You are on page 1of 17

I.

PAKIKIPAG-USAP ( Mula sa Batayang Aklat )


A. Pakikipag- usap
Ang pakikipag-usap ay pagpapalitan ng kuro- kuro o opinion, ideya at damdamin
sa pamamagitan ng mga salita. Ang pakikipag-usap ay isang sining kung may
kasanayan at kaalaman sa paksa.
Kinakailangang maging kawili- wili at makanuluhan ang paksang pinag-uusapan.
Naangkop ang paksa sa kinakausap tulad ng sariling karanasan, pang- akademiko,
pagnenegosyo at iba pang bagay.

B. Mga dapat Isaalang- alang sa Mabisang Pakikipag- usap


1. Kasiya- siya ang pag- uusap kung ang dalawang panig ay kapwa may matapat
na layunin sa pag- uusap.
2. Maiiwasan ang di pagkakaunawaan sa pamamagitan ng malayang pagpapalitan
ng ideya. Humingi ng paliwanag o linawin ang sinasabi ng kausap kung
kinakailangan;
3. Ang pag- uusap ay kinakilangang kakitaan ng paggalang sa bawat isa;
4. Likas, bukal at kusang loob ang pag- uusap. Ito ay mapanlikha. Ang malayang
pag- uusap ay kinakikitaan ng bagong ideya.
5. Nakapagpapaluwag ng loob ang pakikipag- usap. Ang pagsasabi ng
katotohanan, pagtanggap ng kamalian, o problema ay nakakaalis ng dagan sa
dibdib at nawawala ng sagabal sa pakikipagtalastasan.

C. Halimbawa ng Pakikipag- usap

Jane: “Tol, may problema ako.

Claessie: Bakit ano ba yun? Naku! Kung ako ikaw gumala nalang tayo para
makalimutan ang problema mo.

Jane: Pwede ba! Seryoso ito. Kasi problema ko yung isang subject ko,
bumagsak ako last sem pero di alam sa bahay naming kasi natatakot
ako. Sobrang taas ng expectations nila sa akin.

Claessie: Di ka naman nag- iisa, alam mo bang yan din ang problema ko! Di ko
lang masabing nahihirapan na rin ako. Pero sinusubukan ko naming
makabawi, siguro saka ko na lang iisipin kung paano ko sasabihin kay
Tatay ito.

Jane: Buti ka nga eh alam na ng Nanay mo, samantalang ako walang


nakakaalam ni isa man sa kanila pati nga sa mga kaibigan ko, di ko
nasabing irregular na ako. Sila kasi mga regular at ga-graduate na,
samantalang ako hindi.

Claessie: Kahit ganun naman ay nahihiya ako sa nanay ko. Kung naiisip ko lang,

1
naiiyak na ako kasi alam ko ginagawa ko naman yung parte ko.
Tinatanong ko nga rin minsan sarili ko kung bobo o slow lang talaga
ako.

Jane: Oo nga eh, naiiyak lang din ako sa tuwing naiisip ko nga iyan. Ewan
ko nga ba ano nangyayari sa ‘kin. Pressured na ako. Di ko na alam
gagawin oras na malaman ng mga magulang ko na ‘di ako ga
graduate sa saktong taon ng
kurso ko.

Claessie: Siguro naman ay maiintindihan din nila tayo, Kasi ginagawa naman
natin yung kaya kung baga yung best kaso kinulang nga lang.

Jane: Saka ‘di banirmal lang naman kasi nasa engineering section talaga
naming mahirap yung course. Siguro nga talagang “extra miles” lang
ang kailangan natin.

Claessie: Basta isipin na lang natin ga- graduate din tayo at malalagpasan din
natin ‘to. Sabi nga ni Vincent Van Vough “What world life be if we had
no courage to attempt anything”.

2
II. PAKIKIPAG- USAP (Mula sa Aming Nakalap na Impormasyon)
A. Pakikipag- usap
Ang pakikipag- usap ay pagbubuo sa isipan ng tatanggap ng mensahe ng isang
ideya o larawang katulad ng nasa isip ng nagpapadala ng mensahe. Sa ganitong
sitwasyon, ang dalawang panig ay mababahagian ng kanilang ideya sa paraang
kasangkot ang pagsasalita, pakikinig, pag-unawa, pagbasa at pagsulat. Masasabi ring
ito ay isang sining at paraan ng paghahatid o paglilipat ng impormasyon, ideya at
kaalaman ng isang tao sa kanyang kapwa.

