You are on page 1of 23

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 10
UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.2
Panitikan : Sanaysay
Teksto : “Ang Alegorya ng Yungib” (Sanaysay mula sa Greece)
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Wika : Mga Ekspresiyon sa Pagpapahayag sa Konsepto
ng Pananaw
Bilang ng Araw : 4 na Sesyon
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-Ic-d-64)
 Naipaliliwanag ang pangunahig paksa at pantulong na mga ideya sa
napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-Ic-d-64)


 Nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na
akda.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-Ic-d-63)


 Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang
kahulugan.

PANONOOD (PD) (F10PD-Ic-d-63)


 Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga
isyung pandaigdig.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-Ic-d-66)


 Naibabahagi ang sariling reaksiyon sa ilang mahahalagang ideyang
nakapaloob sa binasang akda sa pamamagitan ng brain storming.

PAGSULAT (PU) (F10PU-Ic-d-66)


 Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong
isyung pandaigdig.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-Ic-d-59)


 Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling
pananaw.

ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL (EP) (F10EP-Ia-b-28)


 Nasasaliksik ang mahahalagang impormasyon gamit ang silid-
aklatan, internet, at iba pang batis ng mga impormasyon.

Unang Markahan| 21
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F10PD-Ic-d-63)


 Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung
pandaigdig.

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-Ic-d-64)


 Naipaliliwanag ang pangunahig paksa at pantulong na mga ideya sa
napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media.

II. PAKSA

Panitikan : Ang Alegorya ng Yungib


(Sanaysay mula sa Greece)
Mula sa Allegory of the Cave ni Plato
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpapanood ng isang videoclip.


https://youtu.be/bV_5HNF-qsY

Unang Markahan| 22
Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: WHEEL OF QUESTION
a. Tukuyin ang paksa ng napanood na video.
b. Ano ang suliraning kinakaharap ng lipunan ayon sa video?
c. Sa sariling pananaw, ano ang nararapat gawin upang maiwasan ang
suliraning ito? Ipaliwanag.

2. Pokus na Tanong

a. Paano makatutulong ang sanaysay na magkaroon ng kamalayan sa


kultura at kaugalian ng isang bansa upang makabuo ng sariling
pananaw?
b. Paano mabisang magagamit ang mga ekspresiyong nagpapahayag
sa pagbibigay ng pananaw?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: BROADCASTING


Pagpapabasa ng isang maikling sanaysay.

. Ang karapatang pantao ay karapatang nagbibigay kaganapan sa ating


pagkatao. Ang karapatang mabuhay ay pangunahing karapatan ng tao
sapagkat kung wala ito, wala na rin ang pagkakataon upang matamasa niya
ang iba pang karapatan ng tao sapagkat kung wala ito, wala na rin ang
pagkakataon upang matamasa niya ang iba pang karapatan. May karapatan
din siyang maging mahalaga. At tratuhin bilang isang indibidwal na may
dignidad. Karapatan din ng tao ang maging maunlad. Patuloy na sinisikap ng
tao na maigapang ang kanyang sarili at pamilya sa mabilis na pag-unlad
tungo sa kaginhawaan.
http://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-pag-uuri-ng-mga-ideya-o.html

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: ROUND ROBIN
a. Ano ang paksa ng narinig na sanaysay?
b. Isa-isahin ang mga mahahalagang ideyang inilahad sa narinig na pag-
uulat.

ANALISIS

1. Sumasang-ayon ka ba sa inilahad na ideya sa napakinggan?


Ipaliwanag.
2. Paano nakaapekto sa iyo bilang isang kabataan ang narinig na
impormasyon sa pag-uulat?
3. Magtala ng mga sitwasyon na kung saan ang karapatang pantao ay
nasikil o nahadlangan. Bigyang patunay.

Unang Markahan| 23
 Pagbibigay ng Input ng Guro
D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ang isang teksto ay binubuo ng mga ideya, pangungusap, at detalye.


