo sa puwesto.
Hindi man lang daw sila naambunan ng biyaya, gayong malaking pondo ng gobyerno ang
napupunta sa pagpapagawa ng mga daan at tulay sa maraming lugar sa ating bansa.
Ngayong Linggo ng gabi, ikukuwento ni Jer John at ng iba pang magaaral ang
pagtulay nila sa sangandaan ng mga problemang ilang taon na nilang hinahanapan ng
solusyon. May makakita na kaya sa kanilang kondisyon? May makarinig na kaya sa kanilang
mga hinaing? Maging tulay na kaya ng pagbabago ang nalalapit na eleksyon?

https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/reeltime/559562/mga-kabataang-buwis-buhay-ang-pagpasok-sapaaralan- tampok-sa-reel-
time/story/

Mga Batayang Tanong


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang naging paksa ng dokumentaryong binasa/pinanood?


2. Ano ang damdaming nangingibaw sa iyo habang binasa/ pinapanood mo ng
dokumentaryo?
3. Sa paanong paraan isinilaysay ang dokumentaryo?
4. Ano sa tingin mo, ang naging gampanin ng telebisyon sa mga manonood batay sa ganitong
uri ng dokumentaryo?
5. Paano naging mahalaga ang telebisyon sa buhay ng tao?

3
Pagtukoy ng mga Tamang Salita sa Pagbuo ng Isang Puzzle na may
Kaugnayan sa Paksa at Pagsusuri ng isang Programang Napanood sa
Telebisiyon ayon sa Itinakdang mga Pamantayan

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan sa
paksa. (F8PT-IIIe-f-31)
Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisiyon ayon sa itinakdang mga
pamantayan. (F8PD-IIIe-f-31)

Panimula (Susing Konsepto)


Ang araling ito ang magbibigay sa iyo ng panibagong karunungan sa mga
angkop o tamanag salita sa pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan sa isang paksa
at iba pa. Pag- aaralan din natin ang mga gabay o pamantayan sa masusing pagsusuri
ng isang programa sa telebisiyon.

Broadcast Media
Ang broadcast media ay isang paraan ng paghahatid ng impormasyon sa
nakararami. Ang pagpapakalat ng impormasyon sa telebisyon, radyo at pahayagan ay
isang halimbawa ng broadcast media. Ito ay karaniwang gumagamit ng radio waves
upang maghatid ng impormasyon sa telebisyon at radyo. Ito rin ay nagpapabatid ng
mga pangunahing suliranin, paglalatag ng solusyon sa mga suliranin na ito at aksiyong
naisagawa/solusyon sa ipinahatid na mga suliranin (serbisyo publiko).

Dalawang Klasipikasyon ng Broadcast Media


6. Telebisyon- Ito ay nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng
isang tao. Midyum sa paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa bawat
sulok ng bansa sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon.
7. Radyo – ay midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng impormasyon,
at kabatirang panlipunan sa pamamagitan ng pakikinig.

Mga Uri ng Programa sa Telebisiyon


A. Balita - ito ay tumutukoy sa mga kasalukuyang nagaganap sa loob o labas man ng
ating bansa. Ito ay naghahatid ng impormasyon sa mga kasalukuyang pangyayari sa
ating mundo.
B. Dokyumentaryo - ay isang programa sa telebisiyon o pelikula na naglalahad ng
mga katotohanan at impormasyon tungkol sa isyu o problemang panlipunan,
politikal o historikal.

4
C. Isports – dito makikita o mapapanood ang mga larong pampalakasan, pagsasanay
at mga ehersisyo na may kinalaman sa pagpapalakas ng katawan.
D. Edukasiyunal – mapapanood dito ang iba’t ibang palabas na may kinalaman sa
paghahasa ng katalinuhan, mga bagong kaalaman mula sa siyensya,matematika,
panitikan at iba pa.
E. Drama at Komedya – binubuo ng iba’t ibang tauhan na nagsasadula ng isang kuwento.
F. Musikal – karaniwang pinalalabas dito ay tungkol sa pagtatanghal ng isang tao o
grupo na may kinalaman sa musika.
G. Variety Show – makikita dito ang sari-saring pagtatanghal na may kinalaman
sa musika, komedya at iba pa.