Ayon kay Merriam-Webster-Sa kabuuan ang komunikasyon ay isang paraan ng


paghahatid ay pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng
magkakambal na proseso ng pagsasalita, 

B. Sining ng Pakikipag-usap
Sining ay ang pagsasagawa ng maayos na gawain.kaya, ang pakikipag-usap ay
itinuturing na isang sining, sa kadahilanan, ang pagkikipag-usap ng isang tao ay dapat
na madaling maunawaan at nakapagbibigay din ng aral.Samakatuwid, dapat ang
pagsasagawa gaya ng pakikipag-usap ay kailangang maayos, mayroong buhay at hindi
nakakabagot sa pandinig ng kausap.

Natural lang naman sa isang tao ang pakikipag-usap,dahil isa ito sa


kasangkapan sa mabisang pagsasalita.Ang pakikipag-usap ay magagamit sa ibat-ibang
layunin. Magagamit ito sa iyong pagtatalumpati, pagdedebate, pagbibigay ng
pahayag,saloobin damdamin,at instrumento din sa matagumpay na pagtuturo upang
malaman ang mga kamalian at wastong pananalita.

C. Mga Kasanayan sa Pakikipag- usap

 Mahalaga sa pagbuo ng isip ng isang tao

 Susing elemento sa pagbuo ng kasanayang sosyal

 Estratehiya upang magkaroon ng kaalaman kung paano mag- isip, matuto at


magpahayag ng damdamin o emosyon

3
D. Mga Katangian ng Pakikipag- usap
 Ang pinakakaraniwang pakikipag talastasang ating ginagawa ay ang makipag-
usap. Dahil karaniwan lang, di ito bibigyan ng espesyal na atensiyon tulad ng
paghahanda sa isang talumpati o panayam.
 Sa pakikipag-usap ang nagsasalita at tagapakinig ay gumaganap ng tungkuling
magsalita at making.
eM en
R ak syo
e/
ah
n

N ag
sN aslit alit N aki in
g
k

e en
R
M ak sah
/
n
eyo

 Dahil dito mahalagang magkakilala muna ang taong mag-uusap.


 Sa mga taong di bihasa sapakikipag-usap o sa mga mahiyain at kulang sa
exsposyur, sadyang mahirap ang magbukas at magpanatili ng daloy ng usapan
 Ang retorika ay isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa
kaakit-akit and magandang pagsasalita at pagsulat.Pinag-aaralan dito ang ukol
sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag. Ito ay
sining ng pakikipag-usap at pagsulat.
 Maaring magresulta ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng nag- uusap kung di
angkop at di katanggap- tanggap o ang iyong retorika sa pagpapahayag.

E. Uri ng Pakikipag- usap


Ang pakikipag- usap ay isinasagawa natin araw-araw. Sa pamamagitan nito’y
nakapagpapaabot tayo sa iba ng mga impormasyon, kaisipan, pananaw, opinyon,
reaksyon, damdamin, at iba pa. Ang pakikipagtalastasan ay maaaring berbal o pasalita,
di berbal, at pasulat

 Berbal o salitang Pakikipag- usap


Ito ay karaniwang isinasagawa nang harapan (face to face), sa telepono, sa
pamamagitan ng makabagong teknolohiya tulad ng Facetime, Skype, at iba pa
gayundin ang pagsasalita sa media tulad ng radio o telebisyon

 Di-Berbal na Pakikipag- usap


Ito ay mga bagay na isinasagawa nating nagpapaabot ng mensahe kahit
hindi natin binibigkas tulad ng pagkumpas ng kamay, pagtango, pagngiti, pagtitig sa

4
kausap, at iba pa. naipapakita rin ang di berbal na mensahe sa pamamagitan ng
ating pananamit at pag-aayos sa sarili.

Mga Daluyan o Tsanel ng Di Berbal na Komunikasyon

1. Katawan
Nagpapahayag ng mga sagisag.
Naglalarawan, nagbibigay- diin o linaw ng isang kaisipan.
Kumokontrol sa daloy ng talastasan.
Nagpapahayag ng damdamin.
Tumutulong sa pagsasagawa ng kilos.

2. Mukha
Nagpapahayag ng mga batayang emosyon gaya ng saya, lungkot, galit,
takot, pagkabigla at iba pa. Ang ekspresyon ng mukha ay hindi unibersal at
nagbabago-bago ayon sa kultura

3. Mga Mata
Nagsisilbing tagapagdaloy ng damdamin ang mga mata. Lumilikha ito ng
ugnayan sa kapwa.
 Ang pagsulat ng komunikasyon ay kinabibilangan ng liham, e-mail,
SMS o short messaging system na lalong kilala bilang text message,
gayundin ang mga mensaheng ipinadadala natin sa pamamagitan ng
mga social networking site tulad ng Facebook, Twitter, Instagram, at
iba pa. Ang pasulat na komunikasyon ay makikita rin sa mga aklat,
magasin, diyaryo, blog, at iba pa.