Ito ay binubuo ng pangunahing ideya at mga pansuportang ideya o
detalye. Nagagawang malinaw ang isang masalimuot na paksa sa
pamamagitan ng mga pangungusap na tiyakang sumusuporta sa
pangunahing ideya.
Ang pangunahing ideya ay paksang pangungusap na batayan ng
mga detalyeng inilahad sa teksto. Ito ay maaaring matagpuan sa
introduksyon, katawan o kongklusyong bahagi ng teksto. May mga
pagkakataon naman na ang pangunahing ideya ay hindi tuwirang binangggit
sa teksto.
Samantala, ang pansuportang ideya ay mga detalyeng may
kaugnayan sa paksang pangungusap upang lubusang maunawaan ang
kaisipan ng teksto. Ang pagtukoy sa mga pansuportang detalye ay malaking
tulong upang matukoy ang paksa at pangunahing ideya ng teksto.

Halimbawang Teksto:

Ang karapatang pantao ay karapatang nagbibigay kaganapan sa ating


pagkatao. Ang karapatang mabuhay ay pangunahing karapatan ng tao
sapagkat kung wala ito, wala na rin ang pagkakataon upang matamasa niya
ang iba pang karapatan ng tao sapagkat kung wala ito, wala na rin ang
pagkakataon upang matamasa niya ang iba pang karapatan. May karapatan
din siyang maging mahalaga. At tratuhin bilang isang indibidwal na may
dignidad. Karapatan din ng tao ang maging maunlad. Patuloy na sinisikap ng
tao na maigapang ang kanyang sarili at pamilya sa mabilis na pag-unlad
tungo sa kaginhawaan.

Pangunahing Ideya:

- Ang karapatang pantao

Mga Pansuportang Ideya:

- Karapatang mabuhay
- Karapatang maging mahalaga
- Karapatang maging maunlad

http://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-pag-uuri-ng-mga-ideya-o.html

Unang Markahan| 24
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: JUMBLED WORDS


Pagsama-samahin ang mga ginulong salita upang makabuo ng isang
ideya batay sa pinagtalakayan.

Pangunahing mabigyang pagsulat ng


paksa linaw pananaw

masalimuot pantulong na
na paksa ideya

Sagot:

Ang pangunahing paksa at mga pantulong na ideya ay mahalaga sa


pagsulat ng isang pananaw upang mabigyang linaw ang isang masalimuot
na paksa.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: TALA-KAALAMAN


Basahin ang bahagi ng sanaysay. Tukuyin ang pangunahing paksa at
mga pantulong na ideya.

Musika...Musika...Musika...
Mary Dimple S. Dolatoa

Musika...musika...musika... isang himig na napakasarap sa


pandinig. Alam ba ninyo na bukod sa nagpapagaan ito ng ating
damdamin ay may malaking naiaambag din sa larangan ng medisina?
Napag-alaman ng mga siyentipiko na ang kapangyarihan ng
musika ay kayang magpaalis ng stress sa isang tao. Dahil sa
pamamagitan nito naipapahinga ng indibidwal ang kanyang katawan at
maging ang pag-iisip kaya naman ito ay nakababawas sa kanyang mga
alalahanin.
Ayon sa propesor na si Richard Fratianne, ang musika ay
nakababawas din sa sakit at kirot na nararamdaman ng isang pasyente

Unang Markahan| 25
matapos ang isang operasyon. Nakatutulong din ito na mapabilis ang
paggaling ng taong maysakit. Kaugnay nito, ang mga manggagamot
noong unang panahon ay gumagamit ng musika upang gamutin ang
ilang problema sa puso, maialis ang depression at maging ang insomia o
hindi pagkatulog ay nagagamot din nito.
Samantala, naniniwala naman ang mga babaeng nagdadalang-
tao na ang sanggol ay dapat na pinakikinig ng musika habang nasa
sinapupunan pa lamang upang ito ay lumaking aktibo at matalino. Mas
makabubuti sa mga sanggol kung inyong iparirinig ay musikang
instrumental tulad ng mga likha nila Mozart at Beethoven. Sa
kasalukuyan, may mga katibayang nagpapatunay na ang musika rin ay
tumutulong sa pagpapagana ng ilang bahagi ng utak tulad
ng memorya, emosyon at iba pa.
Sadyang makapangyarihan ang musika hindi lamang sa puso
kundi maging sa pag-iisip ng isang tao. O, kayo, buksan na ang inyong
mga radyo upang mapatunayan ang tunay na galing ng musika!
https://kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-9.pdf

