You are on page 1of 17

AKSIYON, PANGYAYARI,

AT KARANASAN
ay isang salita na nagsasaad ng kilos o galaw
sa, isang pangyayari o isang katayuan
tinatawag ito na verb sa wikang ingles.
Ito ay binubuo ng salitang ugat at panlapi.
Ang mga panlaping ginagamit sa mga
pandiwa ay tinatawag na PANLAPING
MAKADIWA.
ANG PANDIWA AY MAY
TATLONG ASPEKTO.
Pero ano nga ba ang
ASPEKTO NG PANDIWA?
Ay nagpapakita kung kailan
nangyari, nangyayari, o
ipagpapatuloy pa ang kilos.
Ito ay nagsasabi ng kilos na natapos na ang
sinimulang kilos.
Tinatawag din itong PANAHUNANG
PANGNAGDAAN O ASPEKTONG NAGANAP.
 Naglaba
Siya ay naglaba ng kanyang mga damit.
 Tumalon
Si Leno ay tumalon sa dagat.
 Nagpuyat
Nagpuyat si Japet para gumawa ng proyekto.
Ito ay nagsasaad ng kilos na laging ginagawa
o kasalukuyang nangyayari.
Tinatawag din itong PANAHUNANG
PANGKASALUKUYAN O ASPEKTONG
NAGAGANAP.
 Sumasayaw
Sumasayaw si Anna ng Pandango sa Ilaw.
 Nagsusulat
Nagsusulat ng liham si Toni para sa kanyang ina.
 Nagbabasa
Nagbabasa ng nobela si Maria.
Ito ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa
nasisimulan o naisasagawa.
Tinatawag din itong PANAHUNANG
PANGHINAHARAP O ASPEKTONG
MAGAGANAP.
 Iinom
Si Anthony ay iinom ng tubig.
 Kakain
Kakain ng pancake at pop corn ang kanyang tatay.
 Tatakbo
Tatakbo si Jason sa Fun Run mamaya.
AKSIYON, PANGYAYARI, AT
KARANASAN
 Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng
pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na
"sino?“
 (mag-/nag- , -um-/um- , mang-/nang- ,maka-/naka-,
makapag-/nakapag-, magpa/nagpa)
 May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng
aksiyon o kilos.
 Lumipad ng matulin ang ibon.
Pandiwa : Lumipad
Aktor: ibon
 Tumakas sa nanay si Jepoy.
Pandiwa : Tumakas
Aktor: Jepoy
 Pumunta si Haring Midas sa Ilog Pactolus upang mawala ang mahika.
Pandiwa : Pumunta
Aktor: Haring Midas
 Si Pan ay nakatutugtog ng napakagandang himig gamit ang kaniyang tambo.
Pandiwa : nakatutugtog
Aktor: Pan
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng
kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay
sumasagot sa tanong na "bakit?"
(i- , ika- , ikina-, ma-/na-, um/-um-)
Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.
 Nagkasugat si Ana dahil sa sunog.
Pandiwa: Nagkasugat
Pangyayari: sunog
 Lumubog ang bahay nila sa pagulan.
Pandiwa: Lumubog
Pangyayari: pagulan
 Namatay ang isda dahil sa matinding lindol.
Pandiwa: Namatay
Pangyayari: matinding lindol
 Minsan naligaw ang matandang si Silenus sa kalasingan.
Pandiwa: naligaw Pangyayari: kalasingan
 Nagalit si Maria Makiling sa ginawa ng kaniyang kasintahan.
Pandiwa: Nagalit Pangyayari: ginawa ng kaniyang kasintahan
 Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap.
Ito ay sumasagot sa tanong na "ano?". Tinatawag
ito direct object sa wikang Ingles.
 (-um-, ma-/na-, -in-,mag-)
 Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag
may damdamin.
 Umiyak si Alma ng malakas.
Pandiwa: Umiyak
Aktor: Alma
 Natakot si Haring Midas nang maging ginto ang kaniyang natuklasan.
Pandiwa: Natakot Aktor: Haring Midas
 Labis na nalungkot si Maria Makiling sa kaniyang natuklasan.
Pandiwa: nalungkot Aktor: Maria Makiling

You might also like