F. Mga Dapat Tandaan sa Pakikipag- usap

1. Kilalanin ang kausap. Makipagkilala ng maayos upang maging maginhawa ang


pakiramdam na magiging daan sa pakikipag-kaibigan.

2. Tuklasin ang hilig o interes ng kausap upang madaling magbukas ng usapan at


maging kawili-wili ang matagal na usapan.

3. Kung di mo hilig ang hilig niya, maaring maghanap na lamang ng bagay na


pareho ninyong nais pag-usapan tulad ng pag-aaral,mga kaibigan, mga usong
laro, ang eleksiyon o kahit na baha at tag-ulan.

4. At tulad ng sa dayagram, dahil sa ang tagapag-salita ay tagapakinig din, dapat


magpakita ng ekspresyon ng kasabikan at kawilihan sa sinasabi ng bawa’t isa.
Ipakita ito sa ekspresyon ng mukha, ang pagtango, pagngiti at iba pang paraan.
Maging natural sa pakikipag-usap. Iwasan ang pagkukunwari at bumanggit
lamang ng mga katotohonan. Di kailangang magyabang sa mabuting pakikipag-
ugnayan.

5
5. Sikaping gumamit ng mga bukas nakatanungan (open ended) na hahamon
sakausap upang magpahayag

HALIMBAWA:
Sa tingin mo, madali bang tayong makakahanap ng trabaho Dahil I.T. grad tayo?

6. Sikaping mapanatili ang daloy ng usapan. Iwasan na di namakasingit ang iyong


kausap at manatiling nakikinig na lamang

7. At kung ikaw naman ang tagapakinig,unawain mo ang sinasabi ng iyong kausap


upang alam mo ang iyong isasagot o makapagtanong karin sa mga bagay na
kailangan ng paliwanag.

8. Iwasan ang pagtatalo sa pamamagitan lamang ng walang kabuluhang


pagsasalungat sa kanyang sinasabi.

9. Kung sa palagay mo ay dapat ng wakasanang pag-uusap, gawin ito sa


tamangparaan at pagkakataon

10. Magpaalam ng maayos. Ang pagkamay o marahang pagtapik sa balikat ng


kausap ay mainam na pagwawakas ng usapan

G. Mga Hindi Dapat Ugaliin sa Pakikipag- usap.

1. Ang ugaling lituhin ang kausap upang tanggapin ang puntos na nais
mong bigyang diin
Sa ganitong uri ng pakikipag-usap, ang kausap ay nakadarama ng
panliliit o kahihiyan.

2. Ang pagiging palatawa


Ang ganitong uri ng tao ay siyang-siya sa mga katatawang kanyan g
ikinukwento sa kausap kaya't wala siyang tigil sa katatawa habang nagsasalita.
Sa ganitong pangyayari, ang kausap ay nayayamot kaya't hindi na magawang
tumawa kahit na bahagyang katawa-tawa ang isinasalaysay.

3. Ang panghihiya
Hindi binibigyan ng pagkakataon ng ganitong tao ang kausap na makaalis
sa kahiya-hiyang kalagayan kung nakgawa ito ng pagkakamali. Ang munting
pagkabalisa o pagkakamali ng kausap ay agad-agad iwinawasto. Sa ganitong
pangyayari, ang pag-uusap ay nagkakaroon ng balakid at nauuwi sa pagtatalo.

4. Ang hindi pakikinig


May mga taong hindi binibigyan ng pagkakataong makapagsalita ang
kausap at siya naman ang maging tagapakinig. Mahirap linangin ang ugaling
maging mabuting tagapakinig sapagkat karamihan sa mga tao ay mahilig lamang
magsalita.

6
5.Ang ugaling ipakita ang kawalang ganang makinig sa ikinukwento ng
kausap sapagkat alam na niya ang sinasasbi nito
Kung minsan ay hinahayaan munang dumating sa kasukdulan ang
nagkukwento at dito sa bahaging ito biglang puputulin, na naglalagay sa kausap
sa kahiya-hiya at katawa-tawang kalagayan.

6. Ang pagiging atrasado sa pagbibigay kahulugan sa mga sinsasabi ng


kausap
May mga taong pagkaraan ng dalawang linggo ng pakikipag-usap ay
saka babalikan at sasabihing naunawaan na niya ang ibig sabihin ng kausap.
Magugulat pa ang pinagsabihan at pilit na gugunitain ang kanyang mga sinabi
noong nakaraang dalawang linggo.