IV. Kasunduan

1. Magsaliksik ng isang larawan na nagpapakita ng isyung panlipunan..


Gawan ito ng limang pangungusap na pagpapaliwanag. Gumamit ng
pangunahing paksa at mga pantulong na ideya.
2. Basahin at unawain ang “Ang Alegorya ng Yungib’’ pp. 32-35.
a. Isa-isahin ang mga pangunahing kaisipan na matatagpuan dito.

Unang Markahan| 26
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-Ic-d-64)


 Nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-Ic-d-63)


 Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang
kahulugan.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-Ic-d-66)


 Naibabahagi ang sariling reaksiyon sa ilang mahahalagang ideyang
nakapaloob sa binasang akda sa pamamagitan ng brain storming.

II. PAKSA

Panitikan : Ang Alegorya ng Yungib


(Sanaysay mula sa Greece)
Mula sa Allegory of the Cave ni Plato
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpapanood ng isang videoclip.


https://youtu.be/QkuV_0EBMAE

Gabay na Tanong:

Unang Markahan| 27
Mungkahing Estratehiya: DRAWLOTS
a. Isalaysay ang nilalaman ng videong napanood.
b. Magbigay ng reaksiyon hinggil sa nilalaman ng video.
c. Sumasang-ayon ka ba sa naging opinyon ng gumawa ng video?
Ipaliwanag.

2. Presentasyon

Pagpapanood ng videoclip mula sa youtube ng aralin.


Ang Alegorya ng Yungib ni Plato
Salin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
https://youtu.be/FNuv4ah785s

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS THE BALL
a. Ibigay ang paksa ng sanaysay.
b. Ipaliwanag ang mahahalagang natutunan ng mga bilanggo mula sa
pagtingin sa liwanag na nasa labas ng yungib.
c. Bakit daw masasabing ang anino lamang ng katotohanan ang mga
imaheng makikita sa mundo? Ipaliwanag ang tunay na katotohanan.

3. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Mungkahing Estratehiya: POOL OF WORDS


Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang magkakasingkahulugan.
Pagsama-samahin sa kahon sa ibaba. Pagkatapos, pumili ng isang salita sa
pangkat at gamitin ito sa pangungusap.

ipagsanib pagbubulay-bulay pagmumuni-muni


pagninilay-nilay ipagsama ipag-ugnay
naanino nabanaagan naaninag
idugtong pagdarasal natanaw

1. ___________________________________
a.
___________________________________
b.
___________________________________
c.
2. ___________________________________
a.
___________________________________
b.
___________________________________
c.
3. ___________________________________
a.
___________________________________
b.
___________________________________
c.
Pangkat II: Mungkahing Istratehiya: BRAIN STORMING
Magbigay ng reaksiyon sa ideya ng bawat pahayag sa loob ng kahon.

Unang Markahan| 28
Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw.

Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.

Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala.

Ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang


may pagpupunyagi.

Sinuman ang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay,


kailangan ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon.

Pangkat III: Mungkahing Istratehiya: SOCIODRAMA


Magsagawa ng isang pagsasadula batay sa paksang ibinigay.

“Ang kabutihan ang siyang pangunahing pinagmumulan ng katuwiran at


katotohanan.”

Pangkat IV: Mungkahing Istratehiya: DEBATE


Magbigay ng sariling reaksiyon hinggil sa paksa.

Paksa: Sumasang-ayon ka ba sa argumentong inilatag ni Plato sa


kaniyang sanaysay tungkol sa “katotohanan” at “edukasyon”?

Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang


Hindi malinaw
ginawang ginawang ginawang Kailangan
Katamtamang ang ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/
Napakahusay pagpapaliwanagMahusay pagpapaliwanag pang
Mga Kategorya pagkakabuo ng Husay pagpapakita
Presentasyon 10-9 / pagkakabuo 8-7 ng / pagkakabuo Paghusayin
6-5 ng mensaheng
mensaheng mensaheng ng mensaheng 4-1
nais ipabatid.
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid. Lahat ng
Ang ng
Ang lahat mga May mga
Dalawa sa datosHalosinilahad
lahat ngay
datos/gawain
miyembro ng ay May pagkakaisa
Angkop ang miyembro
/gawain nang hindi miyembro
higitng
na
Kaangkupan sa
inilahad
pangkat ay ay datos /gawaing gaanong
at pagtutulungan pangkat ay hindi nangangaila-
pangkat ay
Task/Layunin
nagpapakikita
nagkakaisa at may ng inilahad.
ang bawat nagpapakita
maayos na ng ngan ng
walang
kaangkupan
respeto sa isa’t isa. . miyembro. kaangkupan.
nakikilahok sa kaangkupan
disiplina. Hindi
Kooperasyon sa gawain.
Napakaayos ng Maayos ang gawain.Maayos maayos ang
kanilang ipinakitang ipinakitang ang ipinakita presentasyon.
presentasyon dahil presentasyon ng nilang Nangangaila-
lahat ng miyembro bawat isa. presentasyon at ngan ng
ay kumikilos sa may respesto disiplina at

Unang Markahan| 29
respeto sa
bawat
isa.Kailangan
gawaing nakaatang lahat ng
sa bawat isa.
sa bawat isa. miyembro ay
nakikipagtulu-
ngan sa
gawain.
Napakamalikhain at Malikhain at
Walang buhay
napakahusay ng mahusay ang Maayos na
ang ipinakitang
Pagkamalikhain pagpapalutang sa pagpapalutang napalutang ang
pagpapalutang
/ Kasiningan nais ipabatid na sa nais ipabatid ideya na nais
ng mensahe /
mensahe/ na mensahe/ ipabatid.
ideya.
impormasyon impormasyon.
 Pagtatanghal ng pangkatang gawain
 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita ng
kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Kung ang tinutukoy na mga tao sa yungib ay ang sangkatauhan, bakit


sila tinawag na mga “bilanggo” ni Plato? Pangatuwiranan ang sagot.
2. Naging makahulugan ba ang ideyang ipinahihiwatig sa wakas ng
sanaysay? Patunayan.
3. Masasalamin ba sa binasang sanaysay ang kultura at kaugalian ng
bansang Gresya? Sa paanong paraan inilahad ito ng may-akda?
4. Anong uri ng akdang pampanitikan ang binasa? Patunayan.

 Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ang sanaysay ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan. Makikita


sa salitang “sanaysay” ang mga salitang “sanay” at “salaysay”. Kung
pagdurugtungin ang dalawa, pwedeng sabihin ang “sanaysay” ay “salaysay”
o masasabi ng isang “sanay” o eksperto sa isang paksa. Karaniwang ang
paksa ng mga sanaysay ay tungkol sa mga kaisipan na maaaring kapulutan
ng mga impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng sariling pananaw.
Nagtataglay ang sanaysay ng tatlong mahahalagang bahagi o
balangkas:

1. PANIMULA - Sa bahaging ito inilalahad ang pangunahing kaisipan o


pananaw ng may akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.
2. GITNA O KATAWAN - Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang
karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang
Unang oMarkahan|
patunayan suportahan30ang inilahad na pangunahing kaisipan.
3. WAKAS - Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang
pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at
mga katuwirang inisa-isa sa bahaging gitna.
Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o gilid ng mga gusali.
Kuntento na sila sa paghingi o pasahod-sahod ng kamay, naglilimos
sa mga nagdaraan. Pero may magagawa ka pa upang hindi sila maging
pabigat sa lipunan. Ang isang mungkahi ay ang pagbibigay ng kaalaman sa
kanila kung paano tutuklasin ang kanilang natatagong galing na maaaring
maging puhunan nila ng pagkakaroon ng munting negosyo.

