You are on page 1of 8

1|P age

SORSOGON STATE COLLEGE


Sorsogon City Campus
Sorsogon City

Filipino 8

Pagsulat ng isang Suring- Pelikula Gamit ang


Kahusayang Gramatikal ,

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Isang Kampanyang


Panlipunan ,

Mga Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag

MCJL
2|P age

Layunin:
1. Nagagamit ang kahusayang gramatikal (may tamang bantas, baybay, magkakaugnay na pangungusap/
talata) sa pagsulat ng isang suring- pelikula (F8WG-IIIgh-33)
2. Nasusuri ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan ayon sa binasang mga
impormasyon.
3. Naipaliliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan.
4. Nagagamit ang angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo ng isang social awareness
campaign.

Aralin

Mga Impormasyong Kailangan sa Pagsulat ng Suring-Pelikula

Bago ka sumulat ng suring-pelikula, balikan mo muna ang mga sangkap/ elemento ng pelikula.

1. Buod ng pelikula –piling mga eksenang magkakaugnay.


2. Direksyon – ang pamamaraan ng direktor kung paano niya patatakbuhin ang istorya. Nagawang
ipabatid ang pagkaunawa sa materyal sa pamamagitan ng malikhaing pagsasanib ng iba’t ibang elemento
ng pelikula
3. Disenyong pamproduksyon – ang pinag-uusapan sa produksyong-disenyo ay ang props, kasuotan,
gamit at background ng pelikula
4. Sinematograpiya – ang labo at linaw ng pelikula at anggulo ng mga tagpo o eksena.
5. Makatotohanang pagganap ng mga tauhan –Ang pagganap ng isang artista ay kinakailangang may
kaugnayan sa katauhan ng kanyang papel na ginagampanan.
6. Kaugnayan ng istorya sa kasalukuyan at aral na mapupulot mula rito. Mahalaga ang paghahambing
ng pelikula sa kasalukuyan upang makita ang pagkakatulad/pagkakaiba.
7. Paglalapat ng tunog at musika – lubhang makabuluhan ang tunog sa pelikula at nabubuhay ng isang
musika ang eksenang malungkot, galit, takot at hinagpis. Pinalilitaw ang kahulugan ng tagpo o damdamin
8. Editing ng pelikula –pagdudugtung-dugtong ng eksena
9. Iskrinpley ng pelikula – iskrip, motibasyon upang panoorin ang pelikula

Ang pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula ay isang paraan ng pagpapahalaga sa sining ng pelikula


kung saan ang manunuri ay maingat na nagtitimbang at nagpapasya sa katangian nito. Ang pagsusuri ay
tumutukoy hindi lamang sa kahinaan at kakulangan kundi gayundin sa mabubuting bagay na dapat
isaalang- alang sa pagpapaganda ng pelikula.

MCJL
3|P age

Wastong mga hakbang sa pagbubuo ng suring-pelikula

Sa pagbuo ng talataan, may mga bahagi o hakbanging sinusunod upang maging mabisa ang kabuuan
nito. Maaaring sundin ang anumang istilong nais subalit sa pagkakataong ito, mahalagang isaalang-alang
ang pagkakasunud-sunod ng mga talata upang magkaroon ng isang padron.

Narito ang mga sumusunod na hakbangin:


1. Isulat ang pamagat ng pelikulang susuriin.
2. Simulan ang talata sa paglalahad ng paksa at buod ng pelikula. Isulat sa rebyu ang sa tingin mong
pinakamahalagang eksena
3. Sa ikalawang talata isusulat ang mga papuri/puna sa tauhang nagsiganap. Magkomento kung naging
epektibo ba ang karakter ng aktor/artista sa pelikula.
4. Sa ikatlong talata ilalahad ang puna tungkol sa direksyon/direktor ng nasabing pelikula.
5. Sa ikaapat na talata naman ang sinematograpiya at musika.
6. Mga eksenang tumatak sa isip dahil sa mahusay na paggamit ng kamera, ilaw at lokasyon
7. Sa ikalimang talata isusulat ang kaugnayan ng pelikula sa kasalukuyan at aral na mapupulot mula rito.
Sa pagsulat ng suring-pelikula mahalaga na gumamit ng kahusayang gramatikal upang maging mabisa at
katanggap-tanggap ang pagsusuring ginawa.

Sa pagsulat ng suring-pelikula mahalaga na gumamit ng kahusayang gramatikal upang maging


mabisa at katanggap-tanggap ang pagsusuring ginawa.

Halimbawa ng isang Suring-pelikula

ANAK
Pamagat ng pelikula

Ang pelikulang Anak ay tungkol sa buhay ng isang nanay na isang OFW na nalayo sa pamilya para
bigyan sila ng magandang buhay. Napakaganda ng pelikulang ito dahil nailahad nang maayos at
makatotohanan ang buhay ng isang OFW at ng kanyang pamilya. Napakagaling ng mga artistang gumanap
lalo na si Vilma Santos pati na rin si Claudine Barretto. Simple ang sinematograpiya pero naipakita nang
mahusay ang emosyon ng mga tauhan sa bawat eksena. Pagpapahalaga sa sakripisyo ng mga magulang
upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak ang isang aral na matututuhan sa pelikulang
ito.

MCJL
4|P age

Pagtukoy at paggamit ng Kaalamang Gramatikal

MCJL
5|P age

WASTONG GAMIT NG MGA BANTAS

MCJL
6|P age

MCJL
7|P age

Social Awareness Campaign


Ano nga ba ang Kampanyang Panlipunan o Social Awareness Campaign?