7. Ang pagiging palapintasin


Ang ganitong uri ng tao ay hindi nagpapahalaga sa damdamin ng kausap.
Walang anuman sa kaniya kung masaktan ang damdamin ng kapwa tao. Wala
siyang pagpipigil sa pagsabi ng kanyang saloobin, sukdulang ito ay
makapagpapasama ng loob ng kausap. Pinipintasan nang harapan ang mga
bagay na may kaugnayan o kinalaman sa kausap. Maliit na maliit ang pag-asang
ang ganitong uri ng tao ay makalahok sa mabisang pakikipag-usap.

H. Kahalagahan ng Pakikipag- usap


Sa pamamagitan ng pakikipag-usap, ang isang tao’y maaaring:

1. Magkaroon ng mga kaibigan, mga kakilala


 Kung ang isang tao ay marunong o magaling makipagusap o
makisama sa mga tao, sa pamamagitan ng pakikipag-usap siya ay
nakakakilala at nagkakaroon ng mga bagong kaibigan. Ang
magandang halimbawa nito ay ang pakikipag-usap ng bata sa bata o
matanda sa matanda o guro at mag-aaral.

Halimbawa: ang isang estudyante na bagong lipat sa isang paaralan, siya


ay magkakaroon ng mga panibagong kaibigan at kakilala kung siya ay
makikipagkilala o makikipag-usap sa kaniyang mga bagong kamag-aral

2. Makipagpalitan ng kuro-kuro
 Dahil sa pakikipag-usap ang bawat isa ay nagkakaroon ng
pagkakataon na makipagpalitan ng kuro-kuro o mga sariling opinyon.
Nang dahil sa pakikipag-usap naihahayag natin ang ating mga
saloobin at mga ideya sa ating kausap. Ang magandang halimbawa
nito ay ang pakikipag-usap ng guro sa mag-aaral, matanda sa bata, o
kahit magulang sa kanyang anak.

7
Halimbawa: sa isang silid aralan, dahil sa pakikipag-usap ang mga
mag-aaral ay nagkakaroon ng pagkakataon upang makipagpalitan at
makaalam pa ng mga panibagong kaalaman.

3. Matuto ng bagong kaisipan


 Dahil sa pakikpag-usap tayo ay nagkakaroon ng pagkakataon para
matuto ng bagong kaisipan o kaalaman. Ang magandang halimbawa
nitoay ang pakikipag usap ng guro sa mag-aaral, magulang sa anak,
matanda sa bata o kahit bata sa bata.

Halimbawa: ang guro na nagtuturo sa kaniyang mga mag-aaral, dahil


sa pakikipag-usap o pakikipag-ugnayan niya ang kaniyang mga mag-
aaral ay natututo o nagkakaroon ng panibagong kaisipan at
kaalaman.

4. Makabuo ng paniniwala
 Isa din ito sa kahalagahan ng pakikipag-usap. Dahil dito, nakabuo o
nakakabuo tayo ng kanikaniyang paniniwala at pananampalataya
dahil nagkakaroon tayo ng pagkakataon na makipagusap sa ibang tao
na may ibang paniniwala kung kaya minsan napagsasamasama natin
ito at tayo ay natututo at nakakalikha na rin ng sarili nating paniniwala.

Halimbawa: ang pakikipag-usap ng mga pari o pastor sa mga


mananampalataya o nakikinig at naniniwala sa kaniya.

5. Makabuo o makasira ng mabuting pagsasamahan


 Dahil sa pakikipag-usap, minsan ay nagdudulot din ito ng hindi
pagkakaunawaan lalo na kung hindi malinaw ang pagkakabigkas o
pagkakabigay ng mga detalye kung kaya dapat tayong mag ingat sa
mga bibitawan nating mga salita dahil kung minsan ito ay nakakabuti
minsan naman ay hindi.

Halimbawa: ang isang bata ay nagkamali ng kaniyang pagbibigay ng


balita sa kaniyang isa pang kasamahan maaaring magdulot ito ng away
o masira ang kanilang samahan. Gaya rin ng sa mga matatanda nag
“chismis” ang pinaka kilala sa lahat kung kaya’t minsan sila ay nagtatalo
at nasisra ang kanilang samahan.

6. Maaari namang makayamot at makapagpagalit sa kausap


 Ito ay nangyayari kapag ang iyong pakikipagusap ay hindi
malinaw o di kaya ay may problema sa iyong pananalita, o
marahil ay may mga salita kang hindi dapat bitawan.