Wakas
“Ang bawat tao ay may natatagong kakayahan na dapat paunlarin.”

Kaisipan - mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema

Halimbawa:

Dapat mulat ka sa nagaganap sa iyong kapaligiran.

WikaUnang
at Estilo - ang uri31
Markahan| at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay
nakaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng
simple, natural at matapat na mga pahayag.
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: JIGSAW


Sa tulong ng cue words na nasa pira-pirasong jigsaw puzzle, sagutin ang
sumusunod na katanungan.
“Paano makatutulong ang sanaysay na magkaroon ng kamalayan sa
kultura at kaugalian ng isang bansa upang makabuo ng sariling pananaw?”

Sanaysay pananaw
sariling
kaugalian

Unang Markahan| 32
kamalayan kultura

http://media.istockphoto.com/vectors/puzzle-vector-id505818690

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: LARAWAN NG PAGKATUTO

Gumupit o gumuhit ng larawan kaugnay sa isa sa mga isyung tinalakay sa


sanaysay na “Ang Alegorya ng Yungib”. Bumuo ng maikling talata na
nagpapaliwanag tungkol dito.

4. Ebalwasyon

Panuto: Tukuyin ang titik ng angkop na kasagutan sa bawat bilang.


A. Tukuyin ang salitang kasingkahulugan ng mga salitang nakahilig.
1. Hindi nilubayan ni Fermin ang kanyang kalabaw sa
paghahakot ng palay sa buong panahon ng tag-araw.
a. hinawakan c. hinampas
b. tinigilan d. pinakain

2. Isang mabuting patakaran ng mga mamamayang tunay na


nagmamahal sa bayan ang gunitain ang mabubuting binhi,
aral at simulain ng ating mga bayani.
a. pangarap c. layunin
b. kabayanihan d. katapangan
B. Bigyang reaksyon ang mga sumusunod na ideya.
3. “Ang katamaran ng mga Pilipino ay isang sakit na malubha
ngunit hindi minana.”
a. Ang katamaran ay hindi minamana ito ay kusang
dumarating
b. Ang katamaran ay nakukuha sa pag-inom ng maraming
tubig
c. Ang katamaran ng mga anak ay minana sa mga
magulang
d. Ang katamaran ng isang tao ay maaaring makahawa sa
kanyang kapwa

4. “Nilikha ang mga mamamayan hindi upang paligayahin ang


sarili, kundi upang maging kasangkapan ng pinuno sa
pagbuklod ng Estado.”
a. Tayo ay nilikha upang magsilbi sa bayan
b. Ang mga tao ay nilikha na may tungkulin sa kanyang

Unang Markahan| 33
kapwa
c. Ang mga tao ay nilikha upang maging modelo sa kanyang
kapwa
d. Tao ay nabuhay upang magsilbing daan tungo sa
tagumpay

5. “Ang katamaran ay kapatid ng kahirapan,


Ang kasipagan ay ina ng kasaganaan”
a. Matutong magsipag kung gustong guminhawa ang buhay
b. Ang katamaran ay hindi magbubunga ng kaginhawaan
c. Wala sa nabanggit
d. Parehong tama

Susi sa Pagwawasto:

1. B 2. A 3. D 4. B 5. A

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV.

Kasunduan

1. Maghanap o kumuha ng isang napapanahong isyu sa alinmang bansa


sa Mediterranean buhat sa mga balita, dokumentaryong pantelebisyon
o video sa youtube na maaaring iugnay sa mga ideyang nakapaloob sa
akda.
2. Ano-ano ang mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng sariling
pananaw? nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
3. Magbigay ng tig-iisang halimbawa ng bawat ekspresiyon.

Unang Markahan| 34
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-Ic-d-59)


 Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling
pananaw.

II. PAKSA

Wika : Mga Ekspresiyong Nagpapahayag ng Sariling


Pananaw
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
Unang Markahan| 35
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpaparinig ng isang awitin.