Ang Social Awareness Campaign ay ang pagpapahayag at pagbibigay ng mahalagang impormasyon, kaalaman
o babala para sa lahat. Ito ay mga current issues na kailangang malaman ng mas nakararaming grupo at indibidwal.
Sa kasalukuyan ginagamit ang mga social media gaya ng facebook, twitter, instagram at iba pa para mas mabilis na
maipaalam ito sa publiko.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng isang Kampanyang Panlipunan o Social Awareness Campaign


Napakahalaga ng ginagampanang papel ng mass media sa buhay ng tao. Ang iba’t ibang midyum nito tulad
ng broadcast media na binubuo ng radio at telebisyon, print media na kinapapalooban naman ng mga popular na
babasahing tulad ng pahayagan, magasin, komiks, kontemporaryong dagli; mga popular na panitikan tulad ng
patalastas, awit, rap, islogan, gayundin ang mga pelikula at maging ang mga video technology ay nagsisilbing
mabisang mekanismo ng pagbabago ng kulturang Pilipino sapagkat may kakayahan itong baguhin ang mga
paniniwala, pag-iisip, pagpapahalaga ng mga tao sa mabilis na paraan. Kaya naman sa kasalukuyang panahon ang
lahat ng mga ito ay magagamit na instrumento sa kampanya tungo sa kamalayang palipunan o social awareness
campaign. Ang mga kampanyang ito ay nakatutulong—upang mabigyang kabatiran ang mga tao tungkol sa isang
tiyak na isyung nagaganap sa ating lipunan. Nagagamit din ito upang himukin ang mga mamamayang suportahan
ang isang proyektong makatutulong sa paglikha o pagsisimula ng isang pagbabago.

Sa pagbuo ng isang social awareness campaign mahalaga na isaalang-alang ang sumusunod na mga
hakbang:

1. Pumili ng isang napapanahong isyu na nais mong gawan ng isang social awareness campaign.
2. Tukuyin kung sino ang mga grupo o pangkat ng mga tao ang nais mong makabasa, makarinig o
makapanood ng kampanyang iyong gagawin.
3. Magsaliksik ng mahahalagang datos o impormasyon hinggil sa isyu o paksang iyong nais bigyang-pansin
upang magkaroon ng sapat at malawak na kaalaman hinggil dito.
4. Alamin kung anong pamamaraan ang iyong gagamitin sa pagsasagawa ng iyong kampanya. Maaaring
gumamit ng broadcast media, print media, video technology, at iba pa. Sa kasalukuyang panahon, tiyak na
papatok sa masa lalo na sa kabataan kung gagamitin ang social media tulad ng facebook, twitter, youtube at
iba pa.
5. Magsagawa ng mahusay na pagpaplano kung paano isakatutuparan ang pagbuo ng isang kampanya.

Malaking bahagi ng pagsasagawa nito ay ang pagbuo ng balangkas ng isasagawang campaign


material. Sa bahaging ito, mahalagang makalikha ng sequence at dialogue script na siya ninyong magiging
batayan para sa pangkalahatang proyekto.
Narito ang ilang mahahalagang paalala at hakbang sa pagbuo nito:
1. Tandaan na ang iyong bubuoing iskrip ay kailangang maging makatotohanan upang higit itong maging
kapani-paniwala.
2. Magbigay ng isang kongkreto o tiyak na halimbawa para higit itong makahimok ng interes ng taong
makakikita, makababasa, o makaririnig nito.
3. Maging malikhain sa pagbuo nito.

MCJL
8|P age

4. Maging tiyak sa puntong nais bigyang-diin sa isasagawang mga diyalogo. Iwasan ang maging maligoy sa
pananalita.
5. Maging tiyak kung sino ang partikular na tao o grupo ng tao na iyong pinatutungkulan sa pagsulat ng
diyalogo.
6. Gawing magkakaugnay ang bawat diyalogo o eksena upang higit na maging mabisa ang iskrip

Mga Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag


Sa pamamagitan nito, higit nating naipauunawa ang mga ibig ipahiwatig ng tauhan sa paraan ng kanyang
mga pananalita. Lalo na sa wikang Filipino, ang bawat pahayag na ating sinasabi ay tumutugon sa anumang layunin
at pangkomunikatibong pahayag gamit ang wika upang epektibo nating maiparating ang ninanais na mensahe o
reaksyon sa ating kausap o tagapakinig. Pansinin mo ang sumusunod na pangungusap.

A. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin

1. “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo.” (pagtanggap)


2. “Maaari kayang mangyari ang kanyang mga hinala?” (pag- aalinlangan)
3. “Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga pananalitang yaon.” (pagtanggi)
4. “Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.” (pagsang-ayon)
5. “Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag.” (pagsalungat)

B. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita at ipinadarama.

1. Pagbibigay-babala “Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad.” “Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong
mga desisyon.”
2. Panghihinayang “Sayang, tama sana ang aking kasagutan.” “Kung naipagtapat ko lamang sa kanya ang
lahat, hindi sana nangyari yaon.”
3. Hindi Pagpayag “Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin.” “Bahala na kayo sa anumang
hakbang na nais n’yong isagawa.”

Sanggunian

Ikatlong Markahan Modyul 17 para sa Sariling Pagkatuto Mga Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag
Manunulat: Catherine I. Arevalo
Tagasuri: Estelita R. Portillano, MT I
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
AppData/Local/Temp/Temp1_3rd%20Quarter-20210223T063721Z-001.zip/3rd%20Quarter/FIL8%20Q

MCJL

You might also like