8
Halimbawa: ang pakikipagusap sa telepono o cellphone kung
mahina ang signal at paulit- ulit ka na sa iyong sinasabi at hindi
pa rin maintindihan ng iyong kausap kung minsan tayo ay naiinis
o nagagalit. Kung minsan naman kapag ang kausap natin ay may
diperensay sa pagsasalita, kung minsan tayo ay nagagalit kapag
hindi natin maintindihan lalo na kung pauli-ulit na ang detalye at
impormasyon.

7. Ang karanasan sa pakikipag-usap ay nakatutulong sa isang tao upang


maging matalas ang pakiramdam.

8. Nagagamit ito sa pakikisalamuha sa lipunan.

I. Mga Dapat Tandaan sa Pakikipag-usap sa Telepono

1. Huwag kalimutan ang pagbibigay-galang o pagbati. Kasunod nito ang


pagbanggit ng tanggapan o tahanan.

2. Magsalita nang malinaw, kagiliw-giliw at natural na tinig.

3. Kung ikaw ang tumatawag at naramdaman mong iniangat ang awditibo sa


kabilang dulo subalit walang nagsasalita, ikaw ang magsimulang magsalita.

4. Sakaling naroon ang iyong hinahanap at tinawag ng iyong kausap, huwag


mong kalimutang magpasalamat.

5. Matanda man o bata at maging katulong man ang kausap sa telepono ay


dapat na isaalang-alang ang kagandahang.

J. Paano mapapabuti ang kakayanan sa pakikipag- usap sa Ingles?

Humanap ng isang grupong nakatuon sa pag-uusap (conversation group) 
 Ang ibang mga lokal na grupo ay may mga impormal na klaseng nakatuon sa pa
g-uusap kung saan ang mga bagong imigrante ay nagtitipon-tipon para makapag
sanay ng kanilang Ingles. Ang mga grupong ito ay maaaring magtipon sa isang l
okal na sentrong pangkomunidad, paaralan, klase ng Ingles Bilang Ikalawang Wi
ka. Kung hindi ka makakita ng isang grupong nakatuon sa pag-uusap at may
mga kakilala kang ibang mga bagong dating na interesado, magpasimuno ka ng
isa sa iyong lokal na sentrong pangkomunidad o ahensya para sa paninirahan.

Manood ng telebisyon
 Ang panonood ng mga palabas sa telebisyon ay maaaring makatulong sa iyo na
matuto ng mga pangkaraniwang parirala at slang sa wikang Ingles. Ang mga
programang pambata na gaya ng Sesame Street ay makatutulong sa iyong

9
matuto ng mga panimulang salita sa wikang Ingles at ilan ring mga salita sa
Pranses! Ito rin ay isang magandang pagkakataon ng pagpapalipas ng
panahong de kalidad sa piling ng iyong mga anak at sabay ninyong
pagtrabahuhan ang inyong mga kakayahan sa pagsasalita ng Ingles.

Magbasa nang malakas


 Kumuha ng isang pahayagan at basahin ito nang malakas. Ito ay magbibigay sa
iyo ng pagkakataong maging kumportable sa pagsasalita habang nawiwili sa
pagbabasa ng mga balita.

K. Iba’t ibang Halimbawa ng Pakikpag- usap

Halimbawa #1

Edwin : Ina'y gusto ko pong maging sundalo kapag nakapag tapus na


ako.

Ina : Talaga anak? Tiyak na matutuwa ang Itay mo kapag nalaman


niya yan, pero bakit naman pagiging sundalo anak?

Edwin : Talaga po Inay. Sundalo po kasi gusto kong ipagtanggol ang


mga naaapi at ang bayan natin. Pangako po magsusumikap ako.

Ina : Sige anak basta't mag aaral ka ng mabuti ha? At wag kang
gagaya sa mga kaklase mong pasaway at walang pakialam sa
pag aaral.

Edwin : Opo inay, magsusumikap po ako

Ina : Sige, at kami ng Itay mo gagawin namin ang lahat para


mapagtapaus ka ng pag-aaral.Basta tandaan mo kahit anong
pasya mo basta’t makapagpapasayasayo, Susuportahan ka
namin. Halika na sa hapag at kakain na tayo.

Edwin : Si Itay po, hindi ba natin hihintayin?

Ina : Gagabihin daw ang itay mo dahil may dadaanan pa siya.