Edukasyon - Lamang ang may Alam
https://youtu.be/nBcWfqNHhuI

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS THE QUESTION
a. Tukuyin ang pinaksa ng awitin.
b. Batay sa narinig, isa-isahin ang kalamangan ng mga taong may sapat
na edukasyon. Patunayan.

2. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: MASINING NA PAGBASA


Babasahin ng piling mag-aaral ang akda sa natatanging paraan na
kanyang nais.
Ang Ningning at Ang Liwanag
(Mula sa Liwanag at Dilim)
Ni Emilio Jacinto
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
pahina 38

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: UR TURN
a. Ano ang pangunahing kaisipan ng binasang sanaysay?
b. Isa-isahin ang pagkakaiba ng ningning at liwanag ayon sa sanaysay.

ANALISIS

1. Tukuyin ang mga pangyayaring binanggit ng may-akda tungkol sa


kalagayang panlipunan noong panahong naisulat ito.
2. Batay sa nilalaman ng sanaysay, ano ang layunin ni Emilio Jacinto sa
pagsulat nito?
3. Suriin ang sanaysay batay sa mga tiyak na bahagi nito.
4. Isa-isahin ang mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng
pananaw.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

Unang Markahan| 36
D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

may mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at


nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw?
1. Mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw. Kabilang dito ang:
ayon/ batay/ para/ sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/
pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresiyong
ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao.

Halimbawa :
a. Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa
 Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20 : Series of 2013 ng
Commision On Higher Education na pinagtitibay ang
pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim
ng General Education Curriculum o GEC sa taong 2016.
 Batay sa Konstitusyon 1987 : Artikulo XIV, Seksyon 6 na
nagsasabing “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. 
 Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na
maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.”
 Ayon sa tauhang si Simoun sa El Fili, “Habang may sariling wika
ang isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”

b. Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng


 Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay
na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng
isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang
ekonomiya.
 Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating mga
kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay
sa kanilang kinabukasan.
 Sa tingin ng maraming guro na ang pagkatuto ng mga mag-aaral
ay hindi lamang nakasalalay sa kanilang mga kamay bagkus
dapat nakaagapay din ang mga magulang sa pagbibigay
patnubay at suporta.

c. Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip


 Pinaniniwalaan kong higit na dapat pagtuunan ng pamahalaan ang
isyu tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.
 Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan ang
DENR kaya patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.

d. Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko


 Unang Markahan|
Sa ganang akin37, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal
ang pagbabantay sa mga kabataang nasa lansangan tuwing
hatinggabi dahil sa lumalalang krimen.
 Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika
hindi tuloy malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng
bansa sa kamay ng mga politikong pinagkatiwalaang mamuno dito.

b. Samantala

 Samantala mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano


nila nais makita ang kanilang bansa sa susunod na mga taon.
Matalinong pagpapasya ang kailangan kung sino ang karapat-dapat
pagkatiwalaan ng kanilang boto.
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: QUESTION AND ANSWER


Pipili ang guro ng tatlong mag-aaral na siyang sasagot ng katanungan.

Paano mabisang magagamit ang mga ekspresiyong


nagpapahayag sa pagbibigay ng pananaw?

Unang Markahan| 38
APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: GRAPIKONG PRESENTASYON


Sa tulong ng takdang aralin na ibinigay ng guro, ang mga mag-aaral ay
magsusulat ng isang talatang obserbasyon tungkol sa isyung panlipunan na
kanilang napanood. Gamitin ang tsart sa obserbasyon. Gumamit ng mga salitang
nagpapahayag ng pananaw sa pagsulat.