Mga Pamantayan sa Pagsusuri ng Programang Pangtelebisiyon


Ang mga sumusunod ay ang mga itinakdang pamantayan na dapat bigyang pansin o
sundin sa pagsusuri ng isang uri ng programa sa telebisiyon.
1. Paksa / Pamagat Ito ay ang pinag-uusapan o pinapaksa sa napanood na
programang pantelebisiyon.
2. Petsa o Oras Ito ang takdang araw at oras ng pagpapalabas.
3. Nilalaman (Isyung Tinatalakay) Ang kabuuan at naaayon sa uri na nakadepende sa
manonood at sa interes o layunin nito. Kailangang ang mga mahahalagang
impormasyon ay nailalahad ng walang labis, walang kulang at walang kinikilingan sa
alinmang bagay o panig na sangkot. Sikaping makatotohanan at ang mga detalye ay
tunay, aktwal na may batayan at nailalahad ng diretsahan na walang paligoyligoy.
4. Mensahe Ang nais iparating ng programang napanood. Ito ay nakabatay sa uri
ng programa.
5. Daloy ng buong programa Ang daloy ng programa ay nagpapahayag sa
kalalabasan ng isang programa mula sa simula hanggang sa wakas ng kanilang
programa.

Kailangang pinal ang pagkasunod-sunod na inihanda upang maiwasan ang teknikal na


aberiya sa isang istasyon.

Pagsasanay 2
Panuto: Buoin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpuna ng mga titik sa kahon. Gawin
ito sa sagutang papel.

1. Ang radyo at telebisyon ay nagpapabatid ng ___________________.


i p r s n

5
2. Uri ng broadcast media na ang pangunahing layunin ay mapapaabot sa mga
nakikinig ang impormasyon.
r d o

3. Ang radyo ay isang uri ng broadcast media na mapaparating ang balita kahit sa
________________________ na lugar.

i b i

4. Napagkukuhanan ng mga sariwang ________________________ ang radio at


telibisyon.
b l a

Pagsasanay 3
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga halimbawa ng mga uri ng programang pantelebisiyon
na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. Balita A. The Mall, The Merrier
2. Variety Show B. ASAP
3. Drama C. 24 Oras
4. Komedya D. Show Time
5. Musikal E. May Bukas Pa
F. Encantadia

Pagpahayag sa lohikal na paraan ang mga Pananaw at Katuwiran

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran.(F8PS-IIIe-f-32)

Panimula (Susing Konsepto)


Bilang isang indibidwal na may malaking gampanin sa lipunan ay kailangang lagi
nating kinikilatis ang anumang ideya o pananaw na ating naririnig at nababasa sa kung
iyon ba ay balido o hindi. Samakatuwid, hindi lahat ng ideya o pananaw ng ating
mambabasa ay dapat tanggapin agad. Kailangan muna natin itong timbangin at suriin.
Gaano ba ka totoo o mapanaligan ba iyon?
Mahalaga na ang mga pananaw natin sa mga bagay-bagay at pagbibigay ng
katuwiran ay maayos natin na maipapahayag o maipapabatid.

6
Kung kaya’t, kailangang magtamo ng kasanayan sa pagpapahayag ng pananaw
at katuwiran ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng lohikal na paraan.

Panuto: Basahin o Panoorin mo ang isang bidyu “Kawayang Pangarap” gamit


ang link na makikita sa ibaba.

“Kawayang Pangarap”
Sa kanyang edad na 35, pito na ang anak ni Joseph Liwanag. Hindi siya
nakapag-aral kahit pa maaga pa lang ay mulat na siya sa mundo ng trabaho. Ngunit
siya ay may pangarap. Gaya ng karamihang Pilipino, pangarap niyang mapaganda ang
buhay ng mga anak, malayo sa kalagayan nila ngayon na isang kahig, isang tuka. Sabi
nila, libre naman ang mangarap. Ngunit sa bawat umaga, sa kanilang paggising, hindi
maikakaila ang katotohanang hindi sapat ang kita ni Joseph. Kailangan niya ang
tulong ng kanyang mga anak na sina Karen, Gelyn at Mauwee para magbenta ng
kawayan. Kailangan ng mga batang magbuhat ng kawayan pababa sa matarik na
bundok. Sa hitsura ng halaman, parang madali itong pasanin sa balikat, ngunit ang
tinabas na kawayan ay sadyang mabigat. Kilalanin ang pamilya Liwanag, isang
pamilya ng katutubong Aeta na naka-angkla ang pangarap sa kawayan. Animo’y
kawayan ang kanilang pamilya: matiisin at sunud-sunuran sa direksyon ng malakas na
hangin. Kahit masakit para sa ama ang makitang nagtatrabaho ang mga anak,
maaaring ito lamang ang paraan upang sila’y mabuhay. May puwang pa ba para sa
kanilang pangarap?
https://www.youtube.com/watch?v=dFVNRE5ZyA4&t=6s

Pagsasanay 4
Panuto:Sa tulong ng Venn Diagram ilahad ang iyong sariling pananaw, ang pagkakatulad
at pagkakaiba mo sa tauhan sa napanood na bidyu na “Kawayang Pangarap”. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
Venn Diagram

Pagkakatula Pagkakaib

You might also like