Edwin : A ganun po ba, sige po

Halimbawa # 2

Ang Dalawang Lapis

Isang hapon, dalawang lapis na kapwa nalaglag sa p.


10layground ng paaralan mula sa dalawang batang mag-aaral ang
nagkatagpo at sila ay nag-uusap.

10
Lapwan : “Hoy, laptu, kumusta ka?”

Laptu : “Mabuti, ikaw, Lapwan, kumusta ka rin?”

Lapwan :( Umiling-iling) “Hindi mabuti, kaibigan.”

Laptu : “Kung hindi mabuti, marahil ay masama. Gayon nga ba?”

Lapwan : “Oo, gayon nga.”

Laptu : “Bakit naman?”

Lapwan : “Dahil ang amo ko ay hindi mabuting amo. Mahina sa klase.


Salbaheng bata. Kung anu-anong kalokohan ang ginagawa at
ipinagagawa sa akin.”

Laptu : “Ano’ng ibig mong sabihin ng mga ‘kalokohan’? Anu-ano ba


‘yon?”

Lapwan : (Bumuntung hininga) “Napakaraming kalokohan, pero ilan


lamang angsasabihin ko sa iyo at sapat na ‘yon. Heto…
Ako’y madalas niyang isulat at ipagdrowing sa baro ng mga
kaklase niyang nakatalikod sa kanya pag hindinakatingin
si Titser. Isinusulat din niya ako at ipinangdodrowing sa dingding
ng classroom, sa desk at kung saan-saan pa. At isang araw,
nang may nakagalit siyang kaeskuwela, ay ginamit niya akong
panaksak. Isinaksak niya ako sa kanyang kaaway, at mabuti na
lamang at nakailag ito at kumaripas ng takbo.”

Laptu : “Hindi nga pala mabuti. (Umiling-iling.) Hindi nga pala mabuti.”

Lapwan : “Ikaw naman, bakit mabuti ang buhay mo?”

Laptu : “Dahil ang amo ko ay isang mabuting amo. Marunong siya at


mabait. Hindi gumagawa ng anumang kalokohan, hindi
nakikipag-away. Ako’y ginagamit niya lamang sa pagsulat sa
kanyang notebook at pad paper. Sa mga test at examination ay
ginagamit din niya ako at madalas ay 100! At sinulatan ng ‘Very
Good’ ng mga titser niya ang mga ipinagawa niya sa akin, sulat o
drowing man. Ikaw ano ang mga grades na natatamo ng iyong
amo kapag ginagamit ka niya…?”

Lapwan : “Ay naku, nakakahiya ang mga grades ng amo ko. Madalas ay
itlog o zero. Kung minsan ay hindi ako ginagamit ng amo ko
kung may test sila. Nagkukunwari lamang siyang sumulat.
Minsan nga’y nahuli siya ng titser niya at siya’y napagalitan.
Walang pag-asang makapasa ang amo ko. Mabuti pa’y
magtanim na lamang siya ng kamote!”

Laptu :( Napatawa ng Malakas) “Kawawa ka naman. Teyka, bakit nga


pala ganyan ang ayos mo? Parang nginatngat ng daga ang

11
pagkakatasa sa iyo…”

Lapwan :( Bumuntong-hininga naman) Alam mo, kaya ganito ang tasa ko


nakalimutan ng amo kong patasahan ako sa kanyang Tatay sa
bahay nila. At kanina, nang magpasulat si Titser, ay tinasahan
ako ng dali-dali ng amo ko sa pamamagitan ng kanyang mga
ngipin!”

Laptu : “Ay naku, talaga palang nakakaawa ka. Tama nga pala ang
sagot mong ‘Hindi mabuti’ nang kumustahin kita. Kung
matutulungan lamang kita… Pero, huwag kang mawawalan ng
pag-asa. Baka mapulot ka ng isang mabait at marunong na mag
aaral!”

Halimbawa # 3
Isang araw, May dalawang aplikante ang naghihintay sa kanilang interbyu
sa opisinang ina-aplayan nila.

Gio : Ipagpaumanhin mo, aplikante ka rin ba?

Marie : Ah, oo. Magpapa-interbyu ako. Ikaw rin ba?

Gio : Oo, naka-iskedyul rin ako para sa interbyu. Siya nga pala, ako si
Gio. Ikaw ,ano’ng pangalan mo?

Marie : Ikinagagalak kong makilala ka, Gio. Ako naman si Marie.

Gio :Ang ganda ng pangalan mo. May espesyal ba itong kahulugan?

Marie : Salamat. Ipinangalan ako sa lola ko. Ikaw? Hindi ka ba naiiksian


sa pangalan mo?