Isyung Pandaigdig

Obserbasyon Pananaw/Pangangatwiran

3. Ebalwasyon

Panuto: Punan ng angkop na ekspresiyon ang bawat pahayag


upang mabuo ang konsepto ng pananaw sabawat bilang.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Sa ganang akin Batay sa Sa tingin ng

Sa palagay ng Ayon sa Pinaniniwalaan ko

1. _____ Counsels on Diet and Food ay binaggit na ang mga tinapay na


tatlong araw nang nakaimbak ay mas mabuti sa ating katawan kung
ihahambing sa bagong luto at mainit na tinapay.
2. _____ maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao sa sunud-
sunod niyang laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy pa niya ang
kaniyang karera sa pagboboksing.
3. _____ ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga proyekto ng
pamahalaan matapos mabatid ang matinding korapsyon ng mga politiko.
4. _____ Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa
mga bata ang paglalaro ng mga mararahas na internet games lalo na’t nasa
developmental stage pa lamang ang isang bata.
5. _____ mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang pinakabatang
miyembro ng komunidad sa posibleng epekto ng climate change sa

Unang Markahan| 39
sangkatauhan upang magkaroon ng kamalayan sa tamang pangangalaga
ng mundo.

Susi sa Pagwawasto

1. Batay sa 2. Sa tingin ng 3. Sa ganang akin


4. Ayon sa 5. Sa palagay ng

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX


IV.

Kasunduan

1. Sa tulong ng mga salitang naglalahad ng pananaw, bumuo ng isang


talatang obserbasyon tungkol sa nagaganap na isyu sa droga sa ating
bansa.
2. Humanda sa pagsulat ng Awtput 1.2.

Unang Markahan| 40
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F10PU-Ic-d-66)


 Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung
pandaigdig.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.2


Kagamitan : Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya: WHAT’S THE MEANING


Pagpapakita ng isang editorial cartoon.
Unang Markahan| 41
https://i.ytimg.com/vi/Fks95EX_skI/0.jpg

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: GRAB THE QUESTION AND ANSWER
a. Ano-ano ang mga napansin sa nakitang larawan?
b. Matapos makita ang larawan, ano ang pumasok sa iyong isipan?

ANALISIS

1. Anong suliraning panlipunan ang tinukoy ng larawan?


2. Sa iyong palagay, ano ang nararapat gawin ng Pilipinas sa nagaganap
na pagbabago ng klima ng ating bansa?
3. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pamahalaan upang
maipaunawa sa mga kapwa mamamayan ang suliraning ito?

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: I SHARE NA YAN!


Sagutin ang sumusunod na katanungan ayon sa kung ano natamong
kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa tinalakay.

Matapos mabatid ang kaalaman tinalakay, ano ang magagawa mo


upang makatulong sa pamahalaan na masulusyunan ang mga problemang
ito? Maaaring magbigay ng halimbawang sitwasyon.

APLIKASYON

GOAL - Nakabubuo ng isang photo essay na tumatalakay tungkol sa isang


napapanahong isyung pandaigdig.

ROLE - Isa kang journalist na tumatalakay sa mga napapanahong isyu para


sa kabatiran ng lahat.

AUDIENCE - Mga mamamayang mahilig magbasa ng pahayagan.


Unang Markahan| 42
SITUATION - Ang pahayagang Pilipinas Ngayon ay nangangailangan ng
mga mamamahayag na naglalayong ipabatid sa mga
mamamayan ang mga suliraning panlipunan na nagaganap
sa bansa sa tulong ng mga larawan.

PRODUCT - Photo Essay ng isa sa mga suliraning kinakaharap ng bansa o


ng daigdig.

STANDARD- Pamantayan sa Pagmamarka:


A. Tumatalakay sa isang isyung panlipunan
B. Lalim ng mga pananaw
C. Lohikal na pagkakaayos ng mga kaisipan
D. Kalinawan ng pagkakalahad
E. Orihinalidad

Tayain ito ayon sa sumusunod:


10 puntos - lahat ng pamantayan ay maisakatuparan
9-8 puntos - apat na pamantayan ang naisakatuparan
7-6 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan
5-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan
3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.


 Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa
pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Lumikha isang talatang repleksyon hinggil sa isang linggo


pinagtalakayan.
2. Basahin at unawain ang akdang “Ang Tusong Katiwala.”
3. Paano nakaimpluwensya ang parabula sa nakaraan at kasalukuyang
pamumuhay ng mga tao?

Unang Markahan| 43

You might also like