You are on page 1of 4

KOMENTARYONG PANRADYO

Layunin:

 Nabibigyang-kahulugan ang gampanin ng radyo bilang midya.


 Naiisa-isa ang ilan sa mga kilalang istasyon sa radyo.
 Natutukoy ang kahalagahan ng komentaryong panradyo at mga paksang ginagamit sa pagsulat nito.
 Nakikilala ang survey at panayam sa pagsasaliksik ng mga programang panradyo.
 Nagagamt ang mga ekspresiyong nagpapahayag ng positibo at negatibong pananaw o "point of view" sa pagsulat
ng komentaryong panradyo.

 Broadcast Media
 Ito ay paghahatid ng impormasyon
ALAM MO BA ??? audio o biswal man, sa pamamagitan ng midyang
Si Guglielmo Marconi ay pangmasa tulad ng radio, telebisyon, internet o iba
isang Italyanong Imbentor, na pang bagay sa tulong ng network.
 May tatlong (3) uri ito:
higit na kilala dahil sa kanyang
1. Komentaryong Panradyo
pagpapaunlad ng sistemang
2. Dokumentaryong Pantelebisyon
radyo-telegrapo. Siya ang ang 3. Dokumentaryong Pampelikula
tagapagsimula ng komunikasyon
sa radyo.  Radyo
 Naghahatid ng musika
 Nagpapahatid ng panawagan
 Nagpapakinig ng mga awit
 Naghahatid ng napapanahong balita
 Nagbibigay ng opinion kaugnay ng isang paksa

Mga Piling Istasyon sa Radyo (AM) Mga Piling Istasyon sa Radyo (PM)

 DZBB Super Radio  97.1 Barangay LS


 DZMM Radyo Patrol  NU 107

 DZRH Nationwide  101.9 For Life


 DZXL RMN 558  90.7 Love Radio
 Veritas 846  101.1 Yes FM
 Veritas 846  96.3 WRock
 Bombo Radyo Philippines  Home Radio 97.9
 DZRB Radyo ng Bayan  Magic 89.9
 DWIZ Todong Lakas  Mellow 94.7
 DWAD Radyo Ngayon  91.5 Energy FM
 MMDA Traffic Radio
 DZPS Ganti ng Api

 Komentaryong Panradyo
 Ayon kay Elena Botkin- Levy, Koordineytor, Zumix Radyo, ito ay pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na
maipahayag ang kanilang mga opinion at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung
kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin.
 Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging
epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kanya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at
epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng sanaysay na
naglalahad ng opinyon o pananaw.

 Ilan sa mga paksang madalas na talakayin ay ang sumusunod:


a. Politika
b. Mga pangyayari sa isang espisipikong lugar
c. Mga pagdiriwang sa Pilipinas
d. Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas
e. Mga interes at makabuluhang bagay para sa mga inaasahang tagapakinig

 Ilan sa maaaring gamitin sa pagsasaliksik tungkol sa mga gustong mapakinggan ng mga tagasubaybay ay ang
survey at panayam.
A. Survey:
Gumagamit ng survey upang malaman ang mga ito tungkol sa kanilang mga programa.
Ang sumusunod ang ilan sa mga posibleng lamanin ng isang survey:
1. Multiple Choice - ito ang mas mabilis na paraan ng pagpapasagot sa isang survey. Mas madali
itong sagutin kumpara sa iba dahil sa pipili lamang ang tinatanong ng sagot sa iilang titik.
2. Pagkilala sa mga sinasang-ayunan – Bukod sa simpleng multiple choice maaari ring maglagay
ng listahan na nagpapahayag ng kanilang mga sinasang-ayunan at di sinasang-ayunan.
3. Likert Scale – Ito ay isa sa mga paraan kung papaanong sinusukat ng isang tao ang sarili niya.

B. Panayam:
Ang mga gawaing ito ang mga pangunahing batis o impormasyon. Maaaring kumunsulta sa mga
libro o sa internet subalit mas makatotohanan ang impormasyon na manggagaling mismo sa isang
mapagkakatiwalaang batis.

 Bago makasulat ng isang Dokumentaryong Panradyo, narito ang mga dapat tandaan:
1. Magsaliksik ng mga impormasyon.
2. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa mga detalye upang ipakita ang
kredibilidad ng iyong sinulat.
3. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa.
 Mga ekspresiyong naghahayag ng konsepto ng pananaw o "point of view"

May mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa
at/o pananaw

1. Mga ekspresiyonng nagpapahayag ng pananaw. Kabilang dito ang ayon, batay, para, sang-ayon sa/kay, ganoon
din sa paniniwala/pananaw/akala ko, ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresiyong ito ang iniisip, sinasabi o
pinaniniwalaan ng isang tao.

Halimbawa:

a. Ayon, Batay, Sang-ayon sa


 Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20: Series of 2013 ng Commission On Higher Education na
pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim ng General Education
Curriculum o CEG sa taong 2016.
 Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng PIlipinas ay Filipino.
 Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng
Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.
 Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, “Habang may sariling wika ang isang bayan, taglay niya
ang kalayaan.”

b. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay, ni/ng


 Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang
mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
 Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging
sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.
 Sa tingin ng maraming guro na ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi lamang nakasalalay sa kanila
kundi maging sa mga magulang sa pabbibigay patnubay at suporta sa kanilang mga anak.
c. Inaakala. Pinaniniwalaan, Iniisip
 Pinaniniwalaan kong dapat pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating
kalikasan.
 Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpataw ng kaparusahan ang DENR kaya patuloy silang
lumalabag sa batas pangkalikasan.
d. Sa ganang akin, Sa tingin, Akala, Palagay ko
 Sa ganang akin, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang pagbabantay sa kabataang nasa
lansangan tuwing hatinggabi dahil sa lumalalang krimen.
 Sa palagay ko, kailangan ang malawig na programa ng DSWD para sa mga batang lansangan na
karaniwang sangkot sa maraming krimen sa kalsada.

2. May mga ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw. Gayunman, mapapansing
di tulad ng naunang mga halimbawa na tumiyak kung sino ang pinagmulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang
ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:
a. Sa isang banda, Sa kabilang dako
 Sa isang banda, mabuti nan gang nalalaman ng mamamayan ang mga anomaly sa kanilang pamahalaang
lokal nang gayo’y masuri nila kung sino ang karapat-dapat na ihalal para mamuno rito.
 Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika hindi tuloy malaman ng sambayanan
kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga plitikong pinagkatiwalaang mamuno rito.

b. Samantala
 Samantala mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano nila nais makita ang kanilang bansa sa
susunod na taon. Matalinong pagpapasya ang kailangan kung sino ang karapat-dapat pagkatiwalaan ng
kanilang boto.

RADYOMENTARYONG MAKABAGO

Tandaan:

Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa kulturang popular kung saan ang mga bagay na pawang
gumagamit ng mga bagong kasangkapan, imahe, diwa at iba pang kaugnay na paksa, upang maitanghal ang isang uri ng
kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng mga Pilipino.

You might also like