Gio: :Nakatatawa nga, pero tulad mo, ang pangalan ko’y pinaiksing
pangalan ng lolo ko na si Virgilio

Marie :Magandang pangalan iyon. Anong posisyon ang inaaplayan mo,


Gio?

Gio :Inaasahan kong makasama ako sa service crew. Kailangan ko


talaga ang
trabahong ito. Ikaw? Anong posisyon ang inaaplayan mo?

Marie :Nag-aplay ako bilang dietician. Gaya mo, inaasahan ko ring


matanggap ako.
Katatapos ko lang sa kolehiyo, at pag natanggap ako, ito ang
magiging una kong trabaho. Ikaw, ano ang gawain mo?

12
Gio :Estudyante pa lang ako. Kumukuha ako ng kursong “Hotel and
Restaurant
Management.” Sa trabahong ito, magkakaroon ako ng
karanasang kailangan ko.

Marie :Tama ka. Sana maging mapalad tayo at pareho tayong


matanggap sa trabaho.
Pagbutihan mo sa interbyu, Gio!

Gio :Ikaw rin, Marie!

Halimbawa #4
Isang araw, may magkaibigang nagkasalubong sa daan:
 Del : Jim! 

Jim  : Oy Del ikaw pala!
 
Del  : Magandang Umaga, Jim 

Jim  : Magandang Umaga din,Del. 

Del  : Kamusta kana? Matagal-tagal narin tayong di nag-kikita.

 Jim : Oo nga, Ito mabuti. Ikaw? 

Del : Mabuti rin naman. Alam mo nagkita kami ni Red nung isang linggo, 
balita ko magiisang taon na kayo ah at mukhang kilig na kilig sya ng 
mabanggit ko ang pangalan mo

Jim : Oo. Nagbibigay kasi kaming dalawa ng oras para sa isa’t- isa para hindi
magaya sa iba dyan na nauuwi sa hiwalayan ang relasyon.

Del : Ganun na? Nakakatuwa naman kayong dalawa. Sana magtagal pa ang
relasyon ninyo ni Red

Jim : Salamat Del.

 Del : Wala yun. Paano bay an una na ‘ko. May Pupuntahan pa kasi ako

Jim : Sige, mag ingat ka . 

13
Halimbawa #5

Unang pasok pa lamang ng klase, nakita ni John si Rou sa isang upuan


sa likod ng kanilang silid aralan.

John : Hi!

Rou : Hi!

John : Kumusta ang unang araw mo dito?

Rou : Ayos lang, sayo?

John : Ayos Lang din

Pumasok na ang kanilang guro. Nagpakilala sila isa isa. Pagkatapos ng


kaunting kwentuhan ay pinalabas na sila ng kanilang guro. Pinuntahan ni Rou si
John para makisabay na lumakad papunta sa susunod na klase.

John : O, gusto mong sumabay?

Rou : Oo

John : Marami ka na bang nakilala?

Rou : Medyo, Eh ikaw?

John : Marami na. Ang babait naman kasi nila. Mahiyain ka nu?

Rou : Sinabi mo pa

John : Masanay ka na. Tatagal ka naman dito eh

Rou : Ewan ko lang kung tatagal ako dito

John : O, Bakit naman?

Rou : Baka kasi kami lilipat kami ng bahay sa susunod na buwan.

John : Naku sayang naman. Gusto sana kitang imbitahin sa aking


kaarawan sa susunod na buwan

Rou : Ah ganun ba? Sige susubukan ko.

Matapos ang usapan ay nagtungo na sila sa kanilang klase. At pagkatapos ng


klase ay naghiwalay na ang kanilang landas.

14
Halimbawa # 6
Isa Sa Isanlibo

MGA TAUHAN
Belen, 12
Mang Pulong, amang magsasaka
Mang Karyas, katiwala sa asyenda

Tagpuan: sa barung-barong nina Mang Pulong.

Belen : Itay, matagal na pala akong hindi napupunta sa malaking bahay


magmula ng mamatay si Don Serapio.

Pulong : May kapalit na raw siya...

Belen : Si Mang Karyas ... taga- Pinambaran.

Pulong : (mapapabuntunghininga) delikado na naman tayo.

Belen : Bakit, Itay?

Pulong : Bagong pakikisama na naman ang gagawin natin para hindi tayo
mapalayas dito.

Belen : Kung sakali Itay, saan tayo lilipat? Mahigpit na rin ang Alkalde.
Lahat ng iskwater ay pinalalayas na.

Pulong : Bahala na.

(siyang pagdating ni Mang Karya. Makikita ito ni Mang Pulong)

Pulong : Sino’ng . . . ?

Belen : Itay, sila ang bagong katiwala rito sa atin.

Karyas : Mang Karyas po. Kamusta po kayo?

Belen : Siya po ang Itay ko Mang Karyas . . .

Karyas : Mang . . .?

Belen : Apolonio po.

Pulong : Ano nag dala ninyo? Utos ng hukuman na magpapalayas sa


amin?

Belen : Itay . . .!

15
Pulong : (hihilahin ang kaniyang anak sa kaniyang tabi). Tumahimik ka.
(‘kay Mang Karyas). Hindi ako titinag sa kinatatayuan ko, utos ng
Korte Suprema, Amerika o Malakanyang. Kahit na sinong Pilato.

Karyas : Pero Mang Pulong . . .

Pulong : Bilang isang nilalang, may karapatan ako sa kapirasong lupa sa


mundong ito.

Karyas : Wala akong balak na palayasin kayo rito. Mang Pulong . . .

Pulong : (marahan) kung gayon, bakit ka na rito?.

Karyas : Para makita aang pagamutang di tapos. At dahil sa matinding init


ng araw, upang makalilim sa inyo, kung inyong mamarapatin.

Belen : A . . . e . . . tuloy po kayo, Mang Karyas.

Karyas : (magpapaypay ng balanggot). At makahingi sana ng kaunting


maiinom. (aalis si Belen para kumuha ng inumin).

Pulong : Kunin mo rin ang aking . . . lambanog.

Belen : (pagkabigay ng mga inumin). Diyan muna po kayo’t mayroon pa


akong gagawin.

Karyas : Salamat, Belen (kay Mang Pulong) alam ko hong hindi ako
magtatagal rito. Ngunit sa panahong narito ako’y ipinangangako
kong tatapusin ko ang pagamutang iyan.

Pulong : (habang umiinom). Wala hong pag-asa ang pook na ito. At iya’y
alam
ng yumaong si Don Serapio. Wala siyang naipatayo kundi
pundasiyon at iya’y wala ring bisa sa ngayon. Bakit? Sapagkat
tinalikdan siya ng mga tao. At siya’y namatay hindi dahil sa
altapresyon, kundi dahil sa kaniyangpagkabigo.

Karyas : Hmmm...
Pulong : Nabulag ang mga taga rito sa salapi. Walang ginawa sa
Maghapon kundi ang magsugal, mangamkam ng lupa. Kapag
nakapagipon sila,ililipat sa mararangyang subdibisyon o
maglalakbay sa ibang bansa.

Kayas : Hmmm...

Pulong : Walang asenso ang pook na ito. Magbalik kayo rito makalipas ang
sampung taon, ganyan pa rin ang matatagpuan ninyo.
Karyas : Wala ho tayong dapat pag-usapan sa bagay na iyan. Ang

16
kailangan ko’y tilong ninyo, kasama ang mga tagarito.

Pulong : Alam ba ninyo na sa pagtulong ko riyan, sarili konag aking


niloloko?

Karyas : Paano ho?

Pulong : Kapag natapos na iyan, ano ang mangyayari sa amin ni


Belen?palalayasin kami rito pagka’t nakasisra ang aming barung
Barong ganda ng tanawin.

Karyas : (matitigilan). Matagal pa naman iyon.

Pulong : Kung gayon, balak nga ninyong kami’y palayasin dito.

Karyas : Wala ho akong balak na ganyan. At sa halip, iniisip kong


Ipagpatayo kayo ng isang matitirahan ninyo, dito rin.

Pulong : Ayaw ko ng awa at limos.

Karyas : Mang Pulong, kayo sana ang gagawin kong katiwala ng


Pagamutan. Magkakaroon kayo ng suweldo.

Pulong : Ayaw ko sabi ng awa at limos.

Karyas : Ito’y hindi awa o limos. Ito’y ganting tulong sa maibibigay ninyong
tulong sa pagamutan. Kung ayaw ninyo para sa inyong sarili, gawin
ninyo para kay Belen. Kayo’y matanda na. Di na kayo gaanong
magtatagal. Si Belen ay nagdadalaga na . kapag wala na kayo, paano
siya? Magiging palaboy! Palakad-lakad? Walang sariling tirahan?
Walang tiyak na kinabukasan? At siya’y babae. Ang nais ko’y malapit
siya sa pagamutan, sa mga taong lilingap sa kaniya
at magmamalasakit.( tatango na lamang si Mang Pulong. Maluha-luha
ang kaniyang mag mata.

17

You might also like